Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 7 - chapter 5

Chapter 7 - chapter 5

"anong paguusapan natin? Girlfriend ko?"

"Abat ang lakas din ng tama mo,Sino nagsabing boyfriend kita ha? last time I checked single pa ako." paliwanag ko sakanya.

Nanatili lamang itong naka titig sakin kaya naman sinigawan ko ulit. Take note, unang beses ko pong manigaw ng hindi ko kakilala..paano ba naman kasi, boyfriend ko daw siya.

"Kailan nga? at bakit?" Nangigigil kong tanong.

"Seconds after you checked last time." sabay ngisi.

Abat namilosopo pa ang lalaki. Akmang magsasalita pa sana ako para bungangaan siya para itigil na itong kahibangan na ito nang bigla siyang tumikhim at nagsalita.

"Please I need your help, please please pleaseeee."

Huh? bat malamya tono nito? Wag mong sabihing...

"Bading ako sisteret!"

"Bakit?! paano?!" Di ko na napigilang sumigaw. Paanong malambot pala itong lalaking maskulado sa harap ko.

"Please help meeeeee, lately ko lang nalaman at napagtanto na pusong babae pala ako sis help me...magagalit sakin tatay ko pag nalaman niya to." pagmamaka-awa niya.

"Eh anong kinalaman ko don?bawal bang itago mo nalang?" Puno ng kuryusidad kong tanong.

"Yun na nga e pupunta sila dito bukas, lolo ko president ng school na ito so malamang pwedeng bumisita sina mom and dad."

"Eh anong gusto mong gawin ko?pretend to be your girlfriend? huh?" Tanong ko.

"That's it!"napakatinis naman ng boses nito. "magpapanggap ka na gf ko! just for two days please."

"Two days? bakit e bukas lang naman pupunta mga magulang mo?"

"Yung una yung ngayon, bukas yung pangalawa."

"Eh ano nalang sasabihin ng iba? na kadadating ko lang dito jowa agad hanap ko ganon? ayoko ayoko."feeling ko tuloy mapuputol na leeg ko kaka iling.

"Edi sabihin natin na dati palang tayo na, sige na please? Pagtapos ng acting naten sa harap nina dad sasabihin din natin agad na di totoo yun at ililibre kita! At hmm ano pa ba...irereto kita sa gusto mo!"

"Sige na nga sige na nga,basta tutuparin mo yan lahat ah. O siya babalik nako sa room." aalis na sana ako kaso hinigit niya bigla ang kamay ko.

"Bakit nanaman?"

"Sabay na tayo, at dapat umacting tayo ngayon,baka di sila maniwala."

Anak ka ng tatay mo.

At sabay na nga talaga kaming naglakad. Nang hanapin ko kung nasan si Jay kanina ay wala na siya doon.

"Hala nasaan na yon?"

"Sino? may problema ba?" Halata ang pagtataka sa mukha niya.

"Wala wala tara na."

Kung kanina ay sa siko niya ako hawak ay iba na ngayon, magkahawak kamay na kami. Napuno ng bulungan at gulat sa bawat dinaraanan namin, feeling ko nagiinit na ang pisngi ko.

Nakakahiya!

"Pwede naman siguro maglakad ng di magkahawak kamay?" Naiirita kong sabi, pero imbes na alisin ang magkahawak naming kamay ay bigla ko na lamang naramdaman ang kamay niya na mas lalo pang humigpit.

"Owemgeee!"

"Hala may gf na siya?"

"Sana ako nalanggg"

"Sino yung babae?nakakainis siya"

At magtuloy tuloy pa ang hiyawan at bulong bulungan nila. Kami ngayon ang center of attraction dito sa hallway, nakakahiya pero nung naalala kong acting nga lang pala Ito ay ayos nadin, aamin din naman kami pagkatapos eh. Wala naman sigurong mawawala pag sinubukan ko.

At nang makarating kame sa tapat ng classroom namin ay nagulat ako dahil natapos na pala ang meeting at nagsasalita na ang teacher sa harap. Dali dali akong pumasok sa loob, di alintana na nahagip ko na pala si Andrei.

"Ma'am sorry po late ako may emergency lang po." Sabi ko sakanila.

Nagulat ako sa reaksiyon nila, lahat sila nanlaki ang mga mata at ang iba pa ay nagsi takip ng bibig na para bang di makapaniwala sa nakikita nila.

"John Andrei. Mabuti naman at naka pasok ka na at magaling ka na."Sabi ng teacher namin.

Wait. Kaklase ko siya?

"Monmon paki kurot nga ako totoo ba itong nakikita ko? nasa harap ko ang crush ng bayan na si Andrei." tila lutang na sinabi ni Althea.

Tumango tango nalamang si Monica habang nanliliit pa ang mata na nakatingin sakin. Tsk, what a human!

Pansin kong di sila sa mukha ko nakatingin at nakatulala kaya naguguluhan ako. At bigla ko nalang naalala na magkahawak kamay parin pala kami ni Andrei!

Agad ko itong tinanggal at walang pasabi sabing tinulak si Andrei.

"Mali po kayo ng iniisip."

"Tama po ang iniisip niyo."

Agad akong napatingin kay Andrei ng dahil sa sinabi niya, salungat na salungat ng sakin.

-_-

"Huwag kayong maniwala sa kanya." sabay naming sabi. This guy is really getting into my nerves!

Napa pikit nalang ako sa inis,gusto ko man siyang masigawan ay di ko magawa dahil madaming tao.

"Mamaya na ang harot mga iho iha, makinig muna kayo." Sabi ng teacher namin.

At dahil naman sa sinabi niya ay nahiya ako ng kaunti. It's my first time na masabihan ng ganoon.

Nang makaupo ako sa upuan ko ay akala ko ay magtatanong at aasarin ako ni Kenneth pero hindi, tahimik ito at walang kibo, nakayuko lamang siya at seryosong magsusulat.

"San kayo galing." di ko alam kung tanong o banta ang lumabas sa bibig neto eh.

"Sa labas lang kanina saktong tinawag ako ni tita kanina, mamaya ko ieexplain lahat,komplikado eh basta di totoo yung mga nakikita mo."

Halatang naguguluhan si Kenneth kaya napa buga nalamang ako sa hangin at nakinig na sa harap.

Sabi ng teacher ay magkakaroon daw kami ng UN sa susunod na buwan at ang section namin ang bahala sa paggawa ng mga booths sa event, para daw mas masaya ay dapat may ganon.

"So hahatiin ko ang klase sa apat na grupo, bubunot kayo dito sa box at kung anong number ang nabunot ninyo ay iyon ang magiging grupo ninyo." Sabi ni ma'am ng seryoso.

Isa isa na kaming pumunta sa harap para bumunot ng papel na kung saan soon nakalagay kung kaninong grupo kami mapapabilang. Sana di ko kagrupo si Andrei naku mahirap na.

Nang oras na para pumunta sa mga kagrupo at magsimula na ng meeting para sa kung anong klaseng booth ang gagawin namin at kung sino sino ang ka-members namin ay hinanap ko na agad kung saan ako nakapabilang.

Nasapo ko nalang ang ulo ko nang makitang kagrupo ko sina Bench,  Kenneth, Jay, Andrei, Lila, at Althea.

"Yes nasa matalinong grupo ako ahah pabuhat nalang ha." Sabi ni Bench.

"Mukha mo pabuhat." Sabat ni Lila sakanya. Si Lila ay ang may pagka tomboy dito sa room, boyish at siga kasi ang isang to, pero in fairness maganda siyang babae.

"Baka gwapo ahah." Ngising sabi ni Bench. "Eww never." Sabay na sabi ni Althea at Lila na para bang nandidiri at umakto pa silang nasusuka,

"Mamaya na ang ganyan pagusapan muna natin ang gagawin natin para sa event." seryosong sabi ni Kenneth. Wow seryoso pala siya sa pagaaral, akala ko siya yung tipo ng taong walang pake sa kinabukasan.

"Anong theme o klase ng booth ang gusto niyo ba?" Panimula niya.

"Diba about United Nations ang event?pano naman tayo gagawa ng booth na bagay sa event." Sabi ni Althea.

"Pwede tayong magtinda ng pagkain at inumin doon."

"Magandang idea sana kaso nakuha na ng kabilang team, nasabi na nila eh."Sabi naman ni Andrei, naku buti at di ito gumagawa ng eksena ngayon.

"Gawa tayo ng booth kung saan related sa uso ngayon." seryoso na sabi ni Lila.

"Which is about love, tulad ng kung anong meron kami ni Krizelle ngayon."

At doon natigil ang lahat..

1

2

3

"Ayieeeeeeee."

"Sana all!"

"Hoy meeting daw di dating."

"Fafa bat may jowa ka naa,ako nalang"

Napuno ng hiyawan ang klase at nakita kong tumayo mula sa kinauupuan si Andrei at lumapit sa akin. Pagkatapos ay yinakap niya ako.

"H-hoy anong ginagawa mo."

"Shh wag ka nang makulit nandiyan si dad sa likod."

At kinabahan ako bigla, magsisimula na ang actingan. Bakit po may acting acting..hindi naman ako nagaudition sa star magic.Basta bahala na.