Chereads / THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS / Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 12:his eyes

______________________________

Nagising ako habol-habol ang hininga at tagaktak ang pawis sa'king nuo.

Hindi ko maatim na balikan ang mga nasa panaginip ko. The unfamiliar feeling, the war,the unfamiliar me.

"Okay ka na'ba?" tanong ng lalaki sa tabi ko.

Zeus.

Lumayo ako sa kaniya dahil ang lakas -lakas ng kabog ng dibdib ko. At tulad ng nararamdaman ko kanina ay parang may paru-paro sa tiyan ko.

tae, ano ba'tong mga to!?

"Tinatanong ko kung ayos ka lang, wala akong sinabing titigan mo'ko!" He said kaya pinaypayan ko na lang ang sarili ko dahil ang init.

"Teka, Tapos na ba ang salo-salo?" Tanong ko kay zeus ngunit umiling lang siya.

Mag-uumaga na ah?

"Ano pa lang nangyari sa'kin kanina? Sinong nagdala sa'kin dito?" Agaran kong tanong.

Nanayo na naman ang mga balahibo ko kung anong nakita ko kanina. Bukod kasi sa abo niyang mata, No'ng papasara na ang mata ko ay may nakita akong isang tao di kalayuan sa'min. Para bang matagal-tagal na niya kaming pinagmamasdan simula pa lang no'ng nagsimula ang salo-salo.

"Ayon! Pinagkaguluhan ka nila. Kaya kinuha kita at kinarga para dalhin kita rito sa palasyo, Pinatawag ko na rin iyong manggagamot." Mahabang litanya niya.

"Ano namang sabi ng manggagamot?"

"Kulang ka lang daw sa pahinga at kailangan rin daw na h'wag kang masyadong nag-iisip ng kung ano-ano," He said kaya napatango na lang ako.

Pero agad ring nagbago ang timpla ng mukha ko nang may napagtanto ako. Kulang sa pahinga? Eh palagi naman akong natutulog. Wala na nga akong magawa sa palasyong 'to kundi matulog.

Ipinagpasawalang-bahala ko na lang 'yon.

"Ikaw? hindi ka pa ba matutulog? Alam kong puyat ka. Kailangan mo rin ng saktong tulog,"

Ngumiti lang siya sa'kin at nagsaludo na parang tanga, sinasabing kaya niya ang sarili niya.

"Okay, matutulog ulit ako inaantok pa'ko" Saad ko.

Tumayo na siya at akmang aalis na ng may sinabi siyang hindi ko narinig dahil unti-unti ng sumasara ang mata ko.

ZEUS P.O.V

"Sana hindi ikaw 'yon" Pabulong kong saad at umalis na sa kwarto niya.

Alam kong hindi niya 'yon narinig dahil tuluyan na siyang nilamon ng antok.

Nandito na ako ngayon sa nais kong puntahan. The forbidden place.

'Chambyere..'

"Anong kailangan niyo sa kaniya, blacks?"

I shouted.

I know that the one who sent her that letter ay ang mga blacks. Blacks are the people who lived here at the chambyere. Naging forbidden ito ng dahil sa kanila, dahil sa matutulis nilang kuku, malaking mukha at balat kabayo. They are like wolves but they are more than that. They are merciless, nag-aanyong tao rin sila.

Kung sa tingin niyo ay ang paraiso ay puro maganda. Tingnan niyo lang. Ang tao ngan'g may magandang gawain ay may tinatagong demonyo, Ang paraiso pa kayang 'to?

We are angels, but sometimes we are devils.

Maya-maya'y nakarinig ako ng mga alulong na palatandaan na nandito lang sila sa paligid.

"Ano bang pake mo sa kaniya? She's just a human," Iniluwa ang isang lalaki.

"Alam mo naman siguro kung sinong kaharap mo, diba alexard?" I said in a low voice.

He kneeled in front of me na naging dahilan kung bakit ako napangiti.

You better know who you messed up with. Baka hindi mo alam, mas nakatataas pa pala ito sa'yo.

"It's just that, nakikita lang namin na palagi siyang umaaligid sa'yo. And we all know na dapat walang gagawa niyan," He said pagkatapos niyang yumuko.

Tumango lang ako sa kanila at saka umalis na. Pero sa kalagitnaan ng paghakbang ko ay napahinto ako ng may nakalimutan akong sabihin sa kanila.

Humarap ulit ako at sumigaw...

"Don't touch her! Hindi pa natin alam kung ordinaryong tao ba talaga ang babaeng 'yon!"

At patuloy na ako sa paglalakad.

As i said that, parang may mabigat na nakadagan sa puso ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko ngunit pinilit ko pa rin itong sabihin.

'Stop your heart, zeus..'

TO BE CONTINUED..