Chereads / Ingredients of Love (dela Conde No.2) / Chapter 6 - Chapter 4: Alaala ng kahapong nagdaan

Chapter 6 - Chapter 4: Alaala ng kahapong nagdaan

Chapter 4

Alaala ng kahapong nagdaan

.

Nasa ilalim ako ng puno ng mangga, nagpapahinga dahil sa pagod sa paglalako ng suman na ginawa ni lolo. Tanaw ko mula rito ang malawak na tubuhan ng mga dela Conde. Narinig ko sa sabi-sabi, sila daw ang pumapangalawa sa pinakamayaman dito sa limunsudan, nangunguna kasi 'yong mga intsik, ang mga Qing.

Napangisi ako. Balang araw magiging mayaman din kami tulad ng mga dela Conde.

"Hoy Penny! Absent ka na namang bruha ka. Lagot ka talaga kay sir!" sabi saakin ni Pearl, kaibigan ko.

Papalapit na siya ngayon sa gawi ko. Tapos na yata ang klase.

"Ano ba ginawa niyo kanina? May assignment ba? Pakopya naman ng tanong oh! Kailangan ko kasing umabsent para tulungan ko si lolo," sabi ko sa kanya.

Namaywang siya at bumuntong hininga bago tumango. Ngumisi naman ako nang malawak sa kanya.

Ang bait talaga nitong kaibigan ko.

The next day ay naging maayos naman ang araw ko. Hindi na ako umabsent dahil may activity daw kami ngayon sa Biology. Noong Naningil naman ng bayad ang titser ko para sa gamit na binigay para sa activity namin ngayon ay parang gusto kong isauli sa kanya yong mga materials.

Sana pala umabsent na lang ulit ako, wala kasi akong pambayad ngayon.

"Uy! Hwag na! Nakakahiya Jerome!" sabi ko nang biglang binayaran ni Jerome ang mga materials ko.

Ngumiti siya sa akin, "singkwenta lang naman kaya ayos na iyon!" sabi niya pa.

Ngumiti na lamang ako pabalik at namula ang pisngi dahil sa nahihiya ako sa ginawa niya, pero nagpasalamat naman ako sa kanya.

Sa lunch ay sinamahan niya kami ni Pearl na kumain sa may twin court ng paaralan namin. He even share his food with us, at ang makapal na si Pearl ay walang awat sa pagkain ng mga pagkaing inalok ni Jerome.

"Salamat dito Jerome, ah? Ang dami mo ng naitutulong sa akin. Ilang beses mo na akong nilibre pero di man lang kita malibre-libre. Pasensya ka na ah?"

Tumawa siya ng bahagya at nag-thumbs up saakin.

"Ano ka ba! Ayos lang! Di ka na iba sa akin!"

Nginitian ko si Jerome pero sa isang saglit ay naagaw ng iba ang atensyon ko. Ngayon ay nakapukos na ang mga mata ko sa mga lalakeng naglalakad papunta sa isang basketball court, maglalaro yata.

Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang apat na lalakeng may magandang tindig, hindi ko kilala ang mga nilalang na ito. Are they from grade 12? But they look more mature than a senior high student.

Ang gwapo ng mga lalakeng ito, bakit ngayon ko lamang sila nakita? Mga visitors ba sila?

Napatingin ako sa gilid nang may biglang tumili, napairap ako roon but after, napukos na ang mga mata ko sa isang mukhang suplado lalake. Halos magsalubong na ang mga kilay niya at halos hindi ngumingiti, kahit pa na maraming babae ang tinatawag siya.

Natigilan ako at napanguso na lamang bigla nang mapagtanto ko na magkambal pala ang dalawa sa gwapong mga lalake. Ang isa'y masungit, samantalang palangiti ngunit seryoso ang dating naman ang isa.

"Mas bet ko si sungit," bigla ko na lamang bulalas.

"Mas gwapo naman ako sakanila," pagmamayabang ni Jerome kaya nagkibit balikat na lamang ako.

"Henrik!"

Dinig kong tawag ni Danica, isa sa magagandang babae rito sa baryo. Napangisi ako nang lumingon si sungit doon sa tumawag sakanya, masubukan nga.

"Henrik, babe!" I shouted with all my lungs.

Napalingon siya sa akin, syempre nakakunot siya pero may mapaglarong mga ngiti sa kanyang mga labi bago ko siya nakitang umiling. Nang tumalikod siya ay nakita ko ang nakasulat sa jersey niya, dela Conde 25.

Nagulat ako nang bahagya dahil sa apilyedo niya, he's the grandson of don dela Conde! Ang mabait na don na nagbigay kay lolo ng trabaho!

Oh, Henrik! Crush na ata kita!

"Akin iyan!" mahina kong bulong kay Pearl, kapwa kasi kami mahilig sa gwapo kaya uunahan ko na siya.

"Akin na lang yong isang dela Conde, Hendrix daw pangalan non. Magkamukha naman sila eh, ayos na yon," sabi ni Pearl at humagikhik pa.

Napabusangot naman si Jerome dahil sa inasta namin ni Pearl pero tinawanan lamang namin siya ni Pearl.

Nagsimula ang laro nila at nakinuod na lang din kami dahil hindi pa naman tumutunog ang bell. Panay ang tili ko sa tuwing nakakapuntos ang crush kong si number 25, feeling ko nga para sa akin lahat iyon eh.

Ang galing niya talaga.

"Woah!"

Manghang sabi ng iba nang mag 3 points ang isang dela Conde. Mayabang pa niyang isinaere ang kamay niya.

Napangiwi ako.

Tsk. Gwapo sana, mayabang nga lang!

Nainis akong bigla nang hindi pinapasa ni Mr. Yabang ang bola sa crush ko kahit na sinasabing ipasa na niya. Gusto pa yatang magpkitang gilas eh.

Sa kadamot niya sa bola ay naagaw bigla sa kanya kaya napasigaw tuloy ako, "iyan kasi pasikat! Supalpal ka tuloy!"napalakas ata ng sobra ang sigaw ko dahilan para matigil saglit ang laro.

Nakatingin siya sa akin ngayon ng mataman kaya natahimik ako. His cousins tap his shoulder while laughing at him pero hindi ko na iyon pinukos.

Hindi ako mapakali sa titig niya. He was very serious and very intimidating. Hindi ko kayang makipagtitigan, para akong napapaso sa mga tingin niya.

Sino ba iyang dela Condeng iyan?

"Tara na!" yaya ko bigla sa mga kaibigan ko.

Hindi ko na nilingon pa ang pinaglaruan nila bagkus ay naglakad ako nang mabilis patungo sa classroom namin.

Natapos ang panghapong klase ay halos wala akong maintindihan sa ginawang leksyon. Okupado masyado ang isip ko sa nangyari, hindi mawala sa isipan ko ang mga mata niya.

Umiling ako, 'nababaliw na ata ako!' Pabulong ko sa sarili ko.

Sa pag-uwi ko ay mag-isa lamang ako dahil sinundo na si Pearl ng tatay niya at si Jerome naman ay niyaya ng mga kaibigan niyang maligo sa Limunsudan Falls. Sakto pagkalabas ko ng gate ay may isa pang tricycle.

"Manong pasakay po!" magiliw kong sabi.

Aandar na sana si manong nang may humirit pa na sasakay rin.

Gumalaw nang bahagya ang tricycle dahil sa bigat niya, nilingon ko ang pasahero dahil naintriga ako pero nang magtagpo ang mga tingin namin ay bigla akong nanlamig at nanigas.

Halos hindi ako makahinga nang maayos. Parang gusto ko na lang na maglahong bigla sa harapan niya para maiwasan lang siya.

"Ikaw 'yong sumigaw kanina 'di ba?" tanong niya sa akin.

Pumikit ako nang mariin at ibinalik ang tingin sa harap.

"Hindi ah!" kinakabahan kong sabi.

"Sinungaling," sabi niya kaya nilingon ko siya gamit ang matalas na mata pero nawala ang kunot ng noo ko nang makita kong nakangisi lamang siya habang nakatingin sa harapan.

Ang gwapo niya pala kapag sa malapitan.

To be continued....