Nang makalayo sa mga taong nagsisibulungan at ingayan ay doon lang ako nakampante.
Hays bakit ba kasi ako pumayag sa kasunduan na yon tuloy napahamak pa ako, nakahanap ng away.
Para mahimasmasan ay dumeretso ako sa cr at naghilamos ng mukha.
"Pagpasensiyahan mo na si Nathalie ah, ako na humihingi ng tawad."
Nang nag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang babaeng maganda na kasama lagi ni clown, Nathalie pala pangalan neto.
"Uhm sino ka? kilala moko?" Tanong ko sakanya.
"Ah sorry, ako nga pala si Dulce grade 10 student kabilang section. So yeah usap usapan ka na sa room namin,pano ba naman kasi sabi ni Andrei girlfriend ka daw niya edi nagsifreakout sila kasi most of the students in our room gusto si Andrei." paliwanag niya.
Hindi ko siya gets.
"Pero hindi ko naman kasi talaga kami." pagaawat ko
"Meaning to say? Wala dapat akong ipagselos?" Inosente niyang tanong.
"Ikaw? gusto mo din siya?"
"I mean, nila...nila pala." napakamot ito sa ulo "so..ibig sabihin hindi totoo yung kalat na balita na kayo?as in hindi?"
"Oo naman, promise." Sabi ko sabay taas ng kamay ko sa kanan at umarte na parang nanunumpa
"Yehey! friends na tayo ha." at yumakap siya sakin
Friends agad?
"Tara kain tayo sa canteen, Wala naman nang klase puro practice lang para sa UN, buti nga kayo may project lang eh kami sasayaw at may sabayang pagbigkas pa." Sabi niya habang pinapasok sa pouch niya ang mga makeups niya.
"Ayaw ko sa canteen, mainit mata nila saken." Paliwanag ko sakanya, huwag muna akong magpakita ngayon, Maya maya or bukas na.
"Tara sa library nalang muna tayo,di kaba gutom?" Tanong niya habang naglalakad kame sa hallway ng school papuntang library.
"Oo, tama na itong isang burger." Sabi ko sabay ngiti sakanya.
Nang makaupo kami sa library ay napansin ko na walang tao ngayon dito,siguro kumain lahat.
"Maganda tumambay dito kase tahimik, pero dahil walang bantay at mga tao,magkwentuhan tayo.Krizelle,tell me more about yourself." Sabi niya sabay tingin sakin at ngumiti ng napakalawak
"I don't usually talk about myself but...yeah uhm.....I'm a very unfriendly kind of person,I think? I mean medyo masiyahin naman ako at palakaibigan sa mga taong pili, kung saan magaan yung loob ko. I don't usually hang out with others, I mean noon oo andami kong kaibigan pero nung nalaman ko na having so many friends in school ay walang madudulot na maganda sayo, kasi hindi mo alam kung sino sakanila ang totoo...so I try my best to know the person carefully before getting attached to them. Pero mababait naman yung mga kaklase ko eh, kaya medyo masaya. I'm so sorry masyado na bang mahaba sinasabi ko?" Tanong ko sakanya, pakiramdam ko kasi napadaldal nanaman ako ng sobra.
"No no it's fine Krizelle, keep going.Gusto din kitang makilala."
She smiled. Bakit parang may halong kaplastikan yung smile niya?
"So yun na nga hindi naman ako pala kaibigan na pero di ko alam kung bakit nandito ako ngayon kasama ka.dont get me wrong ah, it's just di ako sanay." ngumiti ako ng tipid sakanya.
"It's okay, I love your personality,it's pretty nice actually.So...san ka nakatira?"
"Sa may tawid lang, yung bahay na may itim na gate,yun yon" sagot ko sakanya.
"Ahh,ako naman sa may sampaguita village sa may likod. So ang mom ko ay ay half Spanish half french and so with my dad, I don't have a bunch of friends also, si Nathalie lang ang kaibigan ko,oo masama ugali non pero siya lang ang meron ako kaya iniintindi ko siya, ganun din naman kasi siya sakin eh." Sabi ni Dulce.
"Bakit krizelle? bakit tumanggi ka nang sinabing ikaw ang girlfriend ni Andrei, kung ibang babae yun itatake advantage nila yun at ipagmumukha sa lahat." tanong niya habang pinupusod ang mahaba at kulot niyang buhok.
"Ikadudulot ba yun ng maganda sakin?Hindi naman diba? Makukuha ko lang ang atensyon ng iba at makakahanap ng kaaway dito sa school, Kung ika tataas ng grade yun baka dun um-oo ako."Sabi ko.
"Ay wow mautak haha" tawa ni Dulce.
"Why are you so interested sa issue namin ni Andrei?"
May nafifeel talaga akong mali.Kailangan ko bang magingat kay Dulce?
"I mean sabi mo halos lahat sa room ninyo gusto siya, meaning to say gusto mo din siya?"tanong ko,nahahalata niya atang kinikilatis ko siya.
"Hala siya hindi ah!" Pansin ko ang pamumula ng pisngi at tenga ni Dulce,Oh so she likes him.
"Talaga?"
"Oo promise"Sabi niya habang nakatingin sa mga kamay niyang nilalaro ang ballpen niyang nasa mesa kanina pa.
"Mamatay man?"
"Hala siya! oo na gusto ko na siya!ayoko pang mamatay!grabe siya." sigaw niya ng napaka bilis habang nakapikit,natakot ko ata.
I just smiled.
Siya ngayon ay nakatakip na ang mukha dahil nabisto ko siya at ako naman ay sumasakit na ang tiyan kakatawa dito sa harap niya. Mukha siyang tanga to be honest.
"Secret lang yun ah." tanong niya sabay taas ng pinky finger niya.
"Para san yan?"tanong ko at sabay turo sa pinky finger niyang nakataas.
"Para mangako, diba ganto naman ang ginagawa lagi." tanong niya.
"Ahh okay sige pangako."at nilagay ko ang pinky ko kasama ang pinky niya.
"Ano to Dulce!?" Nanggagalaiting tanong ni Nathalie kay dulce, buti nalang at walang masyadong tao dito sa library.
"Nathalie relax calm down." hinawakan neto si Nathalie at inaya na umupo sa upuan katabi ng sakin at may bumulong siya dito, pansin ko ang matalim na tingin neto sakin.
"Hindi naman pala talaga siya girlfriend ng bebe mo eh, sadyang issue lang ang lahat, misunderstanding lang yun." paliwanag ni Dulce.
Bakit siya ganun kay Nathalie? Gusto niya si Andrei pero support siya kay Nathalie sa gusto niya, which is Andrei..for what?
Napatayo si Nathalie at pumameywang "Anong tingin mo sakin ha? madali mauto? anong pinakain sayo ng babaeng yan para mangyari sayo yan ha?" Umirap Ito sakin.
Ay wow attitude.
"Nathalie, di mo parin ba gets? Mali ang tsismis, Mali ang inaakala mo." mahinahong Sabi ni Dulce.
"Hindi padin ako naniniwala, si Andrei nalang mismo tatanungin ko." at tuluyan nang lumabas si Nathalie sa library.
Napabuntong hininga si Dulce "Hayaan mo na yun, tara usap usap nalang muna tayo."
Akmang magsasalita nanaman siya nang biglang sunod sunod na pumasok sa library ang mga estudyante, teacher at pati nadin ang librarian.
Lumapit samin ang isang teacher "Mga iha hindi pa ba kayo papasok sa klase ninyo?"
"Ah ako po wala po eh, absent si ma'am at tapos nadin po kami ng grupo ko sa pagpapractice." lumingon si dulce sakin "ikaw krizelle?baka hinahanap ka na don,Kita nalang ulit tayo mamayang uwian."
"Ah sige una na ako" nginitian ko siya ganun na din ang teacher.
---
Nang makapasok sa classroom ay agad kong natanaw sina Althea, Monica, Lila,at Fame na nagaasaran.naka-paikot sila ng salampak sa sahig at may bote sa gitna nila.
"Truth!" Sigaw ni Mon.
Nagsitilian sila "Sino crush mo?!" Sabay sabay na tanong nina Althea, Lila at Fame.
Tumayo sa kinauupuan si Monica at sinabing "Si bebe Bobby! Stan iKON pooooo!"
Nagsi-ilingiling nalang silang lahat dahil umiral ang pagkafangirl netong babae na to.
Pansin kong puro babae lang ang nandito,siguro nagbabasketball nanaman sila. Eh si Kenneth kaya kasama nila?
"Para masaya guys ! Lahat tayo sumali sa spin the bottle tas truth or dare pag natalo!Dali na!" Sigaw ni Monica, lakas amats.
Agad naman silang nagsilapitan at nagform ng circle, at dahil hindi ako sumali sakanila ay lahat sila ngayon nakatingin sakin.
"Ang di sumali pangit." Sabi ni Lila.
"Eh kahit sumali ka naman diyan eh pangit ka parin." di namin namalayan na nakapasok na pala si Bench sa loob ng classroom, halatang nagbasketball nga ito dahil basang basa sa pawis.
Pumameywang si Lila "Anong ginagawa mo dito aber? akala ko ba may practice kayo sa basketball?" Mataray niyang tanong.
"Kumukuha lang ng panyo bakit masama?"sarkastikong tanong niya pabalik.
Nang makuha na niya ang panyo niya ay tumapat siya sa aircon, dahilan para mapatayo sa inis si Lila.
"Hoy matutuyuan ka ng pawis! lumabas ka nga." hinila niya ito at pinalabas ng classroom.sinarhan pa ng pinto.
"Isa ka din" humarap Ito sakin "hihilain padin ba kita? huwag kj bawal yun dito"
"Oo na po" Sabi ko nalang.
Nang makaupo na lahat ay masayang masaya sila,andami talaga naming mga babae kung tutuusin nasa 14 kame.
"Andami natin ah"Sabi ko.
"Madadagdagan pa tayo, baka may magtransfer pa sa susunod na araw.masaya yun, the more the merrier." Sabi ni Fame at nagsiapiran sila ng katabi niya, si Cess.
"Tara spin the bottle na,ako na magiikot." at sinimulan na ngang paikutin ni Althea ang bote sa gitna.
Nang tumagal ay pahina ng pahina ang ikot nito hanggang sa tumigil at tumapat iyon kay Fame.
"Hala lagot." napalunok ito.
"Truth or Dare Fame." tanong ni Althea.
Huminga muna ng malalim si Fame"Truth."
"Naka move on ka na ba sa ex mong si Jezues?" Tanong ni Althea.
"Oo naman,bakit hindi." matapang netong sagot.
"Oh talaga ba?" Pangaasar ng lahat.namula si Fame. "oo nga promise." paguulit niyam
Nang sunod na umikot ang bote ay tumapat Ito sakin.oh noes.
"Krizelle krizelle....nung unang araw mo dito..kanino ka nagwapuhan sa mga boys dito?" Tanong niya at nagsi ayie ang mga iba.
"Umm kay ano...Kay Kenneth siguro,kasi medyo may itsura siya." sagot ko.
"Ayieeeeeeee!" Sigaw ng lahat.
"Crush mo si Kenneth ah!" Sigaw ni Lila.
"Ayiee ikaw krizelle ah,may pa ganyan ganyan ka na." nangasar din si Monica,hagis ko dito konbat niya eh.
"Nagwapuhan lang naman ako sakanya." pagtututol ko.
"Edi aminado kang gwapo siya?"tanong ni Cess. Napalunok ako.
"Oo gwapo naman talaga si Kenneth eh."
"Thank you."
Oops. Bad move,dapat hindi nalang ako sumagot.I hate being issued.
'ayieeeeee
'sana all
'naniniwala na ako sa forever~~
Nang napatingin ako sa likod ay nakita ko si Kenneth na nakabungisngis, nasa likod neto sina Jay, Bench at Enzo na kapwa niyang pawisan.
Ang awkward'
"Sali na kayo guys dali bago maguwian." sigaw ni Monica.
"Osige ba, arat na mga tol." sagot ni bench.
Nagsiupuan naman sila agad agad,si Jay nakapuwesto sa harap ko katabi ni cess at fame, si Enzo sa may Kanan ko,si bench sa tabi ni Lila at tila ba naiirita si Lila kasi katabi niya si bench. Nagulat naman ako ng biglang tumabi sa may bandang kaliwa ko si Kenneth.
Oops,issue.
"Shems magkatabi sila look." Sabi ni Lila.
"Eh ano naman pake mo ha pakielamera, pansin mong katabi ni Krizelle crush niya tas ikaw di mo pansin na katabi mo crush mo." winiggle wiggle nito ang kilay niya.
"Gusto mo sapak? Now na?" Pinakita neto ang kamao niya kay bench.
"Abat matapang,ikaw na nga tong may chance makatabi crush mo aayaw ka pa at susuntukin mo pa." mahangin ah.
Inirapan nalang ni Lila si bench.
Nang paikutin muli ang bote ay tumapat iyon kay Enzo.
"Enzo..." Si cess ang nagtatanong "bakit hindi mo ako magustu-gustuhan?nandidiri ka ba sakin?pangit ba ako?di ba ako maganda ,di ba ako sapat--" pinutol na agad ni Enzo si cess.
"Cess...Hindi sa nandidiri ako sayo at hindi ako nagagandahan sayo.you're pretty and nice actually, it's just that...Hindi kita gusto." halata sa boses ni Enzo ang awa.may gusto pala si cess kay Enzo, now I know.
"Si Margaux ba?" Tanong ni Cess."si Margaux padin ba ang gusto mo Enzo?"
"Cess wag mong idamay ang ibang tao dito,lumipat na nga ang tao--"
"So siya padin nga,feel ko eh." pamimilit ni cess
"Cess naman--"
"Bakit Enzo?bakit siya?bakit hindi nalang ako? bakit-"
"Cess!"
Napatigil si cess,Kung kanina ay boses nila ang laman ng klase,ngayon ay ni Isa walang nagsasalita sa kanila,ganun na din kami.Tumayo si cess at lumabas ng classroom.
Ginulo ni Enzo ang buhok niya "why did I join this fvcking game in the first place,badtrip." sinundan niya si Cess.
"Cess was inlove to Enzo?kailan pa?" Tanong ni Kenneth.
"Nung grade 7 pa tol hindi mo ba alam?tagal tagal mo na dito ah." Sabi ni bench.
"Tuloy na lang muna natin yung laro,kaya na nila sarili nila." Sabi ni Monica.
Nang paikutin ulit ang bote,tumapat iyon sa akin
"Truth."Sabi ko
"Who caught your attention when you first saw us,the whole class.kanino ka nagkainterest krizelle?" Tanong ni mae,na mukhang dora ang haircut
"Umm."
Nagsilapitan sila,nagaabang ng isasagot ko
"Wala."
Napasimangot silang lahat
"Sino nalang crush mo?" Sabi ni Lila
Ay grabe,ayoko na huhu daming tanong.anong isasagot ko?
"Ah ano si ano....." Napansin ko si Jay na nawala sa pwesto niya kanina,nasan na yun?
"KRIZELLE!" Sigaw nilang lahat para magulat ako at sa di sinasadyang tiyempo ay nasabi ko ang .
"Jay!anak ng pusa!"
Lupa,kainin mo na ako,now na..
"Mali kayo ng iniisip ano kasi eh-" nagring ang bell."uwian na babye guys." sinabit ko ang bag ko sa balikat ko at lumabas na sa room derederetso at saktong pagliko ko sa hallway ay nakasalubong ko siya.
"Ay crush kong kabayo!"
I'm doomed.