Chapter 3
Alaala
Sa isang Chinese-Korean style na inuman niya ako dinala. Hindi gaya sa bar, tahimik dito kasi may kanya-kanyang kwarto ang mga customer. Regular na kwarto lang ang kinuha niya para sa aming dalawa. May malaking kulay abong sofa ito, may smart TV, at sumasayaw rin ang iba't-ibang kulay ng ilaw.
"Pwede bang patayin na lang itong disco lights? Medyo masakit siya sa mata," sabi ko sa babaeng sumama sa akin sa kwartong inukupa namin.
Agad namang pinatay ng babae ang disco lights at sinabi na sa aking ihahatid na lang nila ang order ni Homer.
Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote at nagtipa rito ng title ng kanta na gusto kong ipatugtog, pero lingid sa kaalaman ko puro Korean at Chinese songs lang pala ang nakaprogram dito. Since I wasn't really familiar with this, sinubukan ko na lang pakinggan ang kantang Love Catastrophe.
Tsk. Why isn't he here, by the way?
Tumingin ako sa oras sa selpon ko and I've noticed that he's already spending almost twenty minutes with that blonde woman outside.
Now I do not get his point of asking me for a drink kung ibang babae naman pala ang kakausapin niya ngayon. And what took him so long pala? I thought he's just going to say hi to that girl? Ang tagal naman niya yatang bumati.
Bumukas ang pintuan at niluwa nito ang lalaking kanina ko pa hinihintay. May bitbit siyang clay bottle at dalawang, wait, is that a bowl?
Kumunot ang noo ko sa dala niya.
Tinuro ko ito nang nakakunot ang noo na tila ba nagtatanong ako sa kanya.
"Peach blossom wine," sabi niya at tumabi sa akin.
"Peach Blossom? Iyan ang tawag sa alak na iyan? And why are you bringing bowls? At bakit ikaw ang nagdala niyan? I thought the staff is going to deliver that here," sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Napangisi siya bago niya sinalinan ng alak ang bawal maliit na bowl.
"Gawa ito sa peaches. I'm just helping the staffs here, masama ba? Also, mas masarap daw kung ito ang gagamitin kesa sa baso. Here, try it," sabi niya at inalok sa akin ang maliit na bowl na may lamang alak.
Tinanggap ko naman ito at inamoy muna. Napapikit ako nang maamoy ito, it is so fragrant. Hindi gaanong matapang ang amoy, and when I tasted it, it was sweet pero kapag tumatagal umaanghang na siya sa lalamunan.
"Masarap," sabi ko at ngumiti pa.
Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pintuan at pumasok ang isang balingkinitang dalaga na may bitbit na isang platong fried pork spring rolls.
"Thank you," sabi ng kasama ko at ngumiti pa sa dalaga.
Hindi ako nagulat don kasi normal lang na magpasalamat pero 'yong may pahabol na kindat pa ay hindi yata iyon necessary.
Namula ang babae at nagmadaling umalis.
Napangisi ako.
This man really knows how to flirt.
"Why did you suddenly asked me out, by the way?" I asked out of a sudden. Para may topic naman kami. Nakakaburyong naman kung lalaklak lang kaming dalawa ng alak.
He shifted his body and stared at me for a while. Magkatabi lang kaming dalawa ngayon kaya sobrang lapit lang din ng pagmumukha niya sa pagmumukha ko.
Bakit kasi ang liit ng kwartong pinili niya?
"You're hitting on me, right?" tanong ko.
Napangisi siya at napailing.
"You think so?" sabi niya.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at may hinalungkat dito at nang makita ko ay nilapag ko ito sa lamesa.
Pinulot niya naman ito at tinitigan.
"You saw me in that magazine, right? And you pretended like we know each other just by calling my name. You did it para ma-curious ako tapos iisipin kita, and that way makukuha mo ang atensyon ko, tama?"
His lips parted. Kalaunan ay napahalakhak siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"I can't believe you and your calculations. You're cute that way tho," sabi niya.
"So, you admitted that you really don't know me and just trying to hit on me?" tanong ko sa kanya.
He just smiled at me then give me tossed.
"Suit yourself," sabi niya sabay lagok ng inumin.
Sabi ko na.
"Sa bar, you purposely planned na hindi ituloy ang nangyari sa atin so that I could think of you, right?"
"Fuck!" mura niya nang mabilaukan siya sa iniinum niya.
Naningkit ang mga mata niya sa akin.
"You. Why are you bringing that back? Kaya ka ba sumama sa akin to just asked that question?"
"Partly, yes," walang alinlangan kong sabi.
"Wow. Unbelievable," he said then breathe harshly.
"You clearly enjoyed it, yet stopped out of a sudden. Why?"seryoso kong tanong.
He distanced himself away from me, kunti lang naman. Then lays his back on the sofa before he titled his head to look at me.
Pinagmasdan ko siya. It's so strange. The feeling is so strange.
"I was drunk, and so you are," sabi niya.
Tumaas ang kilay ko.
That would mean na kung hindi kami kapwa lasing ay itutuloy niya iyon?
Napalunok ako. Nakakakilabot naman itong pinag-iisip ko. Tinatamaan na yata ako ng peach blossom.
"By the way, may sinabi ba sayo yong nakausap mo kanina sa restaurant ko?" tanong niya, pag-iiba sa usapan namin.
Pero teka, restaurant niya? He's a chef? Wow.
"Yong Henrik? Yeah, meron syempre," sabi ko.
He stilled a bit and seems like he's holding his own breath.
"What did he tell you?"
My brows furrowed. Why is he curious?
"Wala naman. Salitang lasing, may gusto raw ako sa kanya dati. But I do not know that man," sabi ko.
But he's quite familiar, tho.
His shoulder suddenly relaxed as he lays his back onto the sofa again.
"Oh, I thought he tells you a story," sabi niya.
"Do you know that man? He can smile and could act normal, but he seems so lost, I mean I felt like he's lonely or something. You know what happened to him?"
Bumuga siya ng hangin at saka tumango sa akin.
"Love," maikling sabi niya.
I do not need any explanation for that. It's obvious already.
Quarter to one na nang hinatid niya ako sa unit na tinitirahan namin ni Pearl. Hindi na niya ako hinatid paakyat at agad din siyang umalis pagkababa na pagkababa ko sa sasakyan niya.
"Sosmaryosep!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko nang makita kong nakaupo sa sofa si Pearl na nakalugay ang mahabang buhok at nakasuot pa ng puting nightgown.
"Ano ka ba, akala ko multo ka!" sabi ko sa kanya at pinaandar ang ilaw.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.
"Napasarap ang inom ko. Sige na, matutulog na ako. Medyo napagod ako," sabi ko.
Pipihitin ko na sana ang pintuan ng kwarto ko nang magsalita siya kaya tumigil muna ako.
"Nagkausap na kayo ni Rhaine?" tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin, "oo, we're over now," sabi ko at tuluyan ng pumasok sa silid ko.
Kinabukasan ay lumusong sa tirahan namin sina Marky at Jeca para ayain akong manuod ng basketball. Nalaman kasi nila na magbabakasyon na ako rito sa Pilipinas at hindi muna trabaho ang aatupagin ko kaya nagkaideya si Marky na isama ako dahil ipapakilala niya raw ako sa mga lalaking nakilala niya. Di hamak daw na mas gwapo ang mga ito kesa sa ex kong si Rhaine.
"So ibubugaw mo talaga ako?" tanong ko kay Marky.
Hinakawan niya ako sa kamay at saka ngumiti.
"Hindi naman sa ganon. Pero parang ganon na rin," humalakhak pa siya matapos.
Napailing na lang ako lalo na nang hilahin na niya ako papasok sa cowered court ng isang barangay.
Siguro mga tambay itong lalaking tinutukoy niya.
Kahit nasa labas pa kami ay rinig na rinig ko na ang tilian ng mga babae at nang makapasok kami ay mas nagulat ako nang makita ang bilang ng tao. Hindi naman siya puno pero marami pa rin ang nanunood. Para namang mga PBA players tong nandito para dumugin. Tsk.
"dela Conde 17, for 3 points!"
Huh? Dela Conde raw?
Homer is here?
Pumwesto na kami sa taas at naupo sa mga bleachers.
Napangiti na lang ako nang makita kong isa nga si Homer sa mga naglalaro.
Why is he here by the way? And wait, was that Henrik?
Kunot na kunot ang noo habang nagbabantay sa bola.
Napangisi ako.
Ang sungit naman ng awra niya.
Pumalakpak ako nang ma-ishoot niya ang bola pero napanganga ako nang mapansin ko ang apilyedo niya.
He's also a dela Conde? Wow. The dela Conde's are all good looking huh?
Wait. Bakit parang deja vu? Pakiramdam ko nangyari na ito dati.
Out of a sudden, my eyes met Homer's eyes. Ngumiti siya at kumaway sa akin bago inagaw ang bola at sumigaw, "Chef, Rayana, para sa 'yo!"
Why does it feel so familiar?
Napakuyom ako ng palad nang sumakit ang ulo ko. Para itong pinipigang bigla.
Nakita kong nagsilungan ang lahat sa akin lalo na sina Marky na nagtatanong na ang mga mata sa akin.
"Ay kilala ka teh? Haba ng hair, ka-bebreak mo lang may reserba ka kaagad?" si Marky.
Mayabang na dinala ni Homer ang bola at sinubukang e-shoot.
Marky laughed at kaagad na tinampal ang balikat ko.
"Di baleng sumamblay, pogi naman!" si Marky ulit at makabuluhang ngumiti pa sa akin.
"Tsk. Ang yabang kasi, iyan tuloy," Jeca said but I can't follow what she said next because I kept hearing a voice.
'Mas gwapo naman ako diyan.'
'Akin iyan ha!'
'Mas gusto ko si Sungit.'
'Henrik, babe!'
'Yabang! Supalpal naman!'
'Mas gwapo naman ako diyan.'
'Akin iyan ha!'
'Mas gusto ko si Sungit.'
'Henrik, babe!'
'Yabang! Supalpal naman!'
What was that?
"I think I'm about to passout,"mahinang bulong ko bago ako nilukob ng kadiliman.
Hindi ko na maalala pa ang mga sumunod na nangyari subalit pagkagising ko ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang clinic na nakahiga.
"Ano bang nangyari sayo? Bigla ka na lang nahimatay. Kinabahan ako sayo!" sunod-sunod na sabi ni Marky pero hindi ko siya pinansin.
Nakapukos ang paningin ko sa lalaking nakaputing Jersey na nakatayo sa harapan ko. Si Homer. I am not sure what really happened, but there's one thing I'm sure with. I know for sure that it's true since everything was so detailed and vivid.
Homer and Henrik are somehow part of my forgotten past. May isa pa. He looks like Henrik but he's not Henrik.
Kumalabog bigla ang puso ko.
"Homer, you got a call from Hendrix," sabi ng kapapasok lang na si Henrik.
And yeah! That was the name!
Hendrix Lawrence dela Conde.
To be continued...