Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 87 - Kabanata 87

Chapter 87 - Kabanata 87

Kinahapunan,

"Bye daddy uuwi na kami." Anila Kian maliban kay Kelly.

Kian: Naayos niyo na bang lahat?

Kevin: Oo kuya nasa sasakyan na ang gamit.

Kim: Kelly, ano pang ginagawa mo?

Nakaupo si Kelly at nililinis ang puntod ng daddy nila "Hayaan niyo na muna sige na mauna na kayo." Ang sabi ni Kian.

"Sige." Anila.

At nauna na nga sila Kevin sa sasakyan "Baby, ikaw ng bahala kay tita mo intayin nalang namin kayo sa labas." Ang sabi ni Kian na pa bulong kay Jacob.

Jacob: Opo daddy.

Kian: Sige uuna na ko.

Jacob: Um...

Habang nililinis ni Kelly yung punto ng daddy niya lumapit si Jacob sa kaniya "Tita Kelly.."

Kelly: Baby, alam mo ba nung bata ako idol na idol ko si daddy.

Jacob: Isa po siyang pulis di ba?

Kelly: Oo, yun nga rin sana ang gusto kong maging nung bata pa ko.

Jacob: Bakit hindi nyo po tinuloy?

Kelly: Ayaw kasi nila kuya at ni Mama eh.

Jacob: Ohh...kasi po baka mapahamak kayo nag-aalala lang po siguro sila.

Kelly: Alam mo nung buhay pa si daddy lagi kong sinasabi na magiging police rin ako paglaki ko kaso nung nawala si daddy di na rin natupad ang pangarap ko.

Jacob: Tita Kelly...

Kelly: Miss na miss ko na siya.

Napaiyak si Kelly at niyakap naman siya ni Jacob "Hehe...ang drama ni tita Kelly noh?"

Jacob: Ayos lang po yun umiyak kayo gang gusto niyo.

Kelly: Sigh...sabi ko di na ko iiyak eh pero pag may mga ganireng okasyon talaga lalo't birthday niya di ko nalang mapigilang mag senti.

Jacob:Iiyak niyo lang po yan tita masama ang nagkikimkim ng lungkot sa dibdib sige kayo wala pa naman kayo nun.

Pinisil ni Kelly ang pisnge ni Jacob "Haha...Lintek na ito! Sinong naturo niyan sayo? Ha?"

Jacob: Wala po pinapatawa ko lang kayo.

Kelly: Salamat pero flat ba talaga si tita?

Jacob: Ho? Ah...eh...

Kelly: Silly! Joke lang halika na nga baka naiinip na sila.

Jacob: Sige po.

Sa labas ng sasakyan,

Yannah: Ayos lang ba si Kelly?

Kim: Oo sanay na kami sa kaniya pag may mga ganitong okasyon.

Kevin: Lalo't kaarawan pa ni daddy.

Mina: Daddy's girl nga pala siya ano?

Kian: Oo favorite din kasi siya ng daddy namin.

"Yeah...:" Anila Kim at Kevin.

Yannah: Mukhang kahit si Jacob giliw na giliw sa tita Kelly niya.

Kian: Oo tuwing gabi nga ayaw niyang tumabi sakin mas gusto niyang katabi si Kelly.

Kevin: Kuya naman ang init kasi sa kwarto mo kulob na kulob ba naman.

Kian: May electricfan naman ah.

Kim: Kahit na ba ang init pa rin kaya.

Mina: Hehe, baka mas naaliw rin din kasi si Jacob kay Kelly.

"Siguro nga." Ang sagot nung tatlo.

Habang naglalakad yung dalawa "Nga pala tita Kelly tinatanong ako nila daddy about yesterday."

Kelly: Anong sabi mo?

Jacob: Wala po na interrupt po kasi kanina.

Kelly: Oh...buti nalang wag mong sasabihin ah? Baka kasi kung anong isipin nila kuya eh.

Jacob: Bakit po? Simple lang naman po ang problem niyo eh.

Kelly: Uusisain pa kasi nila ako eh narinig mo naman kanina mas gusto pa nilang tumanda akong dalaga sure ako pag nalaman nilang about yun kay Patrick nako mag o-over react na naman ang mga yun!

Jacob: Sige po.

Kelly: Um...yung uncle Renzo mo pala? Bakit di ko ata nakita kanina?

Jacob: Ah....opo kanina umuwi pero nag madali din pong umalis.

Kelly: Oh? Bakit? Parang nagmamadali naman ata siya.

Jacob: Di ko nga rin po alam sabi niya kanina baka matagalan siya ng balik kasi may hinahabol raw po siya.

Kelly: Hinahabol? Sino naman?

Jacob: Di ko po alam minsan kasi ang hilig nun mag invest kung san-san po baka na scam na naman siya.

Kelly: Oh? Pati yun alam mo napaka open naman pala sayo ng uncle mo.

Jacob: Dati po yun pero kanina feeling ko punong puno po siya ng secret nung kausap ko siya.

Kelly: Really? Eh nakausap ba siya ni kuya Kian?

Jacob: Um...pati nga po si daddy mukhang may sinisikreto eh kasi di nila ako sinama sa usapan nila. Ang daya po di ba?

Kelly: Oh? Sige tutulungan kita na malaman ang secret nila.

Jacob: Talaga po? The best ka talaga tita Kelly.

"Oy!!! Kayong dalawa bilisan niyo na baka gabihin tayo." Ang pa sigaw ni Kian.

Kelly: Ayan na tawag na tayo ng daddy mo.

Jacob: Opo nga tara na po bilisan natin.

"Dahan-dahan lang baka madapa kayo." Dagdag pa ni Kian.

Kelly: Andiyan na!

Jacob: Si daddy matatakutin po ano?

Kelly: Ha? Bakit?

Jacob: Papalubog pa nga lang ang araw sabi gagabihin na raw po tayo ang oa nu po?

Kelly: Ahahaha...oo matatakutin siya bakit sa kwarto niyo ba bukas na bukas ang ilaw pag gabi?

Jacob: Opo eh kaya ayoko po talaga natutulog sa kwarto namin ni daddy init.

Kelly: Ahahaha...sige hayaan mo pipilitin kong dun ka na lagi matutulog sa kwarto ko.

Jacob: Yehey! Thankyou po.

Kelly: Syempre ikaw pa? Malakas ka eh.

Habang tuwang tuwa yung dalawang mag tita may nagtatago sa gilid at pinagmamasdan sila "Boss, hindi ba natin sila susundan?" Ang sabi nung isang lalaki.

"Hindi na, sapat na ang nakita at nalaman ko." Ang sabi ni Richmond.

"Boss, yung batang kasama nung Kelly anak niya ba yon?"

Bineltukan siya ni Richmond "Tita Kelly nga ang sabi nung bata di ba? Binge lang?"

"Sorry boss hindi ko lang ata narinig ng ayos."

Richmond: Tama na nga yan! Tara na.

"Yes boss."

Pinagmamasdan pa rin nung lalaki sila Kelly "Mill!! Ano? Gusto mong isama kita sa mga puntod dito?" Ang sabi ni Richmond.

"Sorry boss nalibang lang."

Richmond: Libang! Baket? Circus ba ito?

Mill: Hindi po boss.

Richmond: Bilisan mo na nga!

Mill: Opo boss andiyan na.

Richmond: Double time!!!

Mill: O---opo.

Makalipas ang ilang oras,

Nakarating na rin ang mag kakapatid sa bahay "Ginabi na rin pala tayo buti na ihatid na nrin natin sila Yannah at Mina." Ang sabi ni Kim pagbaba sa sasakyan

Kian: Oo nga tignan niyo nakatulog na ang dalawang bata napagod kakalaro doon sa theme park.

Kevin: Hehe...yung isa isip bata nakikipaglaro talaga kay Jacob eh. Sigh...si Kelly talaga.

Kian: Sige na ako ng magbubuhat kay Jacob.

Kevin: Bro, kaya mo? Aba katumbas niyan ang isang kabang bigas.

Kian: Hehe...pinagdadiet ko na nga ang batang yan kaso ito namang si Kelly pakain ng pakain ng kung ano-ano kay Jacob.

Kim: Sigh...sige na tutulungan na kitang mag buhat kay Siopao baka mabalian ka pa ng buto sa anak mo.

Kian: Sira!

Kevin: Ahahaha...sige ako ng bahala kay Kelly ako ng mag bubuhat sa kaniya.

Kian: Sige.

At nung buhat-buhta ng tatlo yung dalawa bigla namang "Ding...dong..."

Kevin: Eh? Gabi na may bisita pa kayo?

Wala." Anila.

Kevin: Eh sino yon?

Kian: Sige na ibaba mo muna si Kelly sa sofa at tignan mo kung sino yung nag doorbell.

Kevin:Tsk...sige, sige itaas niyo na muna yang si Jacob.

Kim: Oo kakangalay.

Kian: Siya, sige na.

Ibinaba ni Kevin si Kelly sa sofa ng dahan-dahan "Ding...dong..."

Kevin: Lintek naman oh!

"Ding...dong..."

Kevin: Tsk...Oo andiyan na!!!

Kinaumagahan,

"Morning..." Ang sabi ni Kelly pero wala siyang nakita.

Kelly: Nasan sila kuya?

"Morning tita Kelly." Ang bungad naman ni Jacob na kasunod niya lang din na nagising.

Kelly: Oy...Kagigising mo lang din ba?

Jacob: Opo, kala ko dun ako natulog sa kwarto niyo di pala.

Kelly: Teka lang yung daddy mo ba tulog pa?

Jacob: Ho? Wala na po si daddy nung nagising ako.

Kelly: Sila kuya Kevin at kuya Kim? Nakita mo ba sa kwarto nila?

Jacob: Ahm...nasilip ko po room nila bukas kasi pero wala naman po sila doon.

Kelly: Eh? Nasan kaya sila?

"Ahahaha..." At may narinig silang nag tatawanan sa likod.

Kelly: Sila kuya!

Jacob: Sila Daddy!

Kelly: Bilis Siopao andun sila.

Jacob: Opo.

At pag punta nung dalawa " Baby Kelly!!!" Ang sabi nung isang lalaki.

Kelly: Ho?

Kian: Hahaha...nako mukhang di na niya kayo naaalala.

Kevin: Sabagay dalawang taon palang si Kelly nung umalis si tito kaya di na niyan talaga maaalala.

Kelly: Anong sinasabi niyo kuya?

Kim: Babysis, mag mano ka sa ninong Arnel mo.

Kelly: Ninong?

Samantala

Nasa kotse na at paalis si Patrick "Ate alis na ko." Aniya.

May: Oo ingat ka sabay tayo mamaya pagpunta ng ospital.

Patrick: Um...

May: Sunduin mo ko?

Patrick: Okay sige, alis na muna ko.

May: Sige mag ingat ka.

Patrick: Yap!

At tuluyan na ngang umalis si Patrick "Wow naman ang obedient naman ang little brother namin sa big sister niya." Ang bungad naman ni Richmond na naka sandal sa pintuan.

May: Kuya?

Richmond: Baket? Gulat na gulat ka naman ata diyan baket wala na ba akong karapatang umuwi sa bahay na ito?

May: Humph! Diyan ka na nga.

Hinarangan naman siya ni Richmond "Hindi ka ba man lang magagalit kila daddy at mommy? Kay Patrick nila lahat ibinigay ang shares nila para maging bagong Chairman."

May: Huh! Wag mo kong igaya sayo.

At nilagpasan niya si Richmond "Hoy!!! Bumalik ka dito." Ang pagalit niyang sambit.

Tumigil naman at lumingon si May na ang sama ng tingin "Wag mo kong simulan kuya! Alam kong lahat ng baho mo." Ang sabi niya at umalis.

"Sir? Ready na po ang sasakyan niyo." Ang bungad naman ni Mang Berto ang asawa ni Manang Tina na isa ring driver sa pamilya Santos.

Berto: Sir?

"BAKIT BA???!!" Ang pasigaw namang tugon ni Richmond.

Berto: So---sorry po Sir.

Bigla namang nahimasmasan si Richmond "Ay, kayo pala yan Mang Berto pasensya na ho."

Berto: Nag-away na naman po ba kayong magkakapaid?

Richmond: Pwede niyo po ba akong ipagdrive ngayon?

Berto: Ho? Pero hindi po ba may driver kayo si Mill?

Richmond: Kayo po ang gusto ko eh ayaw niyo po ba?

Berto: Hin---hindi naman po sa ganun pero matagal-tagal na rin kasi nung huli ko kayong napag maneho.

Inakbayan siya ni Richmond "Tara na po wag na kayong marami pang sinasabi."

Berto: Si---sige po Sir.

Richmond: Okay, Let's go Mang Berto!

Related Books

Popular novel hashtag