"Moneyed people are more friendly to peace because it is they who lose when there is civil disturbance."
---Jose Rizal
Isang buwan ang nakalipas, ang bilis ng panahon sabi ni Mlaire sa kanyang isipan. Hindi niya akalain na sa isang buwan lamang ay mas umangat pa ang kanyang kompanya.
Siya ang nangungunang CEO ngayon at ang kanyang kompanyang pinapatakbo. Pero marami rin ang naghahangad na mapabagsak siya dahil sa inggit ng ibang negosyante.
But it seems that she's not worried about those issues. She just smile and focus to her company and she will make sure that no one can ruin it.
Araw ngayon ng lunes, maagang gumising si Mlaire at naghanda para sa meeting niya mamaya sa mga malalaking kliyente niya.
"Manang alis na po ako." Paalam nito sa kanilang kasambahay. Agad siyang sumakay sa kanyang kotse at nag drive papuntang Villachin Company. "Buti na lamang at wala pang traffic." Sabi niya sa sarili.
Habang naglalakad siya sa lobby lahat ng empleyado ay bumabati sa kanya ng good morning at ginantihan naman niya ang mga ito.
Nang papasok na sana siya sa kanyang office nakita niya ang isang lalaking tila familiar sa kanya ngunit hindi niya ito makuhang titigan sa mukha dahil naka talikod ito. Ang lalaki parang nakita na niya ito, ngunit sadyang makakalimutin na siya at di niya kayang matandaan pa.
Hindi napansin ni Mlaire na matagal na pala siyang nakatayo at matagal na rin niyang tinitignan ang binata. Bumalik lamang siya sa katotohanan ng mabunggo siya ng isang babaye.
Nalaglag ang kanyang bag at ang ibang folder na hawak hawak niya kanina, hindi man lang siya tinulungan ng babaye. "Siguro may saltik yun, di man lang nag sorry." Sambit niya habang pinupulot ang kanyang gamit.
Ngunit ng tingnan niya ulit ang binata wala na ito sa kinaroroonan kanina. "Siguro umalis na siya, di ko man lang nakita ang kanyang mukha." Sabi ng kanyang utak.
Pumasok na lamang siya sa sariling office at hinintay ang malalaking kliyente nito. Hindi nagtagal pumasok si Shelley, her secretary. "Mlaire, andito na sila" Sabi nito.
"Okay, then let them in." Masiglang sagot niya sa sekretarya.
May maliit na room sa kanyang office kaya dun niya naisipang kausapin ang mga kliyente dahil malaki ang maitutulong ng mga ito sa kanyang bagong project na gagawin . Sana pumayag ito sa kanyang proposal at pag nangyari yon "No one can destroy my company, no one can" she said it before she enter the room.
Lumipas ang ilang oras, lumabas na sila Mr. Cruz at Mr. Fancy. Ang malalaking kliyente ng dalaga, habang si Mlaire naman din rin lumalabas sa room. Parang nanalo sa luto dahil abot langit ang ngisi. " Shelley!" Tawag niya sa secretarya.
Agad naman itong pumasok at parang tangang nakatulala ng makita ang contract na inabot ng boss sa kanya. Contract na may pirma ng kausap kanina ni Mlaire, ibig sabihin pumayag ang mga ito sa kanyang project . Tuwang tuwa si Mlaire sa mga oras na 'yon pero napaisip na naman siya sa lalaki kanina.
Hindi niya maintindihan kung bakit di niya makita ang mukha ng lalaki at parang may tinatago ito. Iniwaksi niya muna ang binata sa kanyang isipan, magtratrabaho na muna siya.
"Shelley you can go now, wala naman masyadong gagawin dito if ever na may emergency I will call you nalang." Saad ni Mlaire
sa kaibigan plus secretary.
Parang kabute ang dalaga dahil mabilis na lumabas pagkatapos mag salita ni Mlaire, parang may lakad ang babaeng ito at nagmamadaling lumabas. Binasa ulit ni Mlaire ang kontrata at masayang nilagay sa private volt.
Nang matapos siya sa kanyang ginagawa nahagip niya ang isang folder at nalaglag ito sa sahig, pupulutin na sana niya ito ngunit nag ring ang kanyang cellphone. Sinagot niya muna ito at hinayaan lang ang nakatiwangwang na folder.
"Yes mommy, I will po." At pinatay niya ang tawag. Lumabas siya agad sa kanyang opisina at nagmamadaling pumasok sa private elevator at pinindot ang ground floor. Nang makarating ito, pumunta agad sa parking lot at sumakay sa kanyang Ferrari.
Susunduin niya ngayon ang kanyang mommy at daddy from France. Kaya siya nagmamadali dahil excited ito na makita ang mga magulang, she missed them so much.
Bumalik sa kanyang isipan ang folder, tinawagan niya si Amor at inutusan niya itong iligpit ang laman ng folder at itago muna. Pinagkatitiwalaan rin naman niya si Amor.
Nang makarating sa airport si Mlaire agad niyang hinanap ang kanyang magulang, agad naman niya itong nakita at yinakap niya ang mga ito. "Daddy, mommy I really missed you." Gumanti naman ang kanyang mommy at daddy.
"Baby, sa bahay na tayo mag yakapan dahil nakakapagod na." Biro ng kanyang daddy.
"Dad naman." Sabay pout ng dalaga. Kinurot lamang siya ng kanyang dad sa pisngi habang ang kanyang mama at tumatawa dahil sa kakulitan mg mag ama.
Umalis na sila ng kanyang mama at papa sa airport dahil pagod na ang mga ito. Habang nagmamaneho si Mlaire napaisip na naman siya sa binata. "Ano kaya ang mayroon sa lalaking yon at tila di mawala-wala sa aking isipan." Sabi ng kanyang utak.
"Baby eyes on the road." Paalala sa kanya ng kanyang mommy dahil napansin nito na parang may iniisip ang anak.
"Nakatulog na pala si Daddy." Kaya nag focus muna siya sa pag da-drive.