Chapter 2 - Prologue

Kanina pa ako nakatayo sa harapan ni Dale pero hanggang ngayon hindi niya parin ako tinatapunan ng tingin. Nakatuon parin siya sa folder na hawak niya. Ang assistant niya ay napapatingin na lang sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Iwan mo muna kami."utos ko kay Greg.

"Sige po Ma'am-"

"Who told you to leave?"

"Ako."sagot ko pero hindi tumingin sa akin si Dale na parang hindi niya ako narinig, na parang wala ako sa harapan niya. Tumingin ulit ako kay Greg.

"Leave us alone."nagpalipat-lipat ang tingin ni Greg sa aming dalawa ni Dale. Sinenyasan ko siyang umalis na, naglakad naman siya palabas.

Ibinagsak ni Dale ang hawak niyang folder pero nanatili siyang tahimik.

"Bakit hindi ka umuuwi sa bahay nitong mga nakaraang araw?"lakas loob kong tanong sa kanya.

Tumayo siya at may kinuha siyang folder at ballpen sa table niya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin. Sa bawat hakbang niya, lumalakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa susunod niyang gagawin.

"Sign it."agad niyang sabi pagkarating niya sa harapan ko. Bumaba ang mga mata ko sa folder na hawak ni Dale. Nakaramdam ako ng kakaibang takot na para bang gusto kong bawiin niya ang ini-utos niya sa akin.

"Ano 'yan?"patay-malisya kong tanong kahit alam ko na kung anong laman ng folder. Kahit alam ko na kung anong gusto niyang pirmahan ko.

"Annulment paper."ilang segundo akong hindi nakapag-salita, nahihirapan akong huminga at kahit salubingin ang mga mata niya ay hindi ko magawa.

"Bakit kailangan kong pirmahan ang papel na 'yan?"mahina at maingat kong tanong.

"I saw it in my own eyes."nakagat ko ang labi ko. Mas lalo lang ako na hindi makatingin sa kanya.

"Ang alin?"walang lakas kong tanong.

"Just sign it."utos niya.

"Alam mo ba ang dahilan ko kung bakit ko 'yun ginawa?"pinilit kong maging kalmado sa pagtatanong ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay pero wala akong narinig na kahit na ano sa kanya.

"I will not sign it."dagdag ko.

"Do you really want to hurt me that much?Ano bang ginawa kong mali sayo at kailangan mo akong tratuhin nang ganito?"saad niya, umangat ang tingin ko at tinitigan si Dale.

Sakit at galit ang nabasa ko sa mga mata niya.

Bumaba ulit ang tingin ko sa annulment paper. Noong ipinakasal ako ng magulang ko sa kanya, kinamuhian ko siya dahil tinanggap niya ito. Nagalit ako, pinahirapan siya. Ipinakita ko sa kanya na walang kwenta ang kasal namin, na hindi ko tanggap at hindi ko papahalagahan.

Pero bakit ngayon?Iisipin ko pa lang na tuluyan na kaming maghihiwalay, parang nanghihina na ako. May dumadagan na mabigat na bagay sa puso ko.

Kapag pipirmahan ko ang annulment paper, hindi na niya ulit ako ngingitian at titignan na para bang ako lang ang nag-iisang babaeng nakikita niya at maaaring hindi ko narin siya makikita pang muli.

Kaya hindi ako makapag-salita.

"Ano pang hinihintay mo?"umiling ako.

Para bang may bumabaon na matulis na bagay sa puso ko ng binuksan niya ang folder. At basta-basta na lang niyang pinirmahan ang annulment paper.

"Dale, nahihirapan ka na ba talagang makita ako?"

"Oo."tipid niyang sagot at wala man lang akong maramdaman na kahit na ano dito.

"Sumusuko ka na sa akin?"

"Oo."

"Kapag ba pipirmahan ko ang annulment paper, magiging masaya ka?"

"Hindi."tumitig ako sa kanya. Hanggang sa may pumatak na luha sa mga mata niya.

"Sa mga susunod na araw, alam kong hahanapin kita, alam kong tatawagin ko ang pangalan mo, alam kong may mga pagkakataon na magsisisi ako sa naging desisyon ko."maingat kong hinawakan ang kamay niya, napayuko siya at tinitigan ang kamay naming dalawa.

"But you hurt me and I don't want to be a fool anymore." hinila niya ang kamay niya tapos inabot sa akin ang folder.

"Sign it then leave. I don't want to see you anymore."kinuha ko na sa kanya ang folder habang tumalikod na siya.

Matagal muna ang pagtitig ko sa likod niya bago ko tuluyan naring pinirmahan ang papel.

Ipinatong ko ito sa mini table at tumalikod narin ako.

Nanghihina kong ipinatong ang kamay ko sa hawakan ng pintuan, wala akong lakas na binuksan ito.

Muli kong sinulyapan si Dale pero nakatalikod parin siya kaya lumabas narin ako.

Naramdaman ko ang mga tingin ng mga tauhan ni Dale habang naglalakad ako palabas.

Hindi ko alam kung anong iniisip nila.

Kung nagagalit sila dahil naging masama akong babae sa Boss nila. O napapa-iling na lang sila dahil isang buwan pa lang na kasal kami ni Dale pero nagpirmahan na kami ng annulment paper.

Lumabo ang paningin ko dahil nanunubig na ang parehong mata ko. Hanggang sa unti-unting dumausdos ang mga luha ko na hindi ko naisip kahit minsan na ang magiging dahilan ay si Dale.

Huli na ng malaman kong nahulog na pala ako sa kanya.

Nagsisi ako dahil napagtanto kong mahal ko na pala si Dale.

Lumipas na ang dalawang taon at ang akala ko hindi ko na ulit siya makikita. Nagulat na lang ako ng makita ko ulit siya sa harapan ko.

Pero hindi na siya 'yung dati. Hindi na siya yung lalakeng minahal ako ng lubos.

Ibang-ibang na siya at hindi ko alam kung kaya ko ba talagang pabalikin ang pagmamahal niya sa akin noon.

Ngayon, ako naman ang magmamahal sa aming dalawa. Ako naman ang masasaktan at magtitiis.