Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 8 - chapter 6

Chapter 8 - chapter 6

"shh wag ka maingay nandiyan si dad sa likod."

Agad nanlamig ang mga kamay ko,di ako prepared sa gagawin namin. Sana kainin nalang ako ng lupa ngayon na din.

"Oh nandiyan ka pala dad I want you to meet krizelle."

Hinawakan ako ni Andrei sa balikat at idinikit papalapit sakanya. Nanlalamig na rin ang kamay niya, kinakabahan din ang pasimuno.

"Hi there pretty lady is it okay kung hihiramin ko muna ang anak ko sayo?" Tanong sakin ng papa ni Andrei.

"Umm o-opo naman sige po." di ko alam kung bakit nauutal ako ngayon, mukha namang mabait ang tatay nitong lalaki I mean babae ay hindi pala. Binabae pala.

At tumango naman si Andrei sa akin bago sumunod sa dad niya na nasa may pintuan na. Pero kinabahan ako at nagulat ng biglang bumalik siya at may sinabi.

"It's nice meeting you by the way."

Mabait naman pala itong tatay ni bakla, eh kung umamin nalang sana siya edi hindi mahirap.

Dahil kinakabahan ako kanina at patuloy ang pagaasar ng mga kaklase ko sakin, sinabi ko sakanilang wala lang yung lahat.

Napagdesisyunan kong pumunta munang cr.

Tabi ng comfort rooms ng babae at lalaki ang isang bakanteng pwesto, dito madalas nakatambay ang iba dahil dito ay tapat ng isa sa malaking salamin ng school.

Nang papalakad nako papasok sa pintuan papuntang cr ay nakaramdam ako ng kakaiba sa may gilid, iyon ang tambayan. Nang makalakad ako malapit doon ay naaninag ko na ang salamin na malaki, at doon naging malinaw ang lahat sa akin.

Nabisto ang pagpapanggap namin ni Andrei at nandon siya ngayon sa tapat ng tatay niya na pinagdududuro siya, Kita ko sila dahil hagip sila ng na-reflect ng malaking salamin. Kitang kita sa mga mata ng tatay ni Andrei ang galit, salungat sa nakita ko kanina nung nasa harap ko siya. Awang awa na ako kay Andrei, gusto ko na siyang tulungan kaso baka pati ako madamay.

"Wala.akong.anak.na bading."

Yan ang mga katagang iniwanan ng tatay ni Andrei bago siya neto hampasin sa mukha ng napakalakas, nagdugo ang gilid ng labi ni Andrei at lumakas lalo ang pagiyak niya. Nakakalungkot dahil hindi ko kayang umapela at walang sinoman ang nakakakita sakanila, nasa klase kase ang lahat.

"I'm so sorry Dad ....Hindi ko po sinasadya-"

At bigla nanaman siyang sinampal ng dad niya, namantsahan na ang kwelyo ng uniform ni Andrei at nagdurugo na ang ilong neto.

"Patawad po...huwag niyo na akong saktan tama na please..papa tama na....tulong."

Yan ang mga salitang binitawan ni Andrei na nagpanikip ng dibdib ko. Dali dali akong pumunta sa isang cubicle sa loob ng restroom ng mga babae at nagkulong doon. Sapo sapo ko ang dibdib ko na napaka-bilis ng tibok at nagsimulang umagos ang mga luha ko mula sa mata ko. At biglang may alaalang pumasok sa isipan ko..isang alaalang hinding hindi ko malilimutan.

Mga pula at bughaw na kulay.

Tunog ng sirena ng ambulansya.

Sigawan at ingay ng mga tao.

Iyon ang nakikita ko ngayon,nasa gilid na ako ng kalsada at nakita ko ang bisekleta ko na basag basag na at puno ng dugo, nanlalabo man ang mata ko ay nagawa ko pading pagmasdan ang mga nangyayare sa paligid.

Hindi ko magalaw ang buong katawan ko at puno na ng dugo ang buong mukha ko,gusto ko pang lumaban...ang kapatid ko at nanay ko naghihintay pa sakin...gusto ko pang mabuhay.

Madami pa ang mga sugatan at binibigyan ng first aid kit ng mga residente at ang iba ay hindi pa naisasakay sa ambulansya at mayroon ding hindi pa napapansin...Isa na ako doon dahil medyo tago ako sa pwesto ko at wala talagang nakakakita.

"T-tul-ong."

Ginawa ko na ang lahat para lakasan ang boses ko pero wala padin talagang nakakarinig sa akin.

"T-tulong p-po." paguulit ko, nagbabaka sakaling may makarinig na.

"May nasusunog na building!kaylangan ng rescuers, ambulansya at bumbero tumulong ang kayang tumulong!"

At mas lalong naghiyawan at nagingay ang paligid, wala pading nakakapansin sa akin.

Papikit na sana ako nang may tumapik sa pisnge ko, at bumungad sakin ang mukha ng isang binata.

"Huwag kang matutulog kung gusto mo pang mabuhay."maowtoridad niyang sabi at dahil nais ko pang mabuhay ay sinunod ko ito.

"G-gusto ko p-pang m-mabuhay." Sabi ko sa napakahinang boses.

Nakita kong tinanggal niya ang polo niya at ginawa iyong pantapal sa tagiliran kong natusok ng bakal na galing sa truck.

Napapikit na lang ako sa sakit at napa luha.

"A-ayaw ko p-pang m-mamatay tulungan m-mo ako." Sabi ko sakanya.

Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay dahil ang Isa ay ginagamit niya pantapal sa tagiliran ko. Nabahidan nadin ang kamay niya ng mga dugo na nasa kamay ko, hawak hawak niya ang kamay ko ng mahigpit at dahil sa simpleng bagay na iyon ay naibsan ang takot ko.

Napansin kong napatagal na pala ang pagiyak ko dahil anong oras na, free time para sa project na gagawin namin. Ngayon hindi ko na alam kung paano matatago itong pamamaga at pamumula ng mga mata ko.

Buti nalang at nang paglabas ko ay walang masyadong estudyante, agad akong dumeretso sa may malaking salamin para manalamin dahil nakalimutan ko sa cr dahil sa takot na baka may tao.

Nang sinilip ko ang mata ko salamin ay nasapo ko nalamang ang ulo ko at umiling. Paano ko ito ngayon itatago?

"What a life," Sabi ko out of frustration.

"Iiyak iyak tapos di alam itago ang proweba sa pagiyak, naku tsk sabihin pa nila pinaiyak kita." Nang tumalikod ako ay nakita ko si Andrei, halatang malungkot ito pero ang mga pasa at sugat sa mata niya ay wala na.

"Oh eto concealer." Sabi niya sabay hagis ng tube ng concealer.

Agad ko naman iyong kinuha at pinahid sa mata ko gamit ang hintuturo.

Nang matapos ay binalik ko na din ito sakanya at humarap dito.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Ikaw ang dapat tinatanong niyan,ayos ka lang?

"Oo, ang ayos nga ng katawan ko eh.im perfectly fine Krizelle." Sabi niya.

"Physically yes but mentally and emotionally no." Nagtaas ako ng kilay.

"Eh ikaw? are you mentally and emotionally okay and healed?"

Aminin ko "No and I think I will never be."

Bigla siyang napahinto at agad lumapit sakin at niyakap ako.

"Wala itong malisya ah, pusong babae ako wag ka baka machugi kita diyan." Sabi niya habang nakayakap saken.

"They say people need eight hugs a day so thank you you gave me one." Sabi ko sakanya at yumakap pabalik.

"You're always welcome, at dahil physically, mentally, and emotionally not okay tayo edi hug nalang tayo."

"By the way bat ka padin pinagalitan kahit na sinabi mo naman na may girlfriend ka?" Sabi ko sabay kalas sa yakap namin.

"Nakita niya yung makeups at dresses ko sa kwarto, Kaya pala napa aga ang bisita dito. Pero ayos lang naman eh, tanggap ko na never niya akong tatanggapin."

"Ayos ka lang ba talaga? Andito lang ako if you need help."

"Nah I'm fine, hanggang sa natitiis ko pa kakayanin ko." He smiled.

"Why is our life seems so black and gray? why do we need to suffer and why is it like sa dinami dami ng taong bibigyan ng problema ng Diyos ako pa, tayo pa." Sabi ko out of curiosity.

"I wish I could lessen the pain you are feeling right now but sorry I can't. But don't worry girl I promise to you and to myself that after I fix myself I will try to fix you too." Sabi ni Andrei at ngiti.

"Mauna na ako sa room, oh ikaw di ka pa papasok? hinihintay na tayo oh." tanong niya.

"Nope, mamaya nalang akyat muna akong rooftop magpapahangin."

"Ah okay bye, balik ka agad ha."Sabi niya habang kumakaway kaway pa.

Nang maka akyat na sa rooftop ng school, nakita ko si Jay na nandon at nakatanaw sa malayo. Aalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag.

"Wag kang umalis, dito ka muna." At ngumiti nanaman siya ng pagka-lakilaki.

Sinunod ko na lang siya ngunit di padin nagsasalita, I was so tired of everything.

"Kahit itago mo yang namamaga mong mata, makikita at makikita padin yan. Parang pagtatago mo ng sarili mong nararamdaman, tinatago mo pero may makakahalata paden." Sabi niya habang nakatingin sa may view ng buong city.

My eyes grew wide, "What do you know? anong alam mo? Malay mo mali pala yang akala mo tapos kung ano ano sinasabi mo."

"Oo naman, lahat ng akala ay mali. Dapat sa bawat salita na binibigkas ng isang tao ay seryoso at may kasiguraduhan." He explained.

"Oh alam mo naman pala eh."

"Pero itong sinasabi ko ngayon hindi akala, I'm sure of it." I was strucked by his words, how come he knew I was this kind of emo?

"Paano ka nakasisigurado ha? Paano mo naman nasabi." tanong ko sakanya, what if alam niya talagang may kulang sa pagkatao ko na hindi ko napapakita sa mga tao, sa mundo.

"Mr. Grade 10..." Tinuro ko siya

."sometimes kaylangan ng proof ng isang tao para masabing 'oo tama ang hinala ko', nakikita mo ba akong malungkot? Oh is it about that day,when you saw me cry, sorry about that it was just nothing.."my heart clenched.

"I am a happy and contended for what I am and for what I have, see hindi naman ako-"

"Yes you seem very happy everytime you talk and smile to the crowd but when I look into your eyes, all I see was sadness, pain and sorrow." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Natigilan ako, I didn't expect him na mapansin ito, sa ilang beses na tinatago ko ito ngayon lang ako nabisto. Tipong hindi ko inamin pero siya nahalata niya.

"Ms.grade ten.."

"I have a name."pagputol ko sa sinabi niya.

"Then bakit mr. Grade 10 tawag mo sa akin? bat pag ikaw pwede ako hindi?" Jayrome said,

"It says in your nametag, look." at hinampas ko ang nametag niyang may grade ten na nakalagay.

"Ay." Sabi niya at napakamot sa batok. At inalis niya ang nametag niya.

Ano ba talagang alam nitong lalaking to? Bakit alam niyang hindi ako okay? Isa din ba siya sa milyong taong katulad ko? Na nagsusuffer ng depression.

"Kung may away man kayo ng jowa mo ayusin niyo na agad agad, di maganda sa relasyon ang ganyan naku naku tsk." Sabi niya sabay iling.

It took me seconds to realize, na ang inaakala niyang problema ko ay boyfriend?

"Sira ka ba?!" Napalakas talaga ang pagkakasabi ko, sinadya ko iyon. Akala ko kasi nabisto na niya ako pero di pa pala, should I be happy kase it's still my secret or not because wala pading nakakapansin.

"Sira ka din! nakalunok ka ba ng mic ha!ansakit sa tenga." Sabi niya sabay palo Palo sa tenga niya.

"Eh kasi wala naman akong boyfriend, so how come at mag-aaway kami kung wala naman akong aawayun, paanong magaaway? ha!"

Nagtakip ulit siya ng tenga. "Aray ansakit sa eardrums argh! anong wala eh ano yung kanina ha?"

"It was just an act haha, di ko nga alam kung bakit ako pumayag, naawa ako eh." Sabi ko.

"Act? sinong pinagloloko mo ako?" At ngumisi ang sira.

"Mukha ba akong magloloko? I won't fall in love again, over my dead body." Sabi ko.

We stopped from talking, there's only silence. I tried to think of any topic, suddenly, a thought came into my mind.

"bakit ka pala nagchat ng kung anong oras ako papasok? ano trip mo?" It was the only thing that came across my mind, ang pagsend ng request message.

"Ano kase eh...umm ano."

"Ano?" I said, waiting for his answer.

"Wrong send yon! oo mali yung napagsendan ko oo yun yon sige bye." At bigla siyang umalis sa harapan ko at tumakbo pababa.

Weird.

"Weirdo!"

Sigaw ko sakanya bago pa man siya tuluyang makababa. Ang weird weird niyang nilalang. Ibang klase ka talaga Jay, I hope I can know you more..