chapter 11:Empress and emperor
____________________________
"Ano ha? May nakita ka ba ha?!" Saad ko kay zeus dahil sa nangyari kanina.
buset! Akala ko kasi talaga ay wala na siya sa loob kaya ayon. Sanay na man na kasi akong walang dalang tuwalya at ibalandara ang katawan ko sa kwarto ko dahil sanay akong walang tao.
jusko alexandria! dapat ka na talagang masanay.
"Sorry naaaaa! Amp!" Saad niya.
Kanina ko pa kasi siya sinasapak dahil do'n at tinatanong kung may nakita ba siya.
"Basta pag may sinabihan ka kung anong nakita mo kanina, hindi lang sapak aabutin mo sa'kin, kuha mo?" I said as I rolled my eyes on him.
Pagkatapos no'n ay lumabas na ako at pumunta sa hapag para kumain.
"By the way, lady. Kailangan nating pumunta sa bayan mamaya dahil may salo-salo," He said at agad ko naman siyang timanguan.
--
ALICE P.O.V
It's been a year.
It's been a year since nangyari yon sa anak ko. Papunta pala kami ngayon sa hospital para bisitahin siya.
Habang nasa kotse ako ay hindi ko maiwasang igala ang mga mata ko sa kabahayan na nakikita ko.
May mga pasabog, torotot at kung ano-ano pa para ipagdiriwang ang araw na'to.
'' I know how you miss her, hon. I miss her too''
Biglaang sambit ng asawa ko sabay kuha ng kamay ko.
'miss na miss na kita, anak ko' Saad ko sa isip ko.
Bumaba na kami ng kotse ng nasa tapat na kami ng hospital.
"Happy new year, maam! sir!" Masayang saad ng nurse sa'min.
Sana gano'n nalang ang buhay no? Sana puro saya lang. Pero hindi eh, may sakit na darating talaga.
"Anak, nandito na kami ng papa mo." wika ko pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya.
Pumunta ako sa bed niya at hinagkan siya. Mahal na mahal ko ang anak ko kahit ganito.
Kahit na feeling ko, kukunin na ako anytime. Honeslty, Hindi pagme-merge lang ang dahilan kaya gusto kong mapakasal siya kay jake. May sakit kasi ako kaya gusto kong doon na siya sa lalaking mamahalin talaga siya ng buong-buo 'pag wala na ako.
"Happy new year, alexandria. Happy birthday!" Masaya ngunit may pait naming saad ng daddy niya sa kaniya.
Kung nasa'n ka man ngayon anak, Sana masaya ka. Kahit na ilang libong taon ka pang matutulog sa hospital na'to, hinding-hindi ko kukunin ang tubong nakakabit sa'yo.
Basta, gumising ka lang.
---
ALEXANDRIA's P.O.V
Nandito na kami ngayon sa bayan, at masasabi kong ang saya-saya ng mga tao rito. Lahat sila nakangiti at para bang walang mga problema.
"Ahh zeus, matanong ko nga lang.." bulong kong saad sa lalaking katabi ko na kanina pa tingin ng tingin sa paligid na para bang hindi mapakali.
"Ano?"
"Ano ba'ng ipinagdiriwang ng bayan?" Tanong ko.
"Ahh ngayong araw kasing ito ang kaarawan ng pinakamamahal na impress ng paraiso." Sambit niya.
"Ahh, ba't hindi ko nakikita ang impress?" Kuryoso kong tanong. Saglit siyang napahinto sa tanong ko.
"Hinahanap pa namin siya," wika niya na nakapagpakunot-ng nuo ko.
huh?
"ha? I mean, ba't niyo siya hinahanap?" Nagtataka kong tanong kaya natuon na ang buong atensiyon niya sa'kin.
"Ganito kasi 'yan. Kaming lahat dito ay hindi namamatay. Nasa pang-apat na circle pa rin kami, meaning second to the last ng stage ng totoong mga namatay. So meaning, pag nasa panlima ka na, patay ka na talaga. Hindi kami namamatay sa sakit. Pero namamatay kami sa isang bagay..."
"kutsilyo."
Natigilan ako sa sinasabi niya pero pinagpatuloy niya parin ang estorya.
"Sa gitnang bahagi ng paraisong ito, doon naninirahan ang emperor, pati narin ang empress. Pero, nakatadhana silang magpatayan. Ang emperor at impress ay paulit-ulit na nabubuhay pagkatapos nilang mamatay. Ngunit ito na ang huli nilang hidwaan, Kung sino ang mabubuhay ay siyang mamumuno sa buong paraiso. at kung sinong mamatay ay siyang maging alipin sa pang-limang circle sa itaas. Magiging alipin ng mga patay. Hindi pa man nahahanap ang impress kaya, ang emperor muna ang namamahala sa buong paraiso. At isa lang ang tanging utos niya sa'min.."
Pa-suspense niyang saad. Napataas naman ang kilay ko sa mga sinabi niya. Gano'n? so kung babalik ang impress, Sino na lang ang magiging kakampi niya? Well, siguro naman may mga alagad rin siya. Pero na curious ako sa kung anong utos ng emperor sa kanila.
"Ano?" Sabi ko.
"Ang patayin ang impress."
Parang napako ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang mga mata niya.
Naging kulay abo ang lahat ng kulay ng mga mata niya.
And something lingered inside my stomach. Para bang may mga paro-parong gustong kumawala at nakakakiliti.
"Zeus..."
Naging sambit ko na lang dahil parang nawawalan na ako ng hininga.
Huli na ng maramdaman kong biglang umikot ang paningin ko at maging itim ang paligid ko.
TO BE CONTINUED....