Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 4 - CHAPTER 4

Chapter 4 - CHAPTER 4

Tahimik ang naging buong byahe namin pauwi ng condo ni Kurt, habang siya ay halata kong balisa sa lahat ng kinikilos niya buong araw na kasama namin si Raven pati ngayon na mag kasama kaming dalawa. Hindi rin ako mapakali dahil alam kong may hindi tama sa kinikilos niya simula kanina, ibang-iba ito sa madalas niyang madaldal at tila hindi mauubusan ng kwento pag lagi kami mag kasama.

"May problem ba?" basag ko sa katahimikan. Dahan-dahan na tumingin siya sa akin bago ngumiti na may halong pag-sisi.

"Wala naman love, im sorry. Sumama lang ang pakirmdam ko kaninang umaga kaya tumahimik ako at makapag-usap kayo ng maayos ni Raven." Sabay balik ng kanyang paningin sa daan.

Bumuntong hininga nalang ako sa sinabi niyam siguro nga ay naiilang siya na kasama pa rin si Raven dahil sa nangyari dati at hindi ko siya masisi doon dahil muntik na kaming mag hiwalay sa ginawa ni Raven dati.

Nakarating kami sa condo at mabilis akong pumasok ng kwarto para mag palit at mag pahinga na, buti na lamang ay kumain na kami pauwi dahil sa haba ng traffic ngayon.

Tinignan ko ang buong lugar ng mapansin ko ang kalendaryo na nasa side table na may ekis na kulay pula ang mga lumipas na araw at may bilog ang araw kung kalian gaganapin ang kasal naming.

May dalawang buwan pa kami para mag handa at unti-unti ay natatapos na rin naming ang mga kakailanganin sa tulong na rin ng kanyang mga magulang.

"Love?" mabilis na naibaba ko ang hawak at tinignan ang bagong pasok na si Kurt.

"Sorry kaninang umaga. Mag papaalam sana ako na aalis ako bukas, nag karoon ng emergency meeting sa office."

"Ayo slang 'yon, sa susunod mag sabi ka kung hindi maayyos pakiramdam mo para hindi ako nag-aalala sayo." Ngumiti ako sa kanya bago hinalikan ang noo niya.

"Yes po, I love you."

"I love you too."

Ilang oras na pag-uusap ay naisipan na rin naming matulog dalawa, habang yakap niya ang bewang ko ay nakatapat naman ako sa side table kung saan naka-bukas ang lamp shade. Hindi ako makatulog at mapakali pag walang ilaw sa paligid kaya naman kahit hirap matulog si Kurt na bukas ang ilaw ay sinanay niya ang sarili para sa akin.

Marahan na inalis ko ang kamay niya na naka-patong sa tyan ko bago tumayo,napansin ko naman ang cellphone niyang biglang umilaw dahil sa isang text message.

Gabing-gabi na may nag tetext pa rin?

Mabilis na kinuha ko ang phone niya bago binuksan, agad naman bumungad ang picture naming dalawa last anniversary naming ng muling nag vibrate ang cellphone niya.

"see you tom!"

"I want to see you right now."

Pag basa ko sa dalawang mensahe ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

No Preets, hindi ka lolokohin ni Kurt.

Pag cheer-up ko sa sarili ko bago tinignan ang lalaking mahal ko na natutulog ng mahimbing ngayon, agad ko naman binura ang text message at humiga sa tabi niya habang nakatulala sa kisame.

Hindi ko mapigilan ang mag isip ng kung ano-ano sa na basa ko.

Sino ba 'yon at bakit hindi naka-register ang cellphone number niya kay Kurt?

Dumating na ang umaga at hindi na ako naka-tulog ng maayos dahil sa na basa ko sa cellphone niya at mukhang hindi niya naman na pansin na pinake-alaman ko ang cellphone niya.

"Aalis na ako Love." Paalam niya sa akin bago pina-andar ang sasakyan niya.

Ako naman ay pumasok nan g building ng aking trabaho para matapos ko na rin ang mga kailangan kong gawin at makapag-pasa na ako ng leave para sa pag hahanda.

"Mukhang stress ka ngayon Preets inaway mo na naman ba si Kurt?" bungad agad sa akin ng ka-officemate ko na si Leah Mondigo.

"Paano mo naman na sabe na nag away nga kame?" sabay irap sa kanya nang pabiro bago nilapag ang bag ko sa table kung saan tambak na naman ang mga kailangan gawin.

"Hindi kasi na naman maipinta yang mukha mo at alam kong hindi ka naman inaaway ni Kurt kaya for sure ikaw ang nang-away na naman sa kanila." Mabilis niyang sabi bago nag bilang pa sa kamay niya para bilangin kung ilang beses ko inaway si Kurt.

"Hindi nga kami nag away tsaka wala kaming problema dalawa no, sadyang kulang lang talaga ako sa tulog. Hindi rin kasi ako naka-tulog magdamag."

"At bakit naman aber?" humarap naman siya sa akin at nilapit ang upuan niya "Don't tell me nag jugjugan na kayong dalawa at hindi niyo na kinaya ang pag titiis hanggang Honeymoon?"

"Mag tigil ka nga Leah, hindi naming ginagawa no! pangako naming sa isa't-isa na sa honeymoon na naming gagawin 'yon." Sabi ko bago marahan na hinila ang buhok niya na lumalapit na sa mukha ko.

"Eh bakit nga?"

"Nakita ko kasi kagabi na may unregistered number na nag text sa kanya tsaka magkikita sila ngayon, ang sabi niya naman ay may meeting sila ngayon." Pag amin ko sa kanya.

Katiwa-tiwala naman si Leah kaya siya ang sinasabihan ko sa lahat ng problema ko, wala rin siyang ibang kaibigan ditto sa office dahil daw masyado siyang bidabida, ang alam ko kasi ay may gusto ang anak ng may-ari ng kumpanya dito sa babae na 'to kaya naman todo paninira ang ginagawa ng mga tao sa kanya.

"Baka naman kasi ka-meeting niya lang naman ang nag text sa kanya. Teka sinabi niya ba sayo kung sino 'yon?" umiling naman ako sa tanong niya.

"May ka-meeting ba Na mag ttect na 'I want to see you right now' sa hating gabi?" agad na naman kimirot ang dibdib ko ng sabihin ko 'yon.

"Kung sabagay Kung ganon ang text talagang mag hihinala na ako." Sabi niya bago umaktong nag-iisip sa harap ko.

Hindi ko alam kung anong kailangan kong maramdaman dahil ito ang unang beses na Makita ko ang ganon, pero wag naman sana totoo ang hinala ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man totoo nga 'yon.