Chereads / THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 7:  falls

_____________________

Another morning!

Hindi ko alam kung ilang araw na ngayon simula nung unang tapak ko dito pero ang masasabi ko lang, hindi ako naboboring dito.

"Magandang umaga , alexandria!" Nakangiting saad ng isa sa mga katulong dito sa palasyo.

Ngumiti lang ako at bumati rin sa kaniya pabalik.

Nakalimutan kong may lakad nga pala kami ngayon ni zeus. Kaya dali-dali na akong pumasok sa banyo para maligo.

All went smoothly, maliban saming dalawa ni zeus. Hindi ko alam pero hindi talaga kami nagkakasundo at sigurado akong hindi  rin kami magkakasundo.

Honestly, hindi naman talaga ako papayag sa lakad namin ngayon pero kinulit niya ako ng kinulit kaya pinagbigyan ko na. Sabi pa niya sa'kin magdala raw ako ng extra na damit, like dzuh! Para namang ano ang gagawin namin pero nagdala pa rin ako.

"Magandang umaga, lady!"

'Yan ang bungad sa'kin ng mga tao rito sa paraiso. Kilala na rin nila ako bilang alexandria pero hindi nila ako tinatawag sa totoong pangalan ko, instead they call me 'lady'.

"Sa'n naba 'yong mokong na 'yon?" Tanong ko sa sarili ko.

Nandito ako ngayon sa tambayan ko. Sabi niya kasi na dito niya ako kikitain. Aish! Ba't ba  kasi walang orasan 'tong mundong 'to. Jusko!

"I'm sorry Im late," biglang sulpot niya sa harapan ko.

Tss, para siyang late sa klase HAHAHAH!

"Edi wao! Sa'n ba tayo ngayon ah?" Tanong ko.

"Sumunod ka na lang sa'kin," saad niya sabay kindat sa'kin.

Yaks! Pasuka nga.

Nauna siyang naglakad sa'kin kaya sinundan ko. Nangunot ang nuo ko ng mapagtantong pamilyar na daanan 'tong dinadaanan namin.

"Saan ba talaga tayo pupunta ha?" Takang tanong ko kay zeus ngunit in-snob lang akl ng mokong.

Edi wao! Pake ko sayo? Tss.

Maya-maya'y huminto na kami.

"We're here!" He announced.

Tumingin ako sa palagid ko na puno ng nagtataasang mga punong kahoy. Anong gagawin namin dito? Dont tell me! Waaaah! Tatakbo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Sa'n ka papunta? Wala pa nga talaga tayo sa kinaroroonan natin , aalis ka na?"

Teka! Na-green ako do'n ha!

"Saan ba kasi talaga tayo papunta!? Jusko naman, zeus!" Naiirita ko na talagang saad sa kaniya ngunit nginitian lang ako ng puta.

"Watch!"

Tumalikod siya sa gawi ko at itinaas ang kamay niya na naging dahilan ng pagsilaw ng paligid.

Maya-maya'y ramdam kong bumalik na sa paligid ang lahat kaya idinilat ko ang paningin ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kapaligiran, hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakanganga habang tinatanaw ang napakagandang falls sa buong mundo.

Ang sarap ng hangin! Nasa gitna ang falls at pinapalibutan ito ng mga berdeng halaman kasama na rin ang naggagandahang bulaklak. Tumingin ako kay zeus at nakita kong kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.

"Surprise!" He shouted.

Itinaas niya pa ang kaniyang mga kamay na nag-action na parang nangsu-surprise talaga. Napatawa ako ng malakas dahil sa itsura niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Whoah! Dami kong tawa ro'n. Unti-unti ng humuhupa ang tawa ko at napahawak pa ako ng tiyan ko, Pinahid ko ang luhang tumulo sa gilid ng mga mata ko dahil sa kakatawa kanina. Tumingin ako kay zeus na nakakunot ang noo. Jusko! Ang babaw ng kaligayahan ko.

"So? Anong sunod?" Tanong ko sa kaniya na nakapagpabalik sa kaniya sa reyalidad.

Naglakad kami patungo sa unahan ng falls. At siya ang umuna ng lakad. Pagkatapat niya pa lang ay tinulak ko na siya dahilan ng pagkahulog niya. Tatawa na sana ulit ako ngunit bago siya nahulog ay kinuha niya ang kamay ko na naging dahilan ng paghulog at pagkabasa namin.

"Waaaaaaaah!"

"Whoah!"

Rinig ang mga boses  namin sa buong kapaligiran. Napasimangot ako sa ginawa niya kaya nag-iisip ako ng pwede kong gawin.

Maya-maya'y ngumiti ako ng nakakaloko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya saka winasik sa kaniya ang tubig.

"Blee HAHAHAHAHAH!" Tawa ko sa kaniya. Ngunit  winasik din niya ako.

"Oh! Ano ha!" Sabi niya pa habang pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Tangina! HAHAHAHA ang epek ng mukha niya.

Ang saya!

ALICE P.O.V

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim habang tinitingnan ko ang anak kong nakaratay sa hospital bed.

Mahigit isang buwan na simula no'ng na aksidente ang anak ko ngunit nandito pa rin sa dibdib ko ang kaba habang araw-araw ko siyang nakikitang nakaratay dito.

**F.L.A.S.H    B.A.C.K**

Nanginginig ang mga kamay ko papunta sa kwarto ng anak ko. Malapit na!

Pagkatapos kong buksan ang pintuan ay agad akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng makita kong halos hindi na makita ang mukha ng anak ko dahil napupuno ito ng galos.

Maraming mga nakakabit sa kaniya at halos hindi na magmukhang tao.

Umiyak lang ako ng umiyak at pilit naman akong pinapatahan ng asawa ko.

'sana hindi mangyari sa kaniya ang nangyari kay mama..' saad ko sa isip ko.

Maya-maya'y may pumasok na isang doctor

Kaya dali-dali akong pumunta sa harapan niya upang tanungin kung anong nanyari sa anak ko.

"According to the police, nabangga ang siya sa malaking truck and nakita ring wala ng function ang break sa kotse niya. I'm sorry  to say mrs. Martinez  pero hindi ko masasabi sa inyo kung  kailan ang gising ng anak niyo, excuse me."  He said at lumabas na ng kwarto.

Hinagod ng asawa ko ang likuran ko na pilit akong pinapatahan.

"I think history would repeat itself," rinig kong saad niya.

Jusko! H'wag naman po sana. Hindi ko ata kakayanin.

END OF FLASHBACK

To be continued....