Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 34 - Kabanata 34

Chapter 34 - Kabanata 34

Sa DLRU,

Kelly: La...la....la...

Pakanta kanta si Kelly "Pssst...anong meron kay Kelly? Bakit parang napaka good mood niya ngayon." Ang sabi ni Mimay.

Vince: Ahh...ikakasal na kasi yung kuya Keith niya.

Mimay: Oh? Galing naman.

Kelly: Guys, tara sa canteen? Treat ko.

Harvey: Count me in.

Mimay: Tsss...diyan ka magaling.

Kelly: G na guys? Pis ikaw?

Vince: May magagawa pa ba ko?

Kelly: Ayos tara na.

At umalis na nga yung apat "Mukhang good mood si Master ngayon ah." Ani Dave.

Patrick: Tara!

Dave: Ha? Saan?

Patrick: Sa Canteen gutom na rin ako.

Dave: Sus...gutom nga ba o andun kasi si Master?

Patrick: Bahala ka dyan! Kung ayaw mo edi wag.

At iniwan nga siya ni Dave "Dude, intay."

Sa Canteen,

Namimili ang apat ng kanilang kakainin "Kelly, sagot mo talaga?" Ang sabi ni Harvey.

Kelly: Oo nga dinagdagan kasi ni kuya Keith allowance ko kaya sige push ako mag babayad umorder lang kayo.

Harvey: Yown...sakto gutom na gutom na ko eh di pa kasi ako nananghalian.

Mimay: Sus...ikaw pa?

Vince: Ahhh...oo busy ang SC ngayon eh noh? Umaga pa ba kayo dine sa University?

Harvey: Um...pero di nga malaan pa kung matutuloy ang intramurals natin.

Mimay: Bakit naman?

Harvey: Pinagiisipang mag team building raw eh.

Kelly: Wow...team building? Astig nun push nyo yun pre.

Harvey: Ummm...di ko rin alam pero 50% ng decision eh sa director kaya di ko parin masasabi.

Vince: Ohhh...sya tama na yan umorder na kayo.

Paglingon ni Vince ang dami ng order ni Kelly na kung anu-ano "Baby girl? Gutom lang?" Ang sabi ni Mimay.

Kelly: Hahaha...ayos lang yan.

At nauna na si Kelly sa may bakanteng upuan at mesa "Oh? Pre bakit wala ka pang pagkain?" Ani Harvey.

Vince: Di na kailangan.

Harvey: Eh? Libre daw ni Kelly ayaw mo?

Mimay: Tsk...di niya na kailangan kasi sa dami ng kinuha ni Kelly solve na si Vince don sige diyan na nga kayo

Harvey: Ano? Hoy sandali lang.

Vince: Nakakuha ka na ba ng makakain mo?

Harvey: O---oo pero ikaw?

Vince: Ayos lang meron na ko.

Harvey: Eh? Pero wala ka namang dala.

Vince: Ang dami mo pang sinasabi tara na.

Habang papasok ng canteen yung dalawa "Nasan kaya sila Master?" Ang sabi ni Dave at hinanap agad sila Kelly.

Luminga linga rin si Patrick at nakita niyang ka agad si Kelly "Ayun sa may gilid."Aniya.

Dave: Nakita mo agad ha?!

Bineltukan siya ni Patrick "Tara na! Dami mo pang issue diyan."

Dave: Tsss...oo na...

May bigla namang na dulas na isang babae sa harapan ni Patrick at nasalo niya naman ito at nagtitigan yung dalawa "Pa---Patrick???" Sabi nung babae.

Patrick: Who are you? How did you know my name?

"Ah...eh...can you please help me up? Ang hirap ng posisyon natin."

Patrick: Ah...oo sorry.

"Salamat, ako nga pala si Aliyah isang..."

Bigla namang sumabat si Dave "Aliyah Lane Basquez 20years old isang HRM senior student at ang president ng glee club dine sa DLRU."

Siniko ni Patrick si Dave at bumulong "Paano mo siya nakilala eh ngayon ko lang yan nakita?"

Dave: Taka ka pa eh gaya ka rin ni Kelly di ka nakikipagusap pag di mo kilala sikat siya dine sa DLRU na may magandang tinig.

Patrick: Oh?

Aliyah: Bakit di ka naniniwala? Pero nabanggit mo yung Kelly kilala niyo siya?

Dave: Oo naman Master ko ata yun.

Aliyah: Master?

Dave: Oo apprentice niya ko alam mo bang sa game? Master siya magaling rin siya kumuha ng mga larawan kaya nag apply ako biglang apprentice niya. Ang bait bait niya pa at kaklase namin siya.

Siniko siya ni Patrick "Ha---ha---ha...sige mauna na kami sayo ha?" Aniya.

Aliyah: Sandali lang, maaari niyo ba ako samahan sa kaniya?

"Ha?" Reaksyon nung dalawa.

Samantala,

Nakain na sila Kelly ng makita ni Harvey sila Patrick na kausap si Aliyah "Oh, sila Patrick at Dave yun di ba?" Aniya.

Mimay: San?

Harvey: Ayun...Sandale, bakit kausap nila si Aliyah.

Lumingon si Vince "Aliyah? Ah...oo nga yun yung president ng glee club di ba?" Aniya.

Mimay: Ahhh...yung napaka galing kumanta at ang ganda pa niya.

Di nag papatinag si Kelly sa pagkain "Oo balita ko sya sana yung muse ng HRM sa darating na intramurals." Ani Harvey.

Vince: Aba'y wala na uwian na sa tourism department sure si Bella "Queen Bee" raw eh talo na naman tayo niyan.

Mimay: Grabe ka naman andiyan naman si Kelly.

Kelly: Anong meron? Narinig ko pangalan ko.

Vince: Tsk...wala kumain ka na nga lang dyan.

Kelly: Ayoko na I'm full.

Mimay: Konting ayos lang kay Kelly mas maganda na siya kila Bella at Aliyah.

Pinagmasdan ni Harvey si Kelly "Hmmm...pwede may laban tisay tisay si Kellang eh." Aniya.

Vince: Sus...asa kayo diyan at ayaw rin ng mga kuya niya sure ako di papayag mga yon sumali si Kelly sa mga ganyan.

Kelly: Ano ga iyang pinaguusapan niyo?

"Master!" Ang bungad ni Dave.

Kelly: Yow!

Dave: Anong pinaguusapan niyo?

Kelly: Di ko rin alam eh.

Dave: Ha?

Mimay: Nga pala bakit kausap niyo si Aliyah? Nakita namin kayo eh.

Patrick: Ahh...wala yon.

Harvey: Sus...parang ang lagkit ng tingin sayu'y.

Napatingin si Patrick kay Kelly pero iniwasan siya nito "Ahhh...wala yon may tinanong lang."

Siniko niya si Dave "Di ba?" Dagdag pa niya.

Dave: Ah? O---Oo.

Kelly: Ge mauna na ko sa inyo.

Vince: San ka pupunta?

Kelly: Mag ccr sama ka?

Vince: Tsss...

Mimay: Um....sama ko.

Kelly: Okay.

Sinundan ng tingin ni Patrick si Kelly "Huy! Baka matunaw." Ang pagulat na sambit ni Vince.

Patrick: Sino?

Vince: Tsss...ewan sayo.

Habang naglalakad yung dalawa "Babygirl, ahm...ano nung isang araw ko pa ito gusto itanong sayo eh." Ani Mimay.

Kelly: Ano yun? Mangungutang ka?

Mimay: Oo...ha? Hinde!

Kelly: Ahahaha...pagtanda mo mali mali ka sigurado.

Mimay: Heh!

Kelly: Oh...walang tao sa c.r ah.

Mimay: Ba oo nga noh! Solo natin selfie tayo mamaya sa mirror.

Kelly: Bahala ka ge iihi muna ko.

Mimay: Okie.

Pagkalabas ng cubicle "Ay siya nalimutan ko yung alcohol ko sa bag!" Ani Kelly.

Mimay: Ayan oh may hand sanitizer naman.

Kelly: Nalalagkitan kasi ako sa ganyan.

Mimay: Edi ugasan mo nalang gawin mong sabon. Hehehe..

Kelly: Oo nga...hahaha...

Habang naghuhugas ng kamay si Kelly nag susuklay naman si MImay "Uhm...Kelly, magkagalit ba kayo ni Patrick?"

Kelly: Hmmm...Hinde?

Mimay: Bakit di ka sigurado?

Kelly: Tsk...nauuma lang ako sakaniya ang epal kasi.

Mimay: Nagtapat na sya sayo noh?

Kelly: Mims!!!

Mimay: I knew it!

Kelly: Tsk...binusted ko na.

MImay: Ano? Bakit naman bigyan mo ng chance.

Kelly: Tsss...bakit pa sigurado naman akong nagbibiro laang iyon.

Mimay: Luka ka talaga!

Kelly: Tsss...basta ayoko parin naman mag ka boyfriend.

Mimay: Alam mo minsan masarap ang may minamahal sa buhay.

Kelly: Oo andiyan naman sila kuya eh mahal ko naman sila.

Sa isip-isip ni MImay "Sigh...bakit kasi nag salita pa ko. Jusmiyo!"

Mimay: I mean may ka partner sa buhay yung may lovelife.

Kelly: Bata pa naman ako gusto ko muna i-enjoy ang buhay tsaka na yang lovelife.

Mimay: Kailan pag gurang ka na? Ganon?

Kelly: Tsk...kung si Patrick lang naman wag na mas gugustuhin ko nalang maging matandang dalaga.

MImay: Sigh...ewan ko sayo bahala ka baka mamaya magsisi ka.

Kelly: Asa naman! Tara na nga.

MImay: Bahala ka nga basta pinayuhan na kita ha?

Kelly: Oo na!

Kinahapunan,

Kelly: Andine na po ako.

Walang na sagot sa kaniya at mukhang walang katao tao sa bahay nila "Eh? Nasan ang mga tao dine?" Aniya.

Nagtungo siya ka agad sa kwarto niya at may nakita siyang sticky note sa pintuan niya "Ano to? Dami namang sticky notes."

"Bunso, baka gabihin kami nila kuya mo kami na ang dumayo kila Faith. Love, kuya Kian."

" Babygirl, may niluto akong sinigang sa ref initin mo nalang. Love, kuya Kevin."

"Kellang, wag kang mag-alala di ko inistress si ate Faith mo gusto lang kasi ng mga kuya niya na mag tungo kami sa kanila sa Bulacan. Love, kuya Keith."

" Baby, may eggpie sa ref sayo yun baka may dumating rin na inorder ko na pizza iyo rin yon pero kumain ka ng hapunan ha? Love, kuya Kim."

Kelly: Huh! Lahat talaga may contribution binuksan pa yung bago kong biling sticky note. Tsk...buti nalang love ko kayo.

8pm,

Nakahiga sa sofa si Kelly at nanonood ng tv "Bayan, ang boring ng palabas."

Kinuha yung telepono niya at tinawagan si Vince "Pis!"

Vince: Ano na naman?

Kelly: Wala pa nga sinasabi oa ka na naman diyan.

Vince: Bakit nga may ginagawa ako mag review ka nga may longtest pa tayo bukas.

Kelly: Tapos na noh! Asan ka?

Vince: Malamang na samin.

Kelly: Okay, punta ka dine.

Vince: Ano?!

Kelly: Wala sila kuya wala ko kasama dine eh wala magandang palabas dala ka movie.

Vince: Baliw! Anong tingin mo mag kapitbahay tayo? Ang layo nga ng inyo at alam mo ba kung anong oras na? Gabi na at nag rereview ako!

Kelly: Sigh...KJ!

Vince: Ewan, mag review ka nalang.

Kelly: Tsk...Oo na!

Pagkababa ng telepono ni Kelly "Ding...Dong..."

Kelly: Sila kuya na kaya yon? Pero...bakit nag doorbell?

"Ding...Dong..."