Chereads / Ingredients of Love (dela Conde No.2) / Chapter 4 - CHAPTER 2: WE MEET AGAIN

Chapter 4 - CHAPTER 2: WE MEET AGAIN

Chapter 2

We meet again

Nang makauwi ako ay kaagad akong sinalubong ni Pearl. Her eyes show her excitement.

"How was it?" tanong niya agad sa akin.

"Hindi siya sumipot. Just like you, kaibigan niya ang dumating," sabi ko habang tinutungo ang sofa upang makaupo.

Sa isang pagkakataon, hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang isang magazine kung saan mukha ko ang nasa cover.

Napangisi ako at kaagad na kinuha ito. Napatango-tango pa ako and then I snapped my fingers.

He probably saw this one kaya nasabi niyang kilala niya ako.

"No wonder why he knows me. I'm quite famous."

"Pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ni Pearl.

"Wala. Tingin ko may stalker ako ngayon,"sabi ko at ngumiti pa pagkatapos.

Hindi siya kumibo sa akin at iniwan na lang akong mag-isa sa sala habang patuloy kong pinagmamasdan ang sarili ko sa magazine.

Ang ganda-ganda ko rito sa magazine. Kaya siguro nang una niya akong nakita ay hindi siya nakapagpigil na gawin sa akin iyon.

Oh. Snap it, Penny. Bakit parang natutuwa ka sa ginawa niya sa iyo sa bar?

Patuloy kong iniling-iling ang ulo ko upang maalis sa isipan ko ang imahe ng mainit naming pinagsaluhan.

I shouldn't be happy kung stalker ko siya. I do not need a maniac stalker.

"I've heard what happened between you and Rhaine, nakapag-usap na ba kayo?" Dad asked me the moment I answered his call.

My day went so boring kaya matapos kong makinig sa kwento ni Penny about sa hindi nila pagtatagpo ni Leandro ay napagpasyahan ko na lamang na manuod ng Chinese Drama na pinamagatang Goodbye, My Princess.

Nakatatlong episode pa lang ako ay naistorbo na kaagad ako sa tawag mula sa ama ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Isusumbat ko ba sa kanya na kaya ako ngayon nasasaktan dahil sa lalaking pinili niya para sa akin o tulad ng dati ay hindi ulit ako magdadrama at sasabihing maayos din ang lahat?

"I'm sorry, Dad. I cannot endure it anymore."

For the first time, ngayon ko lang nasabi sa kanya na hindi ko na kayang magtiis. Noon pa hindi ko na kaya pero pinipilit ko dahil sa utang na loob namin sa pamilya ni Rhaine.

"Hija, you should've told me na matagal ka ng niloloko ni Rhaine," sabi niya.

Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Ayos lang yon. Hindi naman masakit," wika ko.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga sa kabilang linya.

Even if we're not really that close, I know he cared for me.

"Iyong inutos ko sayo, h'wag ka munang tumuloy don. I'll send someone on your behalf to negotiate about the merging. Magpahinga ka muna, take this leave as your vacation. Inutos ko na rin kay Aiman yong tungkol sa restaurant mo."

Napangiti ako.

Sabi ng mga empleyado niya masungit at mainitin daw ang ulo niya, parang tigreng palaging galit, pero itong tigreng ito lang din ang super sweet sa akin.

"Thank you, Dad," sabi ko.

"Most welcome, my princess," sabi niya na mas nagpangiti pa sa akin.

Kahit na late na akong pumasok sa pamilya ay maganda pa rin ang turing niya sa akin. I was even treated like a princess in our house, dahil syempre ako lang naman ang babae sa aming magkakapatid.

"Sweet ng tatay mo," biglang sabi ni Pearl sa akin at tumabi na sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi na nagsalita at pinagpatuloy ang panunuod ng Drama.

My Dad is really the sweetest guy I ever met. Even if we seldom see each other ay bumabawi siya sa aming lahat. Treat us in a dinner or bring us all in a vacation. Yeah, magasto siya kung bumawi.

"Penny!" tawag sa akin ni Pearl pagkatapos ay suminghot pa.

My brows furrowed at kalaunan ay natawa ako nang makita kong mugto na ang mga mata niya kakaiyak sa pinapanood naming dalawa.

"Napakasoft-hearted mo naman," sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya ng tissue.

Kinuha niya naman ito at pinunasan ang luha niya.

"Kaya ko nga nirecommend sayo na panoorin iyan para umiyak ka at mailabas mo iyong nararamdaman mo. Tapos, ah bahala ka nga diyan sa buhay mo!" sabi niya at iniwan akong mag-isa.

Oh. She recommended this to make me cry? Why do I need to cry? Rhaine is not worth crying for!

"My tears are too precious to cry for a cheater," mahinang sabi ko.

Kinagabihan ay napagpasyahan kong lumakad mag-isa.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero narito ako ngayon sa harapan ng Homer's Gourmet.

Pasado alas-nwebe na ng gabi at magsasara na yata sila pero nagbakasakali pa rin akong baka pwede pa akong makapag-order kahit na e-take out ko na lang. Bigla na lang kasi akong nag-crave ng carbonara pasta nila. Isang beses ko lang naman natikman iyon dito pero hindi mawala sa ang lasa nito sa dila ko. Pamilyar sa akin ang lasa, para bang natikman ko na iyon dati pero hindi ko lang matumpok kung saan at kailan ko ito nalasahan.

"Ma'am magsasara na po kami," bungad sa akin ng guard.

Kahit alam kong magsasara na sila ay nadismaya pa rin ako. Gusto ko na kasing matikman ito ulit, siguro bukas na lang.

"Ah ganon ba? Ouch, ano ba?!"

Napasinghal ako sa lasing na lalakeng bumaga sa akin para makapasok sa restaurant.

Niingon niya ako saglit pero hindi siya nagsalita bagkus ay tinawag niya ang isang empleyado ng restaurant.

"Boss niyo? Sabihin niyo nagugutom ako, gusto ko ng Crispy Pata," utos nito at marahas na hinila ang upuan at saka naupo rito.

Agad namang nagmadaling umalis ang babae para hanapin sa loob ang boss nito.

Wow. Ang angas naman niya, kaano-ano ba niya ang may-ari at para umasta siya ng ganyan?

"Alam kong gwapo ako pero hindi mo naman yata kailangang titigan ako," sabi niya pa nang hindi nakatingin sa akin.

Napairap ako at napatawa nang hilaw.

Wow. Confident!

Inis ko siyang nilapitan at hinampas ang lamesa niya.

"You really want to get my attention? Fine! Take a seat, let's have a date!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin at hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Namumula ang pisngi niya dahil sa kalasingan. Mapupula ang kanyang mga labi at ang mata niya ay kulay abo. Pero, nagmumugto ang magaganda niyang mga mata na para bang kagagaling niya lamang sa iyak.

"Rayana?"

Kumunot ang noo ko sa biglaang pagtawag niya sa akin.

Naupo ako sa katapat niyang upuan, "how did you know me?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Ngayon, noo naman niya ang kumunot.

Kilala ba talaga ako ng lalaking ito?

Nag-isip ako kung kailan, saan, at paano niya ako nakilala nang may maalala akong bigla.

I snapped my fingers and I smiled at him.

The Magazine!

"Sa magazine! Don mo ko nakilala 'di ba? Yeah, yeah. I'm quite famous," sabi ko at nginisihan siya sabay kibit balikat.

Didn't know na ganito pala ako kasikat bilang isang Chef. Well, aside from that, sideline ko rin naman ang modeling kaya siguro.

Humalakhak siyang bigla at pinitik ang noo ko.

Ouch!

Napahawak ako sa noo habang masama siyang tinitigan.

"Pinagsasabi mo? Crush na crush mo ako dati kaya kilala kita!"

Nanlaki ang mata ko at uminit ang pisngi ko sa narinig ko.

Ano raw?

"P-pinagsasabi mo? Ngayon nga lang kita nakilala!" utal kong sabi.

May sira yata sa ulo ang lalaking ito. Sayang, gwapo pa naman.

"Henrik?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Isang nakacorporate attire na babae ang pumasok sa restaurant.

Pa-sara na itong kainan na ito bakit padami yata ng padami ang customer dito?

Nakita kong kumunot ang noo ng babae sa akin. At ang sama ng tingin niya sa akin. Maka-alis na nga lang.

"What are you doing here, Daniella?"

Nginitian ko ang babae pero inirapan niya lang ako.

Wow. May hater agad ako.

Jowa ata siya nitong Henrik.

Sa kamamadali kong umalis ay may nakabangga ako sa labas ng restaurant. Nang tingnan ko kung sino ito ay hiya kaagad ang bumalot sa sistema ko.

Aalis na sana ako nang hindi humihingi ng sorry nang pigilan niya ako.

"You know, Henrik. You're just pretending that you do not know me, right?"

Napatingin ako sa kanya. Nagtataka sa inasta niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit naman ako magpapanggap? At saka baliw yata yong lalakeng iyon, sabihin ba namang may gusto ako sa kanya dati, eh ngayon ko lang naman siya nakilala. Diyan ka na nga, nagmamadali ako," sabi ko at nilagpasan na siya.

Hindi na niya ako pinigilan pang muli kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nakailang hakbang pa lang ako palayo nang huminto ako nang may mapagtanto.

There's is something odd. He said he knows me. That guy, Henrik, said that I liked him before.

Have I really encountered them before?

Lumingon ako para tingnan sanang muli ang restaurant pero sa hindi inaasahang pagkakataon nakatagpo ng mga mata ko ang lalaking kanina pa yata nakatingin sa akin.

Homer's eyes were sad like he's longing for someone or he's sorry for someone.

"Are you free tonight? Let's have some drinks."

Hindi ko alam kung bakit pero napapayag ako ni Homer sa gusto niya.

To be continued...