Chereads / THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

" Maligayang pag-apak sa mundong ito," the voice said.

It's a girl!

"W-who are you?" Sabi ko ngunit walang sumagot.

"Sino ka?"  Tanong ko ulit.

Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala talagang tao maliban nalanv saming dalawa ng lalaking nasa gilid ko na kanina pa nakatingin sa'kin.

"Ako ang pinakamataas na tao sa paraisong ito.."

Pake ko sa kaniya?

"And then?" Taas kilay kong saad kahit hindi ko siya nakikita.

"Nanggaling ako sa sinaunang tao... At gusto kong respetuhin mo ako," she said.

Naigulong ko na lang ang mga mata ko dahil sa kaek-ekan niya. So meaning, ang tanda na niya? Over 21st century na ngayon. Edi wao sa kaniya.

"So?" Walang gana kong saad.

"Minumura mo ba ako? Babae?" Ay wow!

"She didn't understand english," Bulong ng katabi ko.

Ay, bobo lang?

"Ngayon, gusto mo bang malaman kung nasaan ka at kung patay ka na ba?" Sambit niya sa akin.

Tumango lang ako. Kailangan ko pa rin siyang respituhin dahil mas nakatatanda siya sa'kin.

**

Tinanaw ko ang magandang kalangitan sa paraisong ito habang nakahiga sa damuhan.

Ang ganda talaga dito.

Pagkatapos pala ng pagpunta ng palasyo namin kanina ay dumeretso na ako dito. Hindi ko kasi maiwasang isipin 'yong mga sinasabi sa'kin kanina no'ng babae.

"Ikaw ay natutulog sa isang pagamutan"

May pinakita pa siyang isang portal--ngunit hindi iyon ordinaryong portal lang, nakikita ko ang sarili ko ro'n na natutulog sa isang hospital bed.

Sinabihan niya rin ako na si Zeus na raw ang bahala sa'kin sa paraisong 'to.

'So his name is Zeus'

Pero hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit nandito ako sa paraisong 'to at kung anong gagawin ko rito--hindi kasi sinabi nong matandang 'yon. Aish!

But yeah, I am thankful pa rin dahil nandito ako at hindi pa ako patay, she also said na magigising pa na man daw ako pero walang eksaktong oras, araw o taon.

Habang tinatanaw at ninanamnam ko ang hangin, narinig ko ang iilang mga yapak.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil alam kong siya na naman 'to. Honestly? Parang buntot ko na rin 'tong lalaking to.

"Nandito ka lang pala, lady"

Iyan na naman siya sa lady-lady na yan. Lady niya mukha niya.

"Ano?"

"Ay sungit!"

"Nako! H'wag kang malapit-lapit sa'kin dahil baka matadyakan kita ng wala sa oras," nagkunwari pa akong nas-stress na sa kaniya.

"Pft.."

Ayan na naman siya sa tawa niyang mukhang butiki. Seriously? Ang ganda ng pangalan kaso ang butiki ng tawa.

"Mag-hahapon na!  Tara na sa palasyo at magpahinga"

Akmang ilalahad niya ang kamay niya ngunit tumayo na ako ng ako lang mag-isa. Wala akong pake sa kaniya at kailanman hindi ako magkakaroon ng pake sa kaniya! Taga niyo yan sa pekpek niyo, charot.

"Hoy! Wala bang motor dito? Like dzuh! Ang   hirap kaya tsaka nakakatamad 'pag naglalakad ka lang," Sabi ko dahil tinatamad na akong maglakad.

"Lady, hindi ito kagaya sa mundong kinasayanan mo, paraiso ito." Saad niya.

Hays. Sa susunod talaga pag makabalik ako dito dadalhin ko yong kotse ko.

Kung madadala.

"You're the only human who entered this world,"

Napahinto ako ng sabihin niya 'yan. Tiningnan ko siya sa mga mata at naghahanap kung anong idudugtong niya ngunit patuloy lang siya sa paglalakad.

Tumakbo ako para magkapantay kami at sinabayan ko siyang maglakad.

"Ako? Ako lang? H-how come?" Nagtataka kong saad sa kaniya.

"Did your grandmother told you a story

paradise?" Biglaan niyang sabi na nakapagpahinto sa'kin.

Eh? Honestly, hindi eh kasi no'ng ipinanganak ako ay hindi kami nasa iisang bubong. Nasa visayas sila, while nasa luzon naman kami. At ang unang kita ko sa kaniya ay no'ng namatay pa siya.

"Ahh nothing, nevermind.." turan niya at inunahan na akong maglakad.

Ano kayang meron? Hmmm.

Maya-maya'y nasa palasyo na pala kami. Pumunta na kami sa hapag at kumain na.

Iginaya ako ni zeus kung saan ang magiging kwarto ko at kung ano-ano pang dapat kong malaman.

Nasa higaan na ako ngayon, at hindi parin matanggal sa isip ko kung bakit at pano ako narito. Miss ko na sila mom and dad, sana hindi sila nag-aalala ng maayos. Hays

Oh sige na! Matutulog na ako at ihahanda ko pa ang sarili ko sa kung ano mag pwede mangyari sa'kin sa sumunod na mga araw.

--

♥️♥️

Good day! This is my first ever story on webnovel ! And I'm hoping for your full-support. And I' am open for criticism.

This story contains vulgar situation and profanities. Please do vote and comment every chapter for your opinion ♥️

Plagiarism is a crime.