Chapter 17 - Flashbacks

•Flashback•

"Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are..." Naaalimpungatan kong binuksan ang mata ko ng marinig ang boses nayon. Andito na naman siya.

"Hoy! Pwede ba tumahimik ka? Ang sama ng boses mo!" suway ko sa kanya. Tiningala niya naman ako sa ibabaw ng puno at sinamaan ng tingin. Ang ganda talaga niya kahit mata lang ang nakikita dahil sa sout niyang mask.

"Kung napapangitan ka sa boses ko, pwes bumaba ka diyan tapos pumunta ka sa dagat..." Sambit nito sabay turo sa kalmadong dagat na nasa harapan namin. 

"Tapos lunurin mo sarili mo!" dagdag pa nito. She's savage kaya simula palang gusto ko na siya. At pinakagusto ko pag napipikon siya dahil ang lakas niya magtaray.

"Oo, kung paulit ulit ko maririnig ang nursery rhyme nayan mula sayo papakamatay nalang ako" ganti ko at bored siyang tiningnan bago muling ipinikit ang mata ko.

"Bumaba ka nga dito! Pasapak isa lang!" Itinaas niya pa ang hintuturo niya kaya palihim akong tumawa. 

"Napaka sadista mo namang mapapangasawa" pabirong tugon ko kaya tumanggap na naman ako ng irap.

"Kilabutan ka nga!" anito bago umalis. Pinanood ko lang siyang umalis papalayo sakin. She was the very first girl na nakakuha ng atensiyon ko, siya lang. Ilang beses ko mang itanggi pero nakakapagod din dahil niloloko ko na ang sarili ko. I love her, I know it.

•End of flashback•

Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa nagawa kong pagyakap sa kanya. Hindi ko na natiis, I can't contain myself by just looking at her, parang yon lang ang tanging makakagamot sakin. Natatakot ako na baka isang araw mawala na naman siya sa akin ng Wala akong nagagawa. Gusto ko ng ilaban ang nararamdaman ko, gustong gusto ko na. Bukas na bukas ipagtatapat ko na yon dahil natatakot ako na baka mabaliw na ako pag hindi ko pa ginawa.

-Mr. Jang (Emperor)-

Marahan akong humigop ng tsaa bago hinarap ang private investigator na inutusan ko para alamin ang background ng babaeng iniharap sa akin ng apo ko. 

"Anong balita? You took a lot of time siguro naman marami ka ng alam?" panimula ko. Bigla namang nagbago ang reaksiyon nito at mukhang nagaalangan sa sasabihin.

"Yun nga po Emp, Halos kalahating buwan na pero napakalimitado lang ang impormasyong nakalap ko" he stated before handing me over a brown envelope. Binuksan ko ito at tanging basic information lang ang nakasulat sa mga papel.

"Anong ibig sabihin nito!?" takhang tanong ko. Yumuko naman ito at humingi ng paumanhin.

"Pasensiya na Emp, ginawa na namin lahat pero mukhang may pumipigil samin na malaman ang katauhan niya"

Pagkatapos ng konting paguusap ay pinaalis ko na siya. Muli kong tiningnan ang mga impormasyong nakasulat. Ano naman kaya ang meron sa babaeng ito? Am I dealing with an Ally or an enemy.

I reached my phone when it vibrated.

"Hello Sol? O napatawag ka?" sagot ko sa cellphone. They're one of the richest family in the whole Asia pangalawa lang ang Jang family at ito ang perpektong pamilya na nababagay sa apo ko.

"I'm just here to inform you na dadating na ang anak ko next month, she was busy studying in England but she agreed to transfer school" gumuhit naman ang mga ngiti sa labi ko.

"Talaga? Mabuti naman. Miss ko na rin ang batang yan e,ilang taon nga si Soleil ng huli kaming magkita? Mga apat na taon palang HAHAHAHA" 

"Oo nga e, and she grew up super gorgeous kahit ako di makapaniwala..." Sagot nito sa kabilang linya.

"Kita ko nga dahil laman siya ng halos lahat ng magazine"

"Ahhh sige Emp, I'll hang up dahil may meeting pa kami. Goodbye" paalam nito.

"O sige, Magiingat kayo" paalam ko bago itinapon ang brown envelope sa lamesa. Wala akong pakialam kung sino ka pa ang mahalaga ngayon ay ang paparating na kasal ng apo ko HAHAHAHAHA.

-Ekon

Ang hirap pag ikaw ang pinaka happy go lucky sa grupo. Napang iiwanan ka sa mga ganap sa buhay. At dahil don mag isa ako ngayon sa school ground. Si Tristan nahanap ang ex niyang patay na, si Grint isang linggo ng walang paramdam, si Khero naman nakakasama nga namin pero busy masyado sa pag aalala sa childhood crush niya. Tapos ako papasok ng school kasi boring sa bahay. Potangina.

"Sabihin niyo Master!" Pinaliit ko ang mata ko para masiguro kong si Nerd nga ang nakikita ko. Nakaluhod sa harap niya ang walong...yan yong nambugbug sa kanya ahhh.

"YES MASTER!"

"Arc!"tawag ko at lahat sila ay napatingin sa akin. Ngingiti ngiti akong lumapit sa kanya.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya. Ngumiti din siya pabalik at yon ang nakakagulat. Bakit parang napang iiwanan ako sa nangyari? Bat bigla yata tong bumait?

"Tinuturuan ko sila ng leksiyon, ngayon lahat sila alagad ko na, DIBA?" Proud na sagot niya. Inilipat ko naman ang tingin sa walong nakayuko sa harapan niya.

"YES MASTER!" sabay sabay na sagot nito na tunog alipin talaga.

"Ayyy HAHAHAHA lupet! Kala ko ba ipapa expel na silang lahat?" May paghangang tanong ko. She really never fail to amaze me, wala ka ng makikitang nerd na kasing tapang niya.

"I make good negotiations, kaya sinabihan ko si Grint na wag na silang sasaktan at kapalit non ay magiging alipin ko na sila BWAHAHAHAHA O sige na! Umalis na kayo!" Agad namang nagsitayuan ang mga ito yumuko sa kanya bago tumakbo paalis.

"Ikaw lang mag isa? I mean ikaw lang mag isa kaya makakapag usap na tayo ng maayos" nag cross arm pa ito sa harap ko and I unconsciously looked around bago bumalik ang tingin sa kanya.

"Dito sa gitna ng school ground?" awkward na tanong ko kaya napatingin din siya sa paligid. Napapaligidan kami ng building sa ibat ibang department.

"Edi Tara sa Gymnasium! Mag basketball tayo habang nag uusap!" sagot nito bago naunang umalis. Sumunod naman ako sa kanya.

"Teka nga! Seryoso ka ba?" papunta kasi talaga kami sa Gymnasium e at hindi ba weird yon?

"Tanga! Hindi!" Sigaw niya pabalik. Sorry naman, Malay ko namang ang galing niya mag joke dahil halatang halata. Pota.