Chereads / To Capture a Flame / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

"MABUTI naman at nagbalik ka," salubong ni Juana sa kanya. "Malapit na tayo Cebu Port Area."

"Ilang oras pa?"

"Isang oras na lang siguro, nand'on na tayo."

Ang pinaka-excited ay sina Ollie at Perlie.

"Ilang araw ba tayong mananatili sa Cebu?" tanong ng dalawa. "Puwede ba kaming dumalaw sa mga pamilya namin?"

"Puwedeng-puwede dahil may mga supplies na kailangan nang i-replenish, katulad ng gasoline, fresh water at fresh fruits and vegetables. Baka mag-stay pa tayo dito ng mga tatlong araw." Si Juana pa rin ang tumugon.

Rebel was already hopeless with answering questions. Dahil siya man ay halos tulala na rin sa sobrang katuwaan.

Nakarating siya nang ganito kalayo. Ibig sabihin, hindi na siya masusundan ng kanyang pamilya.

Hindi na siya mapipigilan sa kanyang nais!

Nag-check-in siya sa isang five-star hotel.

Nagpaiwan sa yate sina Juana at Itoy. Sumama naman kina Perlie at Ollie si Elsa.

"Sigurado ka, ayaw mong sumama sa akin, Kap?" paniniguro niya sa kaibigan.

Walang gatol ang pagtango ng maginoong tomboy. "Marami akong gustong inspeksiyunin sa makina rito, Reb. Lumakad ka na. Mas mag-e-enjoy ka pati kapag nag-iisa ka lang."

She thought she didn't mind being alone...

"Sanay naman ako'ng mag-isa," pang-aalo niya sa sarili.

Ngunit kung aaminin niya ang tutoo, nalulungkot na nga talaga siya. Hinahanap-hanap niya ang mga hagikhikan at kuwentuhan ng tatlong dalaga.

Pati ang mga papuri ni Itoy.

O ang mga pagbibiro ni Juana.

Lumabas uli siya sa hotelroom, nang di na matiis ang sobrang katahimikan ng maluwang na silid.

"Good afternoon, madame," ang magalang na bati ng guest relation officer na lalaki. "You need some help?"

Tumango si Rebel. "Where's the restaurant?"

"That way, to your left, madame."

"Thank you." Tumalikod siya rito upang sundan ang direksiyong itinuro.

Bigla siyang napahinto nang may maramdaman siyang parang may nakatingin sa kanya.

Luminga-linga siya sa palibot ng maliwanag na hotel foyer.

Maraming tao ang nagkalat sa paligid. Ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakatingin sa kanya.

Napailing na lamang ang dalaga habang ipinagpapatuloy ang paglakad patungo sa restawran.

You're getting paranoid, Rebel! pambubuska niya sa sarili.

Nakaupo na siya at kasalukuyang nagbabasa ng menubook nang muling maramdaman ang kakatwang pangingilabot ng kabuuan.

Pasimple niyang iginala ang paningin sa paligid.

Inisa-isa niya ang mga lamesang okupado.

Hanggang sa huminto ang mga mata sa dako ng isang lalaking nakatitig rin sa kanya.

Tinitigan niya ang lalaki. Walang kakurap-kurap. Nais niyang ito ang mailang.

Ngunit tila wala itong balak na magbaba ng tingin.

Mabuti na lang, may lumapit na waiter kay Rebel. Kung hindi, baka naduling na siya sa pakikipagtitigan sa nakakairitang estranghero.

She had studiously avoided looking at him as she ate her simple but expensive dinner.

Ngunit sadyang malakas ang hatak ng kuryosidad niya. Reincarnation siguro siya ni Pandora!

Hindi niya napigil ang sarili nang nasa dessert stage na siya.

Ginamit niyang salamin ang makintab na tiyan ng kutsarita para maobserbahan uli ang lalaki nang di tumitingin dito.

"Looking for me, miss?" ang patudyong tanong ng isang baritonong tinig.

Napatalon sa pagkagitla ang dalaga.

Agad siyang tumingala upang tingnan ang lalaking nakatayo sa tabi niya.

Whoa! Her eyes had to travel a long way up. Masyadong matangkad ang lalaki.

"S-sino ka?" tanong niya, pabulalas.

"Bullet Sanchez." Inilahad nito ang isang palad upang makipagkamay sa kanya.

Rebel looked at his hand like she would at a deadly snake. Ibinalik niya sa matatag na hubog ng mukha ang kanyang paningin.

"Bakit ba nakatingin ka sa akin kanina pa?"

"Humahanga ako sa ganda mo," ang walang gatol na tugon nito.

Pinigil niya ang sarili na maniwala.

God! She almost believed him!

"Nagsisinungaling ka, ginoo," pakli niya. Tiniiman niya ang pagkakatitig dito. "Ano'ng sadya mo sa akin?"

Nagkibit ng isang matipunong balikat ang lalaki. "Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Wala pa bang lalaking nagsasabi sa 'yo na maganda ka?"

"Wala ka bang magawa sa buhay mo?" pambabara niya. "I want to finish my dinner."

Yumukod ang lalaki. "Sorry, princess," anito. "Aalis ako pero babalik din agad upang ipagpatuloy ang interesanteng pag-uusap natin."

The man moved with natural grace. He carried his casual clothes with innate elegance. His sinewy body hid a forceful strength.

Agad niyang ibinaba ang tingin nang mahuli ang sarili na pinagmamasdan ang papalayong lalaki.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain sa vanilla sundae.

Ramdam na ramdam ni Rebel ang pagtitig ng lalaki sa kanya.

She fought the desire to glance at him with valiant effort.

At habang nilalabanan niya ang sarili, nagtataka siya.

Bakit naging interesado agad siya sa lalaking iyon?

Nag-isip nang husto si Rebel.

She had never been interested with boys, especially with men.

Marahil, na-impluwensiyahan ng ama at kapatid ang opinyon niya sa mga kabaro ni Adan.

Umiwas siya sa mga ito dahil ayaw niyang ma-dominahan ng iba pang lalaki.

Napilitan siyang huminto sa pagkain nang maubos ang laman ng dessert glass. Kinambatan niya ang waiter para sa chit.

Tinupad ng lalaki ang pangako. Lumapit uli ito sa kanya pagkatapos lumayo ng waiter.

"Puwede na ba tayong magpatuloy?" tanong nito habang hinihila ang isang silya para upuan.

"Pinapaupo na ba kita?" Tinaasan niya ito ng mga kilay at pinandilatan ng mga mata.

Ngumiti lang ang lalaki. Lumitaw ang mapuputing ngipin. Halatang tunay ang mga iyon dahil may ilang sungki.

"Kung ikaw ang hihintayin ko, baka tinutubuan na ng ugat ang mga paa ko--hindi mo pa ako iniimbitahang maupo," he said chidingly.

"Mabuti't alam mo," pakli niya.

"May I introduce myself again?" umpisa nito. "My name's Bullet Sanchez. What about you?"

Paiwas ang tugon ni Rebel. "Ayaw kong makipagkilala sa 'yo," pahayag niya. "Hindi ko gusto ang mukha mo."

"Matalas pala ang dila mo, Miss Tiangco," pahayag ng lalaki.

Nagulat na naman ang dalaga. "Kilala mo ako?"

"Nakita ko sa registration book ang pangalan mo. Magkasunuran lang tayo," paliwanag ng lalaki.

Tinitigan niya nang matagal si Bullet Sanchez.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin, ginoo?"

"Wala. Nais ko lang makipagkaibigan."

"Hindi ako naniniwala."

"Walang namimilit sa 'yo na maniwala ka, Miss Tiangco."

She clamped her mouth tightly shut.

Bumalik ang waiter, dala ang bill niya.

Naghari muna ang katahimikan habang binubuksan niya ang wallet upang kumuha ng pera.

"Puwede ba kitang maanyayahang mamasyal?"

Umiling si Rebel. "Hindi tayo magkatalo, Ginoong Sanchez."

"Ganoon ba? Buweno, manood na lang tayo sa mga nagsasayaw."

"Ayoko," diin niya.

*****

SHE'S more beautiful up close and personal! bulong ni Bullet sa sarili.

Daig pa niya namalikmata habang tinititigan ang natatanging ganda ng hugis-pusong mukha.

Kaya naging makaagaw-pansin si Rebel Tiangco nang pumasok sa restawran, ito lang ang hindi nakabihis.

Pero napaka-elegante tingnan. At natural ang regal na pagkilos.

Para bang ito ang may-ari ng lugar kahit na kaswal lamang ang pananamit.

Kaya wala siyang nagawa kundi ang sundan ng tingin ang babae.

Hindi niya alam na halos nawala siya sa sarili...

Namalayan na lang ni Bullet na nakalapit na pala siya kay Rebel.

It was only then that he fought the spell of her mesmerizing looks.

Ipinilig niya ng isa ang ulo upang mawaksi ang pagkabighani.

His fascination with women were just for physical reasons. He liked to girl-watch before, pero ngayon lang siya nabighani nang husto sa pagtitig sa isang babae.

Sinundan niya ang dalaga nang padaskol na umalis sa restawran.

Kanina pa niya nabayaran ang chit, kaya walang pumigil sa kanya kahit na hindi pa nagagalaw ang hapunan.

"Magiging anino mo ako, Rebel," wika niya. His long strides accompanied her shorter ones effortlessly.

"Puwede ba? Lubayan mo ako. Tatawag ako ng pulis!"

"Gawin mo 'yan, para magkaroon ako ng dahilan na mayakap ka at mahalikan," bawi niya, patudyo.

Lalong nandilat ang dalaga. "Gusto mo ba talagang makulong?" panghahamon nito.

"Bakit naman ako makukulong? Magsyota tayo. And we're just having a lovers' quarrel."

Nanggigil ang dalaga ngunit nagpigil na lang.

Imbis na sa elevator tutuloy, sa foyer ito dumiretso. Lumakad nang mabilis hanggang sa makalabas ng hotel.

Nang malampasan na ang ilang bloke, atsaka ito biglang huminto at humarap sa kanya.

"Bakit ba sunud ka nang sunod?" singhal nito.

"Kung pauunlakan mo ang imbitasyon ko, hindi na kita susundan," sambit niya.

Bumuntong-hininga ito, padaskol. "Saan mo ba ako ipapasyal?"

"Sa disco? O sa casino?"

Nag-isip sandali ang dalaga. "Sa casino," anito. Medyo mababa na ang tono. "Tama na ba 'tong suot ko?"

Tumango si Bullet, matapos hagurin ng tingin ang magandang hubog ng katawan na nakatago sa ilalim ng cream tailored slacks and black long-sleeved blouse.

He was also wearing casual clothes: dark-coloured slacks and poloshirt with matching overcoat.

"Ayos na 'yang suot mo," wika niya, pabulong.

Ang mga naunang babae na dumating sa buhay niya, namumula kapag natingnan niya nang may sexual innuendo.

Ngunit iba nga si Rebel Tiangco.