Faith's Point of View
"Ano'ng gusto mo?"
"Pasta at Salad na lang," I answer while looking at the menu.
"Are you sure?" Nagtataka s'yang tumingin sa'kin, pero hindi na ako kumibo pa. Inilipat n'ya ang tingin sa waiter, "Two pasta, One Steak and one Salad, please."
How did I managed to sleep to his parent's house? Parang hindi ko na kayang magtagal. Buti at niyaya ako ni Stay kumain ng umagahan sa malapit na Restaurant, kahit na medyo wala pa akong gana. Dumungaw ako sa glass wall, wala masyadong tao pero marami-raming naka park na sasakyan.
"Anak, ang kuya mo…"
"Umuwi ka na, kailangan ka namin nga'yon. Si Fin, naka confine na sa hospital."
I purse my lips and let that thought fade. Hindi nagtagal ay na-serve na rin ng waiter ang mga order namin. In the middle of eating, Stay let out a small red box, probably for a wedding ring. And as I stare at it, my spoon fall, then it makes a sound as it went to my plate.
He softly chuckle. "No, I'm not going to propose yet." Lumuwag ang paghinga ko. "I'm going to ask you questions."
"Ano 'yun?"
"Church or beach wedding?"
"Syempre church…"
"Alright. Then sa photoshoot, naka uniform ako ng piloto, ikaw naman, wedding gown. Ayos ba?" He smiles.
Hindi ako nakasagot.
"I have enough savings too, nakipag usap na ako sa kaibigan kong engineer para makapag sarili na tayo ng bahay. How many bedrooms do you want? Probably, three? I know you want two children," he smirks then holds my hand that is in the table. "Nakapag ipon na ako para sa'tin. You already know it, noong nabasa mo ang diary ko hindi 'ba? Everything is near to be a plan. So, what can you say, Mrs. Montemor?"
Dahan dahan kong inilayo ang kamay kong hawak hawak n'ya. "I-I'm sorry… pero hindi pa ako handa." I sigh. "Marami pa ako, at ikaw na uunahin bago 'yan."
Tukoy ko sa mga problema namin. Alam kong imposible na ang lahat. Ang savings na tinutukoy n'ya, ay malamang na mapupunta para sa mga magulang n'ya. Pero hindi masasayang ang lahat, kung kapalit naman 'yon ng matibay na pagsasama nilang pamilya.
"But we can marry even--"
"Kinakailangan kong mauna sa Pilipinas, Stay. May sakit si kuya, kailangan nila ako ro'n."
And maybe, the hardest part of life is to say goodbye.
---
Los Angeles International Airport, 8:50 am.
"Message me as you get back there, okay?" Stay says as we sit in the gatehouse, waiting for my flight.
Nagstay muna ako ng isa pang gabi bago magpaalam kay Tita Stella. Ni hindi ko man lang nasuot lahat ng damit na idinala ko. Mabuti at tinulungan ako ni Stay makaalis agad.
"Stay…" I call and he glances quickly. Para akong mauubusan ng hininga, pero nilakasan ko ang loob para makapagsalita. "We need to end this."
He just stares at me blankly, assuming that I'm joking.
"Nasabi na lahat sa'kin ng mama mo. M-marami na tayong problema, kailangan nating ayusin muna lahat. Mas mabuting... unahin muna natin ang pamilya natin kaysa sa'tin, sa ikasasaya natin."
Mapait s'yang ngumiti at tumango. I can see it through his eyes, he's disappointed but trying to accept what I want.
Tumayo ako at isinukbit sa balikat ang dalang bag habang hawak ang maleta. "This is your chance to be with them…" Hinigpitan ko ang hawak sa maleta, malapit na ang flight. "G-good bye." I turn my back to him.
"Can you promise me one thing?" He tries to make his voice strong but it cracks.
"I love you."
"It's not enough, Faith. Give me another promise." He feels so hopeless.
This time, hinarap ko na s'ya. "I'll come back, when everything's alright."
Kahit papaano nabawasan ang pag aalala n'ya. Pero kahit sa loob-loob ko, hindi ko alam kung magagawa ko ba. I sigh. Bahala na.
"I'm sorry…" Tumungo ako, I can't meet his eyes. Pero narinig kong humikbi s'ya.
"Magkano ba?"
"Magkano?" Inangat ko ang tingin. "What do you mean?"
"Magkano? Magkano ang bill. Babayaran ko, just don't leave me."
Sarkastiko akong tumawa. "Hindi pera ang habol ko sa'yo, Stay. Ginagawa ko 'to para sa'tin…" Naalala ko bigla ang saya sa mga mata n'ya kahapon habang kinekwento ang gusto n'yang mangyari sa hinaharap. I bit my lip to prevent myself from crying. "I'm sorry…"
Sorry isn't enough for someone who give everything for you. I know. I felt that too… Pero ngayon, ginawa ko na ang laging ginagawa sa'kin. Ginawa ko sa nag iisang taong tumanggap at minahal ko.
Sa best friend ko...
"Good bye."
Mabilis akong naglakad papunta sa terminal. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko habang nakikipagsabayan sa agos ng mga tao. Rinig kong pilit n'ya akong hinahabol, sinisigaw ang pangalan ko. I wipe my tears by my own hand and walk faster. Hanggang sa hindi na n'ya ako maabutan.
---
One month later.
"Nanay!" Nilapitan ko s'ya na naghahanda ng niluto.
Parang naging kumpleto na ulit ang buhay ko. Nagkaayos na kami ni nanay, nadalaw ko na ulit si tatay, at naayos ko na ang papel para makapag aral sa malapit na University dito sa probinsya.
"Oh, anak! Anong sabi ng doctor kanina?" Inahinan n'ya kami ng pagkain.
"Medy-- O-okay naman daw si kuya. Sabi ni Doc, kailangan lang daw ng tuloy tuloy na gamutan," sagot ko ng nangungumbinsi.
"Oo nga, tita. H'wag kang masyadong magpapa stress, gagaling na din si Fin," Elizabeth says, ang girlfriend ni kuya for almost three years.
Diabetes, at brain cancer ang sakit ni kuya. Pero ang sinasabi lang namin kay nanay, diabetic lang si Kuya. She's not aware to another disease, brain cancer. Malimit nang tumaas ang dugo ni nanay dahil sa stress at pagod, mabuti na lang may katulong na si nanay, at kami 'yon ni Eliza.
Habang kumakain, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari habang nag aaral ako sa Maynila. I feel bad for not answering his calls… and it made me into a conclusion.
Kaya ba lagi n'ya akong tinatawagan? Kaya ba minsan may text s'ya na bumalik na ako? Kaya ba pilit n'ya kaming pinagaayos ni nanay?
"Eliza…" bulong ko. Agad naman s'yang bumaling sa'kin. "Kailan n'yo nalamang may sakit pala si Kuya?"
"Uh… September lang. Kaso lumala, kaya kailangan na n'yang i-confine."
Huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi pa rin ako sigurado, paano kung nakakaramdam na s'ya ng sintomas noong mga panahong 'yon? Paano kung kinikimkim n'ya lang at ako lang ang pag asa n'ya ng mga panahong 'yon…
"You're overthinking again. Don't worry, it's not your fault."
It's been one month. Madami na akong iniisip at namumuti na ang ilang hibla ng buhok ko. Kasabay pa ang paghahanap ng trabaho, para mapagpatuloy ang pagaaral ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong stress na dadating sa'kin after leaving him.
Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa kwarto. I open my WiFi, ready to check my social media for the first time. Imbis na Instagram, hindi ko napigilan ang sariling tignan ang messages, ang mga text namin ni Stay. Walang halong bura, I didn't missed atleast one. Lalo na nang tadtadin n'ya ako ng message dahil sa pag stay ko sa simenteryo for one night.
Hindi ko alam na sa bawat tingin, salita at tawa n'ya kasama ko, nagbulag bulagan ako. Huli na nang marealize ko ang lahat, huli na nang malaman ko. He love me for years, and I won't lie.
I love him too.
Wala naman akong balak mag move on. Dahil lalong mas magiging mahirap kapag pinilit ko. Everything takes time to heal.
Biglang nag pop up ang isang Direct Message sa IG sa notification bar. It's from Samuel!
SamuelAdams_sj
Hi! It's been three months. Masyado akong napasarap ng bakasyon dito sa France, eh. Don't worry, I'll be back sooner. I made up my mind, I'll be back on school next year. Stay single, alright? I love you.
And when I check the date...
It's October.
Last month.
Oh my God...
He is freaking back?!