Chereads / Ingredients of Love (dela Conde No.2) / Chapter 7 - Chapter 5: Finding ways

Chapter 7 - Chapter 5: Finding ways

Chapter 5

Finding ways

.

Nakapikit ako ngayon habang nasa loob ako ng kotse ni Marky - - he's driving me home. Meanwhile, Jeca took a cab for she has an emergency to attend.

Every time I think about the memories that suddenly popped out earlier ay sumasakit ang ulo ko.

Base on that memory I can conclude that Homer and Henrik are part of my past. Hindi naman siguro ganoon ka importante ang role nila sa buhay ko dati, but did I really liked Henrik?

He's handsome, I know, but my heart doesn't agree to the fact that I liked him. Or maybe, crush lang talaga iyon and there are no deep romantic feelings.

"Why didn't you tell us na kilala mo pala ang magpinsang iyon?" Marky said as he slows down his car to stop for the red light.

I opened my eyes and barely looked at him.

"I do not know them. Ahm, well-- I did know them as well as they know me, I just forgot it," sabi ko.

Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo.

Marky won't probably understand now on why the hell would I forgot those gorgeous looking guys since hindi naman kami ganoon katagal na naging magkaibigan. And I've never told him a story about those guys, because of course ngayon ko lang din naman sila nakilala.

"If it would be me, I wouldn't really forget them," sabi niya at pinaandar na ang sasakyan nang mag go signal na.

Ngumiti ako sa kanya then focus my gaze on the road.

"I know, Marky. You really wouldn't, unless you got amnesia."

Napalingon siya sa akin, gasping, then back his gaze to the road.

"Don't tell me you've got an amnesia?" sabi niya pa at natawa.

I just laid my head back to my seat and went to silence.

Seems like he realized something, he throws me a look, his eyes were curious and there are so many questions in it.

"Oh my," he gasped, then stopped the car.

"Since when, Penny?" he asked.

Again, I opened my eyes and gave him a look.

"Six years ago, just a couple of years ago before we met," sabi ko.

"Really? How?" tanong niya.

I titled my head and tried to remember what happened to me. Well, that was so tragic.

"Car accident in Argentina," sagot ko sa kanya.

I do not actually remember what exactly happened to me, it was just Pearl who tells me about it.

It was raining cats and dogs at that time. Thunder roared up and lightning drew some stripes in the silent sky, and the tress was howling out of pain due to harsh wind.

I just learned how to maneuvers a race car that time, and I really do not know what has gotten into my pretty mind to be in all gear and drove fast up to my graveyard.

Everyone in the family, including Pearl - - of course, she's a family to me--, thought that it would be impossible for me to wake up. I was in a coma for three months, and as if God touches me, a miracle happens, I wake up but everything was reset, I do not remember anything.

But it wasn't a hindrance to me back then, dahil ang mahalaga ay nagising ako. Maybe those memories are too painful that's why God erases it.

Those memories don't matter to me now since I can create a new one. It's just a pity that I do not even remember how I used to be before, but as Pearl said, I'm still the same me. Just like her old friend, Penny Rayana.

"Were you so broke at that time at sinadya mo talagang kitilin ang buhay mo?" tanong ni Marky.

I shrugged my shoulder.

"Hindi iyon sinadya, I was preparing for a race, according to my brother," sabi ko sa kanya.

He looked at me, amazed.

"Wow. You've driven like a mad man tapos practice lang yon para sa race? Didn't know you're a car racer," he said, at nahihimigan ko ang sarcasm sa mga sinabi niya.

I just smirked at him, "there are so many things that you didn't know about me, Marky," sabi ko na lang.

Pinaandar na niyang muli ang sasakyan pagkatapos niyang umirap sa akin.

"Di hamak naman na mas marami kang hindi alam sa sarili mo kesa sa akin. I really doubt na 'yon nga ang rason ng aksidente mo. It sounds like a suicide attempt to me," sabi niya habang ang buong atensyon ay nasa kalsada.

Natahimik ako.

Suicide attempt. I'm not sure, but did I really tried to kill myself? If yes then why?

I bit my lower lip when my head started throbbing again.

Now that my memories are slowly coming back, I think it's about time to recall everything.

But how would I do that?

Homer was part of my past, should I seek help from him?

***

"Ilang araw tayo don?" tanong sa akin ni Pearl habang nag-iimpake ng sarili niyang mga damit para sa pagbyahe namin papuntang Limunsudan.

Death anniversary kasi ng namayapa kong lolo bukas kaya napagdesisyunan kong magbook ng tickets online papuntang Cebu, then from Cebu to Cagayan de Oro.

"Two to three days lang. Magsisindi lang tayo ng kandila para kay lolo," sabi ko sa kanya.

Tumigil siya sa pag-iimpake at tumingin nang mataman sa akin.

"Simula ng dumating ka kanina, ang weird mo na. Marky told me na nahimatay ka raw kanina, ano bang nangyari?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

I stared at her then I lay my back to my bed, facing the ceiling of Pearl's room.

I saw her continue packing her things in her bag but stopped when she heard the words coming out from my mouth.

"Biglang bumalik ang ala-ala ko," sabi ko.

Silence envelops us.

I can feel her gaze towards me before she focuses her attention on her things.

"Oh? As in lahat?" tanong niya nang hindi nakatingin sa akin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko then shook my head.

"No, just a bit of it. I remember some names, Jerome then dela Conde," sabi ko.

Pearl stilled, and I just watched her. She slowly shifted her body to look at me. She just stared me for a moment before uttering a word.

"Which one?" tanong niya nang seryoso.

So she knows them. Oh, of course, she would know them, she grew up in Limunsudan and the dela Conde's lived there.

"Henrik, Homer, and Hendrix," sabi ko.

Tumango siya sa akin and did not utter any word. Like she's not curious about it, pero ako, curious ako.

"Are they somehow part of my life? One of them could be my past lover, perhaps?" sabi ko at natawa.

Parang natigilan si Pearl but she still manage to give me a smile, tapos umiling siya.

"Kababata, Penny," sabi niya.

I narrowed my eyes on her. Kababata? So, I was really close to them?

"We're that close?" tanong ko.

Pearl opened her lips then closed again, then took a deep breath like she's trying to hold something from me, at the end, she nodded to me.

"Yes, but just barely friends," sabi niya pa.

I titled my head and pouted my lips.

"But why do I feel like I really have a lover from those three?" biro ko.

Her eyes rolling at me didn't scape my gaze kaya natawa ako.

Well, tingin ko wala naman akong naging karelasyon sa kanila talaga. Dahil kung meron man, tingin ko buntis na siguro ako ngayon. Sa kagwapong nilalang ba naman nila, tiyak akong kusang bubuka ang mga legs ko para papasukin ang kung ano mang karga-karga nila.

"But is it true na I had a crush on Henrik?" tanong ko sa kanya.

Tumitig siya saglit sa akin. Parang nag-aalangan pa siyang sabihin sa akin ito.

Don't tell me totoo talaga?

Did Henrik become my ex or something?

"Yes, patay na patay ka sa kanya."

I'm out of words now. Like I'm seriously head over heels to Henrik?

Homer once told me that Henrik was devastated because of Love. Don't tell me. No, impossible naman naman yata itong iniisip ko.

"Don't stress yourself thinking about the past, Penny. What matters now is the present and the future," sabi ni Pearl sa akin.

Nahalata niya na siguro na kung ano na ang iniisip ko.

Mga pasado ala-sais na ng gabi nang nakarating kami sa Cebu, at dahil alas-diyes pa ng gabi ang byahe namin papuntang Cagayan de Oro ay nag check-in na muna kami sa isang malapit na inn para makapagpahinga saglit and when the time comes, we fled our way to the said place. Then rode a van, then rent a cab after to Limunsudan.

Pagod na pagod ako dahil sa straight na byahe naming dalawa buti na lang talaga at nakakita kami ng inn nang marating namin ang lungsod.

According to Pearl, wala raw ito dati and she's thankful na meron ng Inn na ganito ngayon. The province had improved after those years.

Pagkagising ko kinabukasan ay pasado alas-otso na ng gabi. Hindi ko na ginising pa si Pearl at naligo na kaagad ako. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwartong inukupa namin para maghanap ng pwedeng kainin. Luckily may kainan sa tabi nitong building. Karenderya lamang siya pero malinis na kainan naman.

Nang makapasok ako ay kaagad na may bumunggo sa aking bata dahilan para kamuntikan na akong mawalan ng balanse, buti na lang at nakahawak ako sa lamesa.

"Aleng Mading, pabili po ng monggo!" energitic na sabi nong batang lalaki na nakabunggo sa akin.

Nakipila na lang din ako kasunod don sa bata at nang matapos siya ay ako na ang pumili ng order.

Pakbet, Ginataang Langka, Pritong Isda at itlog, beans, Bam-i, at nilagang baboy ang nakadisplay. Amoy pa lang nakakatakam na, hindi ko tuloy alam kung ano ang pipiliin ko, parang namiss ko kasi ang ganitong klase ng luto, parang gusto kong kainin lahat.

"Dalawang nilagang baboy at saka Pinakbet na lang po,"sabi ko.

"Ilang rice, hija?" tanong niya sa akin.

"Tig-dalawa po kada plato, bale dalawang plato lang ho," sabi ko.

"Duday, ikaw ba iyan?"

Hindi ko alam kung sino ang nagsalita pero tumingin ako sa matandang tumabi sa babaeng kumuha ng order ko.

"Ikaw nga," sabi niya habang nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa likod tapos tumingin sa kanya, tinuro ko ang sarili ko.

"Ako po ba ang kinakausap niyo?" nagtatakang tanong ko.

Tumawa ang matanda at napakamot sa panot niyang ulo.

"Naku, hindi mo na siguro ako maalala ngayon kasi ang tagal mo ring nawala rito. Pero ako 'to si Tatay Alberto mo, katrabaho ako ng Lolo Kardeng mo," sabi niya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at humingi ng paumanhin dahil hindi ko na talaga siya maalala. Tumawa na lang ang matanda at sinabi sa aking nagagalak siya na ako ngayon ay nagbalik sa aming probinsya.

Umalis na siya matapos niyang sabihin iyon dahil may niluluto pa siya sa loob.

Nang hinain na sa lamesa ang mga order ko ay nakiusap muna ako sa tagabantay na bantayan muna saglit ang pagkaing inorder ko dahil gigisingin ko pa ang kasama ko. Hindi raw kasi pwedeng dalhin ko ang pagkain sa loob ng inn.

"Ikaw ba talaga si Duday? Ang ganda-ganda mo na! Ilan na ba ang anak mo?"

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako na palayaw ko pala dati ay Duday, hindi kasi nabanggit ni Pearl ito sa akin pero mas nakakagulat ang tanong sa akin ni Missy. Kaklase ko raw siya dati, iyan ang pakilala niya sa akin kanina.

Just like I am expecting, may nakakakilala pa rin sa aming dalawa ni Pearl. Kahit noong kumakain pa kami sa karenderya ay may nakikipag-usap sa aming dalawa, pero hindi ko sila lahat maalala.

Pearl is also distancing herself to them and just talking less, it's because of her tigyawat. Bumababa na naman ang confidence niya dahil dito lalo na nong pinuna ito ng isang babae kanina sa karenderya kaya nang matapos kaming kumain ay kaagad siyang bumalik sa room namin pero sumama naman ulit siya sa akin nang inaya ko siyang magsindi kami ng kandila para kay lolo. But when Missy approached me, umalis muna si Pearl, so I just let her.

"Wala pa akong asawa," sabi ko kay Missy.

Nanlaki naman ang mata niya sa gulat at natawa. Inayos niya ang pagkarga sa anak niyang babae, na nasa isang taong gulang pa yata.

"Sa ganda mong iyan wala ka talagang naging asawa?" hindi niya halos makapaniwalang sabi.

"Siguro ay na trauma ka pa sa mga lalaki hanggang ngayon kaya mailap ka sa mga ito."

This time, noo ko na ang kumunot.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Penny! Uwi na tayo, ang sakit ng tiyan ko," biglang singit ni Pearl sa usapan namin, dahilan para hindi makapagsalita si Missy.

"Sige na umuwi na kayo, dapit hapon na rin, magluluto pa ako sa amin," sabi ni Missy sa akin.

Kumaway ako rito nang umalis siya.

"Sabi ko naman sayo 'di ba h' wag mong kainin yong napitas mong mansanitas. Iyan tuloy sumakit ang tiyan mo," I said to Pearl.

"Paborito ko kasi iyon 'di ba? At saka ang tagal ko ng hindi kumakain non, namiss ko lang," pagdadahilan niya sa akin.

"Exactly my point, ilang taon ka ng hindi nakakakain non, eh di nabigla iyang tiyan mo. Halika na nga, umuwi na tayo."

Dalawang araw lang ang tinagal namin ni Pearl doon at hindi ko man lang nagawang mag-ikot-ikot sa lugar dahil nilagnat kasing bigla si Pearl at hindi ko naman magawang lumabas mag-isa dahil hindi na ako pamilyar sa lugar.

Pero bago kami bumalik sa Manila ay binisita muna namin ang dating kinatitirikan ng bahay namin noon. Wala na maski maliit na bagay na natira sa dating bahay namin, iba na kasi ang bahay na nakatirik dito. Hindi ko alam kung sino ang may-ari pero ang sabi ay isang dela Conde raw.

Although some people still remember me ay hindi ko pa rin maiwasang madismaya dahil sa dalawang araw na pinalagi namin sa lugar na iyon, wala pa ring ibang ala-ala na nagbalik sa akin.

I do not know how to retrieve my memories pero sa tingin ko, kailangan ko talaga ng tulong ng mga taong naging parte sa buhay ko. Maybe it could trigger my memories back.

And that's what exactly I am doing right now.

Kunot noo niya akong tinitigan habang papalapit siya sa akin.

Hindi na ba marunong ngumiti ang lalaking ito?

Naupo siya sa katapat kong upuan at pinakatitigan ako.

"I brought you some Adobo and ice cream cake. I heard you like Adobo."

The side of his lips rose into an amusing smile.

Now, he looks so deadly gorgeous while smiling.

He puts both of his hands on the table at pinagsikop ang mga daliri niya.

"You've come this far only to retrieve your lost memories?"

Napatigil ako sa paghahain sa kanya ng pagkain at saka pinakatitigan siya nang maigi.

"Obviously, yes. Try this, masarap iyan," sabi ko sabay tulak ng pinggan palapit sa kanya.

"You've come to the wrong person. You should've gone to Homer, he knows you well, " sabi niya pa.

Ngumiti ako sa kanya.

"I don't think so," sabi ko naman.

"Besides, you told me that I once like you, right? Maybe I have something to do with-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumawa siya.

This man can attract a woman without doing anything. Kahit nakaupo lang siya, he can definitely catch some. Because he's so charming despite his rude aura.

"I know what you're thinking but we haven't reached that kind of relationship," sabi niya na para bang nabasa niya sa isip ko na nagbabakasakali akong malaman kung ako ba ang dahilan ng pagiging devastated niya.

"You're pretty, but it's not enough to make me devastated. But," tinitigan niya ako at saka ngumiti, "but you're pretty enough to make someone's world shaken," dagdag niya pa.

There's an amusing smile flashing in his lips. Like he knows something that I didn't know.

"What do you mean, Henrik?" tanong ko.

He just shrugged his shoulders and started eating the food I brought.

"It's just my theory, don't overthink," sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain niya.

When he's done, he thanked me for the food and said it was delicious.

Tumayo na kaagad siya matapos pero pinigilan ko siya sa balak niyang umalis.

"Are you sure na hindi ako ang dahilan ng pagkawasak ng puso mo?"

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

That's it, smile. Mas gwapo ka kapag nakangiti.

Hinawakan niya ang baba ko at maiging tiningnan ang bawat anggulo.

"You don't even look like her," sabi niya sabay bitaw tapos ngumiti ulit.

Ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Atleast kahit hindi niya ako kamukha, eh napangiti kita. Whoever that woman is, just forget her. Don't trap yourself in that past, marami pa namang babae diyan," sabi ko sa kanya.

He just showed me a weak smile.

"Nasasabi niyo lang iyan kasi hindi naman kayo ang nasaktan. Thanks for the food, by the way."

Tinitigan ko lang si Henrik habang papalayo siya sa akin.

I've even thought of coming here in their camp in the hope that I could retrieve some of my memories pero wala pa rin.

Maybe Pearl was right, my relationship to the dela Condes are not really that deep para makatrigger sa memories ko.

Maybe I should just stop here and just let God na ibalik ang mga ala-ala ko, He may have a good reason why he took it away from me.

To be continued...