Chereads / To Capture a Flame / Chapter 10 - Chapter Ten

Chapter 10 - Chapter Ten

"IPAPAKASAL nila ako sa isang lalaking gusto nila para sa akin." Matapos magsalita, binilisan niya uli ang paglalakad.

Bumagal na pala ang mga hakbang nila habang nagkukuwentuhan.

Nakapamulsa siya sa suot na jacket habang nagdudumali sa paglapit sa hotel na natatanaw na sa di-kalayuan.

"Sandali lang, Rebel." Pinigil siya ni Bullet sa isang braso.

Pumiksi siya. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Bullet Sanchez," pakli niya.

"Gusto kong makipagkaibigan sa 'yo," pahayag nito.

"Bakit pa? Isa kang kalaban para sa akin."

The man sighed heavily. "Kahit na ganyan ang tingin mo sa akin, ako pa rin ang proteksiyon mo. Inatasan ako ng iyong ama na maging anino mo, kahit na saan ka magpunta."

Ngumiti siya rito nang patuya. "Anino at proteksiyon? O para maging tagabihag?"

"Nakakausap mo ang iyong Papa, hindi ba? Itanong mo sa kanya kung ano ang iniutos niya sa akin."

"At iba rin ang iniutos ni Kuya Richie, hindi ba?" dugtong niya. "Sino kaya sa kanilang dalawa ang susundin mo?"

Nang hindi agad nakahuma ang lalaki, binawi niya ang brasong hawak nito. Ipinagpatuloy niya ang paglayo. Halos patakbo siyang pumasok sa hotel.

"Rebel!"

Hindi niya pinakinggan ang pagtawag ng lalaki sa kanya. Natiyempuhan niya ang elevator, kaya hindi siya inabutan.

Nakatawa siya kahit na hinihingal, nang makarating sa silid-tulugan.

Bullet Sanchez was the most attractive man she'd ever met.

Ano kaya kung hayaan niyang yumabong ang atraksiyon na nadarama niya para dito? bulong niya sa sarili.

Wala namang mawawala sa kanya. Tutal, ibig niyang matikman ang lubos na kalayaan.

She could enjoy his attention--for now. Wala naman siyang dapat paglaanan ng sarili... kundi si Joselito, ang lalaking ibig ipakasal sa kanya!

Tumiim ang anyo ni Rebel.

It would serve them right--if she'd let herself be sullied by a vagabond man!

Hindi na siguro siya gugustuhing pakasalan ni Joselito kung magiging isang tira-tirahan na lang siya.

God! Ano ba 'tong naiisip ko? pang-uusig ng konsensiya niya.

Tumuwid siya sa pagkakasandal sa nakapinid na pinto. Halos patakbo niyang tinungo ang banyo.

Naligo siya upang mawaksi ang mga pangit na ideya.

Kumukuriring ang telepono nang lumabas siya. Nakatapis ng tuwalya ang kanyang kabuuan at nakabalibol ang isa pa sa mahabang buhok.

"Hello?"

"Rebel," sambit ng baritonong tinig ni Bullet. "Gusto kitang makausap."

Natubigan siya sandali. Natutukso siya…

"Importante ba ang sasabihin mo?" untag niya.

"Oo."

"Alam mo ang silid ko," aniya kapagkuwan. "Pumunta ka rito."

Nang maibaba ang awditibo, atsaka siya nag-alinlangan sa sinabi.

What shall I do? bulalas niya sa sarili nang marinig ang mga katok sa kanyang pinto.

Nakapagbihis na siya. Levi's and t-shirt, plus white canvas shoes.

Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok matapos magsuklay dahil walang panahong magpatuyo.

Hubad sa kolorete ang hugis-pusong mukha ngunit mayroong mahiwagang kislap sa mga mata at matamis na kinang sa mga labi.

Nakapagpalit na rin ng damit si Bullet Sanchez.

Bagong-ahit at basa-basa pa ang maikling buhok nito.

"Magandang gabi," bati nito matapos silang magtitigan sa isa't isa.

"Magandang gabi rin," tugon niya. "Tuloy ka."

Ngunit madaling-araw na.

Tumagilid siya sa pagkakatayo upang makadaan ang matipunong lalaki.

"Maupo ka." Isinenyas niya ang isahang sopa.

Lumapit siya sa telepono. "Ano'ng gusto mong inumin? Tatawag ako ng Room service."

"Nothing."

Lumakad siyang palayo sa mekanismo. Tumanaw siya sa labas ng bintana. Wala siyang nakita kundi ang mga ilaw ng mga katabing gusali.

Luminga uli siya sa dako ng panauhin nang lumawig ang katahimikan.

"May sasabihin kang importante, hindi ba?" paalala niya.

Tumindig ang matangkad na lalaki. Humakbang palapit sa kinatatayuan niya.

"Gusto kong ialay sa 'yo ang proteksiyon ko, Rebel."

Napamaang siya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Maaari mo akong isama sa 'yong paglalakbay."

Naglaho ang pagkamangha at nagbalik ang sarkasmo.

"Is this a ruse?" bawi niya. "Ano'ng akala mo sa akin? Tanga? Papayag na magpalansi sa masamang balak mo?"

Umiling-iling pa siya habang nagtatawa nang pauyam.

Pinanood lang siya ng lalaki. Nanatili itong seryoso.

"Okay. Kalimutan mo ang suhestiyon kong 'yan. Makikipagkaibigan na lang ako sa 'yo."

"I rejected your doubtful friendship earlier," she said pointedly. "Isa pa, wala akong katiwa-tiwala sa isang katulad mo."

"Ano ba ang tingin mo sa akin?"

"Isa kang bagamundo, hindi ba?"

"Paano mo natiyak ang obserbasyon mong iyan?"

"Huwag mong sabihing sumusunod ka sa mga utos sa 'yo nang libre?"

"Tumatanggap ako ng bayad, oo," pag-amin nito. He was watching her very closely.

"Kita mo? Hindi disenteng lalaki ang gagawing hanapbuhay ang paghabol sa sinuman."

"Sinasabi mo bang hindi marangal ang trabaho ko, Rebel Tiangco?" he asked in a threatening tone.

"Oo." Itinaas niya ang noo at tumingin nang diretso sa kausap.

"That's a provocative statement," he continued. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa kanya.

Hindi siya tuminag sa kinatatayuan. Tiningnan pa niya ito nang diretso.

She was being driven with an unseen force.

"Maybe, I'm trying to provoke you?" sambit niya, paanas.

Natigilan ang lalaki. Inarok ng matitiim na titig ang kanyang mga mata.

"I find you very, very attractive, Rebel Tiangco," bulong ni Bullet matapos ang ilang sandaling pag-uusap ng kanilang mga isipan. "You have the most seductive eyes I've ever seen," dugtong pa.

Pinilit niyang ngumiti. "Saan ka natutong mag-Ingles nang ganyan katatas? Wala ka namang pinag-aralan, hindi ba?"

His nostrils flared at her crude insult.

"Bakit pinipilit mo akong magalit?" tanong nito nang makontrol na ang sarili.

She smiled at him bitterly. "Dahil pinipilit mo akong bilugin," salo niya.

He sighed deeply.

"Siyanga pala, hindi mo pa sinagot ang itinanong ko kanina: sino kina Papa at Kuya ang susundin mo?"

Hinaplos ng isang magaspang na palad ang malasutlang pisngi.

"Wala. I could be your slave, princess," pahayag nito. Mababa at mahina ang boses. "Kung gusto mo, ikaw na lang ang susundin ko."

Tumawa si Rebel. Mapait.

"Do you expect me to believe that?" aniya. "Lalaki ka. Alam kong nasa lalaki rin ang loyalty mo."

Bahagyang kumunot ang noo ni Bullet Sanchez.

"Saan ka nakakuha ng mga ganyang paniniwala?" tanong nito. "Parang napakabata mo pa sa mga ganyan kalalim na sinismo."

"Itatanggi mo bang tama ang sinabi ko?"

Umiling ang lalaki. Tumikhim lang ito. Hindi na nagsalita pa.

"Am I really beautiful?" Iniba niya na naman ang usapan.

Kung nabigla niya si Bullet, hindi ito nagpahalata. Nananatiling enigmatiko ang mga matang malalalim nang tumugon.

"Oo."

A bold finger caressed the firm lips daringly.

She was inviting the unknown and the dangerous.

Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng mga kapangahasang ginagawa niya--ngunit alam niyang mapanganib ang anumang emosyon na mapupukaw niya.

"Alam mo ba kung ano ang puwedeng mangyari?" he whispered in a raspy voice.

"Tell me," she invited huskily.

The poor guy had no chance left. Dahil kahit na magpakahinahon ito, nakapulupot na ang mga braso niya sa matipunong batok at nakasandig na ang buong katawan niya sa malapad na dibdib.

"I wouldn't know how to stop, when things like these get started," he admitted against a delicately curved ear.

Naghatid ng kakatwang kiliti ang mainit-init na hiningang dumampi sa sensitibong bahagi ng leeg.

"I'm glad to hear that," she replied saucily. "Show me what you want to do, loverboy."

Hindi makapaniwala si Rebel na ang sarili niya ang nagsasalita nang mga sandaling iyon.

"Are you sure?" he queried uncertainly. Tila ito man ay hindi makapaniwalang nawawala nga ang kanyang katinuan.

But the hesitation was fleetingly short. His hands and mouth were only too eager to possess all of her...

"Are you really sure?" May nginig na ang paos na boses.

Nag-angat ito ng ulo nang hindi siya tumutugon.

Sinapo ng dalawang palad ang kanyang mga pisngi upang matitigan siya nang husto.

"Gusto kong marinig ang sagot mo," anas nito. "Magiging akin ka ba ngayong gabi?"

Her mind shied away from making a direct answer.

Tinangka niya itong halikan sa bibig upang matapos na ang pag-aalinlangan.

Ngunit umiwas ang lalaki.

"Sagutin mo ako," he insisted.

"Bakit kailangan ko pang sumagot?"

"Paano kung isang bitag lamang ang lahat ng ito?"

"Bitag?"

"Itinuturing mo akong kalaban, hindi ba? Gusto kong makatiyak na hindi ka sisigaw ng 'rape!' pagkatapos."

Nanlamig ang buong katawan ni Rebel.

"You're forgetting that I'm a woman," pakli niya. "I can change my mind anytime I want!"

Itinulak niya ang lalaki palayo.

"Nagbago na ang isip mo. Or you're just leading me on," pang-aakusa ni Bullet. Matabang ang sumilay na ngiti sa pirming hubog ng bibig.

"I should've known that women can never be trusted!"