"Sorry ma'am I'm late." sabi ni Jay sabay punas sa gilid ng labi niyang dumurugo.
Ang nakakapagtaka lang dito ay bakit parang wala lang sakanila na nagkaganon si Jay. Sanay na ba sila? Lagi ba itong nagyayare?
"Cess bakit di kayo nababahala sa kung ano bang nangyare kay Jay? bakit?" Pasimple kong tanong.
"Lagi nang ganyan yan wala nang bago, binubugbog ata ng step-dad niya. Staka hindi naman pwedeng alamin yun, masyadong personal."
Nang tignan ko si Jay sa kinauupuan niya ay nagtama ang mga mata namin. Halatang namamaga ang mata nito at kita ang pagod, ang tanong ay..bakit?
Ang madilim niyang mukha ay naging maaliwalas, pagkatapos ay kumindat siya sa akin.
This guy really have the guts. What a person.
---
Nandito na kami ngayon sa tambayan sa labas ng room, may meeting nanaman daw kase, may bagong event o pa-activity nanaman ata.
Kasama ko ngayon sina Althea, Monica, at Cess. Sila lang naman kase ang mga kilala kong babae sa ngayon, sungit kase ng iba.
Wala din dito si Enzo at Bench kase magbasketball sila ng mga kaklase kong lalaki.
Ang boring ngayon dahil nagfe-flames lang naman sila dito, flames is not my thing. I'm too sad to do flames.
"Krizelle sure ka ayaw mong itry? sige na." pagpipilit ni Monica sakin. I only nodded, not explaining or expanding my answer.
"S John Andrei! bagay kayo nun tahimik at pogi!" sigaw ni Althea kaya agad siyang kinutusan ni Cess.
"Ang ingay mo! para kang nakalunok ng microphone bwisit." halatang naiirita na si Cess sa kaingayan nila pero kahit ganon ay sinasabayan padin neto ang trip nila.
"Oo nga itry mo Krizelle, wala namang makaka-alam." pangungumbinsi ni Monica sa akin.
"Sige na nga, di ko alam kung pano kaya kayo nalang din magsulat." Sabi ko
"Kawawa sayo! grade 10 ka na pero di mo parin alam itong flames! babae ka ba talaga?! Kung ako sayo edi boring na ang buha-" natigil nanaman si Althea sa pagsasalita ng muli siyang batukan ni Cess.
Kaya naman napatawa nalang ako ng kaunti, kase naman nakakatuwa talaga silang dalawa. Medyo magaan din ang loob ko sakanila, Sana nga lang hindi sila katulad noong mga nakilala ko dati.
"M-marunong ka tumawa?" Mahinang tanong ni Cess kaya naman agad napawi ang ngiti ko.
Oo nga at hindi ako madalas ngumingiti, masyado kasi akong mahiyain. Pero bakit pagdating dito sa school na ito parang ang gaan ng loob ko, parang sandali nakalimutan ko yung realidad ko.
"Umm malamang?" Mahina ko ding sagot.
Kahit naman napaka lungkot ng istorya ng buhay ko, marunong padin naman akong ngumiti, yun ngalang..panandalian lang.
Bigla silang nagtinginang tatlo.
"Anong meron guys?" Naguguluhan kong sabi pero mga mukhang wala lang itong tatlong ito.
"Krizelle tawag ka ng tita mo, may itatanong lang daw." nagulat ako nang biglang may kumalabit sa likod ko.
"Ah sige salamat." Sabi ko nalang at iniwan na sina Cess, Monica, at Althea doon at sinundan naman si ate na tumawag saken.
Nang agad kong matanaw si tita ay umalis na ang ate na tumawag at dumeretso naman ako kay tita.
"Bakit po yun tita?" Tanong ko.
"Ayos ka lang ba iha? Sabihin mo lang kung may kailangan ka ah." halatang may halong pagaalala ang boses ni tita.
Pakiramdam ko naiiyak nanaman ako kaya pinigilan ko ito, ang ayoko sa lahat ay may nakakakita sa akin na mahina at umiiyak.
"Ay naku iha tawag na ako sa loob, basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako ah."
At dali dali nang umalis si tita sa paningin ko, nagsisimula nanamang manikip ang dibdib ko, lumalabo ang paningin ko, at huli na nang napagtanto kong umiiyak nanaman ako.
Mabuti nalang talaga at walang masyadong tao dito sa lugar kung saan ako umiiyak ngayon. Umiyak ako at hindi na nagpanggap na malakas, napa-upo nalamang ako dahil hindi ko na kaya ng nakatayo.
Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko.
Umuulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang sandaling humihingi sila ng pabor na samahan ko sila sa Pampanga, pero umayaw lang ako.
"Bakit niyo ako iniwan, bakit?" Iniyak ko na ang lahat hanggang sa hikbi nalamang ang lumalabas sa bibig ko.
Patayo at paalis na sana ako nang may nag-abot ng panyo sa akin. At dahil nakaupo ako ay kamay niya lang at ang panyo ang kita ko, nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Jay na madungis padin ang mukha.
Tinanggap ko ang panyo at umupo sa malapit na upuang nakita ko.
Nakita niya ba ako na umiiyak?
"N-nakita mo akong umiyak?"
Ang ayoko sa lahat ay yung may nakakakita sakin na mahina ako at walang wala ako. Pakiramdam ko kasi aabusuhin nila yung kahinaan na meron ako.
"Oo malamang, kita mo yang nasa likod mo na yan? clinic yan. Paglabas ko kanina may narinig akong umiiyak at Yun,nakita kita." Sabi niya sabay inat at hikab. Hindi ba ito natulog? Pansin kong medyo malalim din ang eyebags niya, pero ayos padin yung mukha niya.
Kita ko ang pagod sa mga mata niya at mga pasa sa mukha niya, Hindi sa pagiging tsismosa pero gusto ko lang talagang malaman kung ano ang nangyare sakanya.
"Anong nangyare sayo? bat ka may sugat?" I asked him.
Imbes na sagutin ako ay nagtanong din siya pabalik.
"Eh ikaw anyare sayo at umiiyak ka?"
Doon ako natigilan, dapat pala di ko nalang siya tinanong..Nakalimutan kong nagtatanong pala siya kaya sumagot ako ng mabilis.
"Malamang malungkot," I responded. "At may pagka-pilosopo ka rin eh noh" He replied.
Kita ko sa peripheral vision ko na umirap siya. Seryoso?
"Hoy iniirapan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya sabay duro sa mukha ko.
"Hindi ba obvious? malamang oo nakakainis ka eh, nagtatanong ng maayos." At umirap nanaman siya, seryoso lalaki ba talaga to o babaeng nagkatawang lalaki.
What a human,
"Hindi ko pwedeng sabihin,hindi ko kaya,sakin nalang yon." Sabi ko nalang sabay yuko, nakakainis dami kasing tanong.
"Edi kung ganon patas tayo, di mo kayang sabihin edi di ko din sasabihin kung bat ako nagkaganto." Sabi niya sabay ngiti ng kaunti, cute pala nito pag ngumingiti eh. Slight, I repeat slight.
Habang tinititigan ko ang mukha niya ay napagtanto kong, parang nakita ko na siya dati, sigurado ako don hindi ko lang alam kung saan at kailan.
Yung face shape niya, yung lahat sakanya, lalo na yung boses niya..Pamilyar lahat.
Hindi ko napansing napatagal na pala ang pagtitig ko sakanya, nagising lang ako nong ngumisi siya. At biglang tumawa ang tao, tsk what a person talaga.
"Pogi ko noh, nako nako."Sabi niya sabay humalukipkip at ngisi.
Akala kung sinong gwapo,maputi lang naman.
Napa-irap nalang ako sakanya, hay nako.
"Krizelle kung magkakaroon ka ng crush saken, tigilan mo na, hindi kita magutustuhan pabalik." Sabi niya sabay ngisi nanaman.
Hindi ba siya titigil kakangisi?
"Anong sinasabi mo? Hindi kita magiging crush noh feelingero." Saad ko sabay halukipkip din.
"O edi pareho nanaman tayo,patas lang."
"Lakas din ng amats mo eh noh?may sira ka ba sa ulo?"
"Wala akong sira sa ulo pero sa dito meron."sabay turo niya sa puso niya.
"Ang corny mo, ang baduy, hindi porket nasaktan ka sa pagibig ay may sira ka na agad diyan no."
"Tanga mo din minsan eh no, di yun joke."
Pabulong ang pagkakasabi niya kaya hindi ko masyado marinig.
"Ha? di ko narinig masyado." Sabi ko sakanya, pano ba naman ang hina hina ng boses.
"Sabi ko tanga mo, at bingi."
"Ay wow grabe siya, di naman ako bingi ah at mas lalong di ako tang-" nahinto ako sa pagsasalita nang biglang may sumigaw ng napaka tinis habang sinasabi ang pangalan ko.
"Krizelle! krizelle! krizelle!" Rinig ko ang tili ni Monica habang nasa malayo palang siya,ano nanaman problema neto?
"Bakit anong nangyare?"
Bigla akong kinabahan. Huwag niyong sabihin na ipapa-office agad ako eh kabago-bago ko palang dito.
"Owemgeee! I'm so kilig kilig super!omg." at tumili tili siya na para bang kinikiliti. While me, left here hanging with a question mark in my head.
Naguguluhan man si Jay katulad ko ay nagtanong na din siya.
"Bakit anong nangyare?" Tanong ni Jay.
"Kase yung bebe ni Krizelle nandoon sa court naglalaro eh!" At tumili tili nanaman siya.
"B-bebe niya? what the,m-may boyfriend ka na?" Nauutal utal pa siya nang tanungin ako. But I was also in shock,
"May b-boyfriend na ako?"
"Oo tumingin ka sa likod mo." Excited na sabi ni Monica.
Pagkatalikod ko, nakita ko ang isang lalaking matangkad, moreno, gwapo, na nakasuot ng Jersey ng school.
"Hi krizelle..."
hinihingal pa siya habang nagsasalita. Galing basketball? And why is he in a hurry?
"H-hi? Sino ka? bat kilala mo ako?" Kinakabahan kong tanong.
"Your boyfriend."
At ngumisi siya, tumili naman si Monica
"ANO?!"
Nang tignan ko siya ay mukhang seryoso siya sa sinasabi niya kaya naman mas lalo akong nagfreakout.
"Monica anong? bakit? paano?"
"Ayieeeeeeee kayo na pala eh matagal na bat di mo sinabi ikaw pakipot ka pa ah." kinikilig na bulong ni Monica sa tenga ko,
Para matapos na ang kahibangan na ito ay humarap nako kay bf ko daw kuno at inaya siyang pumuntang rooftop.
"We need to talk."