Chereads / THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 9:happenings

_______________________

Maaga akong nagising dahil na rin sa lakas ng ulan. Akala ko wala ng ulan dito sa paraisong 'to, ngunit nagkamali pala ako.

Wala naman akong gagawin ngayon pwera na lang na pupunta ako sa lugar na 'yon. Kahapon kasi, habang kumakain kami ng pandesal ni zeus ay may isang lalaking lumapit sa'kin at nagbigay ng rosas at sulat.

Binasa ko ang sulat.

'meet me at  champyere, lady'

Gano'n na lang ang gulat ko na ito ang pinagbabawal na lugar. Hindi 'to alam ni zeus dahil hindi naman niya nakita 'yon habang binibigay 'to sa'kin. Hindi ko nga rin alam kung bakit pinagbabawal tong lugar na'to.

Nagdadalawang isip akong pumunta.

Hanggang sa maya-maya'y napatingin na lang ako sa kawalan.

'I miss you, mom and dad'

Naging sambit ko sa hangin. Miss ko na sila. Anong araw na kaya ngayon? O diya kaya'y linggo? Edi buwan? O anong taon na kaya ngayon?

Sana hindi pa nila ako nakakalimutan. Gusto ko nang umuwi sa'min at humingi ng sorry kina mom and dad sa lahat ng naging nagawa ko ngunit alam kong imposible 'yon.

Hays.

But to tell you honestly, nang makaapak ako sa mundong ito. I don't feel any strange para bang komportable ako rito at ilang taon na akong pabalik-balik rito.

Amp! Imposible naman ata 'yon.

Maya-maya'y hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako dahil na rin siguro sa dami ng iniisip ko, naalimpungatan lang ako ng may maramdaman akong dalawang pares ng mata na kaninan pa ako tinitigan.

Pansin ko lang nitonng mga nagdaang-araw ah, naging malakas ang nararamdaman ko 'pag may tao sa paligid ko. At nakakabasa na rin ako ng isip ng isang tao. Ano kayang susunod nito? Hmmm.

Nabalik ako sa katinuan ko ng  biglang bumukas ang pintuan.

"Looks like you're over thinking, again." He said. 

Napairap na lang ako sa kawalan dahil binabasa na naman niya ang isip ko.

"Bakit ka 'ba nandito?" Walang gana kong saad sa kaniya.

Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay napadako ang mga mata niya sa pulang rosas at sulat na nasa lamesa ko. Tuloy-tuloy siyang pumasok at binasa ito habang nakakunot ang nuo niya.

Welcome sa kwarto ko? Tss.

"H'wag na wag kang pupunta ro'n, alexandria!"

Nabigla ako sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. Kita ko ang takot sa mga mata niya. Takot sa maaring mangyari.

'bakit? Ano ba talagang meron do'n?'

Kuryoso kong tanong, at buti na lang hindi niya nabasa ang isip ko dahil hinigpitan ko ang paka-kalocked nito.

Tumingin siya sa'kin ng matalim at maya-maya'y kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Ayos ka lang?" Saad niya na nakapagpagulo sa'kin.

"B-bakit---"

Hindi ko na  natuloy  sinasabi ko dahil ramdam ko rin 'yon.

Ramdam kong nag-iba ang kulay ng mga mata ko. Naging puti ang lahat.

"B-b-bakit?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako kay zeus at gano'n na lang ang gulat ko ng makitang nanlalaki rin ang mga mata niya.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto habang ako ay nakanganga lang sa kwarto ko. Maya-maya'y ramdam kong huminto na ang pagputi ng mga mata ko.

Sinampal ko ang sarili ko para magising ako.

'jusko! Simula nang umapak ako sa mundong to, maraming mga bagay na ang nangyayari sa'kin'

Sabi ko sa isip ko. Hays! Siguro kulang lang ako sa tulog kaya matutulog na lang ulit ako baka sakaling pag-gising ko ay panaginip lang ang lahat ng ito.

To be continued.....