Chapter 1: Familiar
"Ouch," biglang sambit ko nang sa pagmulat ng mga mata ko ay sakit ng ulo ang sumalubong sa akin.
Nilublob ko ang mukha ko sa malambot kong kama upang matulog sanang muli.
"Hoy, bruha ka! Gumising ka diyan!" pagtatalak ni Pearl sabay hampas ng unan sa pwet ko.
"Ano ba?! Kita mo namang hangover ako tapos hahampasin mo pa ako," nakapikit kong reklamo.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at matamang tiningnan ang kaibigan kong nakapameywang na ngayon.
I heaved a sigh.
"I'm sorry, Pearl, hindi ako nakapagpaalam kagabi. You know naman, ngayon lang kami nagkita nila Marky-"
"And you didn't even text me? Para man lang nainform mo ako kung saan ka na."
Pumikit siya nang mariin at hindi na tinuloy Ang sasabihin. Bumuntong hininga siya saglit at sa isang sandali pa'y lumamlam na ang mga tingin niya sa akin. Naupo siya sa kama and she looked at me sympathetically.
Kinunot ko ang noo ko and held her hand.
"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya but she was silent.
After that brief silence, finally, she decided to utter a word.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya at natawa na lang bigla.
I really thought she's thinking into something more important pero kalagayan ko lang pala ang itatanong niya.
"Of course. I'm so well, Pearl. Nalasing lang naman ako kagabi, mawawala rin itong hangover ko. Thanks for your concern," sabi ko sabay ngiti.
"I'm not referring to your psychological well being, I'm referring to this," sabay turo sa dibdib ko. "He did it again, Rayana. Kaya pa ba ng puso mo?"
Hindi ako nagsalita at nangiti na lamang nang hilaw.
Ayaw kong magdrama ngayon.
"I'm fine. I will call him later-"
"What? At talagang tatawagan mo pa siya? For what? To hear his reasons - - no, his alibis? Ganon?"
Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at saka siya nginitian.
"I will end everything between us."
Iyan lang ang sinabi ko sa kanya bago ko tinungo ang banyo upang makaligo na.
As I stared myself in front of this huge mirror, unti-unti kong napagtanto that all those years dahil sa salitang 'utang na loob' I let myself to stay in a toxic relationship which leads me to be empty.
Napangiti ako nang mapakla.
I felt like this is not me. But if this is not me, then ano pala ako dati?
Umiling na lang ako.
Poor me. I can't even visualize what I am before. But deep inside, there's something that tells me that my eyes do not sparkles the way it sparkles before. It feels like there's a missing ingredient in my life.
"Anyway, I've heard from the guards outside that there's someone following you nang pauwi ka na rito," Pearl said nang kumain kami ng agahan.
Tinagilid ko ang ulo ko at pilit na inalala kung may nangyari nang ganon.
Nagkibit balikat na lang ako at sinabing hindi ko napansin. Maybe it was just a coincidence.
"Basta if someone approached you tapos hindi pamilyar sayo, lalo na kung lalaki ay h'wag mong kakausapin, okay?"
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Pearl and I were childhood friends. Simula nang namatay si Tatay Isko ko ay si Aleng Merna, nanay ni Pearl, na ang nag-alaga sa akin. Kaya nong lumipat kami sa ibang bansa ay talagang pinasama ko silang dalawa ng nanay niya. She's not just a friend to me, she's more than that, she's like a family.
"You know what, when Nanay Merna died ikaw talaga ang pumalit sa kanya,"sabi ko.
" Concern lang ako sayo."
Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
While both of us are in the middle of finishing our meal. A phone rang. It's mine.
Sasagutin ko na sana nang agawin bigla ni Pearl cellphone mula sa akin at sinagot ito.
"What the hell?" I mouthed her but she just put her index finger into my lips as if she wants me to hush.
Kumunot ang noo ko nang nakita kong namula ang pisngi niya. Tinabig ko ang kamay niya at nagpatuloy sa pagkain ko pero muntik na akong mabilaukan sa narinig ko.
"Hello. Ahm. Good morning, din."
Napataas ang kilay ko.
Since when did her voice become as gentle as this? At isa pa, kanino niya binigay ang number ko? Is she talking to a guy right now?
Tsk. Tsk.
"Aish. Look at you, nangangaral ka sa akin tungkol sa mga lalake tapos ikaw pala itong marupok," mahinang sambit ko at iniwan na siya sa hapag.
Nagtungo na lang ako sa sala at nanuod ng T.V. Pumikit ako at umiling-iling na lamang nang makita ko sa screen ang dalawang taong naghahalikan. Inilipat ko na lamang sa ibang stasyon subalit may ganong eksena pa rin.
Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga palad ko nang maalala ko ang nangyari kagabi.
"Let's just forget it, hindi naman iyon masarap."
"Anong hindi masarap?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Pearl.
"Tapos na kayong mag-usap?" pag-iiba ko sa usapan.
Iniabot niya sa akin ang selpon ko at saka naupo sa tabi ko.
"Sino ba iyong kausap mo at bakit number ko ang binigay mo?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Kumunot ang noo ko sa inasta niya.
May kailangan siya. I'm sure about it.
"Naalala mo pa ba yong chatmate ko nong nasa Seatle pa tayo?"
Pilitc kong inaalala ang mga naging ka-chat niya sa dummy account niya pero dalawa lang naaalala ko.
"Juancho or Leandro?"
"Ano ka ba iisang tao lang sila. Pero oo, siya," sabi niya.
"So? What about that guy?"
"Ganito kasi-"
"Mag a-eyeball kayo?" putol ko sa sasabihin niya.
"Hindi.. Ahm, oo ganon nga."
Natawa na lang ako sa inasta niya.
Para naman itong bata na nagpapaalam sa nanay niya.
"OK, you can go for a date. Malaki ka na, Pearl,"sabi ko.
Ngumiti siya sa akin.
Wait. Why do I feel like this meet up will be my concern?
" Pearl, you're being weird. Don't tell me-"
" Yes, I sent your picture and number," madalian niyang sinabi.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at napatayo ako nang wala sa oras.
"Santisima, Maria Perla Jeminez! Bakit?"
Kinagat niya ang labi niya at inabot ang kamay ko upang hilahin ako ulit paupo.
"Sorry. He asked for image kasi tapos alam mo naman ang dami kong tigyawat ngayon, which lead me to no choice but to sent your selfie instead."
Napahilot ako sa sintido ko habang nakapikit.
"Gosh, why don't you send your old selfies? Bakit picture ko pa?"
"yon nga eh, huli na ng na realize ko. Nag send naman ulit ako ng picture ko na, tapos sinabi kong namali ako ng send, na kaibigan kita," paliwanag niya sa akin.
"Oh, tapos? Naniwala naman siya?"
Tumango naman siya sa akin.
I snapped my fingers.
"Iyon naman pala, eh! Edi wala tayong problema!" sabi ko.
Nagbaba siya ng tingin at saka malungkot na ngumiti sa akin.
"Pero wala akong confidence na makipagkita sa kanya ngayon," mahinang sabi niya.
Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat and I smiled at her.
"Pearl, your pimples doesn't make you less woman. You are beautiful. At isa pa, if he's really into you then he can accept your flaws. Tigyawat lang naman iyan, mawawala rin iyan," sabi ko to cheer her up.
She smiled at me.
"Please, ngayon lang naman. Let's just say na I've run some errands and can't make to meet him now kaya ikaw na lang ipinadala ko. Then we'll settle a new date. Hindi ka naman makikipagdate sa kanya, let's just say kikilatisin mo rin siya. Tingnan mo if bagay kami, or deserve niya ba ako."
Natawa ako sa sinabi niya at napairap.
" Gosh! Ako talaga teh? Talagang ako ang kililatis? Naluko nga ako ng lalaki sa loob ng ilang taon tapos ako ngayon ipakikilatis mo sa sa lalaki mo. Baliw ka girl?"
She pouted her lips and held my hand.
" Please, Penny. Just this once, please," she pleaded.
Bumuntong huninga na lang ako at Tumango.
"Fine. Fine. Para sayo, 'kikilatisin' ko siya. Babalatan ko pa at igigisa sabay budbud ng ajinomoto!"
"Penny naman eh," siya.
"Penny naman eh. Che," panggagaya ko sa kanya.
******************************
Bumaba ako sa taxi nang sabihin sa akin ng driver na nakarating na kami sa restaurant na sinasabi ko.
Tiningnan kong muli Ang larawang nakasave sa gallery ko bago huminga nang malalim.
"For Pearl," wika ko at humakbang na papasok sa restaurant.
Kung elegante ang labas mas elegante ang loob nito. Vintage ambiance. May golden brown chandelier na nakasabit sa itaas. And may pa red carpet pa sila.
The walls have some traditional art and decor which suits the ethos of their cuisine. There is also cultural music that is being played, which makes me feel like I'm in Viena, Austria.
Pinagmasdan kong maigi ang mga lamesa and I was amused by its arrangement, from the seating, tablecloths, cutlery, glasses, and etcetera. Everything is just too pleasant to see and touch.
"Ma'am table for two po ba?" tanong sa akin ng isang babae.
Ngumiti ako at umiling.
"San dito yong pinareserve ni Leandro Bartolome?"
"Oh, kay ikaw po pala ang date ni sir Leandro. This way po ma'am."
Sumunod na lang ako sa babae at dinala niya sa isang pribadong silid ng restaurant kung saan may champagne na nakahanda at isang bouquet ng pulang rosas.
Umupo ako nang iwanan na ako ng babae at kaagad na binuksan ang selpon ko upang makatext na sana kay Pearl kaso biglang bumukas ang pintuan kaya napahinto ako.
"Kanina ka pa ba?"
"No kararating ko lang... Holy shit."
Isang lalaking nakakulay blue na t-shirt at maong na puti ang nakita ko sa may pintuan. Isang lalaking hindi ko makalimutan ang pagmumukha.
Napakurap-kurap ang mga mata ko nang lumanding sa pagmumukha ko ang mga tingin niya.
Nakakunot ang noo niya habang nakatiim ang bagang niyang naglakad palapit sa akin.
Bakit sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa kami muling magkikita?
Pero teka.
"What are you doing here?" mataray kong tanong.
He's not the person in the picture.
"I should be asking you that. Why are you here?"
Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay.
"Obviously, I'm having a date."
Ngumisi siyang bigla at naupo sa bakanteng upuan.
"Hey! What do you think you're doing?" tanong ko sabay hampas sa lamesa na siyang ikinagulat niya.
"Will you please lower your tone? Pinagtitinginan na tayo ng ibang customer, naririnig ka nila sa labas."
Sa sinabi niya ay narealize ko na kahit nasa isang silid kami ngayon ay visible pa rin kami sa ibang customer, kaya dahan-dahan akong naupo na lamang.
"You're not Leandro Bartolome," deretsahang sabi ko.
Tiningnan niya ako at nginitian.
"And I'm also sure that you're not his date. Both of them can't make it here, so bakit hindi na lang tayo ang magdate?"
Wow. Thank you na lang.
"No thanks. I'm still full. Diyan ka na," sabi ko at tumayo na at balak ko na sanang umalis nang hablotin niya ang kamay ko bigla.
Pinandilatan ko siya.
"Let go off me," wika ko.
"Your stomach contradicts your words. Please, take a seat miss, and let's have this lunch," sabi niya.
Well. I'm also hungry kaya pumayag na lang din ako but before that, I clarified him something.
"This is not a date. Nakikikain lang ako," sabi ko.
Natawa siya at saka tumango.
"Suit yourself,"sabi niya.
Habang kumakain kami ay panay ang tingin niya sa akin kaya naiilang na ako. Pero isinawalang bahala ko pa rin ito, nagbabakasakaling tumigil na siya.
Binaba ko ang kobyertos ko at tinitigan siya ng mataman.
"Mas masarap ba ako kesa sa ulam mo?"
Naubo siyang bigla sa sinabi ko at kaagad na napainom ng tubig.
"Rayana, what the hell?"
I'm just asking tho. Panay tingin eh. Malay ko ba baka nakahubad na ako sa paningin niya.
But wait, did he just call me by my second name?
"How did you know my name? My friends call me Penny, no one calls me Rayana, so paanong nalaman mo ang second name ko?"
Kumunot ang noo niya.
"Dahil kilala kita," sabi niya.
I chuckles.
"How come na kilala mo ako tapos ikaw hindi ko kilala? Are you some sort of stalker?"
Biglang sumeryoso ang mga mata niya. Tinitigan niya ako na para bang tinatanya niya ako.
"Don't you remember me?"
Pumikit ako nang mariin.
Namula ang pisngi ko dahil sa naalala.
"Kahapon pa naman nangyari iyon, of course I could still remember you,"hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi iyon.
Paano ba naman, I can imagine him now licking my vagina!
Gather your shits together Penny. Baka akalain niya manyak kang babae.
Bigla siyang lumapit sa akin kaya napatayo ako sa gulat.
His eyes were telling me something that I couldn't even decipher. His eyes looks so familiar, tho.
Well, talagang pamilyar dahil kahapon lang naglaplapan kami!
Ghad, your terms Penny!
"Other than what happened yesterday, do you not have any recollection about me?" tanong niya.
He looks so deadly serious about knowing my answer.
I tried to gather my memories and yes, I really have another recollection with him. Which I do not want to remember.
"Well, hindi ko sinasadya yong nangyari but sa kasal ng kaibigan ko, si Krishna, I just... I just saw you in a room and there's a girl, giving you a kind of mind-blowing mouth job," napalunok ako as I tried to remember that scene.
"Aside from that, wala na," dagdag ko pa.
Natigilan siya. Bumaba ang tingin niya tila ba nahihiya siya.
"You really saw that scene?"
"Of course, tingin mo ba gagawa ako ng kwento? Gosh. I think wala na tayong dapat pag-usapan pa, thank you for the lunch. Let's just forget what happened, okay? I hope we're not going to pass each other's path again," sabi ko at dali-daling naglakad paalis.
Nasa hamba na ako ng pintuan nang pinahinto niya ako.
Bumuntong hininga ako at hinarap siyang muli.
" I won't tell anyone, promise. Kung iyan ang ilaalala mo,"sabi ko pero binaliwala niya ang mga salita ko at humakbang siya palapit sa akin.
"Opps.. Diyan ka lang," sabi ko habang hinarang ang mga kamay ko para sa distansya naming dalawa.
"Homer..Homer Vaughan dela Conde, it does ring a bell, doesn't it?"
Binaba ako ang mga kamay ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"I'm sorry, but I do not really know you. If you'll excuse me, may pupuntahan pa ako," sabi ko at iniwan na siyang mag-isa doon.
"Aish! Ang weird naman ng lalaking iyon," sabi ko nang makalabas sa restaurant.
Pumara ako ng taxi at bago ito umandar ay nilingon kong muli ang restaurant.
Homer Vaughan dela Conde.
It does ring a bell. I'm not just sure if where did I hear that name.
To be continued...