Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 33 - Kabanata 33

Chapter 33 - Kabanata 33

Sa bahay nila Kelly,

Kevin: Andito na ko.

Kim: Oh? Ikaw lang? Si babysis?

Kevin: Ahh...may lakad sila nila Vince sila kuya Kian wala pa?

Kim: Kararating lang din nag bibihis mag bihis ka na rin nagluto ako ng mirienda.

Kevin: Sige, kamusta pakiramdam mo?

Kim: Ayos na ko.

Kevin: Buti naman sige akyat muna ko.

Kim: Um...

"Ding...Dong..."

Kim: Ako na mag bubukas.

Pagkabukas ni Kim ng gate "Fa---Faith?"

Faith: Hi?

Kinagabihan,

Kian: So, you mean pupunta ang mga kuya mo dito bukas?

Faith: O---Oo...

Siniko ni Kim si Keith "Bakit di ka magsalita."

Kian: Keith!

Keith: Ku---kuya?

Faith: Di ko naman pinipilit si Keith na panagutan niya ko pero ayoko lang na itakwil ako ng mga kuya ko sila nalang ang pamilya ko.

Kian: Wala namang problema dun pananagutan ka talaga ni Keith di ba? KEITHANIEL!

Keith: Ha?

Kim: Anong ha?

Kevin: Sigh...

May nag bukas ng pinto "Kuy's andine na ko."

Kian: Oh, Kelly bakit nga nga'yon ka?

Kelly: Eh...kasi...

Faith: Hi Kelly.

Kelly: Ate Faith?

Hinila ni Kevin si Kelly at sinabing "Sige ako ng bahala sa batang a're."

Kelly: Ha? Sandali lang gusto ko rin makakwentuhan si ate Faith.

Kevin: Halika na.

Kelly: Pero...

Faith: Sige mamaya usap tayo okay?

Kelly: Um...wag kang aalis ah? Dine ka na matulog ate.

Faith: Ah...eh...

Kian: Sige na Kevin.

Kevin: Okay.

Binuhat na ni Kevin si Kelly "Ku---kuya...."

Kevin: Ang ingay mo.

Makalipas ang isang oras,

Sa kwarto ni Kelly,

Kelly: Wow...edi ikakasal na sila kuya Keith at ate Faith? Kailan kuya???

Kevin: Kumalma ka nga muna di'yan di pa nga sigurado kung kailan pero bukas pupunta raw dine mga kuya ni Ms. Faith.

Kelly: Anong Ms. Faith kuya, eh ate na natin siya noh!

Kevin: Sus...excited ka naman eh di pa nga napayag si kuya Keith.

Kelly: Ano???

Kevin: Oo yun pinaguusapan nila kanina nung bago ka dumating.

Kelly: Aba! Mali yun satin ang lalaki eh...sandali nga isusumbong ko siya kay Mama.

Kinuha ang telepono nya pero hinalbot naman ka agad ito ni Kevin "Bunso!"

Kelly: Kuya!!! Akana yan.

Keith: Mag tigil ka ha! Kailangan ayos ng lahat bago natin sabihan si Ma.

Kelly: Humph...

Keith: Kaya umayos ka kung ayaw mong mawindang yun.

Kelly: Oo na! Pwede na ba tayong lumabas? Gutom na ko kumain na ba kayo?

Keith: Kailan ba naman kami kumain ng di tayo sabay-sabay? Malamang hindi pa inaantay ka nga namin ng dumating naman si Ms. Faith.

Kelly: ATE FAITH!

Keith: Oo na!

Kelly: Lika na kuya gutom na ko.

Hinila na niya si Kevin "Sandali nga sabi ni Vince ililibre daw kayo ni Patrick ng dinner di ba? Di ka kumain?"

Kelly: Kumain eh di ako nabusog.

Kevin: Tssss...siya tara na nga baka naman tapos na sila mag usap sa baba.

Kelly: Oo halika na dami pa kasing kuda.

Sa Sala,

Faith: Aalis na ko pasensya na sa abala.

Kian: Hinde, gabi na dito ka na matulog at namumutla ka pa kumain ka na ba?

Faith: Ah...eh...

Keith: Hapunan na sigurado akong gutom ka na sandali at ipaghahanda kita ng makakain.

Nagulat yung tatlo at nagkatinginan sila Kim at Kian "Pero ayos lang talaga oorder nalang ako ng fast food." Dagdag pa ni Faith.

Kim: Pero mas okay ang healthy food lalo't may dinadala kang baby.

Keith: Fast food? Yun ba ang lagi mong pinapakain sa anak ko?

Namula ang pisnge ni Faith sa gulat "A----anak mo?"

Keith: Oo, di ba ako ang tatay ng dinadala mo? O baka may iba pa?

Kian: KEITH!!!

Faith: Huh! I knew it, di ka parin talaga naniniwala na ikaw ang tatay ng batang dinadala ko sige...kung yan ang pinaniniwalaan mo aalis na ko.

"HINDE!!!! WALANG....A___ALIS."

"Kelly?" Anila.

Nilapitan ni Kelly si Faith "Ate, wag kang mag-alala naniniwala akong ang tatay ng baby na yan ay si kuya Keith kaya wag kang aalis akong bahala sayo." Aniya at ang sama ng tingin niya kay Keith.

Faith: Pe....Pero...

Kelly: Halika na, alam kong gutom ka na dito ka na rin matulog okay?

Faith: Ha? Kasi...

Kelly: Kuya Kevin, yung food?

Kevin: O---oo sige.

Kelly: Lika na sa may dining area.

Faith: Si---sige.

At nilagpasan nila Kelly si Keith na ang sama ng tingin niya rito "Nakakatakot ang tingin ni Bunso sayo." Ang sabi ni Kim.

Kian: Ano Keith? Daig ka pa ng bunso nating kapatid alam yung ginagawa...Ikaw naman...Ewan...

At iniwan siya nila Kian at Kim mag-isa sa sala "Tsk...ang gusto ko lang naman...Hayssss....asar!!! Intayin niyo ko.

Kinaumagahan,

"Keith?" Ang sabi ni Kian na kasalukuyang nagluluto ng agahan.

Keith: Gising ka na pala bro halika tikman mo yung bago kong imbentong meatballs silog.

Kian: Nag---nagluluto ka?

Keith: Oo, wala naman sigurong masamang magluto sa kusina natin ano?

Kain: Bungol! Wala akong sinabing ganyan ang akin lang ikaw? Nagluluto? Nahawa ka na ba sa trangkaso ni Kim?

Keith: Tsss...wala, wala akong sakit gusto ko lang kayong ipagluto maaga kasi akong nagising.

"Talaga lang ha?" Bungad ni Kevin.

Keith: Ano na naman yang iniissue mo?

Kevin: Lam mo ba kuya nakita ko yan si kuya Keith na nasilip sa kwarto ni Kelly.

Keith: A...ano...hin---hindi kaya...

Kian: Bakit ka nauutal?

Kevin: Ang...ang...akin lang...

Kevin: Ayos lang si Ms. Faith kuya don't worry mukhang lalaki ang magiging anak niyo.

Keith: Talaga? Lalaki?

Kevin: Sus....excited ka?

Keith: A---ano...ka---kasi...syempre.

Kian: Tama na nga yan, tapusin mo na yang niluluto mo baka magising na sila Faith at Kelly.

Kevin: Ikaw nagluto?

Keith: Ano naman sayo?

Kevin: Asus...nag papractice na maging huwarang asawa ah.

Keith: HEH!

Sa kwarto ni Kelly,

"Kring...kring..." Tunog ng alarm clock.

Kelly: Uhmm...kuya yung alarm...inaantok pa ko 5mins.pa.

Sinara ni Faith yung alarm clock "Ang cute ni Kelly, mukhang close na close talaga siya sa mga kuya niya." Aniya.

"Ang hahaba ng pilikmata niya ang tangos ng ilong sana maging kamukha niya ang baby ko."

Kelly: Mmm...mmm...

"Ngayon ko lang napansin hawig pala sila ni Keith."

"Knock...knock..."

Keith: Kelly, si kuya Keith ito gising na ba kayo?

Faith: Si---si Keith?

Keith: Babysis, papasok na ko.

Pandalas si Faith ng pikit "Eh? Tulog pa pala sila?" Ani Keith.

Lumapit si Keith kay Kelly "Sigh...tung batang ito talaga tanghali na eh parang di papasok." Aniya.

"Bunso, gising na."

Kelly: Mmm...mmm...5mins.pa kuya.

Keith: Sigh...

Napatingin siya kay Faith at lumapit "Di man lang siya umusod baka mamaya mahulog siya sa kama."

Dinahan dahan niyang iusod si Faith "Ang bigat niya."

Sa isip-isip ni Faith "Bigat? Malamang dalawa kami sampalin ko kaya ito?"

Napahipo si Keith sa tiyan ni Faith "Baby, sorry kung di kami nagkakasundo ng nanay mo."

"Alam kong isang aksidente lang ang nangyare saming dalawa pero wag kang mag-alala sisiguraduhin kong magiging safe kayo ng nanay mo."

"Di man ako maging perfect dad for you sana maunawaan mong this is my firstime di ko rin alam ang gagawin ko."

" Sana baby wag mo siyang pahirapan ha? Chill ka lang diyan okay? Kahit anong maging kasarian mo ayos lang basta maging safe kayo."

Hinalikan ni Keith ang tiyan ni Faith at pag tayo niya "Gi---gising ka na?"

Faith: Um...

Keith: A---ano si---sige bumaba ka na lang ipaghahain kita sorry

Papaalis na sana si Keith pero pinigilan siya ni Faith "Sandali lang."

Keith: May---may kailangan ka?

Hinila siya ni Faith at napaupo sa kama "So---sorry..." Ani Keith.

Faith: Salamat.

Keith: Ha? Pa---para san?

Hinawakan ni Faith ang pisnge ni Keith at hinalikan ang noo nito " Salamat dahil andiyan ka parin sa tabi ko kahit na di tayo magkasundo."

Natulala at namula ang mga pisnge ni Keith " Sana hanggang dulo andiyan ka parin para samin ni baby."

Keith: O---oo naman para sa magiging anak natin.

Faith: Tanggap mo na siya?

Keith: Um...napag-isip isip ko na wala na akong pakialam basta sakin na talaga yang batang dindala mo.

Naiyak si Faith "Wag ka ng umiyak."

Faith: Sabi kasi nila pag buntis raw nagiging emosyonal kaya siguro ganito ako.

Sa isip-isip ni Keith "Ang cute niya pala pag ganyan siya.

Hinawakan ni Keith ang pisnge ni Faith "A---anong ginagawa mo?"

Hinalikan siya ni Keith at na gising naman bigla si Kelly "A----anong nangyayare?"Aniya.

Pandalas namang itinulak ni Faith si Keith at napalakas rin iyon "Aw....."

Faith: Sorry...ayos ka lang?

Keith: Oo? Mukhang di naman na dislocate ang mga buto ko sa balakang.

Kelly: Sigh...Sige mauna na ko bumaba baka na iistorbo ko kayo.

"Ha? Hin---hinde..." Anila.

Kelly: Tsss...sige na basta ako ang maid of honor okay?

Lumabas na nga si Kelly "Ke---Kelly sandali lang." Ani Faith.

Tumayo at hinawakan ni Keith ang kamay ni Faith " Halika na sigurado akong pag baba natin tutuksohin nila tayo kaya mag madali na tayo."

Faith: Um...

Kinatanghalian

Kelly: Mga kuy's papasok na ko kayo ng bahala kay ate Faith okay? Lagot kayo sakin pag naging bad mood na naman siya lalo ka na kuya Keith.

Keith: Tsk...Oo, sige na baka malate ka.

Kelly: Um...Ate Faith kalma lang ha?

Faith: Oo fighting!