Sa Office,
Pandalas na sila Kelly at Vince at naka corporate attire sila "Hala, late na tayo."
Vince: Ikaw naman kasi ang bagal mo magbihis.
Kelly: Aba, nalimutan ko na ang na may OJT tayo.
Habang naglalakad di niya napansin na may makakasalubong na siya "Awww..." Ang reaksyon ni Kelly.
"Are you blind?" Sabi nung isang lalaki.
Vince: Patrick?
Pagtunghay ni Kelly "I---ikaw???"Aniya.
"Sir, sorry may kinuha pa po ako sa table." Si Miss Maricar isang HR at namamahala sa mga interns.
"Si---Sir???"Ang sabay na sambit nila Kelly at Vince.
Maricar: Ahh...nga pala Kelly, Vince meet our new General Manager Mr. Patrick Santos na..."
Inawat siya ni Patrick sa pagsasalita "Ahem...na...na kaklase nila."
Maricar: Ho?
Bumulong si Patrick "Ako ng bahala dito."
Maricar: O---okay po.
Kelly: Miss, siya yung bagong GM? Eh kaklase lang namin yan eh.
Siniko siya ni Vince "Awww..."
Vince: Sorry, General Manager sa mga inasal namin lalo na ni Kelly.
Hinila niya si Kelly at tumungo sila"Bakit ba?"Ang pabulong niya.
Vince: Sumunod ka na lang kung ayaw mong matagal tayo dito.
Patrick: No need to bow your head guys tama si Ms.Dela Cruz mag kakaklase lang naman tayo.
Maricar: Sige na tumunghay kayo.
Ang sama ng mukha ni Kelly at pabulong bulong "Tsss...kala mo naman kung sino."
Maricar: May sinasabi ka Ms. Dela Cruz?
Vince: Kelly!
Kelly: Ha---ha---ha....nako wala po sabi ko po I'm grateful na kaklase namin ni Vince ang bagong GM. Tsss..
Patrick: Bakit parang labas sa ilong?
Siniko ni Vince si Kelly at bumulong "Manahimik ka na nga lang diyan."
Kelly: Tsk...
Maricar: Ah...Sir, may meeting pa kayo.
Patrick: Sige mauna na kami sa inyo.
Pabulong bulong si Kelly "Tsss...yabang."
At nung papaalis na sila Patrick lumapit siya kay Kelly at may binulong "Keep it up Ms. Hoodie." At umalis.
Kelly: Ikaw!!!
Pinigilan naman siya ni Vince "Kumalma ka nga!"
Kelly: Bwiset!!! Bakit ba nandine na yang kumag na yan? At siya pa ang bago nating GM? Paano nangyare yun?
Vince: Aba, malay ko sabay lang tayo dumating dine.
"Hi, guys..."Si Jillian isa sa mga co-interns nila.
Vince: He---hello Jillian.
Niyapakan ni Kelly ang paa ni Vince "Ahhhh..." Reaksyon nito.
Sa isip-isip ni Kelly "Pffft...yan ang nababagay sayo pinilit mo akong mag bow sa buset na Patrick na yon."
Jillian: Ayos ka lang Vince?
Ang sama ng tingin ni Vince kay Kelly "Bleeh..."
Vince: O---Oo ayos lang ako may langgam kasing epal na yumapak sakin.
Jillian: Huh?
Hinila ni Kelly si Jillian "Nako! Ayos lang yan halika na."
Jillian: O---Oo sige...sunod ka nalang Vince.
Vince: MMmm....
Sa isip-isip ni Vince "Waaahhhh...lintek ang sakit ng paa ko bwiset ka talaga Kelly humanda ka sakin mamaya."
Sa Conference Room,
Habang nakaupo sila Patrick at nagbabasa ng mga papeles "Sir, papunta na raw po si Mr. Chairman.."
Patrick: Okay, nga pala Ms. Maricar pwede bang satin satin nalang muna ang mga nangyare kanina?
Maricar: Sige po Sir.
Patrick: At wag na wag niyong pagsasabi na anak ako ng may ari nitong Mall okay? Lalong lalo na sa mga interns at higit sa lahat doon sa dalawa kanina.
Maricar: Bakit po Sir?
"Son!"
Patrick: Dad...
"Kanina ka pa ba?" Si Mr. Ricardo Santos ang may ari ng SM o Santos Mall at ang tatay ni Patrick.
Patrick: Di naman ho sakto lang.
Ricardo: Sorry, may meeting kasi ako sa Clark.
Patrick: Ayos lang po.
Ricardo: Maricar, naibigay mo na ba ang mga kailangang guidelines ni Patrick?
Maircar: Yes po Mr. Chairman.
Ricado: Sige, makakaalis ka na.
Maricar: Opo.
At lumabas na nga si Maricar "Dad, bakit niyo ako nilagay as General Manager? Kailangan ko pang mag OJT."
Ricardo: Pinaayos ko na yun kay secretary Ben kaya wag ka ng mag-alala ang tagal ng pamamalagi mo dito as General Manager yun na rin ang OJT mo.
Patrick: Pero Dad...alam niyo namang ayoko ng mga ganireng gawain tsaka sigurado akong magagalit si kuya Rich.
Ricardo: Wag kang mag-alala nasa America sila ng ate May mo.
Patrick: Sigh...kamusta po si Mommy?
Ricardo: Miss na miss ka na syempre kailan ka ba uuwi?
Patrick: Sige dad kailangan ko ng umalis.
Ricardo: Ha? Kapapasok mo palang aalis ka na?
Patrick: May kailangan pa po kasi akong gawin sige po.
At kumaripas naman ito ng takbo "Nak!!!" Ang pahabol na sambit ni Ricardo.
Ricardo: Sigh...umiiwas na naman siya.
Samantala,
Nagkabunguan na naman si Kelly at Patrick "Aray..." Ang reaksyon ni Kelly pero this time na paupo sya sa lakas ng pagkakabangga sa kaniya.
Patrick: Ms. Dela Cruz?
Kelly: Ikaw na naman??? Nanadya ka ba?
Inabot ni Patrick ang kamay niya "Ano yan?"
Patrick: Tutulungan kita ayaw mo?
Tinapik ni Kelly ang kamay nito at tumayo ng kusa "Di ko kailangan ang tulong mo!"
Patrick: Sorry hindi ko sinasadya bakit ba kasi ayaw mong titingin sa dinadaanan mo?
Kelly: Huh! Di porket mataas ang posisyon mo dine eh may karapatan ka ng mambully tsaka ikaw itong tumatakbo kita mo nga ako ang napaupo. Bwiset! Diyan ka na nga...
Iniwan na nga siya ni Kelly "Hoy!!!!"Pahabol na sambit ni Patrick.
Patrick: Lakas talaga ng topak nun nag sorry na nga ang tao eh.
"Sir? Sino ho kausap niyo?" Ang bungad ni Maricar.
Patrick: Ha? Ah...wa---wala...sige mauna na ako sayo.
Maricar: Ho? Pero kapapasok niyo palang.
Patrick: Sige...
Maricar: Sigh...buti nalang anak siya ng Chairman kung hindi nako panigurado sisante ka na.
Narinig iyon ni Vince habang nasa isang gilid at nag xe-xerox ng mga papeles "A---anak si Patrick ng may-ari ng SM???"Aniya.
"Ano yon?"
Paglingon ni Vince sa likuran niya "Ji---Jillian?"
Jillian: Oh? Mukha ba akong multo? Bakit gulat na gulat ka naman diyan
Vince: Ha? Hi---hindi naman na bigla lang kanina ka pa ba diyan?
Umusod si Vince at naglagay rin si Jillian ng mga papel para mag xerox "Ahh...hindi naman pero may kausap ka ba?"
Sa isip-isip ni Vince "Kapag sinabi ko sa kaniya ang natuklasan ko baka sabihin naman niya ang tsismoso ko...Sige na nga kay Kelly ko nalang sasabihin."
Jillian: Ayos ka lang ba?
Vince: Ah? O----Oo sige maiwan na kita may gagawin pa kasi ako eh.
Jillian: O---Okay?
Sa Labas ng SM,
Kelly: Manong, saan po dine may bakeshop?
Guard: Ho? Pero mall po ito wala po ba doon sa loob? Alam ko meron doon.
Kelly: Wala po yung gusto ko eh tsaka kung meron napakamahal naman po kasi.
Guard: Ahhh...intern ka ba?
Kelly: Opo eh...hehehe...
Guard: Kaya naman pala eh sige lumiban ka sa kalsadang yan tapos kumanan ka diretsuhin mo may makikita kang malapit na subdivision sa bukana noon may bakeshop kang makikita doon mura at masarap.
Kelly: Talaga po? May eggpie po kaya?
Guard: Ay nako ineng yun ang specialty nila.
Kelly: Talaga ho?
Guard: Oo dahil sa asawa ko kasi yung bakeshop na yon.
Kelly: Wow...galing naman po may discount po ba ang student? Hehehe...joke ...
Guard: Hehehe...sige sabihin mo sabi kamo ng pogi niyang mister na si Bernie bigyan ka ng discount.
Kelly: Eh? Talaga po?
Guard: Oo dahil mukhang paborito mo naman ang eggpie sige ako ng bahala.
Kelly: Ayos! Salamat po Manong Bernie.
Guard: Sige alis ka na para makabalik ka agad.
Kelly: Ay opo saglit lang breaktime namin eh sige po ah.
Guard: Sige ineng ingat.
Kelly: Opo.
Ngiting ngiti si Kelly na umalis "Ang sarap maging teenager muli."Aniya.
"Manong..."Ang pasulpot na sambit ni Patrick.
Guard: Ay kalabaw! So---sorry po Sir...ano pong maitutulong ko sayo?
Patrick: Saan pupunta yung babaeng kausap niyo?
Guard: Ho?
Sa isip-isip niya "Bakit niya kaya natanong? Girlfriend niya kaya yung babae? Mukha naman siyang disente."
Tinitigan niya mula ulo hanggang paa si Patrick "Kaano-ano ka niya?"
Patrick: Sigh...kaklase niya po ako at may isasauli lang po ako.
Guard: Ohhh...ganun ba, alam mo ba yung bakeshop sa may subdivision na malapit dine?
Patrick: Ahhh...okay sige ho.
At pandalas na siyang umalis "San----dale...mga kabataan talaga ngayon parang laging hinahabol ng pitong kabayo." Sabi ni Manong Guard na si Bernie.
Samantala,
Naglalakad pa rin si Kelly "Sabi ni Manong Bernie kanan at diretsuhin raw...nasan na ba yung bakeshop nila."
May na amoy na mabango si Kelly "Wow...ang bango...yun na siguro yung bakeshop nila." At pandalas siyang nagtungo doon.
"Salamat po balik kayo." Si Maan ang asawa ni Bernie,
Kelly: Wow...ang daming eggpie.
Maan: Hello, gusto mong tikman?
Kelly: Eh? Sana po?
Kumuha ng kapiraso ng eggpie si Maan "Oo naman, Sige tikman mo."
Inabot kay Kelly "Wow...ang bango po."Aniya.
Maan: Oo yan talaga ang dinadayo nila dito.
Tinikman na ni Kelly at na luha siya "Ha? I—Ineng? A---ayos ka lang ba?"
Kelly: Ah? O---opo ganitong-ganito po kasi ang lasa ng luto ni daddy ko na eggpie miss na miss ko na po kasi siya.
Lumabas at nilapitan ni Maan si Kelly at binigyan ng panyo "Oh, sige punasan mo muna yang mga luha mo."
Kelly: Salamat po at sorry...
Maan: Ayos lang yun bago ka ba dito?
Kelly: Ahh...intern po ako sa SM.
Maan: Ohhh...si Bernie siguro nagsabi sayo.