Kinahapunan,
Nagising na sila Kelly at Jacob "Eh? Asa kwarto na ko?"
"Aba, at dine na din pala nila pinatulog si Siopao sa kwarto ko. Sandali lang ilang araw lang kami sa Batangas pero bakit parang naging higanteng siopao na muka nireng batang ito?"
Pinindot pindot ni Kelly ang pisnge ng kaniyang pamangkin "Mmmm....tita Kelly?"
"Oh? Sowie nagising ba kita?"
"Ahm...opo?"
"Ahahaha...Ang taba kasi lalo ng pisnge mukhang nag enjoy sila tiya Vina na pakainin ka ng pakainin eh."
"Ah? Opo nga feeling ko nga po bloated ako eh."
"Eh? Alam mo yun? Napaka talino mo talagang bata ka."
"Syempre naman po bloated laang po eh."
"Well, halika gusto mo mag bike?"
"Bike? Meron po ba tayo dine?"
"Oo meron ako sa likod kaso wala ka palang bike."
"Ah? Meron po andun samin."
"Oh? Marunong ka?"
"Opo tinuruan ako ni Uncle Renzo."
"Ohhh...I see ano bike tayo? Mukhang maaga pa naman bago lumubog ang araw ikot lang tayo dine sa subdivision."
"Sige po tita uuwi lang po ako samin para kuhanin ang bike ko."
"Sige pero sasamahan na kita."
"Um...sige po tara na? Paalam tayo kila daddy."
"Ha? Hindi tatakas tayo."
"Po? Pero..."
"Ayos lang yan mukhang tulog din naman ang mga yun pagod sa biyahe kanina kaya tara na dahan dahan tayong bababa ng hagdan."
"Pe---pero tiya Kelly."
"Ayos lang yan wag kang mag alala akong bahala."
Pabulong bulong naman si Jacob "Siya daw bahala pero ako ang kawawa mamaya. Sigh...ang hirap talagang maging matanda sana di na ko tumanda."
"Ano yun? May sinasabi ka?"
"Ah? Wa---wala po tita."
"Siya kung ganoon halika na."
"O---opo."
At dahang dahan ngang lumbas ng kwarto yung dalawa "Shhh...wag kang maingay ha? Dahan dahan tayong bababa."
"Opo."
"Okay sundan mo lang ako ha?"
"Um..."
At pagka baba nung dalawa wala ngang tao kaya nag punta muna sila sa kusina para kumuha ng tubig nila. "Oh, hawakan mo muna ang tubig natin baby kukuha lang ako ng biscuit para di ka magutom."
"Ako po talaga?"
"Oo naman baka mamayat ka eh."
"Tita Kelly naman kaya nga tayo mag ba-bike eh para mabawasan ako ng timbang."
"Eh ayaw mo talaga? May cup cakes pa naman sa ref."
"Ho? Sige po bukas nalang ako mag da-diet."
"Tsss...Silly sige na kukunin ko na kukuha lang ako ng maliit na eco bag para dun natin ilalagay."
"Um...sige po."
Makalipas ang ilang minuto,
"Okay, kaya mo talagang mag bike ha."
"Opo tita."
"Sige, una ka at susunod ako."
"Opo."
At nag simula na nga yung dalawa mag bike "Aba, mukhang magaling ka na nga mag bike Siopao."
"Opo tita pero ang liit na po ng bike ko ata para sakin."
"Oo nga eh parang konting gulong nalang yan eh flat na sayo!"
"Tita Kelly naman!"
"Ahahaha...hayaan mo papabili tayo kay daddy mo ng malaki gulong para naman di nakakaawa yang bike mong yan."
"Tita Kelly!!!!"
"Ahahahaha...ikaw naman di ka mabiro sige lang patuloy lang sa pag ba-bike hihinto tayo sa may Chapel dine sa subdivision."
"Eh? Yung maliit na church po yun di ba?"
"Um...yun nga diretso lang at malapit na tayo."
"Opo sige po."
Samantala,
"Ding...dong..."
Natutulog sila Keith ng biglang naalimpungatan si Faith sa tunog ng doorbell "Babe, mukhang may tao."
"Mmm? Hayaan mo na andun naman sa baba si kuya Kian sigurado."
"Ha? Pero hindi ba at umalis sila ni kuya Kim."
"Ah? San pumunta?"
"May kailangan daw silang asikasuhin eh di ko alam."
"Ahhh...oo nga pala bayaran ngayon ng buwis ng lupa at bahay."
"Ding...dong..."
"Mukhang tulog na tulog rin si Kevin wala pang nag bubukas ng pinto sige dine ka muna wag kang bumaba."
"Um...sige."
"Wag kang baba ng wala kang kasama ha? Delikado ang hagdan buntis ka wag mong kakalimutan."
"Oo na lumakad ka na at buksan ang pintuan."
"Um...baba muna ko."
"Yah..."
At bumaba nga si Keith at pinagbuksan yung nag doorbell "Ano po ang kailangan nila?"
"Flowers and chocolates po for Kelly Ann Marie Dela Cruz andiyan po ba sya?" Sabi nung delivery boy.
"Kuya niya ako pero para kanino galing ang mga iyan?"
"Ahm...eto po oh." Ibinigay nung delivery boy kay Keith yung card at nabasa nitong galing kay Miggy yung mga yon.
"Kay Miggy?"
"Paki pirmahan nalang po ito."
"Ah? Oo sige."
At pag ka pirma niya umalis na rin yung delivery boy "Sandali nga, lintek na Miggy yan sinong may sabing pwede ng ligawan ang baby girl naming si Kelly?"
"Humanda siya!"
Pumasok siya ka agad at itinapon yung bouquet of flowers at chocolates sa sofa nila at galit na galit umakyat at nag tungo ka agad sa kwarto ni Kevin "Knock...knock..."
"Kevin!!!! Gumising ka diyan!"
"Mmm?? Bakit?"
Binuksan naman ni Kevin ka agad ang pintuan ng kwarto niya "Ano yun kuya? Bakit ga nang gigising ka diyan?"
"Si Miggy!"
"Ano? Sinong Miggy?"
"Si Miggy!!!! Nag padala ng mga bulaklak at tsokolate kay Kelly!"
"Ha? Yung tumawag kay Kelly kanina? Si Miguel?"
"Oo yun nga!"
"Babe? Anong nangyayare?" Ang bungad ni Faith.
"Dyan ka muna may gagawin lang kami."
"Ha? Ano yun?"
"Diyan ka na muna sa kwarto natin."
"Pero bakit nga?"
"Basta mamaya ko na ipapaliwanag. Kevin, tara na."
"Um..."
At nag tungo nga yung dalawa sa kwarto ni Kelly "Knock...knock..."
"Kelly! Buksan mo ang pinto mga kuya mo ito." Ang sabi ni Keith.
"Kelly!!! Bubuksan mo ba ang pintuan o sisirain namin ito?" Ang sabi ni Kevin at nung pag ka hawak niya ng doorknob "Eh?"
"Bakit?
"Bukas naman pala eh."
"Ahhh...bukas ba? May pag katok pa tayo dine tara bilis"
"Okay."
At nagulat silang pag pasok nila wala si Kelly sa kwarto nito "Eh? Nasan ang tao dine?" Anila.
"Hindi ba dito natin siya inihatid kanina? Nung dumating tayo galing sa Batangas?"
"Oo kuya pati nga si Jacob di ba? Sumakit pa nga kamo ang likod mo."
Bineltuan siya ni Keith "Wag mo ng paalala kung ayaw mong mabalian diyan ng wala sa oras."
Pabulong bulong naman si Kevin "Tsss...sanay daw mag buhat ng mga barbell pero nung binuhat si Jacob manyamo pasan ang buong mundo."
"May sinasabi ka?"
"Ha? Wa---wala baka ka ko nasa cr sandali titignan ko."
Pero wala rin sa c.r si Kelly "Wala rin siya dito kuya."
"Tsk...ba'y nasan yon?"
"Hindi ko rin alam."
Sa magkaparehong oras,
Nakaupo at nag papahinga na yung dalawang mag tita sa harapan ng Chapel "Sigh...nakakapagod po pala tita."
"Hahaha...napagaod ka na agad?"
"Syempre naman po mas mataba naman ako sa inyo eh."
"Di naman parang mag kasing timbang naman tayo eh."
"Luh? Di po kaya mas mabigat ako sa inyo."
"Hindi maliit ka kasi matangkad ako eh kaya baka parehas lang."
"Parang hindi naman po."
"Anyways, gusto mo ng kumain ng cupcakes?"
"Um.."
"Sus...kiss mo muna si Tita..."
"Abuso na kayo tita."
"Ano?" Kiniliti niya si Jacob "Ahhhh...tita Kelly."
"Ahahaha...ang cute cute mo talagang bata ka."
"Since birth naman po."
"Ahahaha...isa ka ngang Dela Cruz."
"Opo naman akina po yang cupcakes ko."
Pinisil muna ni Kelly yung pisnge ni Jacob bago niya ibinigay yung cupcakes "Aw...tita talaga ng gigil na naman kayo."
"Oo kakagigil nga yang pisnge mong yan pag ako nag ka anak balang araw papatabain ko rin."
"Pero tita bata ka pa lagot ka kila daddy pag narinig ka nila na nag sasalita ka ng ganyan."
"Aba, at mukhang well informed ka ah."
"Hehehe...syempre po I'm here din to protect you kaya wag muna kayo mag aasawa."
Pinisil uli ni Kelly ang pisnge ni Jacob "Ang kulit mo din talaga manang mana ka sa pag mamanahan mo."
"Sa inyo po?"
"Well, siguro? Ahahahaha..."
"Tita, pwede mag tanong?"
"Um...kahit ano basta wag lang math ha? Ahahaha..."
"Hehe...sige po baka mas magaling pa ko sa inyo nga eh. Joke.."
"Aba't na sagot ka na ha?! Bad yan."
"Sowie naman po."
"Hahaha...joke lang sige na ano ang tanong mo?"
"Ano pong meron sa inyo ni tito Patrick?"
"Ha?"