Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 71 - Kabanata 71

Chapter 71 - Kabanata 71

Martes ng Hapon,

Kelly: Andito na ko.

"Eh? Bakit walang sumalubong saking tabachoy?"

Hinanap ni Kelly kung nasaan ang mga kuya at si Jacob "Kuy's? Siopao? San kayo?"

"Nadine kami sa likod..." Ang tugon ng mg akuya niya.

Kelly: Sa likod? Ano namang ginagawa ng mga tukmol na yon?

At nagtungo na nga si Kelly sa likod at nakita niyang nag kakabit ang mga ito ng tent "Anong...trip niyo?" Aniya.

Keith: Halika na nga lang at tulungan mo kami.

Kelly: Eh? Ano ba kasing trip niyo bakit may pa tent pa kayong nalalaman don't tell me di yan kayo matutulog?

Jacob: Mag babarbeque party daw po kasi tayo mamayang gabi.

Kian: Oo kaya magbihis ka na muna at tumulong ka dine samin sa pag aayos.

Kelly: Okay? Pero bakit?

Kevin: Wag ka ng magtanong pa lumakad ka na at mag bihis ng pambahay.

Kim: Sige na at kumuha ka na rin ng panlatag sa loob okay?

Kelly: Sige...kayo bahala.

Jacob: Sama ko.

Kelly: Halika may lollipop akong pasalubong sayo.

Jacob: Talaga po yung kagaya po ba nung bigay ni tito Vince?

Kelly: Syempre mas masarap dun halika bilis.

Jacob: Okay po...Daddy sasama muna ako kay tita sa loob.

Kian: Sya, sya sige bilisan niyo.

"Okay..." Anila.

Habang naglalakda yung dalawa papasok "Siopao, anong trip ng daddy at ng mga tito mo?" Ani Kelly.

Jacob: Ahhh...parang party lang po para kay tito Keith.

Kelly: Ha? Para kay kuya Keith?

Jacob: Opo di niyo po ba alam? Bukas pupunta na po siya ng Bulacan.

Kelly: Ohhhhh...

Biglang nalungkot si Kelly "Ayos ka lang po ba?" Ani Jacob.

Kelly: Ahhh...O---oo naman.

Jacob: Wag ka na pong malungkot andito naman po ako kami nila daddy at tito Kevin and tito Kim kaya happy lang po dapat.

Kelly: O—Oo naman.

Simula pagkabata sila kuya na ang lagi kong kasama kung saan man ako magpunta dahil nga laging wala si Mama at nasa Canada sila kuya na talaga ang kasa-kasama ko hanggang ngayong dalaga na ako at ga-graduate na ng kolehiyo. Hindi laang siguro agad nag sink in sakin na nalagasan na pala ako ng isang kuya sanay kasi akong andiyan si kuya Keith lagi kapag kailangan ko siya kaso ngayon iba na may asawa na siya at later on magkakaroon na sya ng anak. Sobrang bilis ng panahon dati ako lang ang pinakabata dine sa bahay ngayon si Jacob na at giliw na giliw naman talaga kami sa kaniya at sa wakas may nauutusan na rin ako at di yung lagi nalang ako ang nauutusan nila kuya dahil ako yung bunso. At sa ilang mga buwan may darating ulit na pinakabatang miyembro ng pamilya at yun ang magiging anak nila kuya Keith at ate Faith. Suportado ko naman sila pero siguro sobra ko lang din na mamimiss si kuya Keith kapag umalis na siya mababawasan na ang tatawagin kong kuya dine sa bahay. Sigh...hindi ako sanay!

Kinagabihan,

Nakahiga ang magkakapatid at si Jacob at pinagmamasdan ang kalangitan sa labas ng tent na binuo nila "Siopao, tignan mo yun anong nakikita mo sa formation ng mga stars na yon?" Ang sabi ni Kevin.

Jacob: Uhm...parang sandwich po.

"Sandwich???" Anila.

Kian: Nak, gutom ka parin ba? Ang dami mong nakaing barbeque at hotdogs ah. Gusto mo naman ngayon ng sandwich?

Keith: Puro talaga pagkain ang nasa isip ng anak mong yan Bro.

Jacob: Pero tignan niyo po sandwich talaga.

Kelly: Hulaan ko ham yun palaman?

Jacob: Opo!

Kim: Siraulo talaga kayong mag tita. Ahahaha...at nakuha niyo pang lagyan ng palaman? At ham? Talaga???

Kevin: Gutom parin ata iyang si Kelly eh.

Kelly: Ahahaha...di kaya Siopao inaaway ako oh.

Jacob: May barbeque pa doon tita kuha po kita?

Kelly: Siopao naman eh...

"Ahahahaha..." at nagtawanan na nga sila.

Keith: Mamimiss ko ang ganireng bonding natin mga tol.

Kevin: Nagdadrama na naman yung isa diyan.

Keith: Wag ka nga minsan lang eh ilang buwan din akong mawawala mag ingat kayo dine ha?

Kian: Ikaw ang mag ingat doon ikaw ang dayo sira.

Kim: Oo baluga ka talaga.

Keith: Napaka niyo talaga kahit kailan. Ikaw babysis? Di mo ba mamimiss si kuya?

Kelly: Pag-iisipan ko..

"Ahahaha..." Nawatawa sila Kian maliban kay Keith.

Keith: Baliw ka na talaga manang mana ka diyan kay Kevin.

Kevin: Aba bakit ako? Alam naman natin sating lima mas bungol ka san ka ba naman nakakitang kakain nalaang eh mag pu-push up pa? Syadong loyal sa mga abs niya ang luko.

"Hahahaha..." Anila.

Keith: Sira! Mamimiss niyo rin yang mga ganyan ko pero wag niyo kong masyadong mamiss ha? Baka umiyak pa kayo bukas.

Kelly: Sino ba kasing may sabi na mamimiss ka namin ha kuya?

Keith: Ewan ko sa inyo.

Kian: Basta pag may kailangan ka wag mong kakalimutang tumawag samin malilintikan ka talaga sakin kung hinde.

Keith: See, mamimiss niyo talaga ko eh.

"HEH!" Anila maliban kay Jacob na nakikinig lang.

Keith: Oo na syempre baka kapusin ako sa budget eh pautangin niyo ko ha?

Kim: Asa ka! Pero kung para naman sa baby syempre pero kung sayo lang mangarap ka nalang ng gising.

Keith: Tsss...syempre kay baby wag nga ka nga diyan.

Kevin: Oo mahirap na baka hanggang sa Bulacan dalhin mo ang hilig mo sa mga dumbbells isa ka talaga DUMB!

Keith: Shunga! Hindi syempre collection ko yun kaya wag kayong papasok sa kwarto ko at wag niyong lilikutin mga dumbbells ko bilang ko yun at alam ko ang mga pwesto.

Kevin: So, hindi na rin namin lilinisin ang kwarto mo?

Keith: Ehh...syempre linisan niyo rin naman wagas.

Kelly: Sus...palusot ka pa kuya eh

Keith: Ah...basta wag niyo ko mamimiss ha?

"HINDI TALAGA!" Anila.

Keith: Ang sweet niyo talagang mga tukmol kayo.

Jacob: Ahahahaha...

Keith: Ay...andiyan ka pala Siopao at ano namang tinatawa tawa mo diyan? Di kita mamimiss well, yang pisnge mo siguro pwede na.

Jacob: Di ko rin naman po kayo mamimiss tito.

Keith: Ikaw!!!

Kian: Galing mo talaga nak.

Jacob: Thanks Dad.

Keith: Manang mana ka talaga sa pag mamanahan mo.

Jacob: Pero alam niyo po kung sino ang makakamiss sa inyo talaga?

Keith: Sino? Syempre kayo yon.

Jacob: Hindi po.

Keith: Eh sino?

Jacob: Edi si Judith po.

Kelly: Pffft...Ahahahaha...napaka genius talaga ng Siopao namin manang mana sa tita Kelly niya.

"Judith?" Anila.

Kelly: Pfft...hahahaha...Baby, di nila alam yun mga tanders na kasi sila.

Jacob: Ay opo nga pala kaya pala di nila gets yung joke ko. Sigh...

Keith: Sino nga yung Judith? Wala nga kong kaibigang babaeng ganun ang name.

Kelly: Ahahaha...wala nga kasi DUE...DATE yon...Sigh...slow.

Kian: Oh...Due stands for J...and U the Date is for D, I, T and H? Kaya Judith....

"Yes..." Anila Kelly at Jacob.

Kevin: Tama naririnig ko yan sa mga student yun pala yon.

Kim: Minsan di talaga maintindihan mga kabataan ngayon pinapaikse mga salita.

Kelly: Ganun talaga kuy's...Oh ano na kuya Keith gets mo na?

Keith: Ewan!

Kian: Pero Kelly! Sabi ng wag mong tuturuan si Jacob ng mga salitang balbal.

Kelly: Pero kuya...di ako ang nagturo noon sa kaniya.

Jacob: Opo daddy naririnig ko lang din o yun kay Mommy at kay uncle Renzo.

Keith: Hep, tama na nga yan sino may gusto ng smores?

" Ako!!!" Anila Kelly at Jacob.

Keith: Oh, edi simulan nyo ng mag ihaw ng mallows.

Kelly: Aba!

Kim: Sige na ako ng gagawa ng apoy Kevin kumuha ka ng baga sa ihawan.

Kevin: Bakit pa? Edi dun nalang tayo mag ihaw ng mallows?

Kelly: Pero kuya mas okay doon mas feel kumain kapag may bon fire.

Kevin: Ang arte naman!

Kian: Ayos na rin yun para di tayo lamukin sige na kumuha ka na ng baga roon para maka pag pa apoy na tayo.

Kevin: Humph...Oo na!

Keith: Ako ng kukuha ng mallows sa loob.

Kelly: Sama ko kuya.

Keith: Ikaw bahala di naman mabigat yun.

Kelly: Di ko naman sinabing tutulungan kita kukuha lang ako ng inumin. Bleeeh....

Keith: Ikaw talaga!!!

At tumakbo ng papasok si Kelly "Hoy! Intayin mo ko." Pahabol na sambit ni Keith.

Habang inaayos ang mga kahoy "Si Kelly talaga laging pinag titripan si Keith luka eh." Ang sabi ni Kim.

Kevin: Panigurado akong siya talaga ang makakamiss kay kuya Keith.

Kian: Surebol!

Lumapit si Jacob at sinabing "Opo, nalungkot po si tita Kelly nung sinabi kong aalis na si tito Keith bukas."

Kian: Hindi niyo pa ba sinabi sa kaniya? Kevin?

Kevin: Ah...eh...

Kian: Ay kaya naman pala hyper na hyper na naman ireng si Kellang.

Jacob: Bakit po daddy?

Kian: Ganyan yang tita mo di siya nagpapakita ng lungkot pero wagas naman kung mambully dinadaan niya lang sa happy thoughts.

Jacob: Oohhh...kaya po pala kanina natulala siya ng ilang minuto baka po nag internalized.

Kim: Ahahaha...Internalized talaga?

Kevin: Hahahaha...mukhang kakasama nire kay Kelly nahahawa na rin siya sa kabaiwan ni babysis. Hahahaha...

Kian: Jacob, wag ka na ngang matutulog sa tabi ng tita Kelly mo hayaan mo bukas na bukas darating na yung kama at unan na inorder ko para sayo sa kwarto ko na ikaw matutulog okay?

Jacob: Pero daddy, sanay na akong matulog sa kwarto ni tita Kelly.

Kian: That's my order.

Jacob: Daddy...

Kevin: Siopao, girl si tita Kelly at boy ka hindi pwedeng lagi kang tatabi sa tita mo di magandang tignan.

Kim: Oo tignan mo kami nila daddy hiwalay ang kwarto namin sa kaniya kasi girl si tita Kelly at boy tayo.

Kian: Kaya simula bukas doon ka na matutulog sa kwarto ko okay?

Jacob: Sigh...opo pero baby pa naman po ako.

Sa isip-isip nung tatlo "Baby, eh kung mag-isip ka para ka ng matanda mas matalino ka pa nga ata samin." Anila.

Kian: Ah...basta! Kailangan mo ng masanay na di katabi si tita Kelly doon ka sa kwarto natin at wala ng pero, pero kung ayaw mo magalit ako sayo.

Jacob: Sigh...opo.

Sa isip-isip naman ni Jacob "Tsk... paano na ko matuturuan ni tita Kelly ng techniques sa games kung doon na ako matutulog sa kwarto namin ni daddy. Paano na? Dapat sabihan ko si tita Bunso."