Chereads / To Capture a Flame / Chapter 12 - Chapter Twelve

Chapter 12 - Chapter Twelve

"YOU don't have to get rid of my clothes!" Pabulalas ang pagtanggi niya. She did not want to feel--and enjoy--the intimacy between them.

"I want to see your nudity," he replied in a hoarse voice. "And I want to make love with you, Rebel. Not have a quickie sex!"

"It would be more appropriate!" salo niya, kahit na hindi na alam kung bakit pa nakikipagtalo.

The man just laughed harshly before taking her mouth in a rough kiss.

"No!" bulyaw niya. Nais niyang manlaban uli ngunit tanging ang boses na lang ang may natitirang lakas at tigas.

"Let me go, damn you!"

Hindi siya pinansin ng kaniig. Pinagapang nito ang bibig sa kanyang leeg at balikat.

He nibbled on her soft skin. His white teeth sunk into sensitive flesh, making her shiver.

Nangatal ang buong katawan niya nang kumalat na animo kuryente ang kilabot na nililikha ng katalik.

"Stop this, Bullet!" Sinubukan niyang utusan ang lalaki, ngunit nanginginig na rin ang kanyang tinig.

"You invited this, Rebel. You lead me on!" pakli ni Bullet.

"And now, you must deliver."

Muli siya nitong sinisid ng halik. Mas magaspang na.

Pasibasib at pakuyumos at wala nang pakundangan sa kanyang kainosentihan.

She felt real fear now. Umuusbong na ang tunay na sindak sa kanyang kalooban.

Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyayari.

She should not feel affected.

His caresses stimulated her sensuality to come into a raging fire that burn all her defiance.

His kisses ignited their lust into a tumultuous life that crumbled all her resistance.

The situation was becoming unreal and nightmarish.

Ngunit hindi na niya kayang pigilan ang mga nangyayari.

Tila ba nakatakda na siyang mapahamak...

Nawawalan na siya ng pag-asa kaya pumikit na lang si Rebel.

Mula sa kungsaan, may dumating na saklolo.

She heard a dull sound before his low groan of pain.

For the next few seconds, she was completely paralyzed.

"Nagkamali ba ako ng akala?" tanong ng boses ni Juana.

"I-ikaw ang--?"

"Ako nga," was the grim answer. "Sagutin mo ako, Reb. Mali ba o tama ang pagtulong ko sa 'yo?"

Ipinilig ni Rebel ang ulo. She tried to shake off the cobwebs in her mind.

"T-tama," tugon niya.

Saka lang siya hinawakan ng kaibigan para ibangon.

"I'm relieved to hear that. Akala ko, pinasok na ng hangin ang ulo mo nang madatnan kitang may kaulayaw na lalaki."

Nagdumali sa pagbibihis ang dalaga. Iniwasan niyang tingnan ang lalaking nawalan ng malay-tao.

"What do you mean?" tanong niya nang medyo matatag na ang tinig.

"Bago ka pa lang nakakatikim ng kalayaan. Posibleng maisipan mong gawin ang lahat ng mga ipinagbawal sa 'yo noon," ang mahabang paliwanag ni Juana.

"You thought I had turned promiscuous?"

"Well, yes, I thought that," the older woman admitted reluctantly.

"Kaya ba sinundan mo ako dito?" pananalakab niya. Kinuha niya ang maletang maliit sa loob ng wardrobe closet.

"Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala sa 'yo, Reb."

Nang matapos na sa pag-iimpake, saka lang niya tinapunan ng sulyap si Bullet Sanchez.

"Malaki ba ang magiging damage sa kanya?" tanong niya sa nakamasid na si Juana.

"Ano nga palang ginawa mo para mapatulog siya?"

Iniangat ng tinanong ang isang plorera na yari sa solidong kristal.

"Medyo sasakit lang ang ulo niyan mamayang paggising niya."

"Halika na," aya niya nang tila wala pang balak lumabas ng silid ang kausap.

"Kilala mo ba 'yan?" tanong nito habang dahan-dahang tumutuwid sa pagkakasandal sa may pasamano.

Tumango si Rebel. "Tauhan siya nina Papa at Kuya."

"Tauhan?" ulit ni Juana. Halatang nalito nang husto.

"Bakit pinupuwersa ka niya nung datnan ko kayo?"

"Well, that was my fault," pag-amin niya. "Pero ikukuwento ko sa 'yo kapag nakalayo na tayo dito. Okey?"

"Your fault?" Tila hindi na maawat ang kuryosidad ng kasama.

Hindi niya ito tinugon. "Bumalik na lang muna tayo sa yate," suhestiyon niya. "Naiwan ba d'on si Itoy?"

"Your yacht's in safe hands. Habang ako ang nag-aalaga d'on, hindi maaano 'yon,' pakli nito.

"Ngayon mo na sagutin ang tanong ko."

"Hindi ko pa nga alam kung paano kita sasagutin," ang malumanay na pahayag niya.

Natahimik sandali si Juana.

"Nagagalit ka ba dahil sinundan kita?" tanong nito, nang nasa loob na sila ng elevator.

Pinilit niyang ngumiti nang natural sa matalik na kaibigan.

"Of course not," tugon niya. "The truth is, I'm very much relieved. Nawawalan na ako ng pag-asa nung bago ka dumating."

Tinapik siya ni Juana sa isang balikat habang tumatangu-tango.

"I think, I can understand what happened up there," sambit nito kapagkuwan. "You got so cocky and brash, eh?"

Tumango si Rebel. "I let anger overshadow my reasoning," pag-amin niya.

"Nagalit ako nang matuklasan kong pinasusundan ako ni Papa. Inakala ko pa naman na pinagtitiwalaan na niya ako nang pumayag siyang maglakbay ako..."

"Masakit para sa 'yo ang tratuhin kang parang bata?"

"I'm not a helpless, spineless female, Juana!" pahayag niya. Matigas ang tono.

"I'm a matured person. I can think for myself. May sarili na akong disposisyon."

"I believe in you, Reb." Puno ng pang-unawa ang malumanay na boses ni Juana.

Saka lang parang nahimasmasan ang dalaga. Huminga siya nang malalim at muling ngumiti nang mapakla.

"Sorry," wika niya. "I can't control myself where my family's concerned."

"Okey lang."

Bumukas na ang kambal na pinto ng elevator. Sabay silang lumabas doon at lumapit sa reception desk.

"Kumain ka na ba?" Iniba na niya ang usapan matapos mag-check-out.

"Kanina pa. Nagsaing na lang si Itoy. Maraming ulam na luto na sa freezer."

"Mabuti't marunong palang magluto si Itoy," aniya habang tumatanaw sa malayo ang mga mata.

She saw a dark pair of eyes in the black skies. Ganito kadilim ang mga mata ni Bullet Sanchez...

"Ano'ng plano mo ngayon?" Walang kamalay-malay si Juana sa mga pangitaing nakikita ni Rebel.

"Plano?" ulit niya.

"May sumusunod na pala sa 'tin," patuloy ng kasabay sa paglalakad sa kalsadang patungo sa piyer.

"Gusto mo bang umalis na tayo dito? Nag-iwan ng address sina Ollie kaya puwede silang sunduin ni Itoy."

Walang gatol ang pagtanggi ni Rebel. "Hindi ako dapat magpakita ng takot, Juana. Gusto kong ipakita kina Papa at Kuya Richie na hindi na nila ako mapapasunod sa mga utos nila!"

Ikinatuwa ni Juana ang tinuran niya. "That's my girl!" papuri nito habang inaakbayan siya. "You really deserve to own 'Manlalakbai'!"

*****

KINAPA ni Bullet ang nananakit na batok habang inut-inot na bumabangon. Tiningnan niya ang mga daliri upang tiyakin na walang bahid ng dugo.

Naghagilap ang kanyang mga mata sa paligid.

Nag-iisa na lang siya. Wala na si Rebel Tiangco.

Muli siyang napaungol nang umalon ang sahig na alpombra, matapos niyang tumindig nang dali-dali.

"Ooh, ang sakit ng ulo ko!" daing niya habang sinasapo ng mga palad ang magkabilang sentido. "Nas'an ba ang babaeng 'yon?"

Pasuray-suray siyang nakarating sa banyo. Naghilamos siya nang malamig upang maibsan ang pag-uro ng kirot.

Nang maginhawahan, saka siya nagrekisa sa palibot ng kuwarto. Wala na ang mga gamit ni Rebel doon.

Umalis na ang babae.

Napaupo si Bullet sa gilid ng magulong kama. Inalis ng isang kamay ang tuwalyang ibinalot sa binasang ulo.

He was peculiarly relieved.

Para bang ikinatutuwa pa niya ang pagkabigong maangkin ang babae.

"Kung sinuman ang tumulong sa 'yo, Rebel, nagpapasalamat ako," wika niya habang muling nahihiga. Ipapahinga niya ang ulo sa malambot na unan. "Kung hindi sa kanya, baka ako na ang susunod na pag-uusapang rapist!"

Pumikit siya ngunit agad ring dumilat.

Paano'y tinutukso pa siya ng napagkit na gunita ng hubad na kariktan ni Rebel Tiangco.

God, she had the softest skin he'd ever touched! bulong niya sa sarili. And the sweetest lips!

Hindi na siya makakahalik sa ibang babae nang hindi niya maikukumpara sa natikmang tamis ni Rebel.

Napailing at napangiti nang mapakla si Bullet.

"Kalokohan ang iniisip mong 'yan," piksi niya sa sarili. "Ang babaeng iyon ay hindi para sa isang tulad mo, Sanchez!"

Bumangon siya uli nang maramdamang humulas na ang pananakit ng ulo.

Lumabas siya ng silid upang bumalik sa sariling kuwarto na nasa sumunod na palapag.

Kinuha niya ang overnight bag sa loob ng closet, at pumanaog na sa ibaba para magbayad ng hotel bill.

Nasa bandang hulihan ng hilera ng mga sasakyang-tubig ang 'Pursuer'. Binagalan niya ang paglakad nang mapatapat siya sa 'Manlalakbai'.

Nobody was on the deck.

"Si Boss Bullet, andito na." Si Andong ang unang nakakita sa kanya.

"Bosing, akala namin hindi ka uuwi ngayon?" usisa ni Leroy.

"Boss Bullet, heto, o." Inabutan agad siya ng isang boteng beer ni Domeng, ang pinakabago sa grupo niya.

Ang dalawang nauna ay mga dati na niyang alalay noon.

Natiyempuhan niyang libre nang maghanap siya nang madalian.

Bukod sa tatlong kaharap, kumuha rin siya ng kapitan na magpapaandar ng yate. Isang dating kaibigan ng nasirang ama, si Kapitan Ping.