Chereads / I'm Only Girl In The University / Chapter 25 - Chapter 23:Meets The Parents

Chapter 25 - Chapter 23:Meets The Parents

'Zack POV'

Hindi ako umuwi ngayong gabi dahil kailangan kong maiwan dito para bantayan siya.Mahirap na no,baka mamaya may mangyari na naman na hindi maganda tapos ako pa masisisi dahil ako ang naiwan dito.

Unknown Calling......

'Sino ba to?Nakakainis,tawag pa ng tawag.'

Unknown Calling.....

"Hello who's this?"irita kong sabi kasi naman kung kailan matutulog na dapat ako saka pa nandistorbo.

"Hello,who's this nga kasi,kung ayaw mo magpakilala  I will hang up na."

"Tssk.Mukhang nakalimutan mo na ako Zack ah."

Kilala ko ang boses na yun,at siya lang ang kayang tumawag sa akin ng ganyan dahil kilala ako ng lahat at kinatatakutan ng lahat.

"Lester?Anong naisipan mo at napatawag ka ng ganitong oras?ah."

"Well,I heard what happened to Jason and now he is dead because of you."

"That's his fault,susugod sugod siya tapos hindi naman pala kaya."

"And I saw your girlfriend,she is pretty.I heard that you choose her to be a Queen."

"So?"

"Well,you know what will happen to her?"

"Yeah I know right."

"Continue the big deal?"

"What is the big deal?"

"The big deal is if she win to the 10 Queens in other gang you will be the Boss of all.But if she defeat of one of the Queen you will be back off and your Queen will be mine."

"No,I dont agree!"

"Well,your'e too late.Remember you signed our deal.You have a three months to prepare your Queen.Wait there's more once you didn't attend sa pinag usapan natin you're Queen will be dead.Goodluck Zack,"and then he hang up.

Shit,I know Lester he is clever.Hindi siya papayag na malamangan siya at siya ang kakompetensiya ko sa pagiging Boss.Sakit talaga siya ng ulo hindi rin ako magpapatalo sa kanya.I know Arra will win to their fight.She is brave enough that's why I choose her to be a Queen.And as a King I will protect her but in different way,this is for the gang not for her.

'Arra POV'

Nagising ako sa ingay na aking naririnig,akala ko nananaginip lang ako na may nagtatawanan pero hindi pala.Dahil ang mga naririnig ko ay ang mga Ugokers.May pahikab hikab,may kumakain,may nagkakape,at siyempre di mawawala ang mga bubuyog este kwentuhan.

"Good morning Ate Arra!"masayang bati ni Calyx sakin.

"Good morning din!"bati ko rin sa kanya na may pag -unat unat pa ng kamay.

"Teka,diba may pasok ngayon?Bakit hindi kayo nagsipasok?"

"Ayaw namin Ate Arra kasi gusto namin na bantayan ka."

"Ang sweet mo naman bunso."

"Sayo lang ako naging sweet Ate kasi mabait ka sakin."

"Aba,natural lang na maging mabait ako sayo,kasi bunso kita e."

"Salamat ate,"sabay yakap sa akin na para bang tunay na magkapatid.

"Sana all bunso!"parinig ng iba.

"Pwede ba maging bunso mo din ako?"saad ni Sky.

"Ehem,Sky wag si Arra."

"Boss,bakit selos ka?Kasi hindi ka niya niyakap."

"Ang sabi ko wag si Arra.Alam ko na ang damoves mong yan.Huwag mo siyang isama sa list ng mga babae mo.Mahiya ka naman,"panenermon nito.

"Boss,gusto ko lang naman na maging bunso din ako ni Queen Arra e,"paiyak iyak nitong sabi.Aba,ang galing din umarte no.

Narinig ko nga na madami siyang naging babae.Siguro mga nasa bente pataas,matinik din e,no.Pinaglalaruan niya lang naman ang mga babae niya pero sorry na lang siya hinding hindi niya ako makukuha kasi may nag mamay-ari na ng puso ko no.Pero siyempre sikreto lang yun baka ipagkalat pa pag sinabi ko e.

"Teka,di ba may basketball tayo mamaya?"

"Wag munang alalahanin yun Queen Arra,nireschedule na at pinaalam namin sa kanya ang nangyari sayo,"saad ni Jules,nakakakilig anu ba yan?

"Ah,ganun ba s--salamat,"nakakahiya kasi nauutal na naman ako kapag kausap ko siya.

"Oo nga Queen,wag munang alalahanin yun.Alam mo ba dahil sa basketball naghiwalay kami ng girlfriend ko pano kasi binola bola ko,"heto na naman po siya.Sino pa nga ba edi si Hugoterong Edrix.

"Shunga,pano ka mahihiwalayan e,wala ka namang girlfriend,"sabi naman ni George.

"Panira ka talaga ng moment e,no,"sabay tawanan namin.

"O,ayan Queen napatawa din kita.Wag munang alalahanin yun magpahinga ka na lang."

"Eto na talaga,last na lang.Di ba may mga test din tayo mamaya at bukas?Pano yun edi bagsak tayo nun?"

"Edi,masaya atleast may kasama ka na babagsak.Di katulad nung una,"natatawang sabi naman ni Francis.

"Sige,iparinig mo pa.Aba,malay ko ba na mahirap pala ang mga tanong."

"Hindi naman mahirap e,hindi ka lang talaga nakikinig."

"Edi kayo na ang nakikinig,kayo na ang magaling,ako na ang bobo,"naiinis kong sabi kasi naman pinaalala pa.Inungkat pa ba naman ang nakaraan e,nakaraan na nga di ba?

Kumain na lang kami ng sabay sabay yung iba kasi mas gusto daw nila dito kumain kaysa sa bahay nila.Mukhang nakahanap na din ako ng nararapat sa akin,eto yung section na to.Mas maganda na rin na sila ang kasama ko kaysa sa mga babae puro kaplastikan.Samantalang pag mga lalaki matatapat sila sayo.

Nabasag ang aming katahimikan nung may kumatok.

"May bisita ba kayo?"

"Wala, baka ikaw Queen."

"Ha?Panong naging ako e,wala naman akong bisita bukod sa inyo."

Tatayo sana ako upang buksan ang pinto ngunit pinigilan ako ni Clyde.

"Arra,ako na lang,"pagpresinta nito kaya hinayaan ko na lang.Nasorpresa ako sa naging bisita ko.Dahil ang parents ko ang naging bisita ko.

"M--mommy,D---daddy?Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Tama nga siya,nandito ka nga.Ikaw ang dapat naming tanungin,bakit ka nandito?"

"Mahaba pong kwento,"sabay yakap sa kanila.Kasi namimiss ko sila ng sobra.

"Pano niyo po nalaman na nandito ako?"sabi ko habang yakap yakap pa rin sila.

"May nagtawag sa amin at sinabi niya na nandito ka.Kaya naman pumunta kami dito."

Tiningnan ko ang mga Ugokers at si Ugok pero nagkibit nalikat lang sila na senyales na hindi nila alam.

"Hindi namin kilala,dahil hindi din namin natanong ang pangalan niya pero sa tono ng pananalita nito.Lalaki siya."

"Kung ganon sana tumawag ulit siya, para makapag pasalamat ako sa kanya."

"I miss you so much Mom and Dad."

"I miss you too,baby,"and they kissed me in my forehead.

"I'm sorry dahil wala kami sa tabi mo kagabi."

"It's okay po.May nagbantay naman po sa akin kagabi,"sabay turo sa kanya este sa kanila.

"Sino ba itong mga kasama mo?"

"Mom sila po ay---"hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinangunahan ako ni Calyx.

"Boyfriends niya po kami,"Naku patay malilintikan na ako nito.

"What?!"

"No,Mom, Dad its not like what you think."

"Anong hindi e,kakasabi niya lang tapos sasabihin mo hindi ganun!"tumaas ang tono ng pananalita ni Mom.It means she is angry.Humanda ka talaga sa akin Calyx kahit bunso pa kita.

"Kung ganon,maganda din ang taste mo anak ah,mukhang mayayaman at kaya kang alagaan,"sabi naman ni Dad.Hay naku mangungunsinti pa si Dad.

"Mom,Dad it means friends na guy kaya Boy Friends,"sabi ko at nakahinga din ng maluwag.

"Dapat lang nak no.Pasensya na kung napagtaasan kita ng boses.Ayoko lang naman kasi na masaktan ka na naman.Alam mo na."

"Mom,huwag mo nang banggitin yun,past is past kaya kalimutan na."

"Sige."

"Sayang naman nak.Ang gugwapo pa naman nila at mukhang mayayaman.Kapag niligawan ka nila papayag agad ako ah.Lalo na yun,"turo nito kay Zack .Hay naku si Dad talaga.Binatukan siya ni Mom.

"Anu ka ba naman Honey?Imbes na aral muna ang atupagin boyfriend pa talaga ang tinuturo mo."

"Honey,minsan lang naman e."

"Anong minsan?Ayoko lang masaktan ang baby natin.Kaya ikaw nak, study first na muna ah.Para sa future mo din yan at para sa future family mo,"Isa pa to si Mom.

"Yeah sure Mom,"sabay yakap sa kanya.

"Hi Tita,Tito"bati ni Clyde at nakipagbeso pa ito kay Mom at shakehand naman kay Dad.Nagsigaya tuloy yung iba.

"Ang ganda niyo po Tita.Hindi halata na may anak ka na."

"Ehem,Sky wag si Tita,"suway ni Clyde.

"Bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo ah."

"Salamat.Oh eto may dala akong pagkain.Buti na lang madami.Magsikain na kayo bilang pambawi ko sa pag aalaga niyo sa anak ko."

Nag-unahan naman ang mga Ugokers sa pagkuha.Akala naman mauubusan e,no.Aba naman lumelevel up na din yung kapalan ng mukha.

"Wag niyo akong uubusan."

"Queen,kumuha ka na rin kasi."

"Magsilabas na muna kayo?"maotoridad kung utos sa kanila.Ngayon na ang umpisa para gampanan ang pagiging Reyna.

"Kumuha na lang kayo dito kung gusto niyo pa,"saad ni Mom.

"Sige po.Salamat po Tita,"At nagsilabasan na sila.Kailangan ko masolo sila Mom and Dad.Ilang linggo ko na rin sila namiss e.Sobrang saya ko ngayon kaya grab it na.