Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 88 - Kabanata 88

Chapter 88 - Kabanata 88

Habang nasa biyahe tingin ng tingin sa salamin si Mang Berto sinisilip si Richmond "Manong naman! Bakit ho ba?"

Berto: Ah...eh...pwede ho bang magtanong?

Richmond: Manong naman hindi ba't sinabi ko na sa inyong wag niyo na akong i-po para ko na kayong pangalawang tatay eh. Sige kayo magagalit ako nan sa inyo.

Berto: Pasenya na ang daddy at mommy mo kasi ang madalas kong na ipagmamaneho eh nasanay lang.

Richmond: Kamusta naman po nung wala ako?

Berto: Naging maayos naman po ang lahat yun nga lang malungkot ang mommy at daddy niyo dahil kayong magkakaptid ay bibihira umuwi lalo na po si Sir Patrick nito lang kasi siya umwui ng mansion kung hindi pa nag kasakit ang daddy niyo.

Richmond: Si May? Hindi rin ba umuuwi madalas?

Berto: Alam niyo naman yung kapatid niyong yun may sariling mundo ayaw niyang maiinvolve sya sa mga business ng pamilya niyo.

Richmond: Di na talaga siya nag bago.

Berto: Nga po pala bakit hindi niyo sabay-sabay dalawing magkakapatid ang daddy niyo?

Richmond: ..........................

Walang kibo si Richmond "Ah...eh...Sir, saan ko po pala kayo ihahatid?" Yun nalang ang nasabi ni Mang Berto dahil alam niyang nawala bigla sa mood si Richmond.

Richmond: Paki hatid niyo nalang ho ako sa condo ko magpapalipas na muna ako doon ng oras dahil mamayang gabi may laro ako sa Casino.

Berto: Ahm...Sir, hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay niyo kayo na rin ang may sabi para niyo na akong pangalawang ama kaya sana pakinggan niyo ang sasbaih ko.

Ricmond: Kung sasabihan niyo ako ng about sa paglalaro ko sa Casino wag niyo ng ituloy pa.

Berto: Ang akin lang naman po sana gampanan niyo ang pagiging panganay at ang pagiging kuya sa mga kapatid niyo. Ibalik niyo ang dating kayo! Alam kong hindi kayo ganyan at alam ko ring miss na miss na rin kayo nila Patrick at May.

Naisip ni Richmond ang masasayang araw nilang magkakapatid noong mga bata pa sila "Kaya sana ibalik niyo na yung dating Richmond na kilala naming mapagkumbaba, mapagmahal na anak at kapatid." Dagdag pa ni Berto.

Richmon: Enough!!!!

Berto: Pasensya na Sir....

Sa bahay nila Kelly,

Nanonood sila Kelly at Jacob "Little Kelly, saan niyo gusto mag punta ni Jacob tutal tayo lang namang tatlo ang nasa bahay tapos kauuwi ko lang din galing States kaya gusto ko sana kayong maka bonding." Si Arnel ang kapatid ng daddy nila Kelly na isang retired US Navy na ninong rin niya at may gusto noon pa kay Keilla sa nanay nila.

Pero wala sa mood si Kelly "Wala ho ako sa mood mag gala ngayon may kailangan pa rin po kasi akong gawin para sa school." Aniya.

Arnel: Ah...ganun ba? Sige sa ibang araw nalang.

Kelly: Um...sige ho tataas na muna ako sa kwarto ko.

Arnel: Si---sige.

At tumaas na nga si Kelly "Sigh..." Ang pabuntong hiningang reaksyon ni Arnel at naupo.

Habang nanonood naman si Jacob "Alam niyo Manong..." Aniya habang nakain ng chocolate.

Arnel: A---Ano yon? Manong? Ikaw!!! Kapatid ako ng lolo mo kaya lolo mo rin ako!!! Itong batang to!

Jacob: Ay, ganun po ba? Kala ko kasi kung sino lang kayo. Tsss...

Arnel: Sigh...dahil good mood naman ako papalalagpasin ko ang pag tawag mo sakin ng Manong. Ikaw saan mo gustong pumunta baby?

Lumapit si Jacob kay Arnel at binigay yung kinakain niyang chocolate "Eh? Para san to?"

Jacob: Sa inyo nalang hindi masarap ang chocolate niyong uwi.

At kumaripas ng takbo si Jacob "Ikaw!!!! Jacob Ezekiel!!!! Bumalik ka dito!!!!" Ang pagalit na sabi ni Arnel.

"Sigh....mukhang mahihirapan ako sa dalawang batang yun ah." Ang pabulong niyang sabi.

Kinatanghalian,

"Uncle? Kelly, Jacob?" Ang sabi ni Kian.

"Oh? Bakit andito ka na agad?" Ang sabi ni Arnel.

Pandalas naman niyang tinignan si Arnel "Ayos lang ba kayo tito?"

Arnel: Ha? Oo ayos lang naman bakit?

Kian: Sila Kelly at si Jacob po nasan?

Arnel: Si Kelly nasa kwarto niya si Jacob nasa likod nag papatuka ng manok.

Kian: Sigh...salamat naman at ayos kayo.

Arnel: Bakit ba parang alalang alala ka sakin?

Kian: Nag-alala ho kasi ako baka kung anong kababalaghan na ang gawin sa inyo nung mag tita.

Arnel: Hehehe...wala naman hindi nga nila ako pinapansin.

Kian: Pasensya na ho kayo hayaan niyo pagsasabihan ko nalang po.

Arnel: Ahm...halika umorder ako ng pizza eh.

Kian: Pizza? Pero lunch na po.

Arnel: Ah...eh...kala ko kasi yun ang gusto nung dalawa kaso hindi pa rin bumaba si Kelly si Jacob naman ayaw raw niya nung flavor.

Sa isip-isip ni Kian "Tsk...lagot sakin yung dalawang yon."

Arnel: Kian?

Kian: Ah? Sige ho pero magluluto na po muna ako ng lunch para makakain kayo ng lutong bahay alam kong miss niyo na din ang Filipino food.

Arnel: Oo gusto ko sana ng kare-kare kaso di ako pinalad maging magaling magluto gaya ng daddy niyo baka ka ko masayang lang. Hehe.

Kian: Wag po kayong mag-alala ako ng bahala maupo nalang po muna kayo.

"Daddy?" Ang bungad ni Jacob.

Kian: Jacob anak...saan ka galing? Ha---ha---ha...halika nga sandale.

"Parang di maganda ang pakiramdam ko sa ngiti ni daddy ah." Ang pabulong bulong ni Jacob.

Kian: Saglit lang po tito ah? Kakausapin ko lang si Jacob.

Binuhat ni Kian si Jacob pataas "Da---daddy!!!"

Arnel: Ah...Si—sige.

Sa kwarto ni Kelly,

Pumasok yung dalawa "Pasok bilis." Ang sabi ni Kian.

Nagulat naman si Kelly na nakahiga "Kuya?"

Jacob: Tita Kelly!!!

Sinarado ni Kian ang pinto at pandalas namang lumapit si Jacob sa tita niya "Ku—kuya....Ba---bakit ka nandito? Ha---half day ka?" Ani Kelly.

Pabulong-bulong si Jacob "Tita, mukhang hindi maganda ang mood ni daddy."

Kelly: Shh...wag kang maingay.

"TAHIMEK!!!" Ang sigaw ni Kian.

"So---sorry po." Anila.

Napaupo si Kian "Kuya!!!" Ang pagulat na sabi ni Kelly lumapit naman kaagad silang dalawa dito.

Jacob: Daddy!!!

Kian: Sigh...baby mag diet ka na nga bigat mo jusmiyo nabalian ata ako eh.

Jacob: Sorry po bakit kasi binuhat niyo ko?

Kelly: Oo nga naman kuya alam mo namang gurangis ka na din eh.

Kian: HEH!

Kelly: Ayos ka lang ba?

Kian: Oo ayos lang kayong dalawa ha! Bakit ganyan ang ugali niyo? Kelly, dinadamay mo pati yang si Jacob nakakahiya kay tito Arnel.

Tumayo si Kelly at naupo sa kama kinuha ang cellphone niya at walang pakialam sa sinasabi ni Kian "Kelly!!!"

Kelly: Kuya kung yan lang din ang pag-uusapan natin wag mo nalang akong kausapin.

Kian: Aba't!!!

Jacob: Daddy, wag na kayong mag-away ni tita Kelly.

Kian: Sigh...Kelly, kapatid ni daddy si tito Arnel kaya wag kang umasta ng kung sino diyan.

Jacob: Daddy....

Kelly: ..................................

Kian: Sigh...nako! Sige na bababa na ko at magluluto mamaya bumaba kayong dalawa naiitindihan niyo?

Jacob: Yes daddy.

Kian: Kelly???!!!

Kelly: Oho! Bababa ako..tsk...

Kian: Sumasakit yung batok ko sa inyo eh. Nako!

At lumabas na nga si Kian ng kwarto ni Kelly "Tita, okay ka lang po?" Ang sabi ni Jacob.

Nahiga si Kelly "Baby, nung nalaman mong may bf si Mommy mo anong nararamdaman mo?'

Jacob: Ahm...nung nalaman ko pong may bf si mommy at hindi pala si daddy nalungkot po ako.

Napabangon si Kelly at sinabing "Teka, alam mo na nung una palang na yung bf ng mommy mo ay hindi ang totoong tatay mo?

Jacob: Duh! Tita naman henyo ata ang pamangkin niyo.

Sa isip-isip ni Kelly "Si kuya Kian ba talaga ang daddy nire o si kuya Keith may pagka habog eh."

Jaocb: Opo alam kong hindi naman si Uncle Ian ang daddy ko kahit may katunog sa Kian.

Kelly: Ahahaha...luko! Oo nga noh Kian tapos Ian. Ahahaha...talino mo talaga naiisip mo pa yun?

Jacob: Sinabi rin naman po sakin ni mommy na hindi siya ang daddy ko pero naging mabait naman po siya kay Mom.

Kelly: Ahhh...sinabi naman pala sayo ni ate Rica kala ko naman alam mo talaga.

Jacob: Opo bukod po doon nalaman ko na po na si daddy Kian ang totoo kong tatay kasi may nakita po kong picture sa baul ni mommy.

Kelly: Hahahaha...baul talaga?

Jacob: Basta po doon kung ano mang lalagyan na yun ni mommy nakita ko po doon ang picture ni daddy at lumakas po ang kutob ko na siya po ang tatay ko.

Kelly: Really?

Jacob: Opo kasi kamukha ko si daddy eh.

Kelly: Ahhh...nga naman.

Jacob: Pero tita Kelly wag niyong dalhin sakin ang usapan ang daya niyo eh.

"Ay, nahalata na niya." Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

Jacob: Bakit po ba ayaw niyo kay Manong Arnel?

Kelly: Manong?

Jacob: Para po ba namang taga labas lang si Lolo Arnel.

Kelly: Hahaha...luko ka talaga bully eh.

Jacob: Pero tita bakit ayaw niyo po sa kaniya? Mukhang mabait naman po siya.

Kelly: Eh bakit ikaw? Ayaw mo rin sa kaniya.

Jacob: Eh kasi ayaw niyo sa kaniya kaya ayoko na rin po sa kaniya.

Kelly: Sira! Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya naalala ko kasi siya yung nanligaw noon kay Mama.

Jacob: Eh? Ligaw? Kay Mamsie?

Sa isip-isip ni Jacob "Gurang na si Mamsie may nanliligaw parin sa kaniya? Sabagay baby face kasi ang lahi namin."

Author: Itong batang ito masyadong matabil ang dila. Sigh...

Kelly: Oo naalala ko nung 10years old ako sya yung laging nag papadala kay Mama ng sulat at mga flowers and chocolates.

Jacob: Ohh...ganun po? Pero sabi nila daddy kanina ngayon niyo lang uli siya nakita last meet niyo nung 2years old daw po kayo.

Kelly: Oo nga di ko naman sinabing si ninong Arnel ang mismo nag dadala dine eh deliver Siopao deliver!

Jacob: Ay...sorry naman po pero bakit po ayaw niyo bang magkaroon ng bagong asawa si Mamsie?

Kelly: Ayoko!

Jacob: Pero tita baka kung magkakaroon po ng makakasama sa buhay uli si Mamsie baka di na siya mag abroad muli.

Kelly: Bakit? Andito naman tayo ah di na niya kailangan ng makakasama sa buhay tayo lang sapat na.

Jacob: Pero, lumilipas po ang panahon unti-unti narin kayong bubuo ng pamilyang lahat paano na po si Mamsie?

Kelly: ....................................