"Sis, hindi raw makakaattend ng party ni Kent. Sorry raw, may asikasuhin lang daw siya. Sinabi sa akin ni Kennedy."
Iyon ang bumungad sa akin ng sunduin ako ni Kylie dito sa condo ko. Nawala ang ngiti ko, at parang maiiyak ako dahil sa balitang iyon. Pero, hindi ko pinahalata kay Kylie iyon dahil baka tuksuhin niya lamang ako, kaya pinilit kong ngumiti ulit at pigilan ang luha ko.
"Ano Sis, ready ka na ba? Okay ka lang naman di ba kahit walang partner dahil alam ko namang hindi mo rin gusto magkapartner?" Hindi ko alam kung pinapagaan ba nila ang loob ko o inaasar dahil di idiin niya pa ang salitang partner.
"No worries. Makakapunta ako sa Party kahit wala pa siya at wala akong partner." Confident kong sabi at lumabas na sa condo.
"Hahaha. Ganyan nga my BFF!" natatawang sabi ni Kylie habang si nasara ang pinto ng condo.
"Let's go!" paanyaya ni Kylie as t kumapit pa sa aking braso. Napangiti naman ako sa ginawa niyang pagkapit dahil para itong batang mawawala.
-#-#-#-#-#-#
"Your car or mine?" Tanong ko kay Kylie ng marating namin ang parking lot.
"Sayo nalang sis, mas maingat kang magmaneho sa akin!"
"So ako ang mag d-drive?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Malamang! Gusto mo ba ako? Para magasgasan ko lang mahal mong Lamborghini?" nang Hahamon na sabi nito. Sinamaan ko nga ng tingin.
"Ikaw Kylie ah, sabihin mo tamad ka lang." Sabi ko habang binubuksan ang pinto ng driver seat. Sumunod naman si Kylie at tumungo sa gawi ng passenger seat at binuksan nito ang pinto.
"Alam mo naman Sis, gusto ko makatipid sa gasolina. Hahaha." Sabi nito na tumatawa ng nakakaloko
"Sira talaga ulo mo!"
Nang nakasakay na kami sa kotse ay, pinaandar ko agad iyon para makarating na kami agad sa KStar Hotel kung saan gaganapin party.
Habang nagmamaneho ako ay panay naman ang daldal ni Kylie.
"Grabe Sis! Excited na ako sa party!" panimula nito
"Sa party o kay Kennedy?" pag aasar ko rito
"Of course, part na siya sa excitement ko! I miss him already eh." Sabi nito ng kinikilig pa.
Hay grabe talaga ang tama nito kay Kennedy
"Ikaw nga umamin ka nga sa akin Sis!" Biglang tanong nito sa akin.
"What?"
"May crush ka kay Kent no? Don't say no, dahil minsan ko nang nakita na hawak hawak niya ang kamay mo!" tanong nito na hindi ko inaasahan.
Bigla tuloy akong kinabahan at hindi alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o de dedmahin na lamang?
Sasabihin ko ba sa kanya na naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya?
Naguguluhan man ako ay, napag isip isip ko na mag kwento nalang ako sa kanya tutal kaibigan ko naman siya at mapagkakatiwalaan.
Huminga ako ng malalim at sumagot.
"Ang totoo'y…" Hindi ko alam kung itutuloy ko ba or hindi ang kwento dahil nahihiya ako at ayokong husgahan niya ako kapag narinig niya ang kwento at sides ko.
"Totoong, ano?" nilingon ko saglit si Kylie at nakita kong nakakunot noo ito. Agad ko ring binalik ang paningin ko sa daan tuloy rin ang pagmamaneho.
"Ang totoo'y, nangliligaw siya sa akin." Mahina kong sabi dahil nahihiya ako.
"OMG Sis! Dalaga kana!" Sabi nito ng napatakip pa ng bibig dahil sa pagkagulat nito.
"Baliw. Matagal na akong dalaga no!"
"Dalagang hindi pa nagkakajowa." Biro nito, hindi na ako nakasagot dahil totoo namang NBSB ako eh.
"So, ano, mag kwento ka pa Sis!" tinutukoy niya ang about sa panliligaw ni Kent, "Ano pumayag ka bang magpaligaw?" dagdag pa nito, na mukhang excited na marinig ang sasabihin ko
"Uhm, well, it's a no." malungkot kung sabi.
"WHAAAAT? REALLY? TINANGGIHAN MO ANG ISANG KENT HERMES? WHY?" malakas ang boses nitong sabi dahil sa pagkagulat niya at dahil rin sa lakas ng boses niya, napapreno ako at napahinto sa pagmamaneho.
"What the heck, Kylie! You don't need to shout that loud." nakakabingi kasi ang lakas ng boses niya
"Okay I'm sorry kung napalakas man ang boses ko pero naguguluhan ako bakit hindi ka pumayag?" nagtataka at nadidismayang tanong nito.
Itinabi ko muna sa gilid ng daan ang kotse ko at ng maitabi ko na ay, hinarap ko siya agad.
"Kasi nga, I'm not yet ready Sa relationships! Tsaka naguguluhan rin ako after he Kissed m—." napatakip ako sa bibig ng bigla ko itong nasabi.
"Shit!" mura ko nalang.
"Shit talaga sis! Hinalikan ka niya? At nagpahalik ka rin?" magugulat na tanong nito
Nahihiya man ay tumango ako bilang sagot.
"OMG! Sis, akala ko ba hindi ka pa handa pero nagpahalik ka? Nagbibigay motibo ka na gusto mo rin siya pero, tinatanggi mo pa. You know what sis, hindi lang siya ang niloloko mo, you also fooled yourself." This time hindi na siya sumigaw or malakas ang boses, mahinahon na itong nagsasalita. At alam kong, Pinapayuhan niya lamang ako at hindi niya intensyon na saktan ako sa mga sinasabi niya kasi, yun ang opinyon niya sa kwento ko, sa kalokohan ko.
"I know, that's why I'm telling you this. I need your opinions. Naguguluhan Kasi ako. I don't know what to do kasi, hindi siya mawala sa isipan ko. Tapos hindi pa niya ako nila layuan panay parin lapit niya kaya gulong gulo talaga isip ko." Paliwanag ko at nakikinig naman sa akin si Kylie, tinuloy ko ang pagsasalita ng Nakita kong pinapakinggan niya ako ng mabuti..
"Gusto ko siyang kalimutan, gusto ko siyang layuan, gusto ko siyang layuan niya ako pero hindi niya ako tinitigilan, lagi siyang nandyan when I'm in trouble or nangangailan ako ng tulong… tulad nalang nung kahapon, wala akong payong pinahiran niya ako ng payong at hinati pa sa condo ko… sabi niya he's willing to wait pero, hindi raw niya mapigilan ang Nararamdaman niya sa akin. Mahal niya raw ako." Sabi ko na napahilamos pa sa mukha dahil sa sobrang naguguluhan ako.
"Inaamin ko natutuwa ako kapag nakikita siya sa paligid ko, masaya akong hindi niya ako nila layuan, lumulundag ang puso ko kapag kasama ko siya. Pero may part sa akin na takot ako, takot akong masaktan tulad ng nangyari kay Mommy… kaya sa tuwing naalala ko iyon, naiisip kong lumayo nalang sa kanya, at kasi feeling ko hindi ko rin masusuklian ang binibigay niyang atensyon at pagmamahal dahil takot akong masaktan." Hindi ko na mapigilan ang luha ko kaya napaluha ako habang nakahilamos parin ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko na talaga maintindihan nararamdaman ko.
Hinawakan ni Kylie ang dalawa kong balikat, "Sayang ang make up kaya wag ka ng umiyak." Tinanggal ko ang mga palad ko na nakahilamos sa mukha ko at hinarap siya.
"Ang panget mo na tuloy." Sabi ni Kylie, pero hindi pa biro or nang aasar kundi mayroon itong pagmamalasakit at pagmamahal.
Binigay niya sa akin ang panyo niya na kinuha siya sa pouch nito, "You know what sis, kapag may gusto kang isang bagay hindi naman dapat laging ready ka para Makuha yun di ba? Minsan hindi porket ready kana makukuha mo na agad ang gusto mo at hindi porket hindi ka ready ay wala ka ng magagawa."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "What do you mean of that?"
"Parang love lang yan, kapag gusto mong magmahal hindi kailangan na dapat ready ka. Minsan it come in a wrong time, and a wrong place pero in the end it will work. Meron ding, ready kang magmahal, right time ka at right place pero, nasasaktan sa huli. Pero nag try ulit magmahal, kahit nasaktan na sa una. It means, walang mawawala sayo kung susubok ka, magtagumpay ka man or hindi at least ginawa mo, hindi ka nagpatalo sa kaba at takot mo at sa taong nanghusga at nanakit sayo, kung natalo ka edi lesson learn at kung nagtagumpay ka naman edi ipagpatuloy mo lang, mahalaga naman ay nabubuhay ka ng walang inaapakang tao. You need to take a risk, walang masama kung susubukan mo. Sa pagmamahal hindi naman puro saya lang eh, may lungkot at sakit rin yan walang thrill ang relationship kung puro saya lang, maniwala ka sa akin. Mas maganda kapag nag aaway rin kayo, Hahaha."
Mahinahon at puno ng malasakit sa akin ang pagkakapayo niyang iyon, maguguluhan man ay nagegets ko na rin. Ibig sabihin, subukan kong mahalin si Kent, masaktan man ako o hindi, mahalaga ay masabi ko ang nararamdaman ko at maiparamdam ko sa kanya iyon. Bahala na masaktan basta nagpakatotoo ako sa sarili ko at sa kanya.
"Kung sa bagay, tama ka sis. Salamat ha? Pinagaan mo ang damdamin ko." Sabi ko at niyakap Siya ng mahigpit.
"No problems. I am your BFF right?" Sabi nito ng niyakap rin ako ng mahigpit.
Pagkatapos ng dramang iyon at nag retouch kaming dalawa at tinuloy ko na ang pagmamaneho. Malelate kami nito sa Party, dahil sa kadramahan ko. Haha
To be continued…