Chapter 5 : first day
"Open your eyes , lady..." A baritone voice of a man said.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sinabi niya.
Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa ako nakapikit! Argg! Alexandria bobo.
Hindi ko siya sinunod dahil natatakot ako sa maaring makita ko.
"Lady... Open your eyes.."
His voice are hyponitizong me na naging dahilan ng pagmulat ng mga mata ko.
Napako ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang nasa harapan ko. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakanganga kaya natauhan lang ako ng marinig ko ang boses ng lalaki sa tabi ko.
"I know you'll like it here.." he said.
Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya.
Ang gwapo.
He has this eyes na makakapagbighani talaga ng mga babae--but not me. He has this pointed nose, curly hair na bumagay sa kaniya, kissable lips, at mga matitipunong bisig.
"Alam kong gwapo ako, lady.."
Mahangin rin pala ang isang 'to.
Binalik ko ang titig ko sa harapan ko at kahit na paulit-ulit ko'tong makikita hindi ako magsasawang mamangha rito.
A paradise.
Makikita mong maraming tao ngunit mga respetado, Sa di kalayuan sa akin ay may nakita akong parang isang palasyo na kulay dilaw, sa kanan ko naman ay mga bulakbulak na naggangandahan habang sa kaliwa ko ay mga nagtataasang mga puno.
Hindi ko namalayang naglalakad na pala kami ng lalaking 'to at aaminin kong medyo naiilang ako dahil sa bawat lakad na dinadaan namin ay isa-isang nagsiyukuan ang mga tao.
"Saan ba tayo pupunta?" Naglakas loob akong basagin ang katahimikan.
"Sa palasyo.." simpleng sambit lang niya sa'kin.
And i was like, huh?
Simula kasi bata ako ay hindi ako naniniwalang may palasyo.
"Teka, may tanong ako."
"Hmm"
"P-patay na ba a-ako?" Mangiyak-ngiyak kong saad dahil hindi ko ata kayang mamatay ako ng ganito kaaga.
Imagine? I am just 15 years old tapos mamatay na ako huhu, wag naman sana lord.
Rinig ko ang pagtawa niya dahil sa tinanong ko. Kumunot ang noo ko dahil ro'n.
"Hoy! Anong nakakatawa sa tanong ko?" Tanong ko sa kaniya ngunit umiling lang siya.
Aba naman 'tong mokong to!
"Wala! Malalaman mo rin 'pag nakarating na tayo sa palasyo.." he said.
Napanatag ng kaunti ang kalooban ko pero hindi talaga mawawala ang pagkabahala.
Kaya minabuti ko na lang na ilibot ang tingin ko para kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko.
Hindi ko talaga maiwasang mamangha habang tinitingnan ang masaganang bulaklak sa dinadaanan namin. Makikita mo pang may mga hayop sa gilid. Nakita kong may ahas sa isang puno kaya dali-dali akong kumapit sa lalaking nasa unahan.
Jusko! Hate na hate ko talaga ang ahas!
"Pft," tae! Naririnig ko na naman na para siyang natatawa kaya sinapak ko na.
Hihingi na sana ako ng paumanhin ngunit nakita kong nakangiti 'tong gago kaya h'wag nalang at baka kiligin pa'to.
Habang tumatagal ang nilalakad namin ay may nakita akong magandang falls sa likod ng mga naglalakihang mga puno.
Tatakbo na sana ako para maligo ro'n pero pinigilan ako ng lalaking to, eh kaso kailangan na raw naming pumunta ro'n.
Pake ko?
Yumuko na lang ako dahil parang maiiyak na ako. Eh! Ang tagal ko ng hindi naliligo ng falls at no'ng naligo pa kami non ay hindi ko pa kasama sina mom and dad. Hays, miss ko na sila kahit na hindi gaanong maganda ang trato ko sa kanila.
"Nandito na tayo.."
Anunsiyo niya kaya tumigil kami sa paglalakad. Iniangat ko ang ulo ko , wala sana akong pake eh pero nakaagaw ng atensiyon ko ang pinakamagandang palasyo na nakita ko sa buong mundo ko.
It was made from pure gold! Whoah!
"Ano pang iniintay mo dyan? Tara na!"
Potek! Nasa pintuan na pala siya. Tumakbo ako papunta sa kaniya at sabay na kaming pumasok.
"Whoah!"
Napasinghap ako habang naglalakad kami sa magarang lakaran na ito. Makikita mo ang mga nagmamahalang muwebles sa bawat silid ng palasyo.
"Bastos!"
Singhal ko sa lalaki ng makitang kanina pa pala siya nakangiti habang hawak ang kamay ko.
Tangek ka rin self eh! Nagpahawak ka ring pota ka!
Humalakhak lang siya sa sinabi ko. Ngunit na hinto siya at ako ay napako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang malamig na presensya na papalapit sa gawi namin.
Nilibot ko ang pananaw ko ngunit wala akong makitang tao, maliban sa'ming dalawa.
"Stay still.." saad ng lalaki ng maramdaman niyang gagalaw ulit ako.
"Bakit---"
Naputol ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng pagtaas ng balahibo ko.
'shit may multo ba?' gusto kong itanong iyan ngunit hindi ko magawa.
Para bang may nagbabara sa lalamunan ko na pinipigilan ako sa pagsasalita.
" Maligayang pag-apak sa mundong ito," the voice said.
To be continued...
--
♥️♥️
Good day! This is my first ever story on webnovel ! And I'm hoping for your full-support. And I' am open for criticism.
This story contains vulgar situation and profanities. Please do vote and comment every chapter for your opinion ♥️
Plagiarism is a crime.