Chereads / THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS / Chapter 15 - CHAPTER 14

Chapter 15 - CHAPTER 14

Chapter 14: treshants

________________________

ALEX P.O.V

Dali-dali na akong tumakbo ng maramdaman ko ang malakas na presensya na papalapit sa gawi namin ni alexandria . Kaya dali-dali na rin akong nagpaalam sa kaniya.

Honestly, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng maramdaman ko ang presensya ng babaeng 'yon.

she reminds me of someone.

Napailing na lang ako habang naglalakad papunta sa headquarter namin Tago lang 'to dahil lahat ng nakasasalamuha naming tao ay pasekreto naming trintraydor dahil alam naman nating lahat na ang emperor ang namamahala sa paraiso at hindi kami sang-ayon ron.

Tiningnan ko muna ang paligid ko kung may nakasunod ba sakin, nakahinga ako ng maluwag ng masigurong wala. Umakyat na ako sa puno at agad pinindot ang maliit na dot na nagsisilbing entrance namin.

Bumukas na ang pintuan at agad kong nasalubong ang aming basement na tahimik. Alam ko na kung anong ginagawa nila.

"Yow! Kamusta lakad natin?" Sambit ni jethro

"Lakad lang, walang kayo!" Atungal naman ni Axel.

Napailing na lang ako sa kaingayan nilang dalawa. Tumingin ako at napabuntong hininga ng makitang natutulog na naman si Jed.

"Okay naman, Magluluto muna ako."

Saad ko at pumunta na sa kusina upang

magluto.

Habang nagluluto ako ay bumabalik sa'kin ang ala-ala niya. Nangungulila na ako sa presensya niya .

'Empress, bumalik ka na' Sambit ko sa isip ko at Inihain na ang niluto ko.

"Kainan na!" Anunsyo ko sa kanilang lahat kaya agad silang pumunta sa hapag.

"Alex, kamusta pala ang pag-dalaw mo sa bayan?" Tanong ni jethro sa kalagitnaan ng aming pagkain.

"Okay naman," Walang gana kong saad.

"Ano? Pagpapatuloy ba na'tin to?" Huminto kami sa pagkain lahat ng marinig namin ang sinsabi ni jed.

Napaisip na rin ako.

Sa totoo lang, we're searching for our impress. Kami ang mga treshants niya.

Ako- treshants of adventure. Kaya ako palagi ang naglalakbay saming apat.

jed- treshants of peace, kaya palagi siyang tulog.

jethro- treshants of joy kaya palaging masaya.

axel- treshants of love. Mapagmahal ang isang 'yan.

"Nawawalan ako ng pag-asa--"

Hindi naituloy ang ni jethro ang sasabihin niya

dahil bigla kong hinampas ng malakas ang lamesa.

"Walang mawawalan ng pag-asa! Tayo ang tagapaglingkod ng empress kaya walang mawawalan ng pag-asa. Hahanapin na'tin siya sa ayaw at sa gusto niyo. " Seryoso kong saad at nagpatuloy na sa pagkain.

'Alam kong nasa paligid ka lang, impress..' Saad ko sa isip ko.

--

SOMEONE's P.O.V

"Emperor, Wala pa po siyang ginagawa na nakakaduda ."

Ani ng isa sa mga treshant ko. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig ko. tss, palagi na lang !

By the way, Ang mga treshant ay ang mga taong dapat maglingkod sa mga nakatataas--ang emperor.

He's my treshant of information.

"Call your other treshants at bantayan niyo ang bawat galaw niya." I said and heaved a deep sighed.

Pagkaraan ng ilang saglit ay naramdaman kong umalis na siya kaya napa-basag na lang ako ng mga gamit na makikita ko.

"I know it's you. Awra mo pa lang at presensya mo pa lang ay umaabot na rito."

Tumawa ako ng pagkalakas-lakas na dumadagundong pa sa buong kapaligiran.

'Tell me your secret, lady..' Saad ko sa isip ko sabay ngiti ng nakakaloko.

Hindi na'ko makapag-hintay na harapin ka sa lalong madaling panahon. Marami na'kong naipon na lakas at sa tingin ko'y sapat na'yon para kalabanin ka.

Kung natalo mo'ko sa mahigit ilang siglo ay hindi mo'ko matatalo sa huling hidwaan na'tin.

'Better prepare yourself, empress..'

TO BE CONTINUED...