"Life has many ups and downs, we do not know what obstacles are around."
--Unknown
"Mlaire anak, how is your love life?" Napainom ng tubig ang dalaga ng biglang magtanong ang dad niya ng mga ganoong bagay. She was taken a back because of that question.
"Dad, please don't talk about that thing. Okay naman ako sa ganitong sitwasyon and I'm happy." Ngumiti ang kanyang Ina dahil sa tinuran ng anak.
"Marth, huwag mo namang piliting mag boyfriend 'yang anak mo. Maybe Mlaire is still on the process of moving on. Right Ija?" Napatango naman si Mlaire dahil sa mga sinabi ng kanyang Ina, kahit papaano eh may kakampi at may karamay siya pagdating sa mga bagay na ito.
"At talagang kinampihan mo pa yang anak mo!" Ngumisi lang ang kanyang Ina dahil sa inasal ng asawa. Ngumiti naman si Mlaire dahil parang mga bata ang mga magulang niya, ang sarap tingnan kapag nagkakaganon ang mag asawa.
"Hep. Mom, dad please stop. We are eating. Don't you worry dad I will grant your wish soon." Napa "Yes!" naman ang daddy ni Mlaire, at inirapan lang ito ng kanyang Ina.
"But, kapag tumagal ng anim na buwan na wala ka pang boyfriend I will be the one who choose a man for you." Napailing naman ang dalaga dahil parang hindi titigil ang kanyang daddy sa pangungulit sa kanya.
"Marth, kumain na muna tayo and stop bothering your daughter. She is old, she can handle that thing this time." Tinaas ang dalawang kamay ng kanyang ama na tila bang sumusuko na siya.
"Okay. Okay. You two are the winners!" Napatawa naman ang mag Ina dahil sa wakas tapos na ang pangungulit ng kanyang ama.
"What is the price dad, since mommy and I are the winners." Nag isip isip pa ang matanda bago sumagot sa anak.
"Sorry Ija I don't have money anymore." Napangiti naman ang kanyang ina dahil alam niyang nagbibiro lang ito.
"Dad naman!" Parang batang tinadyak tadyak ni Mlaire ang kanyang mga paa sa sahig.
"Ija, may meeting ngayon ang dad mo." Biglang lumungkot ang mukha ng dalaga.
"Mom, sasama ka rin kay daddy sa meeting niya?" Tumango naman ito.
"Okay. But make it sure before 9 pm nandito na kayo sa bahay. Gusto kong sabay sabay tayong mag hapunan." Ngumiti naman ang mag asawa.
"Yes po ma'am!" Sagot naman ng kanyang ama.
Natapos ang kanilang tanghalian ng tawanan at asaran. Parang magkakapatid lamang sila kung mag usap sa mga oras na 'yon. Ganitong ganito sila dati noong nandirito pa ang kanyang nakakatandang kapatid. Kaya naman nilubos lubos ng dalaga ang sandaling iyon.
Hindi pa't nagtagal eh nag paalam na ang mga ito. Late na kasi ang mag asawa sa nasabing meeting dahil nalibang sa pagtatalo nilang tatlo kanina.
Iniligpit naman ni Emma ang pinagkainan ng kanyang mga amo, ngiti ngiti pa ang kasambahay dahil kitang kita niya kung paano mag lambingan ang mag pamilya bago tuluyang makalabas ng mansyon.
Pumasok sa loob si Mlaire para makapagpalit ng damit. Naiinitan kasi siya dahil sa panahon ngayon sa Pinas. Binilin na naman niya si Emma na mag hugas muna ng pinggan bago mamili sa grocery store.
Pumunta ang dalaga sa kanyang silid at doon siya dinalaw ng antok. At yong sinasabi niyang sabay sabay silang maghapunan eh nawala ng biglang makatulog ang dalaga.
*****
Nagising ako dahil sa ingay, I want to sleep, five minutes more. Sabi ko sa sarili ko. Pero kailangan ko na talagang bumangon dahil kahapon nag absent ako.
Kahit ako pa yung may ari ng kompanya may responsibilidad rin naman ako kaya bumangon ako at nag ayos. Pagkatapos kong mag ayos eh bumaba na'ko para kumain ng almusal.
Nagpahatid na ako kay Manong sa Villachin Company. Ilang minuto lang nakarating na rin, di pa kami naabutan ng pagka haba habang traffic dahil 5:00 am palang nag biyahe na kami. Masarap kasi ang simoy ng hangin tuwing umaga.
"Ma'am Mlaire, andito na po tayo."
"Opo Manong, sandali lang po inaayos ko lang itong bag ko." Sabi ko kay Manong, ang dami kasing laman. Kainis naman to.
Habang dumadaan ako, lahat ng nakakasalubong ko panay ang bati sakin ng Good Morning Ma'am Mlaire. Ginantihan ko lang sila ng matamis na ngiti.
Pumasok agad ako sa elevator at pinindot ang 20th floor, sinalubong naman ako ni Shelley papasok sa opisina ko.
"Good Morning Ma'am!" Sabi nito.
"Good morning Shelley, my schedule this morning please."
"Amm, may meeting po kayo ngayon kay Mr. Xio at 8:00 and Mr. Chin at 9:00. Iyon lang po ma'am."
"Okay then, thank you Shelley. Please give me some coffee and put three spoons of sugar."
"Yes ma'am Mlaire." Lumabas ito at linock ang pinto.
I start working when Shelley enter my office with a cup of coffee.
"Ma'am here's your coffee."Inilapag naman nito ang tasa ng kape sa mesa.
"Thank you, you can leave my office Ms. Shelley. But make it sure before eight o'clock nandito kana sa office."
"Yes Ms. Villachin."
Aba aba! Itong sekretarya ko talaga parang hindi ako boss kung makapagsalita. "Do you want me to fire you, Ms. Shelley?" Tumawa pa bago sumagot.
"Do whatever you want Ms. Mlaire Andreah Villachin." Agad na lumabas ng office ko. Walanghiya!
Nako naman, alam kong mag kaibigan kami non pero arrrggg tinawag niya ako sa buo kong pangalan. I don't want someone call me in my complete name. Lagot yun mamaya sakin, sabay tawa ng malakas.
Bago pa ako maging baliw sa katatawa ko, I headed to the comfort room at nag ayos muna ako. Kaunting retouch lang naman.
"Ms. Mlaire, nandito na po si Mr. Xio."
Agad agad akong lumabas ng banyo at nag alcohol muna.
Sinalubong naman ako ni Shelley at pumunta na kaming conference room. I'm not nervous, buti naman at nasanay na ako sa mga ganitong usapan.
Pagpasok ko, nagtaka ako kung bakit may kasama si Mr. Xio.
"Bakit dalawa na sila? Akala ko ba si Mr.Xio lang ang pupunta?" Tanong ko kay Shelley na mukhang nagulat rin sa nakita.
"Sorry naman Mlaire di ko rin naman alam na may kasama pa la si Mr. Xio at wag ka ngang OA diyan baka anak lang niya 'yan."
"Good Morning Ms. Villachin." Sabi ni Mr. Xio.
"Ang ganda mo pala sa personal." Dagdag pa niya.
"Good Morning too Mr.Xio and thank you." Nakita ko lang na may kausap pala sa telepono yung kasama ni Mr. Xio na lalaki, di ko makita ang mukha. Pero likod palang mukhang gwapo na, matangkad, pang model ang katawan.
Nag usap nga kami ni Mr. Xio about sa pagpapatayo ng mga different five star hotel dito sa Pilipinas. He said that they're also producing different wine around the world. At base sa informasyong binigay sakin ni Shelley multi-millionaire daw ito.
Well, it's quiet impressive.