Chapter 4 : Paradise
ALICE P.O.V (Alexandria's Mother)
"I'm so sorry iho, sadyang gano'n lang talaga ang asta ng anak ko." Ngiting saad ko kay jake- ang lalaking dapat pakasalan ng anak ko.
Kanina pa kasi nakaalis si alexandria at iniwan kami rito sa hapag. At ngayon lang kami naka get-over.
Alam kong malaki ang galit ni alexandria sa akin at ng papa niya dahil palagi kaming wala sa tabi niya. Ngunit ginagawa rin namin lahat to para sa kapakanan niya sa hinaharap.
"Hmm, tita.." jake said.
"What is it?"
"Bakit hindi niyo na lang sabihin sa kaniya ang totoo?"
I was caught-off-guard ng sabihin niya sa akin 'yan.
Tumingin lang ako sa kaniya at umiling.
"Hindi niya pwedeng malaman ang totoo, baka mas lalo lang siyang magagalit sa'kin"
Nakangiti ngunit malungkot kong saad sa kaniya. Ipinatong ng aking asawa ang kaniyang kamay sa aking kamay na para bang sinasabi na nandyan lang siya palagi sa'kin.
Hindi lang tungkol sa pagme-merge ng kompanya namin kaya ang dahilan kung bakit gusto naming e-arrange marriage ang anak ko.
Gusto ko na ring sabihin sa anak ko kung ano ang totoo ngunit parang may bumabara sa lalamunan ko kapag kaharap ko siya. Idagdag pa na iba na ang trato niya sa'min ng papa niya.
Baka madagdagan lang 'yon pag sinabi ko pa 'to.
"Sasabihin ko rin sa kaniya... Maybe in the right time. Hindi pa ako handa,"
Pagkatapos kong sabihin 'yan ay patuloy na kaming kumain.
Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang telepono kaya sinagot ito ng isa sa mga kasambahay.
Tiningnan ko siya habang may kausap sa telepono at kita ko ang pagkunot ng noo niya. Tumingin siya sa'kin.
"Maam, may naghahanap po sa inyo" sabi niya sabay abot sa akin ng telepono.
[ Who's this? ] I said.
[This is doctor Mendez of South gen. Hospital, Anak niyo po ba si alexandria martinez? Cos she's here in the hospi---]
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng doctor at tuluyan ng bumuhos ng mga luha ko.
"W-w-what's happening, hon?" My husband said.
"A-alex is in t-the h-hospital.."
After I said that ay wala na kaming sinayang na oras at agaran na kaming pumunta sa hospital na sinabi ng doctor.
Habang nasa kotse ako ay hindi ko maiwasang umiyak at nanginginig na rin ang mga kamay.
'God, ngayon lang ulit ako hihingi ng pabor. Sana po walang nangyari sa anak ko..'
Papalapit na kami ng papalapit sa hospital at patuloy pa rin sa pagkabog ng malakas ang dib-dib ko. At nilalamig na rin ang kamay ko.
"Hon, calm down. Walang mangyayaring masama kay alex," he said as if nakikita niya ang anak namin.
Pero hindi pa rin ako kuntento sa pangungumbinsi niya.
Nasa ospital na kami at dali-dali akong bumaba at tumakbo papunta sa anak anak ko kung saan man siya ngayon.
"Nurse, where's the patiet named 'alexandria martinez?" Tanong ko.
Tinuro niya sa'kin kung nasaan ang anak ko. My heart pounding so loudly.
Papalapit na ako sa anak ko.
When I opened the curtains at nang makita ko siya ay para akong tinakasan ng hininga.
Nanghihina ang katawan ko at para bang anong oras ay bibigay na ako.
"Anak.."
ALEXANDRIA's P.O.V
Nagising ako na ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para bang may nakawalang isang drum sa sarili ko.
Nilibot ko ang paningin ko at gano'n na lang ang gulat ko.
Itim.
Itim lang ang nakikita ko sa paligid ko.
'nasa'n ako?'
Gusto kong tanungin 'yan pero para bang may bumabara sa lalamunan ko. Nilibot ko ulit ang paningin ko para siguraduhin ang nakikita ko, ngunit itim talaga.
Itim lang.
Maya-maya'y naalala ko kung anong huling nangyari sa'kin.
Unti-unting nanubig ang mga mata nang may napagtanto ako. Kung nabangga ako sa malaking truck na 'yon.
Ibig sabihin, nasa langit na ako?
Unti-unti akong umiling sa mga naiisip ko.
Hindi! Hindi pa ako ready. May mga pangarap pa ako sa buhay. Gusto ko pang magka-anak at makapag-asawa. Hindi pa ako handang mamatay.
Maya-maya'y hindi ko namalayan na napa-upo na pala ako sa isang gilid sa kakaiyak ko.
"Pft.."
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang isang boses lalaki na para bang matatawa na.
"S-s-sino ka?" Kinakabahang saad ko.
Walang sumagot. Imposible! Rinig ko talaga eh. Tinanong ko ulit pero wala talagang sumasagot.
Psh. Baka guni-guni ko lang 'yon. Tumayo na ako at naglakad-lakad kahit na wala akong makita ni-isa.
Ramdam ko ang isang presensya na para bang sumusunod sa akin.
"S-s-sino ka ba talaga?" Nanginginig na ako dahil nac-creepyhan na ako sa inaasta kung sino man 'tong tao na'to.
"Open your eyes , lady..."
To be continued...
---
♥️♥️
Good day! This is my first ever story on webnovel! And I'm hoping for your full-support. And I' am open for criticism.
This story contains vulgar situation and profanities. Please do vote and comment every chapter for your opinion ♥️
Plagiarism is a crime.