Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 128 - Kabanata 128

Chapter 128 - Kabanata 128

Kinabukasan,

Nag paalam na sila Kelly sa kanilang kamag anak sa Batangas "Bye lolo, lola ingat kayo po parati dine." Ang sabi ni Kian.

"Ay oo kayo eh mag iingat din doon sa Manila mga apo ingatan niyo ang isa't isa doon lalo na yang kapatid niyong si Kelly."

"Opo lo, ingatan niyo rin po ang sarili niyo dine wag kayong pasaway kila Tiya Vina at tiyo Inoy kayu'y laging iinom ng gamot na inyong maintenance."

Nakayakap naman si Kelly sa lola niya "Oh, sya kayu'y lumakad na at baka tanghaliin pa kayo sa inyong biyahe." Ang sabi ni Inoy.

"Sige po ingat ho kayong lahat dine. Kelly, halika na bitawan mo na si Lola."

"Ehhh...mamaya na."

"Ano? Tatanghaliin na tayo may gagawin pa kaming mga kuya mo absent kami ngayong araw."

"Pero kuya..."

"Kian, sige na sumakay na kayo sa van ako ng bahala dine kay Kelly."

"Sige po la."

At nag mano na nga sila Kian sa mga kamag anak nila at sumakay sa van "Bunso, ika'y umayos aalis na kayo nila kuya mo kaya ika'y kumilos na inaantok ka pa ano?"

"Opo La."

"Ay sabi na eh matulog ka nalaang sa biyahe ng ika'y makabawi ng tulog."

"Um...sige po pero mamimiss ko kayo nila lolo eh."

"Ay kami rin naman kayo'y mamimiss rin namin tumawag nalaang kayo parati yung sa telepono na nakikita yung isa't isa."

"Ahhh...videocall po? Sige po pagawa kayo kay tiya Vina ng fb para maka pag chat at video call tayo."

"Ay, susubukan ko alam mo namang malabo na ang mata ni lola mo."

"Hehehe...opo nga pala papabilhan ko kayo ng bagong salamin kila kuya pati si lolo."

"Hindi na kailangan kaya naman naming bumili dine wag niyo kaming alalahainin dine alalahanin niyo ang sarili niyo malayo kayo sa amin delikado ang Manila kaya kayo ay mag iingat."

"Hehe...lola naman maka delikado wagas okay po sa Manila well, mas okay po dine kasi fresh ang lahat pagkain, hangin at fresh din ang mga feslalu."

"Ano? Fes? Ano yon?"

"Hahahaha...face po yun ibigsabhin mukha. Lola talaga minsan nga tuturuan ko kayo ng salitang millennials."

"Ay sya sige pero ika'y sumakay na ng van baka ika'y maiwanan na ng mga kuya mo."

Niyakap naman ni Kelly ang lola niya at sinabing "Mamimiss ko kayo La, uuwi nalang po kami dine sa bakasyon okay?"

"Um...sige na lumakad na kayo."

"Lakad? Lola, sasakay kami ang layo ng Manila sa Batangas tapos lakad? Ayoko pang hikain La."

"Tung batang ire talaga sige na sumakay ka na."

"Sige po." At nag mano na siya sa lola at sa lolo niya at sa iba nilang kamag anak at nag paaalam "Bye Lola, bye lolo, tiya, tiyo mga kawsin." Dagdag pa niya habang naka dungaw sa bintana ng van.

"Baby princess!!! Yung sinabi ko sayo ha? Ikaw yung flower girl ko." Ang sabi ni Joshua.

"Heh! Hindi na ko bata! At ayoko mag gown."

"Pero!!! Sige na para naman sa kawsin mong pogi."

"HEH! Ang tugon ng lahat.

"Okay, kalma mga kamag anak ko ba talaga kayo?"

At iniwanan na siya ng mga ito umalis na rin naman yung van nila Kelly "Hey!!!! Wag niyo naman akong iwan Mommy!!!! Pati ba naman ikaw???"

"Tantanan mo ko wala akong anak na mas makapal pa ang balat sa kabayo." Ang sabi ni Vina.

"Mommy!!!!"

Samantala,

Habang nasa biyahe sila Patrick at Dave kasabay din nila sila Harvey at Mimay "Ang bilis ng weekend uwian na agad." Ang sabi ni Mimay.

"Oo nga eh. Sigh..." Anila.

"Teka lang bakit hindi sumabay satin si Vince ngayon?" Ang sabi ni Harvey.

"Ahhh...sa mama at papa nalang daw niya siya sasabay eh alam naman na daw naman natin ang ruta pa uwi." Ang sabi ni Dave.

"Ohhh...I see."

"Hoy Patrick!" Ang sabi ni Mimay

"Um? Maka hoy wagas ah."

"Hindi mo pa kasi sinasagot kung anong nangyare sa inyo ni Kelly at Miggy kagabi."

"Ah? Meron ba?"

"Ano? Baliw ka ba? O nahipan na ng malakas na hangin sa Batangas ayang utak mo? Pangiti ngiti ka pa nga diyang parang baliw eh tapos sasabihin mo kung "Meron ba?" gusto mong masapak?"

"Manang mana ka din talaga Mims sa pag ka brutal ng bff mong si Kelly." Ang sabi ni Harvey.

"Ba, hinde sya ang mana sa sakin baby girl ko sya eh."

"Pero wala namang nangyaring kung ano samin kagabi." Ang sabi ni Patrick.

"Nangyare???" Ang sabi ni Dave.

Bineltukan naman siya ni Patrick "Nagiging green minded ka na namang lintek ka!"

"Hayaan mo akong bahala." Ang sabi ni Mimay at sinabunutan si Dave.

"Aray...yung buhok ko naman Mims ayoko pang makalbo."

"Kung ayaw mo itigil mo yang mga kung ano anong inisiip mo."

"Ahhh...oo aray bitaw na Mims masakit na yung anit ko."

"Okay, that's good."

"Pero bakit umalis naman ka agad si Miggy na parang galit ka gabi ha pre?" Ang sabi ni Harvey.

"Oo nga napansin ko rin yun parang sasabog na bulkan eh ang pula ng mukha niya."

"Ahhh...panu'y na busted siya ni Kelly."

"BUSTED???" Anila.

"Sandale dude busted? Yung Miggy na yun? Bakit nanliligaw ba siya kay Master?"

"Aba, umaandar naman pala yang kakapiranggot mong utak dude."

"Heh! I mean bakit mo na sabing busted si Miggy kay Master?"

"Oo nga may point si Dave." Ang sabi nila Mimay at Harvey.

"Ahhh...kasi ano pinakita ni Kelly na ako ang pinipili niya."

"ANO?" Anila.

"What do you mean? Na ikaw ang pinipili?" Ang sabi ni Mimay.

"Ah...yun ba? Ayokong sakin manggaling yun." Ang pangiti ngiting sabi ni Patrick.

Bumulong naman si Mimay dun sa dalawa "Ano bang nangyayare sa kaibigan nating yan? Ngumingiti nalanag bigla."

"Oo nga eh di ko nga rin alam di kaya nababaliw na siya?" Ang sabi ni Dave.

"Pero kung nababaliw na siya ano ka pa?" Ang sabi ni Mimay.

"Mims naman!!!"

"Tumahimik nga kayo mabuti pa Mimay chat mo si Kelly makibalita ka." Ang sabi ni Harvey.

"Ba'y oo nga noh sandali nga at ating i-chat si baby girl."

"Um..." Ang reaksyon nung dalawa.

Sa mag kaparehong oras,

Sa sinasakyan naman nila Vince "Vincey, bakit pala di ka sumabay dun sa mga kaklase mo?" Ang sabi ni Alice.

"Wala lang kaya na nila yun kabisado na naman na nila ang daan andun naman din sila Mimay at Harvey eh."

"Ahh...sabagay asan nga pala yung si Aliyah?"

"Ba'y oo nga toto da't eh isama mo siya satin." Ang sabi naman ni Elmer.

"Tama ang kuya mo toto para naman makilatis." Ang sabi niman ng tatay nila si Jules.

"Pero Pa, kuya liligawan palang naman ni Vincey si Aliyah kaya para namang ang aga atang papuntahin sa babay natin di ba dapat siya muna ang pumunta doon sa bahay ng babae?" Ang sabi ni Alice.

"Tama si Alice wag kayong mag madali diyang mag ama kailangan si Vince muna ang pumunta sa bahay nila Aliyah para pormal na manligaw." Ang sabi ng nanay nilang si Ada.

"What do you think baby bro?" Ang sabi ni Alice at pag lingon niya tulog na pala si Vince.

"Ay si'ya! Mukhang tinulugan pala tayo ng ating Mr. Lover boy."

"Sigh...para talaga rin siyang si Kelly." Anila

Makalipas ang ilang oras,

"Sigh...nakarating rin." Ang sabi ni Keith.

"Kelly, ikaw na mag baba ng mga gamit mo ha? May ibaba pa kami." Ang sabi ni Kian.

"Ah...eh...kuya tulog si Kelly at Jacob sa likod." Ang sabi ni Faith.

"Ha?" Napatingin naman sila Kian.

"Sigh...mag tita nga sila napaka antukin ako ng bahala dine kay Kelly kaso si Jacob parang nadagdagan na naman ang timbang ang daming pinapakain sa kaniya nila Tiya Vina at lola ay hindi ko makakayang mag isa yan." Ang sabi ni Kevin.

"Ahahaha....oo nga wiling wili ba naman ang mga tiya sa batang Siopao na iyan." Ang sabi ni Kim

"Sige ako na mukhang wala pa namang isang kabang bigas ang timbang niyang si Siopao." Ang sabi ni Keith.

"Sigurado kang kaya mo?" Ang sabi ni Kian.

"Oo naman ang lalaking barbell ang binubuhat ko eh sisiw yang taba ni Siopao."

"Pero babe sigurado ka? Baka yung likod mo."

"Ayos lang di pa naman ako tanders gaya nila kuya Kian at kuya Kim."

"ANO? MAY SINASABI KA KEITHANIEL???" Anila Kian at Kim.

"Ha---ha---ha...wala kayo naman masyadong nag papaniwala sakin."

Habang inaayos naman na ni Kevin si Kelly biglang may tumunog na cp "Ring...Ring..."

"Ate Faith cp ata yun ni Kellang pwede paki tignan?" Ang sabi ni Kevin.

"Ah? Oo sige sandale."

At kinuha naman ni Faith yung cp ni Kelly sa bag " May natawag sa kaniya."

"Sino?"

"Miggy'ng buset ang nakalagay sa contact eh. Kilala niyo?"

"Miggy?" Anila.

"Ahhh...si Miguel." Ang sabi ni Kevin.

"Miguel De Villa?" Anila.

"Sino yun?" Ang sabi ni Faith.

"Siya yung kabigan nila Kelly at Vince na umalis ng Batangas isa kasing pulis rin ang tatay nun kasamahan ni daddy pero na destino sa Cebu. Yun yung Miguel di ba mga bro?" Ang sabi ni Keith.

"Oo siya nga! Siya rin yung unang nag tangkang manligaw kay Kelly!"

"Really? Pinayagan niyo?"

"Syempre hinde!"

Related Books

Popular novel hashtag