Chapter 7
Sinag nang araw mula sa isang awang ang gumising sa akin, tahimik na ang buong lugar at wala na rin tao sa buong lugar tanging ako lang na walang saplot ang naiwan. Marahan na tumayo ako upang abutin ang bag sa taas ng lamesa, masakit parin ang aking buong katawan dahil sa nangyari pati na rin ang aking kaselanan.
Hindi maiwasan na manubig na naman ang aking mga mata ng maalala ang nangyari. Walang awa akong binaboy ng lalaking 'yon at walang ni isa ang dumating para tulungan ako.
"Hello, Leah?" bati ko ng agad na sumagot si Leah sa tawag ko. Alam ko na s'ya lang ang tao na makakatulong sa akin sa ganitong sitwasyon at alam ko na s'ya nalang ang nag iisang kaibigan na pwede ko pag katiwalaan.
"Preets? Anong nangyari sayo?" nag-aalala nitong tanong mula sa kabilang linya.
"Tulungan mo ko Leah, binaboy nila ako parang awa mo na puntahan mo 'ko rito."
"Na saan ka ba? Kagabi, pinuntahan ako ni Kurt hinahanap ka niya sakin. Ano bang nangyari?"
"Kwento ko sayo mamaya, please puntahan mo na ako ditto. Hindi ko alam kung saan 'to pero i-open ko ang GPS ko para ma-locate niyo ako. Please?" naiiyak kong tugon.
"Okay, Okay. Isasama ko nalang si Aizen, hintayin mo kami." Tango-tango ako habang sinasabi niya iyon pinatay ko naman ang tawag bago inopen ang GPS ko.
Wala na ang wallet ko sa loob ng bag ko buti na lamang ay may isang phone na nakatago sa pinaka-ilalim at hindi nila nakita.
Ilang oras na pag hihintay ay isang malakas na kalabog ang nanggaling mula sa labas bago tuluyan na bumukas ang pinto kung na saan ako.
Nang Makita ko si Leah ay muling nag unahan ang mga luha ko na lumabas mula sa mga mata ko, hindi ko na naman kayang isipin at alalahanin ang nangyari kagabi pero paulit-ulit sa utak ko kung paano ako binaboy ng lalaki 'yon.
"PREETS! Ano bang nangyari? Omygash!" mabilis itong lumapit sa akin, samantala ako ay mahigpit na napakapit sa kumot na tanging tumatakip sa buong katawan ko.
"I was raped. Binaboy nila ako at walang sawang ginamit ang katawan ko, Leah. Ang dumi-dumi ko." Niyakap naman ako nito ng mahigpit at inaalo ang likod ko, nahihirapan na akong huminga sa kaka-iyak ng humiwalay siya ng yakap sa akin.
"May extrang damit ka ba sa sasakyan?" doon ko na pansin ang boss naming na nakaharap at nakatitig lang sa amin dalawa ni Leah. Mabilis itong tumango at tumakbo palabas ng kwarto naming at tila nakaramdam nan g pag kataranta sa inutos sa kany.
"Wag ka na umiyak, pupunta tayong hospital okay?" tumango lamang ako bago humawak sa braso niya. Alam ko ang pag punta doon ang pinakabu-buti sa akin.
Ilang sandal lang ay dumating na si Boss Aizen at may dala itong mga damit. Ilang sandal na iniwan niya kami para makapag bihis ako at lumabas sa isang abandunadong bahay.
Habang na sa sasakyan ay tahimik ang lahat, nakatulala lang ako at hinahayaan ang walang tigil na tumutunog ang cellphone ko. Si Kurt, hindi ko akalain na magagawa n'ya sa akin 'yon.
Muling tumulo ang luha ko sa lahat ng nangyari kahapon, nabasa ko ang isang text, nalaman ko na ang bestfriend ko dati at ang papakasalan ko ay may relasyon pala at ang pang ba-baboy sakin. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin, ang dami ng gumu-gulo sa isip ko pati na rin sa puso ko.
Mariin na pinikit ko ang mga mata ko bago bumugtong hininga.
Nakarating kami sa hospital at agad na may nag asikaso sa amin ng Makita nila si Aizen na isa sa mga may-ari ng hospital, picheck agad nila ako at sinabi ko ang lahat ng nangyari. Noong una'y nag alinlangan pa ako sa unang lalaki na doctor na pumasok pero ng Makita ni Aizen at Leah ang naging reaksyon ko ay agad nilang pinalitan. Sa ilang test na nangyari ay saw akas nilagay nila ako sa isang kwarto para pag-aral pa, ginamot na rin ang iilang sugat at pasa sa mga katawan ko.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Leah. Tinignan ko naman si Aizen bago ito tumango at lumabas ng kwarto.
"Niloloko niya ako Leah, nakita ko sila ni Raven sa mall. Ang sabi niya sa akin ay may meeting siya that time at urgent 'yon kaya tinanggihan nya ang alok ko na mag date kami, pag labas ko ng mall. Sumakay ako agad ng taxi at doon, may in-spray siya sabay nagising na lang ako na nandon na ako sa bahay na 'yon." Naiiyak kong kwento.
"Hindi ko akalain na lo-lokohin niya ako, alam mo lahat ng pinag daanan naming at alam mo na kahit kailangan ay hindi siya mag loloko pero nangyari na. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, gusto ko nalang mawala sa mundo. Hindi ko na alam kung sinong kakapitan ko, siya lang ang meron ako pero pati siya niloko lang ako."
Gusto ko pigilan ang luha ko pero kahit anong pigil ko ay wala rin saysay ang lahat, lahat ng pangarap ko ay parang nawala nang parang bula, lahat ng inaasam ko na magandang pamilya ay nawala na rin.
"Don't stress yourself muna girl, mag pahinga and after that tutulungan kita. Nandito pa ako, remember ikaw lang ang kaibigan ko kaya gagawin ko ang lahat para lang matulungan ka. Hindi ko alam kung ano ang maipapayo ko sayo ngayon dahil totoo ang hirap ng sitwasyon mo, na kahit ako ang nandyan ay mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko. Kilala kita girl, alam ko ang ugali at way of thinking mo kaya ngayon making ka muna sa akin." Inalo naman nya ang likod ko. Tahimik lang akong umiyak sa nangyayari at hinayaan niya lang ako na umiyak hanggang sa gustuhin ko ng isang malakas na katok ang namayani.
Buti na lamang ay ako lang ang pasyente dito sa kwarto kung hindi ay marami nang nabulabog. Kasabay ng pag kawala nang mabilis na katok ay ang pag bukas ng pinto.
Isang lalaki ang hindi ko inaasahan ang pumasok, tila na istatwa ako sa nakita ko ganon na rin si Leah na napatayo sa tabi ko.
"L-love what happened?" may kaba, lungkot at takot niyang tanong.
"Kurt."