Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 70 - Kabanata 70

Chapter 70 - Kabanata 70

Sa isang Restaurant,

Nagkain at nag cecelebrate ang pamilya Dela cruz at Cuenca "Congratulations kuya Keith at ate Faith love namin kayo." Ang sabi ni Kelly.

Faith: Salamat my dear.

Keith: Thankyou sis.

Kevin: Okay, cheers para sa bagong kasal Mr. and Mrs. Dela Cruz.

Kian: Welcome to the family Faith.

Keilla: Pagpalain kayo ng poong maykapal.

"Salamat po Ma." Anila Keith at Faith.

"Cheers to the newly wed."Anila Fred at Feng.

Kumuha ng whine si Kelly at nakita iyon ni Kim "Hep, Kelly! Juice ka lang kayo ni Siopao" Aniya.

Kelly: Ha? Kuya naman nasa legal age na ko.

Kian: Heh! Tumigil ka last na naka lasa ka niyan sobra kang nabaliw.

Keilla: Nabaliw? Ahhh...oo yung kala niya softdrinks yung na inom niya at naubos niya ang isang bote kaya groggy.

Faith: Talaga po?

Kelly: Pano sila kuya kasi saan saan nilalagay yung bote ng alak nila eh uhaw na uhaw po ako nun.

Kevin: Okay CHEERS!!!!

"CHEERS!!!" Anila.

Pabulong bulong si Kelly "Tsss...daya!"

Jacob: Tayo nalang po ang cheers tita.

Kelly: Hehe...sige cheers.

Keith: Baliw talaga itong si Kelly.

Kelly: Bakit na naman? Juice na nga lang eh. Humph...

Keith: Nakakatuwa ka kasi napaka isip bata mo.

Kelly: Bleeeh...

Keilla: Anyways, Fred and Feng salamat sa ginawa niyo para sa kasal ni Faith at Keith. Sobrang salamat talaga sa inyo.

Kian: Oo nga salamat mga tol...guys mag pasalamat rin kayo sa kanila.

"Salamat po." Anila.

Fred: Nako, wala yun naabisuhan lang din kami ng kaibigan naming konsehal.

Feng: Oo tama kaya sakto namang kakailanganin nila Faith at Keith kaya isiningit na namin sila.

Keilla: Salamat talaga sa inyo at pasensya na kung na rush pangako magpapakasal sila sa simbahan pagbalik ko ulit ng Pinas.

Faith: Nako, ayos lang po yun Ma manganganak pa rin naman po ako kaya ayos lang po.

Keith: Pero syemre papakasalan talaga kita sa simbahan yung tayo lang at walang kasamang ibang ikakasal.

Fred: Basta kami kung saan masaya ang aming kapatid doon rin kami.

Feng: Oo basta alagaan mong mabuti ang bunso naming kapatid dahil alam mo na.

Nag flex ng muscles nila yung dalawa "Ha---ha---ha...ahem...syempre naman po mga kuya." Ang sabi ni Keith na animo'y ninerbyos.

Faith: Sila kuya talaga tinakot niyo pa.

Keilla: Nga pala, paano ang setup niyo?

Keith: Ahh...mag pafile po ako ng leave ma bago managnak si Faith di kasi siya pwede mag biyahe ng malayo maselan ang pagbubuntis niya.

Faith: Opo Ma kaya napag desisyunan po namin na dumito muna ako sa Bulacan.

Keilla: Ohhh....sige basta tawagan niyo lang kami pag may kailangan kayo.

"Opo Ma." Anila.

Fred: At wag rin po kayong mag-alala babantayan namin si Faith at syempre yung anak niyo na rin tuturuan namin ng gawaing lalaki.

Keith: A---ano yon kuya?

Kim: Ahahaha...sige nga tol turuan niyo yan mukhang gym lang kasi alam niyan di yan marunong ng gawaing bahay.

Keith: Grabe mas okay naman ang luto ko kesa sa isa diyan.

Kelly: Ano?

Keith: Ahahahah...bakit nag react ka naman agad diyan wala akong sinasabing name.

Kelly: Kow! Ako naman talaga ang tinutukoy mo! Ma si kuya oh...

Keilla: Tama na nga yan itong mga ito talaga di na nahiya kila Fred at Feng.

"Nako, ayos lang po ganyan rin po kami." Anila.

Faith: Opo ganyan rin sila sakin mas malala pa nga po minsan mambully sila kuya.

Kelly: Sila kuya rin ate.

Faith: Oo ganyan nga sila inaapi nila tayo ano?

"Hoy! Hindi naman." Anila Kian at pati nila Fred.

Keilla: Ahahahaha...nakakatuwa naman at nakakasundo sunod kayong lahat pag dumayo kayo sa Manila wag kayong mag atubiling mag sabi para ma-accommodate kayo nila Kian.

"Salamat po." Anila Fred at Feng.

Kian: Oo mga tol sabihan niyo lang kami.

Fred: Sige.

Kelly: So, kuya ko na rin po kayo?

"Oo naman." Anila Fred at Feng.

Kelly: Yown, may 6 na akong kuya astig.

Feng: Kaya pag kailangan mo ng resbak sabihan mo lang kami lilipad agad kami sa Manila.

Kelly: Ayos!

Kevin: Sus...Kelly ano na naman yang binabalak mong bata ka ha?

Kelly: Wala...

Faith: Hehehe...kahit anong kailangan mo tawagan mo sila kuya dadating talaga mga yan.

"Oo." Anila Fred at Feng.

Kelly: Salamat po.

Martes ng umaga,

Sa DLRU,

Vince: Morning sa inyo.

Harvey: Oh? Bakit parang late ka na.

Vince: Ahhh...sumakit kasi ang likod ko may cater kasi nung weekend eh kinulang ng tao kaya ayun isinama ako nila Mama.

Harvey: Oh...kaya pala parang pagod na pagod ka parin.

Dumating na rin naman sila Mimay at Dave na nakaholding hands "Morning mga pre." Ang sabi ni Dave pandalas namang bumitaw sa pagkakahawak si Mimay sa kamay ni Dave.

Mimay: Mo---morning.

Vince: Yow...

Mimay: Wala ka sa mood?

Vince: Pagod lang nag cater kasi kami nung weekend.

Dave: Sandali lang, si Kelly wala?

Vince: Ahhh...Nako, puyat yun kaya sigurado sa hapon na papasok.

Dave: Ha? Bakit? Di pa ba sila nakakauwi nasa Bulacan sila di ba? Nakita ko sa post ni nurse Kevin eh.

Vince: Ahhh...oo nagpakasal na kasi ang kuya Keith niya kaya andoon sila.

Mimay: Oh? Bakit wala kong nakitang post ni Kelly na abay siya pero nakita ko may family groupie sila.

Vince: Oo biglaan kasi kasalang bayan lang yun umalis na rin kasi ang nanay nila kagabi kailangan ng bumalik ng Canada kaya mabilisan lang.

"Ohhh...I see..." Anila Dave at Mimay at nagkatinginan sila.

Harvey: Ahem...sige pre lalabas na muna ako.

Vince: Saan ka pupunta? Mag start na ang class ah.

Harvey: Naalala ko may kukunin pala ako kay Bella.

Dave: Bella? "Yung queen bee" raw?

Napatingin si Harvey kay Mimay at sinabing "Oo! Siya nga."

Vince: Aba, mukhang nagkaka mabutihan na kayo ah.

Harvey: Sige na aalis na ako.

At iniwan na nga sila nito "Umalis agad." Ani Vince.

Mimay: Totoo bang nanliligaw siya kay Bella?

Vince: Oo ata bakit mo na tanong?

Dave: Interesado ka?

Mimay: Sira! Selos ka naman agad diyan.

Dave: Tsss...

Lumapit si Mimay at naging clingy bigla kay Dave "Sorry na ang arte nire."

Dave: Sus...

Vince: Ahem...may single dine oh!

Dave: Pffft...ahahahahaha...hayaan mo't makakahanap ka rin.

Mimay: Oo nga ihahanap ka namin.

Vince: Tsss...ewan ko sa inyo.

Extra,

Nakatingin sa labas ng classroom si Vince at may sinasabi "Author, beke nemen ang tagal naman ng jojowain ko."

"Author? Andiyan ka ba? Alam kong naririnig mo ako."

"Author, ano na?"

Author: Ano na naman? May ginagawa ako.

Vince: Eh...ang tagal naman kasi ng lovelife ko ang daya niyo eh ako lang walang partner.

Author: Alam mo....MAG ANTAY KA!!! Tukmol nare madaling madali lagi eh.

Vince: Babae o lalaki po kayo? Baka pwede kayo nalang.

Author: HEH! pati ako gusto mo na ring jowain gusto mong masapak?

Vince: Ha---ha---ha...kayo naman sige na kasi bigyan nyo na ako ng jojowain. Jowang jowa na ako eh.

Author: Oo na! Bukas asa labas na siya ng pintuan niyo.

Vince: Talaga po? Saan pong pintuan samin o dine sa classroom?

"Author? Author? Huy! Nasan ka na?"

Author: Wala! Umalis, tulog!

Vince: Author!!!

Author: Tantanan mo ko!

Kinagabihan ng Lunes,

Sa Sala ng mga Dela Cruz,

Kevin: Naihatid ko na sila Kelly at Jacob sa kwarto tulog na tulog eh pero jusmiyo ang bigat ni Siopao feeling ko nakalas yung buto ko sa likod eh. Sakit!

Kian: Sira! Mag workout ka kasi ng di ka diyan nag rereklamo.

Keith: Kaya nga buhatin mong lagi yang si Siopao ewan ko lang ng di lumaki yang braso mo. Ahahaha.

Kevin: Aba nakaw!

Kim: Ang bilis ng oras ano? Buti nalang di tayo na traffic papunta airport kanina.

Kian: Hello, 11:45pm na bro.

Kevin: Nga pala, papasok kayo? Bukas? Si Kelly baka hapon na yan pumasok kain puyat siya.

Kian: Ako di na muna walang mag babantay kay Jacob eh nag file naman na ako ng leave.

Keith: Ako kailangan kong pumasok para makapag file ako ng leave at maayos ko na ang mga papeles naming kailangan ni Faith at mga Bro sa Bulacan na muna ako magtitigil ayos lang ba?

Kian: Oo bagong kasal kayo ni Faith eh tsaka di ba naman napag usapan na yan kaya ayos lang.

Kim: Oo basta ayusin mo nalang muna ang leave mo.

"Yeah..." Anila.

Keith: Sige, kayo na rin munang bahala kay Kelly lam niyo na.

Kevin: Syempre luko!

Keith: I mean, kasi nga matatagalan ako sa Bulacan syempre wala ako dine sabihan niyo pa rin ako lagi ng kaganapan dine sa bahay lalo na kay Kelly.

Bineltukan siya ni Kian at sinabing "Ang drama mo kakauma!"

Keith: Kuya naman eh.

Kian: Pati ba ikaw nahawa na sa pagiging emosyonal ng asawa mong buntis.

Keith: Pansin niyo rin?

Bineltukan siya nung tatlo "Aray!! Sumosobra na kayo." Ani Keith.

Kevin: Ahahaha...mga bro may isang mukhang iiyak na.

Kim: Oo nga parang nagiging binabae na ata.

Kian: Pffft...

Keith: Kayo!!!

At naghabulang parang bata yung apat at nagbatuhan ng unan "Pag naabutan ko kayo lagot kayo sakin." Ang sabi ni Keith.

Habang naghahabulan yung apat sa sala pababa naman si Jacob "A---ano pong ginagawa niyo?" Aniya.

Kian: Oh? Nagising ka ba namin anak?

"Sorry Siopao." Tugon naman nung tatlo nila Keith.

Jacob: Ahhh...hindi po nagising po ako kasi nauuhaw po ako pero ano pong ginagawa niyo? Gabi na po.

Kian: Ahhh...wala ito sige ikukuha na kita ng inumin mo.

Jacob: Sige po salamat daddy.

At pagka alis ni Kian lumapit naman ka agad si Keith kay Jacob "Siopao, pag umalis si tito Keith alagaan mo at bantayan sa boys si tita Kelly ha? Okay?" Aniya.

Kim: Sira! Malamang no boys allowed andito naman kami no!

Kevin: Kaya nga oa nireng si kuya Keith.

Keith: Sus....malamang pag wala kayo dine para makasigurado tayo.

"Well." Anila.

Jacob: Syempre naman po akong bahala kay tita Kelly.

"Good boy!" Anila.

"Hoy! Anong tinuturo niyong kabalbalan sa anak ko?" Ang bungad ni Kian habang dala-dala naman ang baso ng tubig.

Keith: Wala ang oa mo bro.

Kian: Tsss...Kayo ha! Wag niyong tuturuan ng kung ano ano yang bata malilintikan talaga kayo sakin.

"Wala nga." Anila.

Related Books

Popular novel hashtag