Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 5 - chapter 3

Chapter 5 - chapter 3

Gumising ako na masakit ang mata at gutom na gutom. Nilalamig ako kaya naman ay kumuha ako ng kumot at pinalibot ko iyon sa sarili ko.

Itutuloy ko na sana ang pagtulog nang biglang naalala ko na may pasok pala ngayon.

Naligo nako at nagayos bago pumunta sa school. Saktong nilolock ko ang gate namin nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"So dito ka pala nakatira, malapit lang samin, gusto mo sabay tayong pumasok?"

Naguguluhan man ay tumango na lamang ako, pilit inaakala kung ano ang pangalan niya pero for sure kaklase ko to eh. It took me seconds to realize, his name was Enzo.

"Bat antahimik mo? naiilang ka ba sakin Krizelle?" Tanong niya. I nodded, staying the truth yes.

Silently, we started walking slow toward the direction of our school.

---

Nang makatawid kami ay dumeretso na kami sa school. Hindi pa nagpapa pasok sa room ng mga hs students kaya naman tambay muna kami sa labas. Umupo kami sa isang bench na may stickers pa na mga pambata na nakalagay, kawawang bench napagtripan, but at some point it looks cute.

"Kilala moko? Absent ako kahapon at sigurado akong di pa kita nakikita eversince kaya pano mo ako kilala?" Tanong ng isang cute na chinito na nakasalamin. I don't also know him, I know I  didn't called him, I don't know who is he.

"Huh? Tinawag ba kita? Hindi kita kilala." I explained, I'm sure.

"Sabi mo Bench eh, eh sino pa bang Bench ang nandito?"

"huh? May sinabi ba akong Bench?" I asked myself, Did I say the word bench out loud again? This is the disadvantages of overthinking, I'm saying the words sometimes.

Naguguluhan man itong si Bench na Ito ay umupo nadin siya sa bench na inuupuan namin ni Enzo.

"Hey wassup tol, friends na kayo netong babaeng to na tumawag sakin tas mag mamaang-maangang hindi ako tinawag?" Sabi ni bench kay Enzo, I could only look at him with a question mark expression.

"Tol siya si Krizelle, kaklase naten.Siguro iba ang pagkakarinig mo sa kanya kaya akala mo tinatawag ka niya, kasi bago lang siya dito sa school eh." dahilan ni Enzo. Thankfully, I have Enzo at my side.

"Ah okay, so hi sayo! Bench nga pala." sabi niya sabay abot ng kamay at kindat sakin. I know that thing, flirting.

"It's nice meeting you Bench haha." I said to him, accepting his offered hand.

"Tara na guys pwede nang pumasok sa room." Sabi ng babaeng nasa harap namin, "Tara." At tumayo nanga kami at naglakad papunta sa room "Himala at di mo kasama ngayon si Monica." Sabi ni Enzo habang naglalakad kami sa babae

"Oo nga, di kumpleto ang araw pag walang dalawang mabunganga sa room." maangas na sabi ni Bench kaya naman naka kuha siya ng isang batok mula kay Althea na siyang babae na nagaya na pumunta nang room.

"Krizelle, Hindi totoo ang pinagsasabi netong dalawang to, di ako mabunganga, si Monica lang yon, at kung magaaway man kami ay siya ang paniguradong magiging dahilan kung bakit at paano magsisimula iyo-" naputol ang pagbubunganga ni Althea nang biglang may humila sakanya mula sa likod at pabiro siyang sinakal.

"Ang ingay mo talaga, tignan mo sinisiraan mo pa ako sa bago nateng kaklase, alam mo nakakainis ka-" bigla namang may tumakip ng tenga ko at hinila na ako papuntang upuan ko.

Pagdating sa upuan ko ay don na lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita.

"Ano ako bag? para hila hilain mo? Please don't do that again mister." I said to Kenneth, I'm still not comfortable with  anyone.

"Malapit nang dumating si ma'am, pag naabutan ka na nakatayo at nakikipag kulitan papagalitan ka, gusto mo nun?kabago bago mo dito tas papagalitan ka agad?"

I ignored his words, I'm tired of talking. I'm busy thinking about things that makes me tired, overthinking.

Our teacher entered the room, making all of my classmates quiet. I tried to find Jay using my eyes, I want to ask him why he sent those messages and for what purpose.

"May hinahanap ka? bakit anong meron?" Nagulat ako sa nagsalitang si Cess, katabi ko pala siya bale nasa gitna nila ako.

"Nakita mo ba si Jay? bat wala siya? na curious lang." I carefully asked, baka mamaya ma-issue.

"Yung nga eh, usually maaga yon pumasok pero ngayon late, baka may emergency lang siguro." paliwanag ni Cess. I could only nod.

Matapos ay nakinig nalang ako ng mabuti sa teacher namin, baka magpa surprise quiz,

Nang biglang may kumatok sa pintuan, at iniluwa non si Jay na may dugo sa gilid ng labi at may mga gasgas sa mukha, bakas ang dumi sa uniform niya at wala pa itong bag na dala.

Saan kaya ito galing?

There's really something about Jay, mukhang nakita ko na siya dati.

"Concerned? At nakatingin ka sakanya." Cess inquired, I could only stare at Jay again. "Siguro?" I questioned myself, I don't know the answer.

"Ay syet iba rin." Humarap Ito sakin."Alam mo..hindi naman talaga natin maikakait na may itsura talaga yang si Jay..Ang kaso nga lang napaka misteryoso ng lalaking yan."

Tinignan ko ulit siya. Mamaya iba isipin neto eh, mamaya sabihin interested ako kay Jay.

I'm not interested, it's just.. I'm concerned and confused.

Nakakapanibago, I'm being concerned again, which I don't do even to myself. Why am I concerned?