Four.
Britney Ariane's POV.
Lutong-Lito ang isip ko at hindi parin makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya.
"But how?" Nakakatitig at seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi sa kin-question ko ang nararamdaman niya for me pero bakit ang bilis naman yata niya akong magustuhan?
Nakatingin lang rin siya sa aking mga mata.
"I don't know. I just found out that I'm in love with you."
Hindi parin ako nako-convinced sa sinasabi niya. I want to know and heard more explanation Kung bakit niya ako gusto.
"I need a convincing and better explanation. Hindi parin ako basta naniniwala."
He deeply sigh. Kinuha niya muli ang kamay ko at itinapat sa dibdib nito sa may bandang puso. Agad akong kinabahan sa ginawa niyang yun.
"This is the reason…" Hindi niya inalis ang paningin niya sa akin habang nagpapaliwanag, "there goes my heart beating… do you feel it?" tumango ako bilang tugon.
"You are the Reason" dagdag nito, nanatili itong nakatitig sa maga mata ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko, ikaw ang dahilan bakit ako kinakabahan ng sobra sa tuwing nakikita ka, ikaw ang dahilan kung bakit nauutal ako at napapanganga sa tuwing nakaka harap kita. All of the uncomfortable or uncommon reactions I feel right now, all is because of you…" malinaw pa sa tubig dagat ang mga salitang binibitawan niya sakin ngayon. Parang lahat ng yoon ay gustong tumatak sa isip ko at utak ko, para hindi ko makalimutan dahil napakagandang pakinggan—hindi, napakasamang pakinggan nito.
"You are the Reason, Britney…" Hindi ko alam ay bigla na lamang dumagsa ang mga luha ko sa aking pisngi sa sobrang sayang nararamdaman ko.
Pero hindi tama ito, baka naguguluhan lang ako.
O kaya naman ay, naguguluhan lang siya. Hindi ko alam.
Oo masya ako sa narinig ko na, gusto niya ako pero may part sakin na gusto ko malaman paano niya ako nagustuhan, hindi parin ako na kokumbinsi sa mga sinabi niya.
Hindi tama ito, baka kasi infuatation feelings lang ang nararamdaman niya kaya niya ako gustong ligawan.
Kung ano man yung dahilan niya, hindi ko dapat siya husgahan. Pero, hindi ko rin dapat abusuhin. Hindi ako dapat pumayag, dahil alam ko na mali ito, ayoko ng biglaan, ayoko yung napapasubo ako agad, gusto ko may plano, may paraan at dahan-dahan.
If masasaktan ko man siya sa gagawin kong desisyon, at least nagpakatotoo lang ako sa sarili ko.
Ayokong saktan siya. Ayokong masaktan ako ng dahil sa biglaang desisyon, everything must be plan.
#*#*#*#*#*#*#*#
Kinabukasan.
I was about to run because I am late! Gusto ko lang makaabot before magbell! Dahil, malilintikan na ako sa Professor ko.
Ang kaso sa tuwing nagmamadali ko, lagi nalang may eksena!
"Omg! Keez! You're so handsome! Pa-hug naman please!"
"Kenneth my loves! I love youuuu!"
"Sheeeet! Akin ka nalang Kit!"
"Omg! My future husband Kelvin! Please Marry me now!"
"Kyaaaaaah! Kryle I love youuuuu! Uwi kana hindi na ako galit!"
"Ow Myy ghaaaaad!"
"Ang gwa-gwapo talaga nila!"
"I love you naaaaaah!"
Yan lang naman ang naabutan ko sa quadrangle at nakakainis doon, napakarami nilang mga nakakalat sa campus! Tuloy hindi ko malaman saan ako lulusot dahil maya't maya may nagkukumpulan at may naghahabulan pa at may hinahabol pa! Omg! Ano bang nangyayari sa kanila?! Sino ba ang pinagkakaguluhan nila! Sino ba mga yun! Nakakainis, nakakasira ng araw! Malelate na nga, ganito pa!
Sobrang inis ko, bawat taong makakasalubong ko, binabangga ko na para naman makaalis na ako rito at makapasok na sa room namin!
Hays! Napakagulo nila!
"Excuse me lang ha! Dadaan ako!" sabi ko habang nakikipagsiksikan sa kanila at para makaalis na rin sa ganitong sitwasyon. Nakakairita sila.
Ganyan ba talaga kapag, obsessed fan? Tsk.
Okay fine, nakaabot na ako ng ganitong eksena kahapon lang, pero nakapasok na ako nun at hindi late kaya okay lang na makakita ako ng ganito but this time, bakit naman dumami yata sila? At bakit kailangan sa quadrangle pa! Geez.
"EXCUSE MEEEEH!" sabi ko ulit ng may nakaharang sa dapat kong lulusutan.
Hindi ko muna ito hinarap dahil abala ako sa pakikipagtulakan.
"Ano ba! Pwede bang umalis ka dyan! Dadaan ako! Napakalaki mong harang!" sabi ko ng malakas pero mukhang 'di niya ako naririnig kaya tiningala ko siya!
"Ikaw na naman ha?" siya alang naman ang lalaking laging nakakapag pahamak sa akin. Hay nako, Yan na naman yung outfit niyang malayo sa panahon ngayon. Tsk
Bonet, shades, long-sleeved with guitar. I think yan yung gitarang inayos ko. Pero bakit ba lagi nalang siyang susulpot kapag mga ganitong eksena, tulad nito late ako at naka banggaan na naman kami tulad ng kung paano kami nag kabangaan noon, at kahapon lang, dahil rin sa grupo ng babae kami nakatagpo na naman! Ano ba naman yan!
Hindi parin siya umaalis sa daraanan ko. Kaya lalo akong naiinis,
"Ano ba! Pwede ba don't block my way!" singhal ko rito.
"Tsk!" Yun lang ang sagot niya, puro Tsk nalang?
"Padaanin mo ako dahil late na ako!"
Naiinis na talaga ako sa lalaking ito! Pinandilatan ko siya ng mata, baka sakaling matakot! Ang kaso hindi siya natinag!
"Padaanin moko dahil malelate na ako! Kailangan ko makaalis dito sa mga baliw na ito!"
"Tsk!" sabi niya at biglang hinila ang braso ko at hinila ako kung saan.
Ako naman itong natulala, nagpahila rin! Eh kasi naman, I don't know what to say? At ginusto ko ring magpahila para makalayo na sa mga taong ito! Ghaad! >_<
Maya-maya lang ay nakalaya na kami sa mga taong iyon. Bakit ba kailangang sa campus pa sila maggagaganyan! Paaralan ito hindi kung anong bastang lugar lang na papayagan ang fan club na yan! Tsk.
Binitawan na ako ng lalaking humila sa akin.
At unti-unting lumalapit sa akin. Gulp.
Hinawakan niya ang Panga ko at inangat ito.
"We dumped again and again! Is this a sign of destiny?" He smirks. Pinagdiinan niya talaga ang word na 'Destiny' Tsk. Talaga namang kapag minamalas ka nga naman.
Destiny niya mukha niya.
Tug dug tug dug tug dug
Tug dug tug dug tug dug
Tug dug tug dug tug dug
Urgh. Ano ba ito bakit may paganito ang puso ko?
"W-what are you doing?" Why I'm stammering? Lalo niya kasing ni lapit ang mukha niya sa akin, I even smell his mint breath.
Buti hindi bad breath.
"I'm not yet doing anything, unless you'll allow me to do it."
Anong pinagsasabi niya?
"Allow what ba!?" naiirita na ako sa kanya, daming sinasabi tapos lapit na lapit pa ang mukha niya at panay naman ang layo ng mukha ko dahil na iilang naman ako no.
Kinakabahan na naman ako, feeling ko may masamang gagawin ang isang ito sa akin? Di kaya???...
Sa sobrang overthinking ko naisip ko ang hindi dapat maisip kaya napasigaw ako at tumikit, "Kuya wag po bata pa po ako! May pangarap pa po ako!" Sabi ko ng natataranta pa.
"Hmp. Hahaha hahahaha!" Nakarinig ako ng tawa ng sobrang lakas at naramdaman ko ring wala ng nakahawak sa panga ko at hindi ko na ramdam ang sobrang lapit ng mukha namin ng lalaking iyon.
Kaya dumilat na ako at nakita ko siya na hindi magkamayaw sa tuwa, grabe tawa lakas.
Nasa ganoon ang eksena namin pero nagkaroon pa ako ng time na titigan ang nilalang na ito, the way he laughs, napakagwapo lang niya.
Tug dug tug dug tug dug
Tug dug tug dug tug dug
Tug dug tug dug tug dug
Nababaliw na ba ako? Ano ba naman itong pinagsasabi ko! At talagang sumakbay pa ang tibok ng puso ko ahhh.
Argh. Kainis naman kasi itong lalaking ito!
"B-bakit ka tumatawa?!" Ano ba yan nauutal parin ako?
"Hahahaha, I just can't help it! You make me laughed this hard. Hahaha!" hindi parin siya natigil sa kakatawa. Nagbaliw na yata!
"Ano bang nakakatawa sa sinabi ko ha?"
"Sa tingin mo ba pagsasamantalahan kita? Look at you naman. Hahaha!" tawa parin niya.
Hmmp. Anong look at me naman! Abay na nag aasar ba siya! Hindi ba ako karapat-dapat I-rape ganoon? Argh, bakit panget ba ako?
"Huy, bakit panget ba ako?"
"Hindi no, well as if namang may gagawin akong masama sayo! Gusto lang kitang pagtripan. Hahaha." Tumatawa parin siya.
"Letche ka! Tumigil ka na sa kakatawa mo babangasan na kita!" kunwari a tapang a tao ako.
"Okay, okay! Titigil na." at yun nga tumigil na siya kakatawa.
--
"Bakit mo ba ako dinala rito ha? At bakit ba lagi ka nalang hinabol ng mga babae! Alam mo kunti nalang iisipin ko ng artista ka!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ako artista, sadyang gwapo lang kaya habulin!" -pagkamayabang nito.
"Apakayabang nito! Gwapo raw. Hahaha." Asar ko naman sa kanya, muli ay nilapitan niya ang mukha niya sa akin.
5 inch apart. (Abay na sukat ko yun?)
"Bakit sa paningin mo…" ni lapit muli niya ang mukha niya sa mukha ko.
3 inch apart. (sukat na sukat besh?)
"… hindi ba ako gwapo?" lalong lumapit ng lumapit ito sa akin.
1 inch apart nalang…. Gulp.
"Tell me." Sabi nito in, seductive voices! Ay Leche, napapa pikit pa ako!
"Ahhh ehhh…. Ano…." Bakit ba nauutal ako sa lalaking ito?!
Maya-maya'y may mga babaeng grupo na tila may hinahanap.
"Girls! Nakita niyo ba kung nasaan na sila?"
"Nasan na kaya si Kent my loves!" - Sabi uli ng isa sa mga babae sa grupo
"Baka nandun!" sabay turo sa gawi namin.
Agad naman sinuot ang shades at bigla akong niyakap nitong lalaking ito tapos pinatalikod ang sarili para makaiwas sa mga babae. Yung posisyon na, nakayakap siya sa akin pero nakatalikod siya sa mga grupong babae na sa bandang north, bale kung sa posisyon ng pagkayakap sa akin nasa bandang north yung likod niya at nang makatapat naman sa pwesto namin yung grupo ng babae na palinga-linga , nilipat naman niya muli ang pwesto ng kanyang pagkakayakap bale, yung likod niya nakatapat na sa South. Ganoon. Gets niyo ba?
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggat hindi nakakalayo ang mga grupo ng mga babae kanina kung saan parang may hinahanap na tao, maybe lalaki na crush na crush nila.
Sa pananatili naming magkayap, my heart beats abnormally again!
Tug dug tug dug tug dug
Tug dug tug dug tug dug
Tug dug tug dug tug dug
Paulit-ulit na tilay walang katapusan at ume-echo sa saking tenga na nagiging maganda sa aking pantinig.
Hindi ko alam pero, I feel comfortable to him. I feel I'm safe with him! Yung feeling na. "I won't leave you feeling!" kapag may jowa ka or mahal ka! Ganoon.
Pero dahil sa katotohanang hindi naman kami close, biglang nagbago ang mood ko at naalala ang mga kayabangan niya!
Ako na mismo ang humiwalay sa yakap niya! Ano siya nag-eenjoy? Nasasarapan sa pagyakap sa akin? Tsk,
Kunwari ka ba Briana, Aminin mo nag-enjoy ka rin sa yakap niya! - mind talking.
Napailing na lang ako sa sarili kong isip.
I faced him, "Hoy ikaw! Bakit moko niyakap! Nananatsing ka no!"
Tinitigan niya lang ako. At napailing.
"Asa!"
Tumalikod na ito at maglalakad na paalis, tingnan mo talaga itong taong ito ang galing maghila at manghamak ng tao tapos mang-iiwan naman!
Hinabol ko ito at sinundan, nilagpasan ko siya ng kaunti at hinarap, paatras ang lakad ko at siya naman ay paabante, sinusundan ko lang ang paglalakad niya ng nakaharap sa kanya.
"Huy-huy! Saan ka pupunta?"
"Wala ka na doon. Bakit sasama ka?" pambihira rin talaga.
"Alam mo ikaw lagi ka nalang sumusulpot kung nasaan ako, stalker ka ba?" hindi ko alam kung asan ko nakuha yung ganoong tanong.
Bigla ay tumawa siya ng malakas, at napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
Yung tawa na mapang-asar, halatang nang-aasar!
"Anong nakakatawa?" pinagkunutan ko siya ng noo at napameywang ako, hindi ko alam kung ano sa sinabi ko ang nakakatawa eh.
"Me, stalker? Sa gwapo kong ito? Really? Haha!" tumawa pa siyang ulit.
Inaasar talaga ako nito ahh, asarin ko nga rin.
"Bakit sinong nagsabi na gwapo ka? Siguro yung mga magulang mo lang." Painosente kuno kong sabi.
Napatigil siya sa kakatawa at nakatingin na sa akin. Magkaharap pala kami, nakalimutan ko.
"What? I am not attracted to you?" Unti-unti na naman siyang lumapit sa akin. Kaya napapaatras ako.
"Hindi ka naman gwapo eh, mayabang pwede pa." Sabi ko, pinipigilan ang sariling mautal.
papalapit siya ng papalapit.
gulp.
bakit ba kinakabahan na naman ako?
naiilang na ako sa kanya....
"Tsk, not attracted pala ahh! tsk," sabi niya at tinigilan na niya ang paglapit sa akin, naglakad ulit ito kaya sinundan ko.
napakunot muli ako ng noo. napansin niya yata ang pag ilang ko sa kanya?
"Huy teka lang wag ka namang mang iwan. Saan ka ba pupunta ha?"
"Bakit? Sasama ka ba sa akin?"
wala sa mood na sabi niya,
"O-oh! Sige, sasabay na ako."
sabi ko naman.
"Tsk." Yun na naman ang reaction niya.
Naglakad na siya kaya sumunod ako. Bale nasa likod niya ako ngayon, pinag aralan ko ang likod niya, maganda ang katawan may korte at parang model.
Hay nako Briana, kanina yung pagtawa niya napansin mo ngayon naman ay ang katawan yung totoo besh? Ikaw yata ang nananatsing at stalker ehhh!
Kainis itong isip ko ahh… napaka pakilamera naman. Geez.
Ano naman kung napapansin ko bawat parte ng katawan niya? E sa na a attract ako e, masama ba yun?
akala ko ba hindi attracted? di bale, nag-aasar lang naman ako pero totoong gwapo siya.
Napahiling ako muli sa naiisip ko, na baliw na ako dahil sa lalaking ito. Hays
Sa likod lang niya ako nakatingin kaya, "Ouch-Ano na ba!" nabangga ko ang likod niya. Dahil bigla itong huminto sa paglalakad.
Humarap ito sa akin, "Are you dreaming of my body or whole me? Psh!"
"What?!-Hey! It's not what your thinking!"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Hindi na rin masama" tapos naglakad ulit siya.
What the f-Ano daw? Anong 'hindi na rin masama?' Pinagsasabi niya?
"Hey! What are you saying!"
"Don't you get it? Hindi na rin masama! I mean, hindi ka naman panget kaya pwede na rin, pwede mo na akong pangarapin!"
Huwaaaat?
"Pero hanggang pangarap lang ba?" nilapit niya muli ang mukha niya sa kin, napaatras naman ako.
Iginilid niya ang ulo niya tinapat sa maty tenga ko at ibinulong sa akin. "Oh baka gusto mo, totohanin na natin?"
Napaawang ang bibig ko sa sinasabi niya….
Loading….
"Huy! Anong pinagsasabi mo ha? Hindi kita maintindihan!"
"Well, slow is will remain slow!"
"Anong slow! Sino? Ako? Huy! Hindi ako slow!"
"If that so, did you get what I said to you?"
"Ah , no?"
"Slow talaga!" bulog niya pero narinig ko.
Wtf? I can't really get what he said! Kayo ba nagets niyo? Paki explain naman. I am so curious.
Naglalakad kami habang kinakausap siya.
"Hoy sagutin mo ko!"
"Nangliligaw ka ba?"
Whaaaaat?! AS IF NAMANG AKO PANG BABAE ANG MANLILIGAW SA KANYA! Ang kapal nito.
"Pwede bang wag mokong lokohin!"
Tanong ko pa sa kanya.
"Bakit tayo ba?"
Ayy buwiset tong kausap! Wala man lang matinong sagot!
"Bahala ka nga sa buhay mo! Malabo kang kausap!" nagiba na ako ng dereksyon papuntang room, dahil nag iba na rin naman kami ng dereksyon siya sa arts and sciences building ako naman ay sa management building.
Buti naman at magkakahiwalay na kami dahil, napakalabo niyang kausap ang hirap niyang intindihin.
Patakbo akong umakyat sa room, at bad news, kanina pa raw si Professor pumasok at nakaalis na. Hindi na naman ako umabot!, T.T
"Bes, you're very late, kanina pa tapos ang klase kay Sir, hindi mo na naabutan!" – Kylie.
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niyang iyon at pumunta sa pwesto ko, padabog kong bumaba ang bag ko, "Badtrip!" singhal ko.
"OH bakit ka naman bad trip! Anong nangyari ba?" pag-aalala ni Kylie, humarap ako sa kanya inayos ko ang upuan ko at hinarap sa kanya nasa likuran ko kasi siya, ang hirap naman kasi na mag-uusap kami na ngakatagilid ako nakakangawit rin yun.
"Argh, naiinis talaga ako. Remember the guy na na kwento ko sayo nakaraan yung nasira ko gitara niya kakamadali ko? Kaya na late ako nun!" pagpapaalala ko kay Kylie.
Napakunot-noo pa nga siya nung una pero nung naalala niya ay parang nagets na niya ako, "Wag mong sabihin siya na naman ang dahilan kaya hindi ka nakaabot sa klase this time?"
Tumango ako bilang sagot, "Yung nakakainis pa roon, napakaraming nagkalat na grupo ng mga babae sa buong campus! Sa quadrangle mismo! Alam mo ba yun ha?"
"Yeah, I knew it kasi bali-balita sa buong Campos na may sikat na banda raw rito na mag Re-rehearsal sa recording studio natin, kaya mga girls nagkandarapa na hanapin sila."paliwanag nito.
Narinig ko rin ang chismis na yan, pero hindi ko akalaing aabot sa ganito.
"Nakakainis kasi, nakaharang sila sa daanan eh! Isa pa sila sa dahilan bakit ako Malate at yung mayabangna yun! Kainis!" – naiinis talaga ako kanina,
"Kung naabutan mo palang nagkandarapa mga girls ka hahanap sa mga sikat na bandang iyon, edi may clue ka kung sino sila?"
Napaisip ako, "well may narinig akong tilian ng mga girls kasabay pagbanggit ng mga pangalan, kaso hindi malinaw kasi ang ingay nila kaya hindi ko na inintindi yun."
"Ahhh, sayang naman. Pero gwapo ba sila?" tanong ulit ni Kylie,
"Di ko nga sila nakita paano ko malalaman? Hahaha, hanggang ngayon na may Kennedy kana naghahanap ka pa ng gwapo ha?" panunukso ko sa kanya.
"Wuy, hindi no. Nagtatanong lang ako, tsaka masaya ako kay Kennedy." Sabi niya hanggang kinikilig. Baliw sa pag-ibig tsh
"Speaking of Kennedy, wala pa nga sila hanggang ngayon e, akalain mo yun naunahan mo pa silang pumasok?"
Bigla ay bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi, kaya bigla na lamang akong nayuko dahil ayoko mapansin iyon ni Kylie. Baka tuksuhin niya lang ako.
"Sabihin mo nalang if may prof. Na."Sabi ko habang naka yuko sa desk ko.
"Okay." Sagot naman ni Kylie,
Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kent sa akin sa hospital, "Ikaw ang dahilan kung bakit bumibili ang tibok ng puso ko, ikaw ang dahilan bakit ako kinakabahan ng sobra sa tuwing nakikita ka, ikaw ang dahilan kung bakit nauutal ako at napapanganga sa tuwing nakaka harap kita. All of the uncomfortable or uncommon reactions I feel right now, all is because of you…"
Bigla na namang kumalabog ang puso ko, kaya napahamak ako sa may dibdib ko sa tapat ng puso,
"Bakit ba ganito nalang ang epekto ng mga pinagsasabi niya sa akin?"
Posible bang magkagusto ako sa kanya?
Or maybe, Gusto ko na yata siya?
napailing nalang ako sa aking iniisip.
To be continued...
- - - #-#-#-#