Mabilis kong pinaandar ang motor just like the old days papunta sa condo ni Grint. Pagkatapos kong mag park ay dumiretso na ako sa loob ng building at sumakay ng elevator papunta sa 10th flour. My phone vibrated so I reached my pocket and answer it.
"Hello Khero?" Sagot ko sa cellphone. Medyo matagal bago siya sumagot dahil mukhang kausap niya ang mga kaibigan niya.
"Are you ok? Nagpapahinga ka na ba?" tanong nito sa kabilang linya. Hindi ko agad siya nasagot ng hawakan ako sa balikat ng panot na lalaking kasabay ko. Para siyang manyak na lalabas labas ng dila kaya iwinasiwas ko agad ang kamay niya.
"Ahhh oo, ayos lang ako. You don't have to worry..." Sagot ko ng maramdaman muling inamoy ng matanda ang buhok ko.
"ISA!" Gigil na bilang ko bago ko tinapik ang kamay nito.
"Are you ok? May kaaway ka ba?" ramdam ko ang konting panic at pag aalala sa boses niya.
"Ibababa ko na,bye" paalam ko, hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong sumagot at pinindot ang end button. Mabilis ko namang hinarap ang matandang panot na manyakis at tinaasan ng kilay.
"What do you think you're doing!?" I asked in moderate voice pero may diin. Kumunot ang noo ko ng bigla niyang pinagsalikop ang dalawa niyang palad at pinag umpog ng paulit ulit.
"Plok plok" punong puno ng kamanyakang sambit nito dahilan para manlaki ang mata ko.
"ARAYYYYY!" sigaw nito at namilipit sa sakit.
"Buti nga sayo manyak ka" asik ko bago lumabas sa elevator at hinayaan siyang pagkaguluhan ng mga taong pa pasok dapat sa elevator. Anong ginawa ko? Bukod sa pagpilipit sa kamay at daliri niya ay tinanggalan ko din siya ng karapatang makapagproduce ng fertile sperm. Manyak e
Pagkarating sa harap ng pinto ni Grint ay mabilis kong pinindot ang doorbell. Makailang ulit ko pa itong inulit bago bumukas ang pinto. Sumalubong sa akin ang mukha ni Grint na putlang putla ang lubog na lubog ang mga mata.
"Anong nangyari sayo!?" Gulat na tanong ko. Mukhang hindi niya inexpect ang pagdating ko dahil kitang kita ko sa mata niya ang pagkagulat.
"I-I'm fine, you can go" akmang isasara na niya ang pinto ng harangin ko ito at sapilitang pumasok sa loob.
"Anong I'm fine? I'm fine? Pucha ka! Namumutla ka na oh, Konsensiya ko pa pagnamatay ka!" Sermon ko dito. Hindi naman siya nakasagot kaya dumiretso na ako.
"Uminom ka na ng gamot?" Seryosong tanong ko at nilingon siya.
"Oka--" sasagot pa sana siya ng muli ko na naman siyang tanongin.
"Uminom ka na nga?Just answer me" napabuntong hininga nalang ito at umiling.
"Pumunta ka na muna sa kwarto mo susunod ako pagka init ko nitong lomi, I mean kaya mo? O aalalayan kita?" Tanong ko sa kanya pero tumango lang ito at tumungo na sa kwarto niya.
Pagkainit ay inilagay ko na ito sa mangkok at naghanda na rin ng gamot bago pumasok sa kwarto niya dala dala ang tray. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kulay yellow niyang bedshet at kwartong punong puno ng star at kulay yellow na gamit. Silaw ah HAHAHA pero next time ko na siya pagtatawanan kasi may lagnat pa siya.
Inilapag ko muna sa table ang tray bago inalalayan siyang tumayo. Bat mukha siyang mabait pag may sakit? Ang amo ng mukha ah
"Kain ka muna" utos ko bago sumandok ng Lomi at akmang isusubo sa kanya pero tiningnan niya lang ito.
"It was supposed to be yours" malungkot na turan niya.
"Oo nga, palitan mo nalang pag wala ka ng sakit" paliwanag ko at muling itinapat sa bibig niya ang kutsara pero umiling lang siya.
"Hmmm... It's for you" pilit niya kaya napairap ako. Kaya minsan gusto kong magsisi kung bakit ginusto kong mag medicine e, baka kasi pag may na encounter akong pasyente na ganito kaarte e sapakin ko.
"Oh edi share tayo, dali kainin mo na..." Umiling ulit ito at isinara ang bibig. Anak ng! Napairap ulit ako bago pilit na ngumiti. Relax self! May sakit tong kupal na 'to.
"Gusto mo airplane airplane tapos papaliparin kita?" Nakangiti pero sarkastikong tanong ko. Maya maya pa ay muli itong nagsalita.
"Pano ka?" Napabuntong hininga naman ako sa paulit ulit niyang tanong. Concern ba to sakin? Mas lalo akong naiistress e.
"Share nga tayo kulet" banas na bulong ko, napansin niya naman yon kaya binuka niya na ang bibig niya at isinubo ang nasa kutsara. Pagkatapos ay kumuha ulit ako at kinain ko naman.
"Ohh ayan na ah, Kumain na ako" muli akong kumuha at itinapat na naman sa bibig niya pero tiningnan niya.
"Did we just...share an indirect k-kiss?" natigilan naman ako sa sinabi niya at napalunok ng konti. Bakit ba parang bumilis na naman ang tibok ng epal na dibdib ko? Ayyy Ewan.
"Ewan ko sayo! Kumain ka na nga mag isa, hindi ka naman pilay e" padabog kong binaba ang kutsara at ibinigay sa kanya ang mangkok. He chuckled.
"Hindi ka madadiabetic sa sobrang konti ng sweetness sa katawan mo" tatawa tawang tugon niya kaya nag make face lang ako. "Nye nye, pucha ka ubusin mo yan" dagdag ko pa bago umupo sa silyang nasa harap niya habang pinapanood siyang sumubo ng Lomi. Kaya niya naman pala nagpasubo pa.
Pagkatapos kumain ay pinainom ko na siya ng gamot bago ako kumuha ng planggana at basang twalya.
"Hubadin muna natin T-shirt mo" utos ko bago umakyat sa kama niya at akmang itataas ko na ng pigilan niya ako.
"W-why?" utal na tanong niya. Luh? Ano naman kaya iniisip nito.
"Para mapunasan kita!" Paglilinaw ko. Di ko alam iniisip niya pero I just wanna make sure to let him know na malinis ang konsensiya ko.
"Required ba yon?" Napairap naman ako. Daming tanong kainis.
"Ano gusto mo? Balutin kita para makombulsiyon ka?" Mataray na tanong ko bago pinagpatuloy ang paghubad sa kanya. Ang laswa pakinggan puchainamers.
Nanginginig ang kamay na pinunasan ko ang katawan niya. Ang hirap naman maging house wife-- I mean nurse. NURSE talaga yon.
Sinunod ko ang binti niya at iniangat ng kaunti ang sout niyang short. Litseng kamay, wag ka ulit dadapo kung saan saan ahh.
Ramdam ko ang malalim na hininga ni Grint at ang pag iwas niya ng tingin. Napalunok pa ako ng ilang beses habang pinupunasan siya.
"Malinis konsensiya ko" bulong ko ng habang pinupunasan ang binti niya.
"Uuwi na ako" paalam ko ng matapos lahat at nasigurado kong nakahiga na siya ng maayos. He seems suffering emotionally dahil ang lungkot ng mukha niya.
Ng maramdamang tulog na siya ay tumayo na ako pero bigla niyang hinablot ang kamay ko at yumakap sa bewang. I can't process what just happened so I remained frozen. Hinayaan ko lang siyang nakayakap dahil parang wala akong lakas pigilan siya. May sakit e
"Can you sing me a song?" Bulong niya at patuloy na nakayakap sa akin. Pucha! Kanta pa yung napili, e mas kaya ko pang umarte na si Sisa kesa kumanta e.
"Song!? E wala naman akong alam na kanta e" pagdadahilan ko na totoo naman.
"Please just one, and I'll let you leave..." Halatang hirap ang paghinga nito at konsensiya ko naman pag hindi ko pinagbigyan. Napatingin ako sa paligid ng kwarto niya. Ewan pwede na siguro ang kantang 'to.
"Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are.
Up above the world so high, like a d-diamond in the s-sky..." Bawat linya ay humihigpit ang yakap niya gayon din ang pagbilis na pagbilis ng tibok ng puso ko. Biglang dumilim ang kwarto at nagliwanag ang paligid gamit ang maliliit na lights na nag mukhang bituin. Sa di ko malamang dahilan ay tumulo ang luha ko.
"A-alis na ko" pilit kong tinanggal ang pagkakayakap niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Napasandal ako sa pintuan niya at napahawak sa dibdib ko. Ano ba talagang nangayayari sa akin? Di ko ma explain. Bakit parang nasaktan ako, bakit parang may kumurot dito? Hays ang gulo.