Britney Ariane Pov.
Acquaintance Party na mamaya, ako naman ay hindi naeexcite. Bukod sa hindi naman ako mahilig sa mga party, ay nandoon rin si Kent. Tapos kagabi ko lang naisip at naalala, inalok niya pala ako na maging partner siya at ako naman ay omuo nun, hays naman talaga. Nahihiya na talaga akong harapin siya dahil feeling ko napakapaasa kong tao.
Wala pa rin akong susuuting dress na bago, puro luma na dress lang meron ako rito.
Parang ayoko na tuloy pumunta mamaya. Haha
SIGH.... VERY DEEP DEEP DEEP SIGH....
Punta na nga lang akong Mall para makabili ng bagong dress. At para mawala kahit papano ang mga isipin ko.
#
Imbes na sa Mall ang Punta ko, napunta ako sa divisoria, sabi kasi ni Kylie mas mura raw dito at maganda rin. Yung hundred thousand at million Na gagastusin ko sa mga branded na damit kapag dito ka raw bumili parang mismong shop na ang mabibili ko sa sobrang mapagbibilhan ng pera.
Nag tiis ako sa init, gitgitan at singitan sa sobrang dami ng tao. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon pero tiniis ko dahil gusto ko rin maranasan maging tao, I mean para naman may alam ako sa lugar na ito at hindi puro SM, or Malls nalang ang pinupuntahan ko para sa pagbili ng mga damit at gamit, hindi ba?
Sa sobrang pagod ko sa pag-ikot at paglalakad ay, naisip kong kumain muna sa pinakamalapit na fast food dito.
Umorder ako ng Spaghetti with chicken joy plus fries at sundae.
Nasa eksena na ako na susubo na ng pagkain ng may umupo sa harap ko.
"Hey, Britney! What are you doing in this place?"
Tiningnan ko ang taong nasa harapan ko ngayon, ng dahan-dahang Inangat ang paningin sa kanya baka kasi mamaya mabudol ako.
At ng makita ko kung sino nasa harapan ko ay nakahinga ako ng maluwag.
"Kit?"
"Ow yes it's me. Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa akin, na kumuha pa ng isang pirasong Fries.
"Ikaw ba? Anong ginagawa mo rito?" pabalik kong tanong.
"Sinusundan ka?" sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya at agad naman niya itong binawi, mukhang natakot sa aking tingin. Ts
"Joke! Bawal ba mag joke?" Sabi niya pa na natatawa.
"Hindi ako natawa." Seryoso kong sabi rito.
"Serious huh? Well, I'm here to buy some stuffs." Mukhang totoo naman na ang sinabi niya, panay parin ang kuha niya sa Fries ko.
Kaya naman sinamaan ko na naman Siya ng tingin. At tinapik ang kamay na kukuha pa sana muli ng Fries.
"Tama na yan, mauubos mo na eh!" reklamo ko rito, hindi pa ko nakakain pero mauubos na niya. Napaka haba pa naman ng pila bago makarating sa Counter. Tss
"Sorry oky, I ibili nalang kita ulit." Sabi nito na kukuha na naman sana ng isa pang Fries, pero pinigilan ko.
"Wag ka ng kumuha, tama na yan sabi eh."
"Okay fine!" taas kamay nito na parang suko na.
Buti naman tumigil na kakain ng Fries ko, hmp
"Ikaw lang mag-isa pumunta dito? Buti kinaya mo?" Sabi na naman nito, napaka daldal talaga
"Oo naman kailangan kayanin mag-isa."sagot ko naman at sumubo ng spaghetti pagtapos magsalita.
Tumango tango naman itong si Kit, "Mamaya sa party, pupunta ka ba?"
"I don't know yet. Wala pako maisusuot e." Sabi ko ng matapos kong nguyain ang sinubo kong spaghetti tsaka sumubo ulit.
"Wala ka pang maisusuot mamaya? Anong oras na ahh, almost 12noon na. Hindi ka ba bumili? Ikaw hindi bibili? Imposible naman yan, ang tulad mo na may pera ay hindi nahihirapang bumili ng maisusuot."
Habang nagsasalita siya at panay naman ang subo ko sa pagkain ko dahil nagutom ako kakalibot sa divisoria. Para makahanap ng gusto kong damit.
May mga may pera na thru online nalang umaasa para sa susuotin nila or ipapautos sa iba para hindi ma hassle.
Well, not me. Ako kasi hirap talaga akong pumili o bumili ng mga damit nasusuotin ko, gusto ko kasi yung kapag sinuot ko ang damit na iyon, maganda quality at comfortable ako at gusto ko ako mismo bibili at nakikita at nasusukat ko agad.
"That's why I'm here!" Sabi ko pagtapos ko uminom ng tubig,
"I am here to buy a dress and some stuffs too. May Kaunting oras pa naman kaya, kaya yan kung hindi man aabot sa party, hindi na rin ako pupunta. Ganoon lang yun."
Sumubo ako ng isang Fries, nakatingin lang si Kit sa Ginagawa ko.
"Hindi ka naman pala ganoong kaarte." Compliment ba yun or what.
"May pinagpipilian naman kaartehan ko Noh!"
"Ow, I see!"
Maya maya at natapos nako kumain pati Fries at binitbit ko na lang yung sundae, kinakain ko habang naglalakad. Sasamahan daw ako ni Kit maghanap ng dress.
"Yun Britney, maganda."
Nandito kami sa 168 para tumingin ng mga dress or gown at nakita nga Ni Kit ang mukhang mamahalin pero mura lang at maganda pa.
"Bagay sayo yan." Dagdag pang sabi ni Kit, ng hawakan ko ang nakadisplay na cocktail dress na ito, vintage gold ang kulay, naka embroidery ang design nitong flowers sa tube nito at pati sa may ibang parte ng dress, at may ribbon itong design na kulay gold sa may beywang.
Namamangha ako habang tinitignan ang pagkakatahi nito dahil pulido at walang makikitang mali. Maganda rin ang tela.
"Ang ganda!" natutuwa ng sabi ko habang titig na titig sa dress
"Yeah, maganda ka talaga." Sabi naman ni Kit
"Anong sabi mo?" kunwari ay hindi ko narinig pero malinaw ko iyong narinig, maganda ako? Parang hindi nman.
"Sabi ko, mas maganda yan kapag ikaw ang nagsuot kasi your really beautiful!" nakangiti ng sabi ni Kit.
"Bolero ka no?"
Imbes na sumagot ito at tumawa na lamang ito kaya napailing nalang ako.
"Miss pwedeng masukat ito?" tanong ko sa sales lady na nagbabantay roon.
"Yes po Ma'am pwedeng pwede. Dito po sa Loob ang fitting room."
Pumasok ako sa fitting room at agad na sinukat ang dress na hawak ko ngayon, dahan dahan at ingat na ingat akong isuot ito dahil baka masira ko pa,
Ganoon na lang ang saya at gulat ko ng makita ko ang reflection ko sa salamin suot ang cocktail dress na ito.
"Ang ganda..."
Napaka ganda talaga ng dress na ito, hindi mahahalaga na mura lang siya dahil unang tingin mo palang mukha ng mamahalin. Basta wag ka lang babase sa brand name dahil doon ka na matatalo, kasi walang brand ito. Pero napakagaling ng nagdesenyo at nag tahi nito.
"Bagay na bagay sa akin!" Saktong sakto sa katawan ko parang Sinukat talaga nila,at para talaga ito sa akin. Hehehe
Siguro nasa 20 min's to 30 min's ako sa loob ng fitting room dahil sa sobrang nagagandahan ako rito. Kung hindi ko pang naisip na may kasama pala akong naghihintay mula sa labas ay baka abutin ako ng isang oras sa loob. Hehehe
Pagkatapos kong masukat ay binayaran ko agad sa tindera ang cocktail dress. At masaya ko itong tinanggap ng binigay nila sa aking nakabalot.
Pagkalabas ko sa shop na iyon at hindi ko mahanap si Kit, nagpalinga linga ako sa harap likod kaliwa't kanan ko na pwedeng daanan ng mga tao ay hindi ko siya matanaw.
"Na Saan na iyon?" Sabi ko habang patuloy ang palinga-linga ko sa bawat stall. Pero walang Kit doon,
Hihinyatin ko na lamang siya baka may binili lang.
Ilang minuto rin akong nag hintay, maya maya ay natanaw ko siya, alam kong siya iyon dahil tandang tanda ko ang suot nitong damit.
Nakita ko siya sa dulo ng isang stall shop, may kausap ito...
Palinga-linga rin si Kit habang kausap nito ang lalaki, parang may tinatago ito or may ayaw makakita sa kanya.
Nagtago ako sa isang stall shop na puros damit kaya hindi ako makikita.
Mukhang seryoso ang usapan nila at ayaw paistorbo.
Maya-maya'y nagpaalam na si Kit, at ang kausap niya...
Bago pa man makalapit sa shop na pinuntahan namin kanina at i unahan ko siya at pumasok ulit sa stall at huminga ng malalim St lumabas ulit roon, na sakto namang parating na si Kit.
"Tapos na ako, Tara na?" kunwari'y ka katapos ko lamang magsulat at magbayad, "Sorry kung natagalan ako ah ganito talaga ako mag sukat ng damit. Matagal." Dagdag ko pa
"No worries. Ikaw naman yan, kaya okay lang. Alam mo namang crush kita diba?" Sabi niya with kindat pa
"Tigilan mo nga ako Kit, umuwi na nga tayo. Dahil mamaya ay party na!" Sabi ko at pinangunahan ko na ang paglalakad.
Sumunod rin naman siya sa akin at naglakad na rin.
-#-#-#-#-#-#-#-#
"Salamat sa pagsama kit ah. See you later!"
Paalam ko rito ng marating na namin ang parking lot, na for customers of Jollibee parking only. Hehehe
Wala kasing gaanong mapagparkingan, buti nalang at hindi pinagtripan ang sasakyan ko ng mga tambay.
Binuksan ko ang kotse ko at sumakay roon. Pagkasara ko ng pinto at sinuot ko naman ang seat belt at nag start ng engine.
Bago ako umabante ay sumulyap ako sa side mirror ko sa kaliwa.
At nagulat sa nakita ko, may lalaking nakatingin sa akin mula sa labas,kaya napayuko agad ako na parang ayoko niya ring makita ako.
Tama ba ang tingin ko o malabo lang ang mata ko?
Si Kent ba yun?
Tumingin ako ulit sa side mirror sa kaliwa, ngunit bigo akong nakita siyang muli. Bigla na lang itong nawala na parang bula.
Tama bang isipin na, sinusundan niya at mina-matiyaga niya ako?
Pero, pwede rin namang isipin kong baka paranoid lang ako...
Umiling iling nalang ako, at pinaandar na ang sasakyan para makaalis na roon at makauwi na.
#-#-#-#-#-#-#-#
To be continued....