Chapter 5 - Chapter 5

"Sis, nandiyan na si Kent!"

Pa bulong na sabi ni Kylie, ngunit hindi iyon malinaw sa aking pandinig dahil parang tulog pa ang diwa ko. Umidlip kasi ako sa aking desk.

"Sis!" inalog alog ako ni Kylie,

"Si Kent nandyan na, umayos kana dyan."

"Hmm.. Hmm.." Sabi ko at nag unat ng kamay. Ngunit napatigil ako sa pag uunat ng bumungad ang mukha ni Kent sa akin.

Literal na, napahinto ako sa pag unat at hindi makagalaw. Pati ang paglaki ng mata ko mula sa pagkagulat ay parang nanatiling ganoon na lamang.

Bigla na naman akong kinabahan!

"Are you okay?" sincere na tanong nito, kumakaway-kaway pa ito sa harap ko.

"Y—yeah. Nagulat lang ako sayo. Nandyan ka na pala?"

Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim, nakakahiya ang itsura ko kanina. Bakit ba ganoon nalang ang gulat ko ng nakita siya? Nakakainis, epic ang itsura ko tuloy.

"Yeah, kanina pa. Sarap tulog ah." Sabi nito at ngumiti pa.

Natulala na naman ako sa kanya.

Hala, bakit ganoon parang natural ang ngiti niya hindi na yung ngiti na pang-asar. Parang ngiti na ng matinong tao? Heheh. Yung ngiti na may saya, ganoon. O baka naman sa paningin ko lang yun?

Hays, bakit ba ganito ako ngayon? Feeling ko Nawawala ako sa sariling katinuan, nababaliw na yata ako.

"Hey! Are you really okay? Natutulala ka diyan?" – inakbayan ako ni Kent, ako naman ay nagulat ulit kasi parang na kuryente ako sa pag akbay niya kaya mabalik na naman ako sa reyalidad

"Ha? Oo—okay lang ako. Hehehe, don't worry. Hehehe" napakamot sa batok na sabi ko. I think I'm crazy now? Waaaah.

Hindi parin niya tinatanggal ang pag-akbay niya sa akin, kaya ako na nagtanggal nito.

"Okay lang nga ako, I'm just thinking…" Sabi ko habang inaalis ang kanyang kamay sa balikat ko.

Natanggal ko naman ang kamay niya ngunit, tumingin naman siya ng deretcho sa akin, kaya na iilang ako rito.

"Thinking of what?" tanong nito…

Thinking of, how can I talk to you? Paano ko sasabihing, ayokong magpaligaw muna sa ngayon? Paano ko sasabihin yun ng hindi ko siya nasasaktan? Paano, nga ba?

Papayag kaya siya sa desisyon ko? Maiintindihan kaya niya ang rason ko? Maiintindihan kaya niya ako?

Pero paano kung hindi? Magagalit Kaya siya sa akin? Sasama kaya ang loob niya? Iiwasan kaya niya ako?

Hay, naguguluhan na ako.

"Hey." Tawag niya muli sa akin, kaya bumalik na naman ako sa reyalidad.

"Sorry, mayroon lang talaga akong iniisip."

Napalumbaba ito sa desk nang hindi na aalis ang paningin nito sa aking mga mata.

"Ganoon na lang ba ka-importante ang iniisip mo para dedmahin ako?" madam daming sabi nito, ramdam ko ang lungkot nito sa sinabi niya. Kung alam mo lang, ikaw ang iniisip ko baka hindi mo masabi yan ngayon.

Sa halip na sagutin siya ay, humugot ako ng hininga ng malalim at pumikit. Nanatili akong nakapikit ng isang minuto, at pagkadilat ko ay hinarap ko agad si Kent.

"hm, Kent?"

"Yes?"

"We need to talk. In private." Pagkasabi ko nun ay, ilang malalim na paghinga muli ang ginawa ko, makakaya ko bang sabihin lahat sa kanya?

"It's that important?" Tanong pa nito.

"HM, yeah." Sagot ko agad.

_*_*_**_*_*

Nandito kami sa Park, sa likod ng school namin.

Nakaupo kami pareho ni Kent sa bench sa ilalim ng puno. Nakatingin ako sa fountain na taas baba ang tubig nito.

"What is the important things you want to talk about?" deretcho sabi nito sa akin.

Nasa fountain parin ang tingin ko, huminga ako ng malalim bago ko siya hinarap.

"Kent, about last night… about sa sinabi mo sa akin…" Hindi ako makatingin ng deretcho sa kanya kaya, Nakayuko ako at panay kutkot ko sa mga darili ko. Kinakabahan kasi ako, para akong sasabog anytime sa sobrang kaba ko.

"About, courting you? Hm, what was your answer?" mahina, pero masaya ang pagkakataonng nito sa akin, para bang confident ito na papayag ako or may maririnig siyang magandang sagot mula sa akin.

Humugot muli ako ng malalim na hininga at pinilit kong tumitig sa mga mata niya.

"I'm sorry Kent, but I'm not ready yet."malungkot kong tugon, na parang ako ay maiiyak na rin.

Nakita ko kung paano biglang nagbago ang masaya niyang ngiti na napalitan ng lungkot. Ako ay nasaktan sa nakitang itsura nito, dahil alam kong nasaktan ko siya. Hindi ko ito intensyon pero, kailangan ito ang gawin ko.

"But why did you responded to my kiss?" naguguluhan nitong tanong, nakatitig ito sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya nito.

"I'm sorry, I didn't mean it." Malungkot kong tugon, ngunit Nakayuko ako, ayokong tignan pa siya na ganoon ka lungkot parang nasasaktan ako.

"Hindi ako naniniwala. Alam ko, ramdam ko, you like me too…" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, "Look at me, Britney… sabihin mo sa akin na gusto mo rin ako… please?" paki usap nito sa akin pero hindi ko iyon ginagawa, nanatili akong Nakayuko at anu mang oras ay tutulo na ang luha ko.

"I'm sorry Kent, hindi pa ko handa makipagrelasyon. Alam mo yan. Pag-aaral muna talaga ang nasa isip ko. And I'm sorry if yung paghalik ko pabalik sayo ay nabigyan mo ng malalim na kahulugan. I am really sorry."

Umiiyak habang humihingi ako ng pasensiya dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sakit na nararamdaman ko.

Dahil alam ko sa sarili ko na, gusto ko rin siya kaso, natatakot akong magmahal. Natatakot akong masaktan.

Although nasasaktan na ako ngayon, at alam nasasaktan na rin siya pero para sa akin, hindi ito ang tamang panahon para sa amin.

"If that so…" mahina niyang sabi, "I am willing to wait… I will wait you until you are ready… until you will like me too…" napaangat ako ng tingin sa kanya, at maluha luha siyang tinitignan…

"K—Kent…" hinawakan niya ang mag kabila kong pisngi…

"I am willing to wait Britney, I love you…" he sadly said at dahan dahan niyang ni lapit ang mga mukha niya sa akin, tumingin ito sa aking labi at sinabi, "Please, let me give you a kiss… a last kiss for now…" Hindi na niya ako pinasagot at agad na sinunggaban ang labi ko, napapikit ako at Napa yakap sa batok niya….

He full me closer to him, hinapit niya ang beywang ko sa kanya at he deeply kiss me, softly and passionately….

His lips really soft and sweet….

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko bakit ako pumayag na halikan ako at heto ako ngayon nakikipag paligsahan sa kanyang humalik…

I love the way he kiss me…

Ang akala ko ba'y hindi pa ako handa makipagrelasyon, pero bakit ako pumayag makipag halikan sa kanya?

Hindi ko kasi mapigilan dahil, parang gusto ko rin ito…

My ghad, napagulo naman ng utak ko! This is really wrong!

Tumigil ako sa paghalik at tinulak ko siya ng mahina.

Maling mali ito, Briana. Hindi ka na sana humalik pabalik, shit!

"I—I have to go." Sabi ko at agad na tumayo sa pagkakaupo sa Bench, ngunit pinigilan ako ni Kent hinawakan niya ang kamay ko.

"I know why you responded to my kiss…." Hindi ko parin siya nililingon dahil Nakayuko lang ako, nahihiya ako sa ginawa ako, dahil sinabi kong hindi pa ako handa makipagrelasyon pero ano itong ginawa ko? Shit, nakipag halikan pa ako. Hindi iyon gawain ng matinong babae. Nahihiya ako sa kanya.

"I feel it… I really felt it, I know, you also love me…" yun na ang huli niyang sinabi na narinig ko, dahil ng binatiwan niya ang salitang iyon ay tinanggal ko pagkakagawa niya sa kamay ko at tumakbo na palayo sa kanya….

Naiinis ako sa sarili ko dahil, niloloko ko ang nararamdaman ko. Sinasabi kong hindi ko siya gusto pero, ang totoo ay nagustuhan ko na siya…

At maaaring tama siya sa sinabi niya, mahal ko na rin yata siya….

#-#-#-#-#-#-#-#-#-#-#-#-#-#-

Kinabukasan pumasok ako ng parang walang nangyari, at ganoon rin siya. Hindi kami napapansin an, ni hindi kami nagkikibuan. Dumaan ang mga araw ay, ganoon parin kami parang hindi naman kilala ang isa't isa kung magdedmahan kaming dalawa. Ang mga kaibigan nga namin ay nagtataka na rin ngunit wala silang nakuhang sagot sa amin bakit kami nag-iwasan.

Tama na rin siguro ito, para makapag focus kami sa pag-aaral at para walang sagabal.

Pagkatapos ng klase, inayos ko agad ang gamit ko nilagay sa locker ang libro ko. Pababa na ako ako ng masilip ko sa bintana na umuulan.

"GEEZ. I forgot my umbrella. Hays!" bumaba ako mula second floor hanggang ground floor at doon na lamang maghihintay na tumigil ang ulan, ngunit mukhang malabo dahil napakadilim ng kalangitan at napakalakas ng ulan na para bang may bagyo.

Napatingin ako sa relos ko, 4pm palang pero parang 6pm na sa sobrang dilim ng langit.

Paano ako nito makakapunta sa parking lot? Wala akong payong.

Napatinga nalang ako sa kalangitan at Napabuntong hininga.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng may payong na nakabukas sa ulunan ko kaya na Palingon ako kaagad sa taong may hawak noon.

Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko,

"K—Kent?" mahina kong sambit sa pangalan nito.

"You can use it." Tinutukoy ang payong na hawak niya, inabot niya ito sa akin.

"Pero, paano ka?" nag-aalala kong tanong, mamaya kasi ay ibigay niya ang payong niya sa akin pero siya naman ang mawawalan.

"I have two." Pinakita niya ang payong nakahawak sa kanyang kaliwang kamay na kanina nakatago sa likuran nito.

"Are you sure?" tanong ko uli, tumango naman ito bilang tugon.

"Thanks." Sabi at tinanggap ang payong na nakabukas na kanina pa.

"Also, wear this." Hinubad niya ang jacket na suot niya, leather jacket iyon. Lagi siyang nakasuot nun, ewan ko ba kung ganoon lang siya pumorma or sanay talaga siya na laging may suot na jacket?

.

"Naku, wag na—." pigil ko rito ngunit, pinigilan niya rin ako magsalita.

"Just Please accept it." Sabi niya at napayuko ako roon, baka mamaya ay mabasa naman siya sa ulan dahil malakas rin ang hangin hindi sapat ang payong at paniguradong mababasa rin siya, lalo kung ibibigay niya pa ang jacket niyang suot sa akin.

"Salamat." Mahina Paring sabi ko, pero alam kong maririnig niya.

Ibinigay niya sa akin ang jacket niyang hinubad niya at sinuot ko naman yun. Hinawakan niya muna ang payong at bag ko, habang sinusuot ang jacket. Nagpasalamat ulit ako ng matapos kong magsuot yung jacket.

"Ihahatid kita." Sabi na naman niya. Hindi ko alam pero bawat salita niya ay nagugulat ako, dahil hindi ko inaasahan ang mga sinasabi at ginagawa niya ngayon sa akin, you know naman di ba, binasted ko siya.

"Hindi na kailang—"

" I insist." Pigil niya muli sa sasabihin ko.

Naguguluhan na ako dahil sa ginagawa niya.

"You don't need to do this." Hindi naman kasi kailangan pang ihatid ako dahil pinahiram na nga ako ng payong at jacket niya tapos, ihahatid niya pa ako? Parang sobra na yata yun. Nakakahiya na.

"I have my car." Dagdag ko pang sabi.

"I know, but I want to drive you home…"

"I can drive… "

"I know that, but I want you to be safe and sound." Mahina, pero may lambing na sabi nito. Ramdam ko rin ang sinseridad at pag-aalala nito sa mga salitang binitawan niya.

Humugot ako ng napakamalalim na hininga,

Ano pa bang magagawa ko mukha hindi ko siya mapipigilan sa gusto niyang paghatid sa akin.

Iwan ko muna sa parking lot ang kotse ko, ibibilin ko nalang sa guard doon.

Binuklat ni Kent ang payong niya at sinugo namin ang malakas na ulan. Nauuna akong maglakad papuntang parking lot, habang siya naman ay nakaalalay sa likod ko. Nakasunod siya sakin habang nakahawak sa likuran ko.

Nababasa tuloy yung kamay niya.

Ilang saglit lang ay, nasa pakong na kami. Medyo basa na ang braso at gilid ni Kent pero hindi niya ito ininda.

"Basa ka na tuloy." Malungkot at naka nguso kong sabi sa kanya.

"Don't worry, it's fine." Sabi naman niya.

Napakabait naman pala nito e, gentle man pa. No wonder, maraming nagkakagusto sa kanya.

Including you! – sabat na naman ng utak ko.

Hays, naman.

Pinagmasdan ko ang ginagawa niya. Pinagpag niya saglit ang damit nito, kinuha ang susi ng kotse niya sa bulsa at pinindot ito. Tumunog ang kotse niya na nasa hanapan naman na namin, maganda rin ang sasakyan niya, halatang mamahalin.

Binuksan niya ang pinto ng back seat at passenger seat.

Kinuha ni Kent ang payong namin at pinanong sa upuan sa may back seat. At pinaupo naman niya ako sa passenger seat, tsaka niya sinatra ang pinto nito sa back seat at dito sa passenger seat.

Dumaan siya sa hanap ng sasakyan para makapunta sa driver seat, binuksan niya ang pinto at umupo siya rito.

"Wear the seat belt." Sabi nito habang inaayos ang seat belt nito sa kanya. Tsaka niya sonata ang pinto.

Dahil sinabi niyang wear the seat belt, so Ayun ng ginawa ko.

Tiningnan niya muna ako, bago niya pinaandar ang sasakyan.

"Lead me the way to your house, so we can go there as fast as I can." Sabi nito ng deretcho ang tingin sa daan.

Ang cool niyang tignan habang nagmamaneho, mas lalo siyang naging cool ng ganoon ka suave ang pagmamaneho niya kahit medyo mabilis ito.

Basa ang daanan at medyo madulas, pero parang sisiw lang ito sa kanya.

"Ahh yeah." Sagot ko naman, wala na talaga akong masabi sa galing nito magmaneho.

Itinuro ko ang daan papunta sa condo ko, at 15mins lang ay nakarating na agad kami, ganoon kabilis ang pagmamaneho niya. Kapag sa akin yun ay, aabutin ng 45minutes dahil ako kapag tag ulan, mas mabagal pa sa pagong ang takbo ko dahil takot akong magmaneho kapag umuulan, naiisip ko kasi baka madisgrasya ako kaya binabagalan ko lang ang pagtakbo kapag maulan.

Tinabi ni Kent ang sasakyan, malapit sa Entrance ng condo, kung saan hindi na ako mauulanan.

"Were here?" patanong niyang sabi, tinanggal na ang seat belt nito.

"Oo." Sagot ko naman.

"What floor are you?" Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng patak ng ulan.

"Hah?" tinatanong niya ba kung anong Floor ako nakatira?

"Floor of your condo."

"ahm, 18 floor."

Pagkasabi ko nun ay, pilit niyang inaabot ang payong na nakalagay sa back seat. Gusto niya yata akong ipagbukas ng pinto? Kaya niya kinukuha iyon para gamitin niya.

"Geez. It's hard to get it!" naiinis na sabi nito.

Naisip kong tulungan siyang kunin ang payong, tinanggal ko muna ang seat belt ko at lumingon sa back seat at inaabot rin ang payong. Pareho kaming naghihirap sa pagkuha nito, halos magkadikitan na kami ng mukha sa kaka abot nito.

At ng maabot ko na ang payong ay, nagkamali ako ng galaw. Dahil paglingon ko ay sakto ng lumingon rin sa gawi ko si Kent kaya ang nangyari ay, nag lapat ang mga labi namin.

Na bitawan ko ang nakuha kong payong sa sobrang pagka gulat ko.

Hindi naman na ito ang unang pagkakataon naming na Kiss, pero iba parin ang epekto ng halik niya sa akin. Nakakainis.

Magkalapat lang ang labi namin, walang kumikilos or gumagalaw sa amin, parang nagpapakiramdaman lang kaming dalawa.

Napalunok ako at ganoon rin siya pero, ang nakakagulat doon ayyy, ng nakaget over na kami sa pagkagulat ay, hinalikan niya ako ng malalim… halik na parang sabik na sabik at uhaw na uhaw…

Tumugon ako sa halik niya dahil, aaminin ko. Na-miss ko iyon…

Pareho kaming hingal at naghahabol ng hininga ng kumalas kami sa halik.

Napayuko ako dahil, nahihiya ako rito. Feeling ko hindi ko dapat talaga tinutigon pabalik ang mga halik niya, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil nakakapanghina ang halik nito at nakakaadik.

What am I saying?

"Ah, eh. Ano, salamat pasok na ako sa building.." nauutal kong sabi ng Nakayuko parin at hindi tumitingin sa kanya…

Malakas parin ang ulan at malamig sa kotse pero, feeling ko pinagpapapisan ako sa init na nararamdaman ng katawan ko.

Geez. What the F! BRIANA!!!?

Bubuksan ko na sana ang pinto para makaalis at makalabas na ako dahil nahihiya na ako, pero pinigilan niya ako, gamit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Ariane, I know I said to you that I am willing to wait until you'll become ready, but I can't help my feeling for you, I can't control it. I'm sorry." Malungkot na sabi nit at ramdam ko namang totoo ang sinasabi nito, kaya pati ako ay nalulungkot na rin.

I'm sorry too, Kent.

"It's okay. Aalis na ako, salamat!" sincere kong sabi at tuluyan ng binuksan ang pinto at lumabas na rron, sinara rin agad ang pinto at derederetcho ang takbo ko papasok ng Building ng hindi siya nililingon.

Sumakay ako sa elevator at agad na pinindot ang Floor kung saan naroon ang condo ko.

Napahilamos na lamang ako ng mukha ng maalala ko halik na iyon, nakakahiya baka isipin niya kaya lagi ko tinutugunan ang halik niya ay gusto ko siya or baka malala dun isipin niya na mahal ko na siya.

Ayoko, ayokong malaman niya. Pero, kabaligtaran ang pinapakita kong kilos sa gusto kong mangyari. T.T

Parang mas pinapakita ko at pinaparamdam ko sa kanya na gusto at mahal ko siya! Ano ba? Bakit ba kasi hindi ko ma tanggihan ang halik niya?

Kasi masarap siyang humalik, malambot ng labi niya at napakarami ng pagkabalik niya! –mind talking.

Waaaaah, hindi ko na alam kung ang dapat kung sundin? Ang puso ko ba, o ang isip ko? T.T

*Ting… (Elevator doors open)

Lumabas ako sa elevator ng Nakayuko at parang nalugi sa sobrang kalungkutan.

Pumasok ako sa condo ko at dumerecho sa kwarto, napahiga sa kama at Napatingala sa kisame.

"Why I always responded to his kiss? Do I really love him already?"

To be continued…