Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

There goes my Heart beating (You are the Reason - Series#1)

🇵🇭PrinsesaMin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
31.9k
Views
Synopsis
Nasa isang building ako ng school namin ng may narinig akong tugtog, sa pagka curiosity ko ay sinundan ko ang tunog na iyon at pinuntahan. Narating ko ang stage at naroon ang maraming study ante na katulad ko sa quadrangle, nanunuod at nakikinig… Nag umpisa na kumanta ang sa tingin ko ay lead singer nila. “There goes my heart beating Cause you are the reason I'm losing my sleep Please come back now” Bakit parang pamilyar ito sa akin? “There goes my mind racing And you are the reason That I'm still breathing I'm hopeless now” Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba narinig ang boses na ito, ngunit wala akong matandaan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pumunta ako sa unahan ng mga taong nanunuod. Nakatingin ang mga mata niya sa akin, habang kumakanta ito… “There goes my hands shaking And you are the reason My heart keeps bleeding I need you now, oh” Habang kumakanta siya at nakatingin sa aking mga mata, Parang pinapahiwatig niya na para sa akin ang kantang kinakanta niya ngayon, “I'd climb every mountain And swim every ocean Just to be with you And fix what I've broken Oh, 'cause I need you to see That you are the reason” Sa bawat pagbigkas niya ng mga liriko ng kanta ay parang sumasabog ang puso ko sa hindi malaman na dahilan? Parang nasasaktan ako at nalulungkot sa madamdaming pagkanta nito. Siguro dahil na rin sa mensahe ng kanta na, lahat kaya niyang gawin kahit gaano kahirap at kahit masakit basta makasama niya lang ang taong mahal niya. Nakakalungkot man na kailangan pa niyang magdusa para lang makasama niya ang mahal niya… Hindi ko namalayan na maluha na pala ako sa sobrang touching ng pagkanta nito. - Bumaba sa stage ang lalaking lead singer at lumakad ito papunta… papunta sa akin? Bakit sa akin? Nagtataka ako at naka kunot ang noo ko na nakatingin sa kanya habang papalapit ito sa akin, pinunasan ko rin ang luhang dumaloy sa aking mga pisngi. Nang nasa harap ko na siya ay, hinawakan niya ang aking kanang pisngi ng kanyang kanang kamay habang hawak naman ng kaliwa niyang kamay ang Mike, “Cause I need you to see…” tumingin ito sa aking mga mata, “cause you are the reason…” kinanta nito ang huling liriko at bigla na lamang akong niyakap… "You are the Reason " ©2020 PrinsesaMin All Rights Reserved
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Britney Ariane's Point of View.

Nasa 2nd floor ako, kung saan nakabunggo ko ang lalaking may ari ng gitarang hawak ko ngayon, wala pa sa saktong oras ngayon, kung kailan kami nagkabangga noon. Mas maaga ako ngayon dahil siya na rin ang nagsabi na "Same hour, same place"

FLASHBACK:

"TSK. Damn it!" umuusok ang ilong nito sa galit, "Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Look!" tinuro nito ang gitarang nasa ibaba na ngayon. Nagkasalubong sila sa hagdanan, ang dalaga ay paakyat at ang binata naman ay pababa. Sa pagmamadali ng dalaga ay hindi na niya napansin pa ang makakasalubong kaya nabangga nito ang binata na hawak ang gitara at ang gitara nito ay humandusay paibaba.

"I'm sorry Mister. Nagmamadali kasi ako male-Late na ako kasi." paumanhin ng dalaga sa binata.

Tingnan nito ang binata, naka bonet, long sleeves naka shades at may head phones na sa tingin nito ay kakatanggal lang. Blonde ang buhok at medyo mahaba Plus matapang na amoy ng pabango.

"So ganoon nalang sorry nalang?"

Napabuntong hininga ang dalaga., "Sorry, kailangan ko talagang makaalis agad, Late na ako sa first subject namin."

Nakayuko habang nagpapaliwanag nito, hindi ito nakatingin ng deretso sa binata dahil kinakabahan rito. Iba ang kabang nararamdaman nito sa lalaking kaharap niya ngayon, pakiramdam niya kasi ay napapatay siya nito ng kanyang mga nanlilisik na mga mata.

"Sorry? Do you think your apologies will fix my important guitar huh? Do you know how important it is? Yan lang naman ang gitarang ni-regalo ng Mommy ko, then you ruined it! Huh!!!" nangagalaiteng sabi nito sa dalaga at halos maluha-luha ang mata at mapiyok nga ito dahil sa galit. Naiinis siya dahil ang nag-iisang alaala na mula sa Mommy niya ay mukhang, masisira pa. Hindi, sira na talaga. Kaya ganoon na lamang ang galit nito, dahil napakaimportante ng gitarang iyon sa kanya.

"I-I'm really sorry okay? Hindi ko sinasadya it's an accident." Galit niyang sabi

"Accident? Lame excuse!" pababa na ng hagdan ang binata.

Aalis na sana ang dalagang ito na sa akala niya ay tapos na ang usapan nila doon ngunit, pinigilan ito ng binata, "Don't go anywhere, stay there!" utos nito sa dalaga, at bumaba, kinuha lamang ang gitarang nahulog sa hagdan.

"Ano ako utusan mo? Huh? Bakit naman ako susunod sayo ha? Presidente ka ba ng Pilipinas para sundin ko?." Sigaw nito sa binata, medyo naiinis na kasi ito dahil imbes na nakahabol na siya sa klase ngayon ay mukhang magtatagal pa ang pagtatalo nilang ito.

"Because at the first place it's all your fault!" sigaw rin ng binata sa dalaga.

"Nagsorry na nga ako 'di ba? Anong gusto mo lumuhod pa ako sa sa harap mo ha?" Hindi naman papatalo sa sagutan ang dalaga.

"Sa tingin mo ba mababalik ng sorry mo ang gitara ko ha?" duro nito sa dalaga.

Umakyat na muli ang binata at hinarap ang dalaga, "I don't accept your apology, unless you have to fix this!" Tinutukoy nito ang gitarang hawak na niya ngayon.

Dahil doon, napaangat na ng ulo ang dalaga.

Nanlaki ang mata nito sa itsura ng gitara. Natanggal ang ibang string nito, at nagkaroon ng crack sa sides, ibaba at likod ng gitara, "Paano ko ito maayos?"

Parang nawawalan ng pag-asang tanong niya sa binata. Dahil hindi niya alam paano niya aayusin ang Total damaged na gitara. Kung tutuusin, pwede na itong itapon sa itsura nito.

"I can buy you a ne—w." Magpriprisinta sana ito na ibibili na lamang siya ng bago ngunit, pinigilan agad ito ng binata.

"No. I don't need a new one. I need the old one." Pagmamatigas ni Kent.

"Per—o" magpapaliwanag pa sana ang dalaga kaso, hindi na naman ito hinayaan ng binata na magsalita.

"Just fix my guitar! No more excuses!" nagtaas na naman muli ito ng boses. Kaya napaiyak na lamang ang dalaga sa inis.

"I—I'm really sorry. I don't mean it!." Naiiyak na sabi nito.

"TSK.. I told you, I don't need your apologies! Just do what I ask you to do! Take my guitar and fix it. That's final, and I only give you 3 days for fixing it. Then, see you again here, same place same time! Do it, now!." MA-utoridad na pag-utos nito.

Kumuha ng ballpen ang binata sa bag, at kinuha ang kanang kamay at inilahad nito ang palad na ya, nagsulat ito rito.

"That's my number. Just text or call me if you finished your task." Then with that, umalis na ito at bumaba.

END OF FLASH BACK

Pero mukhang siya rin ang kumain sa sinabi niya. Dahil wala pa siya hanggang ngayon, dahil ang oras nung nagkabungguan kami noon ay 8:30, pero ang nakakainis mag 10:00 am na pero wala parin siya?

"Na Saan na ba siya? Anong oras na pero wala pa rin siya? Sabi niya same place at same time pero bakit ngayon wala pa siya? Talk shit yata yun e!." Kausap ko ang sarili ko habang nakatingin sa relos ko at nakaupo rito sa bench, naghihintay na dumating ang masungit na lalaking iyon.

Pero nangangawit na ako rito kakaupo at sakit na ng puwitan ko pero wala pa rin siya.

Ano ba naman siya! Nakalimutan niya yata e.

Maghihintay pa ako hanggang 10:45am, pagbibigyan ko pa siya tutal ako naman ang dahilan ng pagkasira ng mahal niyang gitara sige, ako na rin ang mag-a-adjust para sa kanya. Pero kapag wala pa siya sa oras na binigay ko at nilaan ko para sa paghihintay sa kanya. Sorry nalang iiwan ko gitara niya rito.

Ang bigat po kaya mag bitbit ng gitara, Aber! Hindi madali bitbitin ito no, kailangang ingatan para hindi magasgasan or masira ulit kaya ayoko ng bitbitin pa 'to bukas, dapat ngayon dumating siya.

Tingnan ko rin ang cellphone ko, "Wala pa ring reply!" Tinext ko na rin ng kung anu-ano pang dahilan, pero wala ring response! Kaloko si Kuyang masungit, PA-VIP ang nais!

Hmmm. Tawagan ko kaya?

Agad kong dinial ang number niya, buti nalang at nag ring.

"Hello?" Yes naman at sumagot.

"Hello, Mr. Sungit ako to? Pangatlong araw na po ngayon! Anong oras mo balak pumunta? Alas dies na po halos mag 'tatanghalian na nga po ng umaga eh! Ilang oras mo ko paghihinty—!" *toot* toot* toot*

Bwisit pinatayan ako! Kabastos! Hindi man lamang tinapos ang pagsasalita ko, pinaghihintay na nga ako ng matagal bababaan pa ako ng cellphone. Mayabang talaga!

Tumingin ako sa relos ko, "10:30am.. Mukhang isasakto talaga niya sa oras ng paghihintay ko ah.."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahil masakit na rin ang puwitan ko kakaupo, Pabalik balik ako sa paglalakad ko, habang nag bibilang ng oras. Hindi ko na kaya maghintay, nabuburyo na ako rito. Bakit ba ang tagal niya!

Dinial ko ulit ang number niya, at good thing sinagot niya ulit.

"Hell—o." naputol ang pagsasalita ko ng nagsalita siya,

"I'm coming just wait for a minute." Ma-autoridad niyang sabi. At binaba na niya agad ang linya.

Grabe talaga ang isang iyon, Kung makapagsalita siya iisipin mong boss mo siya e, napakatapang ng boses. Akala mo kung sino.

Ilang minute pa ba akong maghihintay! Kainis naman yun oh. At talagang ako pa ang pinag hintay niya, ako na babae? Eh 'di ba nga dapat ang babae hindi po naghihintay, lalo na kung may relasyon kayo kasi doon makikita yung halaga mo sa kanya yung hindi ka niya kayang pag hintayin ng sobrang tagal. Ang kaso, hindi nga pala kami mag karelasyon ng lalaking yun at kahit magkaibigan wala kami! We're just an stranger. And as if namang gugustuhin ko ring maging karelasyon siya? No way! At buti kung may papatol sa tulad niya? Bipolar na masungit at bossy na lalaki! Tsk.

Hay na ko. Tumingin ulit ako sa relos ko, 10:40am, okay 5 mins. Nalang kapag wala pa siya hindi ko na siya hi hintayin.

*beep beep* Text Message Tone

Tiningnan ko agad kung sino ang nagtext baka ang Mr. Sungit na yun.

I open ko ang cellphone ko, at hindi nga ako nagkamali siya nga ang nagtext.

-*-*-*-*-*-*-*

From: Mr. Sungit

-Paakyat na ako. Just wait me there.

-*-*-*-*-*-*-*

Yun lang ang sinabi niya. Ano pa ba ang ginagawa ko ngayon? Kahit hindi mo sabihing maghintay ako, gagawin ko naman e. Kanina pa nga ako naghihintay dito eh, kahit na gustong-gusto ko ng umalis at iwanan na lang ang gitara mo dito kaso hindi ko magawa dahil na ko konsensiya ako. Kahit papano, meron naman ako noon no. Kausap ko ang cellphone ko, kausap ang text niya. Parang baliw lang ako, Haha.

Binulsa ko na muli ang cellphone ko at. Umupo muli ako sa bench. Five minutes left before 10:45 dapat nandito na siya.

At Saktong sakto 10:45 am, nakarating rin siya. Buti naman at hindi na niya ako paghihintayin ng matagal.

Hinarap ko siya. Kung ano ang itsura niya noong nagkabanggan kami, ganoon parin kahit ngayon. Nakabonet, sun glass, may head phone na nakasabit at naka long sleeves. Malamig ba dito? Bakit ba hilig niyang magsuot ng ganyang porma? Tsk, hayaan ko na nga baka yan ang taste niya sa pananamit.

"OH!" inabot ko ang gitara niya sa kanya, "I check mo kung okay na sayo yan. Inayos ko yan ng mabuti walang natirang kahit anong bakas ng pagkasira yan." Explain ko rito. Sana naman ay tanggapin niya.

Kinuha niya ang gitara at tumalikod na ito. Tae, ganoon nalang yun? Ta likod agad walang 'Thank you' man lang? Ganoon nalang ba? Pagkatapos kong pag hirap ang ayusin ang gitara niya at maghintay ngayon ng sobrang tagal sa kanya, aalis lang siya pagtapos niyang makuha gitara niya? Hindi pwede yun! I need his explanation.

"Hoy ano ganyan ka nalang? Tatanggapin mo yan ng hindi ka man lang nagpapasalamat? O kaya wala man lang explanation kung bakit nalate ka sa usapan ha? Pasabi-sabi ka pa ng 'same time same place' pero ikaw naman itong late at Piang hintay ako ng matagal, siguro naman karapatan kong malaman kung bakit ka tinanghali sa usapan? " deretcho kong sabi dito na dahilan ng pagtigil ng hakbang niya paalis.

"Do I really need to explain myself to you huh?" Masungit na namang sabi nito. Napakayabang rin talaga. Kung mag sungit akala mo laging may regla.

"Uh yeah. Kasi pinaghintay mo ako ng mahigit isang tatlong orasl, so explain to me bakit ka late?" pataray kong sabi. Bakit bawal bang alamin kung bakit siya late? Hindi ba siya pwedeng mag-explain sa akin, mahirap ba yun?

"I don't need to explain myself to you, Weren't close, We don't know each other and also..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "… we're not friends." Sabi niya at agad na umalis.

Yun nga nasa isip ko kanina e, hindi kami magkakilala kahit magkaibigan walang namamagitan sa amin, bakit nga ba aasa pa ako sa explanations ng masungit na to!

"HOY, KAHIT THANKYOU NALANG SABIHIN MO MAHIRAP BA YUN?!" sigaw ko rito, at napatigil na naman siya sa pagbaba ng hagdan.

Humarap siya sa gawi ko, malayo na kasi ito nasa bandang gitna na siya ng hagdanan.

"Why do I need to say Thank you? At the first place, You're the reason kung bakit nangyayari ito and that's your pay back to me. Hindi ba? That our agreement is!" Malakas pero hindi pagsigaw ang pagsasalita niya. Tumalikod na ito at pinagpatuloy na ang pag-alis.

Pinaparamdam niya talaga sa akin na ako ang may puno't-dulo ng lahat na ito. At kasalanan ko lahat! Ginawa ko naman ang gusto niya na ayusin ang gitara niya! Hindi naman na kailangang ipagdukdukan na kasalan ko nangyari.

"Tsk. Daming sinabi! Napakayabang talaga!" – Inis na sabi ko. Psh parang Thankyou lang nalang hindi pa niya masabi, puro kasungitan lang sumalabas sa bunganga niya.

Napailing na lang ako at pumunta na ako sa Room namin para sa class namin na 11 am. Buti nalang at sumakto na wala kaming Class sa oras na napag usapan namin ng masungit na yun. Kung hindi, malamang Late na naman ako ng dahil sa kanya.

Sakto namang pagpasok ko sa Room ay, dumating na rin ang professor namin. Kaya, umupo na ako agad sa pwesto ko.

"Okay class, Let's have an attendance." Sabi ng Professor namin nang mailapag niya ang dalang gamit nito sa mesa.

Pagka upo ko ay kinausap agad ako ni Kylie, mag katabi kasi kami nito. "Aba ang Aga mo yata ah?" tanong nito.

Well for your info guys, I'm always late talaga kaya ganyan ang bungad sa akin ng kaibigan ko.

Habang binibigkas ng Professor namin ang mga Surename ng bawat isa ay, nagdadaldalan naman kami ni Kylie, sa pa bulong na paraan.

"Oo. Kasi, ngayon yung usapan namin ni Mr. Sungit." Alam niya ang nangyaring insidente sa amin ng masungit na yun, sa kanya ko lang na kwento dahil alam ko namang mapagkakatiwalaan siya at knowing her, mahilig naman siya sa chismis eh. Haha

"Ah, oo nga no? 3 days na pala nakalipas. So naayos mo na ng maigi yung gitara niya?"

Tamango ako bilang sagot. Hindi lang maigi, ayos na ayos pa sa brand new!

"So edi, naibigay mo na yung gitara sa kanya?"

Naalala ko na naman ang masungit na yun, "Oo, ang Aga ko nga sa usapan namin e kaso pinag hintay ako ng matagal, tapos ng binigay ko na yung pinakamamahal niyang gitara, hindi man lamang nag 'Thank You', sinungitan pa ako."

Nako kapag naalala ko talaga yung lalaking yun, kumukulo ang dugo ko sa Inis!

"So, anong sabi sayo?" hindi ko agad nasagot tanong ni Kylie, nang tawagin ang pangalan ko.

"Layla, Britney Ariane?" – Professor

"I'm here, Sir!" sagot ko naman.

At hinarap muli si Kylie para sagutin ang tanong niya, "Ganito kasi, po naghintay niya kasi ako. Ang gusto ko lang naman ay malaman kung bakit Siya Late sa usapan e siya nga nagsabi sa akin nun na 'Same Place and Same Time' at mag Thank you sa lag-ayos ng gitara niya, ang kaso kung ano anong sinabi niya sa akin!" Paliwanag ko kay Kylie.

"Ano nga ang sinabi niya sayo?" – Kylie.

"I don't need to explain myself to you, Weren't close, We don't know each other and also… we're not friends." Kwento ko kay Kylie habang ginaya ko pa ang boses at tono ng pananalita ni Mr. SUNGIT ng sinabi niya yun sa akin.

"Pandes, Kylie?" – Tawag naman ng Professor kay Kylie

"I'm here, Sir!" sagot naman ni Kylie at humarap ulit sa akin.

"Ay grabe rin naman pala ang kayabangan yung masungit na yun!" – Inis na reaksyon ni Kylie sa Kwento ko sa kanya.

"Sinabi mo pa! Alam mo, duda talaga ako dun e, napakasungit aakalain mong bakla e!" Sabi ko ulit. Opinyon ko lang naman.

"Well, Malay mo baka nga bakla. Hahaha!" Tumawa si Kylie kaya naki tawa nalang rin ako. Tumawa kami ng palihim. Baka kasi kapag mapalakas ang tawa namin ay palabasin kami ni Professor.

"Hermes, Kent Caius?" Tawag ni Sir ng paulit-ulit na bago lang sa pandinig ko. May bago ba kaming classmates?

Na curious ako kaya kinausap ko si Kylie, "Sino yung Hermes? Bagong classmate ba?"

"Ayy Oo! Kasi lagi lang nalelate at minsan hindi ka na talaga nakakaattend ng Class natin kaya wala kang nalalaman about sa classmates natin."

"Ha? Kailan pa? Transferees?." Dagdag kong tanong.

"Oo Sis, Transferees sila… Sila…" sabi niya habang tinuturo yung mga lalaking nasa likod, bago sila sa paningin ko, "Kasama Ni Hermès yang mga lalaking yan, ka-Tropa Niya." Napakunot noo ako.

Sa palagiang Late ko tuloy hindi ko alam na may mga bago pala kaming classmates! Nahuhuli tuloy ako sa balita.

"Santiago, do you know why Hermes is absent?" tanong niya sa isa sa mga lalaking nasa dulo, yung tininuro sa akin ni Kylie kanina. Ka-tropa ni Hermes?

"Uh, Sir. We don't know po." Sagot naman nung Santiago? Basta siya na yun.

"Sir, I'm here!" Biglang may lalaking sumulpot mula sa pintuan, pawis na pawis ito at hapong hapo. Mukhang tumakbo ito paakyat kaya pagod? Siya siguro yung Hermes?

"You're almost late, Hermes! Where have you been?" – Professor

"I'm SORRY, Sir!" Yun ang sinabi niya, ngunit hindi niya sinagot ang tanong ni Professor.

Pinagmasdan ko si Hermes mula ulo hanggang paa.

Black long hair, matipono naman. Naka eye glasses at may magandang mga mata, tapos makinis ang balat, matangos na ilong at… kissable lips? Plus, gwapo siya! Omg. Gwapo siya! Napalunok ako.

Hays ano ba itong, sinasabi ko. Kailan pa akong nagkainteres sa gwapo?

Ngayon lang nang makita mo ang lalaking yun. – Mind talking. - _-

Grabe, pati utak ko binabastos na ako. Tsh

Pero, Feeling ko, nakita ko na siya somewhere?

Inisip ko kung saan pero, wala akong matandaan. Maaring, nagkamali lang ako.

"Okay go to your sit." – utos ni Professor, agad namang umupo sa pwesto niya.

Sinundan ko ng tingin ang pagpunta niya sa pwesto niya, para kasi talagang nakita ko na siya eh. Hmm.

Pagkaupo ni Hermes ay, napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya umiwas ako kaagad at tumingin na sa harap at nakinig na sa lecture ng Professor namin.

Nakakahiya, baka kasi isipin niya na may pagnanasa ako sa kanya.

Kinalabit ako ni Kylie at bumulong sa tenga ko, "Gwapo siya no?"

Curiosity…

"Sino?" bulong ko rin.

"Si Kent Hermes." Ahh, yun pala ang pangalan niya, Kent pala.

"Hindi naman masyado." Pagde-deny ko, pero totoong gwapo siya kahit mukha siyang nerd sa salamin niya.

"Type mo?" mapang asar na tanong ni Kylie sa akin.

"NO WAY." Sabi ko agad.

"Sus, kunwari ka pa ah. Kung makatitig ka nga sa kanya kanina e, kulang nalang hubaran mo siya gamit yang mga mapanlinlang mong mata." – pang-aasar sa akin ni Kylie.

Grabe, tinitignan ko siya dahil gusto kong isipin kung saan ko ba siya nakita? Kasi, feeling ko nga nakita ko na siya somewhere yun lang dahilan kaya ko siya tinitigan.

"Hindi no. Wag kang issue maker." Hindi ko naman tinatangging gwapo siya, oo nandun na tayo sa Gwapo nga siya pero, hindi ko siya type. Kaya wag kayong ano dyan.

"HAHAHA. DEFENSIVE SIS! Halata ka!" Pabulong lang kaming nag-uusap pero, sa puntong Iron parang gusto ko ng lakas an ang boses ko dahil siya pinagsasabi ni Kylie, nako.

"Hindi nga kasi." Hindi naman kasi talaga.

"Hahaha. Okay sinabi mo eh!" bulong ulit niya at tumawa ng mahina na nakakaloko. Tinakpan nito ang bibig gamit ang palad para hindi marinig ang tawa niya. Minsan talaga, maiinis na ako sa babaeng ito e, sarap batukan, ang daming alam e.

"Bahala ka nga dyan. Paniwalaan mo sarili mo/ cheeeh!" Sabi ko sa kanya at 'di na siya kinausap. Ayoko pa naman yung hindi ako pinapaniwalaan at yung pinagdududahan ako at inaasar ako. Kilala na ako ni Kylie, pero sa sobrang pagkakilala niya sa akin, ang ayoko madalas niyang ginawa para buwis itim ang araw ko. Tinugon ko nalang ng pansin ang pagtuturo ni Sir sa Subject na ito. Math.

Natapos ang Math subject sumunod naman ang iba pang dalawang subjects namin pagkatapos nun.

Lunch Break na.

"Briana! Tara kain na tayo?" paanyaya sa akin ni Kylie, tumayo ako at sumama sa kanya.

Nagugutom na rin ako kaya, kakain ako ng marami ngayon. Feeling ko pagod na pagod ako e, ina antok na rin ako, dala siguro ng pag Puyat ko sa pag finishing ng gitara nung Mr. Sungit na yun, inabot kaso ako ng madaling araw tapos, maaga pa akong nagising dahil na rin sa usapan namin pero nakakainis lang siya. Hay na ko, Change topic na nga!

So, bumama na nga kami ni Kylie papuntang canteen, habang bumababa ay dumadaldal si Kylie, "Grabe yung katalinuhan ni Kent hindi ba?" Sa mga recitations kasi laging makakasagot si Kent at daig pa ang teacher sa dami nitong alam.

"Uh, yeah!" pag sang-ayon ko. Wala naman kasi akong masabi e.

"Grabe, wala ka man lang interest dyan? Nako, nakakain love kaya yung ganoong lalaki, matalino at gwapo!" Kinikilig na sabi ni Kylie.

Wala naman ako sa lugar para pagsabihan siya ng masama, oo matalino siya at yeah I admit nagwapuhan naman talaga ako sa kanya hanggang doon lang yun. Hindi ko pa naman siya kilala, para magbigay ako ng ibang opinyon tungkol sa kanya.

Kaya Hindi ko na lamang siya kinontra mga sinabi ni Kylie kasi, baka mawala pa ang mood niya.

Pero kapag ang Masungit na lalaking yun ang sasabihin ng ganoon ni Kylie, baka don kung anu-ano na ang masasabi ko sa kanya kasi, base sa pagka kaharap namin malalaman ko na agad ang ugali niya. MASUNGIT AT MAYABANG!

Pero teka nga, bakit ba laging yung lalaking yun na ang nasa isip ko? Lagi ko nalang siyang pinagkokompara? Eh kung sa bagay may pinagkokompara naman talaga pagdating sa ugali. At Ewan ko ba bakit siya nasa isip ko e, siguro sa sobrang inis ko lang sa kanya kanina kaya hindi ko rin siya mawala sa isip ko. Oo, siguro nga dahil lang sa inis.

Pagdating sa canteen ay, humanap na agad ako ng pwesto at napili ko dati naming pwesto sa dulo bandang kanan. Sa dulo kasi ay may bintana, gusto ko kasi yung nakakalanghap ng fresh air mula sa kalikasan, bukod sa may bintana ito. Yung pwesto kasi sa likod ng Canteen ay, mayroong small farm Doon. Nagtatanim sila ng gulay at ibang prutas doon na madaling nabubuhay at lumalaki agad kaya, Favorite spot ko roon.

"Ako na mag-o-order!" prisinta ni Kylie, "Anong sayo Sis?"

Ngumiti ako, "Alam mo naman kung anong mga gusto ko e, ikaw na bahala."

"Okay sige." Sabi niya at umalis na para pumila sa Counter.

Kilalang kilala na kasi ako ni Kylie she even knew that I have an allergy to seafood like shrimp at tahong.

Maya-maya'y nakabalik na si Kylie,"Oh heto na Sis, Fried Chicken at gulay!" Sabi ni Kylie habang nilalabag nito ang mga nabili niyang pagkain for us.

"Thank you!" sabi ko ng nakangiti.

"Always Welcome Sis! Tara kain na tayo." Paanyaya ng Kylie kaya kumain na rin ako.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay, "Ehem!" may grupo ng lalaking nasa harapan namin ngayon. Ang tropa ni Hermes, with him. "Pwedeng Maki join?" sabi ng lalaking matangkad, maputi at kulay brown ang buhok tapos may hikaw sa tenga.

"OH sure, Kennedy!" Sagot naman ni Kylie, "Maluwag pa ang lamesa namin!" dagdag pa niya.

"Thank you Kylie, pwedeng tabi tayo?" Tanong nung Kennedy.

Ha? Eh ako ang katabi ni Kylie hmp.

"Tanungin mo muna si Briana, ang kaibigan ko. Medyo selosa kasi siya! Haha." Tiningnan ko lang si Kylie, I gave him a what-are-you-talking-about look! Pero mukhang hindi niya ako pinansin at ngumiti lang ng nakakaloko.

Hinarap ako nung Kennedy, "Okay lang ba sayo ahm, Briana?" tanong nito sa akin.

Ngumiti ako ng peke, "Ah hehe, oky lang." sagot ko pero sa totoo lang is ayoko, hindi kasi ako komportable sa mga lalaking ito. Ngayon ko lang kasi sila nakasalamuha.

"Thanks. Pwedeng umusog ka ng kaunti?" paki usap niya ulit kaya, umusog naman ako. Nakita kong natutuwa pa si Kylie sa nangyayari samantalang ako, ilang na ilang na rito. Tsk

Umupo na rin ang ibang kasama na Kennedy, kabilang na roon yung tinawag ni Sir na si Santiago, tapos dalawang lalaki pa at Si Hermès. Inuupuan nila ang bakanteng upuan, pabilog ang lamesa namin pwedeng mag table ng 8 katao at ang pwesto namin is, unahin ko nalang sa pwesto si Kylie, Kennedy, ako, Hermes, Santiago at dalawa pang kasama nila. Ang pwestong iyon ay paikot mula sa kanan ng lamesa. Basta katabi ko si Hermes.

"Guys baka gusto niyong nagpakilala muna kay Briana, ngayon lang kasi niya kayo nakita kasi she's not so early kasi pumapasok e, kaya hindi pa niya kayo kilala." – Ani ni Kylie habang nakalahad ang palad na tinuturo niya ako.

Nakatingin tuloy ang grupong ito sa akin.

Parang hot seat ako dito ahh. Na iilang talaga ako.

Ngumiti nalang ako ng peke. Hindi ako sanay na puro lalaki ang kaharap ko.

"Oh it's that so, okay ako na mauuna. I'm Kennedy Bryce." Inilahad niya ang palad niya, for shake hands.

Tinanggap ko ito at nakipag shake hands kahit na ayoko man, pero ayoko namang isipin nila na ang arte ko. Na iilang lang kasi ako.

"Ako naman si, Kit Antonio." Sa kanila siya naman ang may nunal sa may labi, tapos may pagka greyish ang mga mata.

"Kryle Mendoza." Siya naman ay tahimik sa kanila. Long hair rin pero nakaipit ito then may dimple sa bandang kanang pisngi. Para siyang may sariling mundo sa sobrang tahimik niya.

Sila ang dalawang lalaki na hindi ko alam ang names not even there sure name.

"Ako nga pala si Kelvin Santiago." Siya yung kaninang tinanong ni Sir. Pala ngiti siya at feeling ko friendly. Kasi parang napaka positibong ng awra niya.

Lahat sila ay nakapag pagkilala na sa akin at na kamayan ko na rin. Maliban sa katabi ko bandang kaliwa. Si Hermes.

Kaya tinitignan siya ng mga kasama niya, "Pre, ikaw?" – Kelvin.

"Yeah, magpakilala ka rin, dude!" – Kennedy

"Wag mo namang pag hintayin ang magandang babae, Bro!" – Kit, well I think, maloko ang isang ito. Maloko sa mga babae.

Si Kryle naman ay tinitigan lang ang mata ni Hermes, nag titigan sila na para bang sa mata palang ay nag-uusap at nagkakaintindihan na silang dalawa.

Narinig kong bumuntong hininga si Hermes, "Just call me, Kent." Sabi nito habang titig na titig sa mata ko. Na ilang ako kaya umiwas ako sa tingin niya.

"Ah, okay." Ngiting peke, at salit salita ang tingin ko sa kanila at sinabing, "Nice meeting you all." Ngiting peke ulit, "I'm Britney Ariane Layla, pala." Pagpapakilala ko.

"Nice meeting you also, Britney!" sabi nilang lahat, maliban kay Hermes na Kumakain na.

"Pero bakit Briana ang tawag sayo ni Kylie?" – Kelvin.

"Nickname ko." Sagot ko naman.

"hmm" tango naman nila.

"O siya, kainan na." – Kylie.

Nagsipagkainan na kaming lahat, na iilang parin ako pero sinikap kong hindi magpahalata. Kumain ako ng naayon sa normal na pagkain.

Tahimik kaming kumakain walang nagsasalita. At tanging ingay lang ng kutsara, tinidor at pinggan lang ang maririnig.

"Kylie, may boyfriend ka na ba?" nabasag ang katahimikan ng nagtanong si Kennedy kay Kylie.

Tingnan ko ang reaksyon ni Kylie, na mula ang pisngi nito at tenga, yumuko ito at hinawi ang buhok tinakpan ang tenga nito, para siguro hindi mapansing namumula ito.

Uhm, somethings fishy.

"Ah eh, w-wala akong boyfriend. Ehrm. Bakit mo naman tinanong?" umayos ng upo si Kylie. At mula sa pagkaka Yuko kanina ay inangkat na ang ulo nito pero hindi pa makatingin kay Kennedy. Haha, kinikikig ang babaita.

"Ah wala lang. Para may pag-usapan lang tayo. Para kasing hindi kayo komportable na kasama niyo kami kumain." – Kennedy.

Akalain niyong, naramdaman niya yun?

"Nako naku hindi naman no. Naninibago lang kami." Sabi ko naman. Masyado bang defensive guys? Hehe

"Hmm, ikaw ba Briana? May boyfriend ka na ba?" – Kit.

"Ha? Ako?" naituro ko pa ang sarili ko sa tinanong ni Kit? Hindi ako sanay sa ganitong tanungan ah, hindi ako nakapag handa.

Nakakahiya ng sumagot. NBSB kasi ako, baka pagtawanan nila ang isasagot ko.

"W—wala pa." nauutal ko pang sagot, nahihiya kasi akong sumagot e.

"Bakit wala pa?" – Kennedy.

"Oo nga, maganda ka naman and I think may magandang katangian ka. But wala pa?" – Kelvin.

"Ano kasi, nagfofocus lang talaga ako sa Studies at wala akong interest sa mga lalaki." Paliwanag ko. That's True, sa maniwala man kayo o hindi, nagfofocus talaga ako sa Studies hindi man ako ganoong ka talino, pero sinisikap ko namang maibalanse ang grades ko sa line of 90+ at buti naman kahit papaano, nagkakahonor ako, 3rd nga lang tapos si Kylie ay 2nd honor, nung kinder hanggang elementary yun. Tapos, 2nd honor naman ako nung 1st year high at 1st honor naman si Kylie. Mas matalino talaga si Kylie sa akin.

Never rin pumasok sa isip ko ang mag boyfriend. May nag balak mang ligaw pero, binabalak palang nila ay tinatanggihan ko na sila. Ayaw ko pa kasi talaga noon, at dahil unica hija ako ng mga kuya ko, Dad at mom ko, hindi pa rin nila gusto na magka bf ako hanggang ngayon, ayaw nila.

"Kahit manliligaw wala?" – Kennedy.

"NBSB kasi yang si Briana. Strick ang parents." Sabat naman ni Kylie.

Binigyan ko siya ng 'why-do-you-have-to-said-that look' pero tinawagan lang ako.

Nababaliw na ba siya? Bakit kailangang banggitin yun. Wala talaga minsan sa hulog Tong si Kylie, nako!

"Maybe, she just wanted to be successful without the pressures of love life." – Kryle.

"OH well, your right!" sang-ayon naman ng iba. Sa kanilang lima, si Hermes lang ang hindi nagkaroon ng opinyon. As in, listeners lang siya.

Kaya naman, na hinga na ako ng maluwag. Hot seats lang ang dating an ko rito. Hays. Kasalanan talaga ito ni Kylie! Hmp.

Pagkatapaos naming kumain ay, sabay sabay kaming tumayo.

"CR muna kami." – Kennedy.

"Ah ako rin!" sabi ko naman.

"Pasabay ako Briana!" sigaw ni Kylie mula sa likuran. Well, hindi ko alam kung saan siya naka pwesto pero narinig ko ang boses niya mula sa likod ko. Kausap pa niya yata yung mga Boys.

Nagtext kasi Kuya, nagtatanong if susundin ba niya ako kaya nireplayan ko lang siya.

"Tara na!" hinila ko ang kamay Ni Kylie mula sa likod ko, habang nagtetext ako hawak ko ang cellphone sa kanang kamay ko at kaliwa naman ay ang kamay ni Kylie.

"Wait lang sis." Medyo mahina na sabi nito pero hindi ko na pinansin dahil naiihi na rin ako.

Pagkatapos kong Nagtext ay binulsa ko cellphone ko at kinausap ang hilang hila ko na kamay ni Kylie, "Bakit parang lumaki yung kamay mo Sis?" tanong ko dito at pagkalingon ko sa likod ko ay laking gulat ko…

Nahiya ako, maling kamay ang nahila ko. Shemay ka Britney Ariane! Bakit si Hermès ang nahila mo hindi Si Kylie?!

Nakatitig lang sa akin si Hermes, habang ako ay gulat parin. Damn it, Briana, text pa kasi! Yan tuloy iba ang nahihiya mo! Nakakahiya >_<

"Sis! Hindi mo naman ako hinintay?" sabi ni Kylie na tumatakbo papunta sa kinakalagyan namin. Sa tapat ng pinto ng CR ng mga babae na kami, at buti nalang hindi ko napasok sa loob si Hermes baka magalit pa mga babae sa akin kapag nagkataon.

"OH, nandiyan ka pala Kent? Hinahanap ka nila doon." Sabi ni Kylie kay Kent nang mapansin niya ito.

Nagising ako sa katutuhanan na, hawak ko pa pala ang kamay niya. Kaya, binitawan ko agad iyon bago pa mapansin ni Kylie.

Nahiya ako kaya napayuko ako. Hindi ako nakapagsalita agad. Nakakahiya talaga.

"Ah—Tara na Sis, naiihi na ako!" sabi ko at hinila si Kylie papasok ng CR, at sa pagkakataong ito, si Kylie na talaga ang nahila ko.

Buti nalang at hindi nagdusa si Kylie sa ikinilos ko. Dumeretcho na akong cubicle para umihi. Grabe parin ang kabog ng dibdib ko, sa sobrang pagmamadali ko ay nagkakamali na ako sa mga Ginagawa ko!

Hay nako naman, Briana kang talaga! Napasabunot nalang ako sa ulo ko sa kapalpakan ko.

Pagkatapos naming mag-CR ni Kylie at Dumeretcho na kami sa Room. Buti nalang at paglabas namin ng CR ay wala na roon si Hermes, baka nakabalik na sa Room. Nahihiya tuloy akong makaharap siya.

Pagkarating sa Room ay nakayuko akong pumasok, nahihiya akong itango ulo ko dahil sa kanina.

Maya-maya'y dumating na si Miss Park. Ang adviser namin.

"Good afternoon, ma'am." Nagsikatayuan kami at binati si Miss

"Thankyou guys! Please be seated." Kaya umupo na kami sa upuan namin.

"Okay listen to me. Babaguhin ko yung seating arrangement niyo, boy-girl-boy-girl Na ang magiging bagong pwesto niyo, ako magdedesisyon kung sino makakatabi niyo kaya walang nagrereklamo guys!" Sabi naman ni Miss.

Isa-isa nang pinalipat sa bagong pwesto ang mga klasmeyt namin. At buti kami ni Kylie ay hindi masyadong nagkalayo, napunta nga lang siya saking likuran.

Kinalabit ako ni Kylie, "Ano ba yan Sis, wala ng kopya hang magaganap. Naanoy yata ni Miss Park na may nagkokopyahan kaya tayo iniba ng pwesto."

"Hindi naman ako nangongopya sayo ah." Sabi ko naman.

"Baliw bakit ikaw ba nangongopya? Hindi ba pwedeng ako? Hahaha." Biro ni Kylie, hindi naman talaga kami nangongopya kapag quizes pero pagdating sa home work nagtutulungan lang pero hindi kopyahan.

Tumawa nalang rin ako sa biro ni Kylie.

"Bryce, katabi mo si Kylie Pandes." – Miss Park.

"Yes!" narinig kong reaksyon ni Kylie. May something talaga sa dalawang ito e, balang araw malalaman ko rin yan. Hahayaan ko na muna sila ngayon, tsaka na ako magtatanong.

"Hermes katabi mo si Layla…" - Miss Park.

Biglang kinabahan na naman ako, bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko buong mukha ko ay namumula na. Kinapitan na naman ako ng hiya dahil sa narinig ko. Ong, Briana makakatabi mo si Hermes! Nakakahiya ka. Dapat ba akong mag sorry sa kanya sa nangyari kanina?

-To be continued…