"Clyde's POV''
Sa kasalukuyan nandidito pa rin ako sa ospital at balak ko sanang pumasok kaso sinabihan ako ni Arra alam kong malakas siya at saka ayoko pang mamatay noh.Kaya mas maigi na sundin ko na lang siya.
Medyo nakakapanibago ang ipinakita sa akin ni Arra ganun ba talaga siya?Mabait naman pala siya tapos maalalahanin pa.Palibhasa kasi puro katarayan ang nakikita ko pero yung soft side niya hindi.
"Please Arra don't do this to me ayokong mahulog sayo.Please lang at mas lalong di ko pwede suwayin ang plano ni Boss baka balikan ako nun at patayin.Please!" bulong ko sa sarili ko.
Umaga ngayon kaya kumain ako buti na lang may nurse na nag aalaga sa akin kaya naman kagabi pinauwi ko na sila lahat.Masyado na akong nakakaabala sa kanila.
"Hayaan niyo papasok na ako bukas.At babawi ako sayo Arra."
"Arra's POV"
Pumasok na ako sa University at nakita ko na naman ang mga ugok kong kaklase.At nakakapanibago kasi iba ang pinapakita nila.Para ba silang pinaamo ng nanay tapos ako yung nagpaamo sa kanila.
"Good morning Arra!"
"Good morning Ate Arra!"
"Good morning Arra!"
"Good morning Arra!"
"Good morning din"sabay smile sila sa akin at ganun din ang ginawa ko sa kanila.
Ganun talaga ako kapag maldita ka maldita rin ako sayo pero kung mabait ka siyempre mabait din ako sayo.
Umupo na ako sa upuan ko at nagulat na lang ako kasi lahat sila tumabi sa akin ganun din si crush.Ene be kinikilig na naman ako.At siyempre si ZACKING PANGET akalain mo yun tumabi sa akin at ako pa ang gitna sa kanila.Pero siyempre tiniis ko muna nandyan si crush e.
Dumating na si Sir at nakakagulat kasi bigla naming binati.As in lahat kami.
"Good morning class!"
"Good morning Sir!"sabay sabay naming bati.
"Aba mukhang nasa good mood kayo ngayon ah!"sabay ngiti sa amin.
Nagturo siya at lahat kami nakinig walang nag ingay sa kanila maski isa.Boses lang ni Sir yung naririnig ko.
Ganun din ang pangalawa at pangatlong subject.
Recess time...
Hindi na ako lumabas kasi nakakapagod na kaya dito na lang ako sa room.
"Ate Arra gusto mo?"di pa nga ako umo oo binigay niya agad at ako naman ay tinanggap agad.Siyempre food is life na dahil pampawala ito ng stress.
"Arra ito din oh!"bigay sa akin ng mga klassmate ko.
At nagulat ako kasi ganun din ang ZACKING PANGET at si CRUSH.Sa itsura nila para silang nakikipagkumpetensiya.
Kaya ako naman kinuha na lang parehas.Siyempre food is life eh kapag may ganyan grab it na diba?
"Arra baka naman pwede kaming makishare sayo madami naman yan eh?"
"Sira-ulo ba kayo bibigay bigay tapos makikihati din.Ok fine tutal nasa good mood ako ngayon magshare na lang tayo lahat."
"Yun oh kaya gusto ka na namin kaibiganin e!"ani nila.
Aba kung hindi ko pa sila hahatian hindi nila ako kakaibiganin.Kung sa bagay ayos lang sapat na rin naman sa akin ang dalawa lang.
"Pwede ka na ba naming kaibiganin Arra?"
"Sige pero sa isang kondisyon mag puppy eyes kayo sa akin."
Sinunod naman nila lahat pati si CRUSH at yung ISA diyan.
"Good dog!"sabi ko at sabay tawanan.Tapos inakbayan pa nila ako.Hinayaan ko na lang kasi wala namang malisya diyan.
"Teka,teka kailangan may picture para masaya,"sabi ng klassmate ko at naggroupfie kami.
Ang saya sa pakiramdam na marami ka ulit na kaibigan sana lang totoo sila kasi kapag naulit na naman panghabambuhay na talaga ako magiging cold sa kanila.
"Teka,teka gusto ko malaman ang mga pangalan niyo.Para makilala ko naman kayo."Sabi ko at nagsipag payagan din sila.
"Pwede bang name lang wag na ang full?"suhestiyon ng isa.
"Sige ba okay lang,"ani ko.
"Oh ako magsisimula ah!"nagform muna kami ng bilog para masaya at lahat nakikita ang mukha.
"Ako si Arra!"
At yung sumunod naman.
"Brandon!"
"Calyxter!"
"Daniel!"
"Edrix!"
"Francis!"
"George!"
"Harvey!"
"Ice!"
"John!"
"Jules!"
"Kenneth"
"Matthias"
"Nicolas"
"Orlando"
"Philip"
"Quince"
"Robert"
"Sky"
"Zack"
"Aba paalphabet pala ang name natin lahat ah!"sabi ni Calyx sabay tawanan naming lahat.
Ito na, ito na kaya ang sign na di ko kailangan lumipat ng section.Masaya naman kasi sila kasama e.At mukhang mag-eenjoy ako sa section nato.
Nagsipagkainan na kami.
Natapos na at naisipan naming maglaro.
"Guys maglaro tayo ng pass the message!!"sabi ni Sky.
"Sige!!"wika naming lahat.
"Ngayon dahil ikaw lang ang babae Arra, ikaw ang magsasabi ng message.So nakabilog na lang tayo at mag earphone ka na lang para di mo marinig."Paliwanag nito.
Nagsimula na ang laro namin at naguguluhan ako kasi naman habang nagsasabi e natatawa sila at nakatingin pa sa akin.Pero di ko na lang sila pinansin.
Mga ilang minuto si Calyx na ang magbubulong sa akin.
"I live you Zack!!"pagkarinig ko kasi natatawa siya.
"Ano?!"
"I loov you Zack" pagkarinig ko na naman.
"Ano?!"inis kong sabi dahil natatawa talaga siya.
"I. LOVE. YOU. ZACK!"napantig ang tenga ko dahil sa sinabi at nakita ko na natatawa sila.Pero wala lang naman yun di ba?Kaya naman pasigaw kong sabi kasi its not a big deal for me because its a play.
"I LOVE YOU ZACK!"sigaw ko at nagtawanan sila.
"Oooy mahal daw niya si Boss!!"pang aasar ni John kaya naman binatukan ko.
"Aray!!!Boss oh si Arra binatukan ako,"sumbong na parang bata.
"Tssss"asik nito at inirapan ko lang.
Pero patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin kaya naman sinamaan ko sila lahat ng tingin na dahilan para tumahimik agad sila.
"Good dog!"sabi ko at pinat sila lahat sa ulo na akala ay aso.
Dumating na ang sub teacher namin at kanya kanya kami ng ayos ng upo.
"ANNOUNCEMENT!"sabi ni Sir.
"Dahil friday naman bukas wala munang klase sa lahat ng subject."
"Kung ayaw niyong pumasok it's okay naman."Dagdag pa nito na dahilan para maghiyawan ang mga kaklase kong UGOK at siyempre kasama ako don pero hindi ako UGOK ah.Duh! ang pretty ko kaya!
"Pero sa isang kondisyon,"sabi nito para magsitahimikan kami.
"Makikinig kayo sa akin at magququiz tayo mamaya,"wika nito.
"Sige,Sir!"sabi naming lahat.Himala ah!
Discussed!!!
Disscussed!!!
Disscussed!!!
At quiz na.
"No.1 What is the....Blah!blah!blah!"
At natapos na namin basic lang kasi e siyempre ako pa.
"Okay exchange your paper to your sitmate and write corrected by"sabi ni Sir at ginawa na namin.
"Announce your score,surname first and then score."
"Sa likod muna para maiba naman"dagdag pa nito.
"Clayton 5, Kim 5 ..."
At lahat sila nakakuha ng perfect score e ako.Di bale na nga bahala na si Batman,Superman sama pa si Carrotman.Sanay naman na ako e.
"Verra 1"sabi ko at lahat sila nagtawanan maski si Sir.
"Hahahahaha!Si Arra naka 1 lang e ang dali dali lang naman ng tanong."Mayabang na sabi ni Sky.
"Tse ano ngayon atleast may score,"proud kong sabi.
Nakakainis talaga sila.Akala ko pa naman mga bobo sila.Sorry for the word.Kasi diba worst section pero mali ako kasi halos lahat pala matatalino parang ako lang pala ang ganun dahil hindi naman ako nag- aaral.Pare parehas naman kami ah ang unfair.
"That's it for today goodbye class!"
"Goodbye Sir!!"sabay sabi naming lahat.
May dumating na naman na teacher.
Disscussed!!!
Disscussed!!!
Disscussed!!!
Tanghali na.....
"Ano guys gusto niyo maghalfday tayo tutal kunti lang naman ang turo mamaya?"sabi ni Robert.
"Sige ba.Pero saan naman tayo pupunta?"tanong naman ni Quince.
"Dalawin na lang natin si Clyde!"suggest ko.
"Sige!"sabay sabi ng lahat at umalis na kami.Sinama namin si Calyx kasi gusto niya naman e.
Pumunta muna kami sa Mcdo at nagtakeout at dumiretso na sa ospital.
30 minutes later......
"Hello Clyde!musta ka na?!"bati ko.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Di ba obvious edi dinadalaw ka."Sarcastic kong sagot.
"Bakit dala dala niyo bag niyo?"
"Naghalfday kami!!"proud na sabi ni Brandon.
"Malilintikan kayo dahil sa ginawa niyo at dinamay niyo pa si Arra."
"Parang di ka pa sanay ah.Eh ginagawa mo naman yan dati ah.At ginusto naman ni Arra."Sabi naman ni Philip.
"Oo noon yun pero di na ngayon."
"Aba nagbago ka na ah."
"Oh eto pagkain,"bigay ko at sabay sabay kaming nagsikain.
"Bukas pwede hinding pumasok sabi ni Sir dahil walang klase sa lahat ng subject sabi ni Sir kanina."Litanya ko.
"Papasok ka ba?"
"Depende.Ang bored din kasi sa dorm e."
"Walang aabsent bukas!!"sigaw ni ZACKING PANGET.Gusto talaga ng attention e,napakapapansin.
"Pero Boss pwede naman di pumasok e,"angal ng mga kaklase ko.
"Magmomovie marathon tayo!"sabi nito.
"Horror?"
"Oo."
"Ikaw Ken dalhin mo ang speaker niyo."
"Yes Boss!"
"Ikaw John dalhin mo naman ang laptop mo!"
"Yes Boss."
"At ako na lang sa projector"wika nito.
"Pero Boss....."
"Wala ng pero pero.Mamili kayo papasok kayo bukas o hindi pero bugbog sarado."Pananakot pa nito.Sarap ipakain sa aswang.
"Sabi nga namin papasok na kami e!"
"Good Dog!!"
"Teka linya ko yan ah!!"
"Tsss"
"Oooy may LQ na nagaganap ah!"pang aasar naman ni Daniel.
"Anong LQ na pinagsasabi mo diyan?"
"Edi Long Quarrel!"sagot nito.
"Uy pre mali Love Quarrel yun!"pagtatama naman ni Francis.
"Sorry naman tao lang e!"
"Walang Love na nagaganap pero Quarrel meron."
"Meron kayang Love Quarrel.Di ba sabi sa kasabihan na kapag nag-aaway it means nagmamahalan kayo."
At natawa sila maski ang 2 friends ko ni hindi ako pinagtanggol.Sinamaan ko sila lahat ng tingin at nagsitahimikan naman.
"Good dog!!"
"Hindi kami aso tao kami!"
"Diba ang aso masunurin sa amo kaya good dogs kayo."Sabi ko sabay tawanan namin.
At tumahimik agad ako kasi nakita ko si pagkain at kumain na lang.
"Boss teka.Hindi masaya ang movie marathon kung walang pagkain."Biglang sabi ni George.
"Oo nga Boss"
"Okay any volunteer?!"
"Ako!!"wika ni Ice.
"Ayun oh"sabi nila at nagsihiyawan pa.
"Shhhssshh"pagpapatahimik ni Clyde kasi ang ingay ingay daig pa ang party e.At hininaan nila agad.
Natapos na kaming kumain at kanya kanya kami ng tapon sa basurahan.Lalapit na sana ako ng biglang....
"Arra pakitapon naman please!!"sabi ni Jules.Siyempre pumayag ako crush ko yun eh.
"Ito din!"
"Ito din!"
Aba ginawa akong utusan.
"At bakit ko naman gagawin?!" sabi ko at nakacross arm at taas kilay pa.
"E, ikaw ang malapit kaya ikaw na ang magtapon"sabi ni ZACKING PANGET.
"Oo nga!"agree ng lahat.
At ako naman ay naging good dog na din dahil sinunod ko sila.
"Good dog!!"sabay sabi ng lahat at nagtawanan pa sila.
Aba ang kakapal ng mukha nang aagaw ng linya ko.
Pagkatapos non ay umupo na ako malapit kay Clyde.
"Okay ka na ba?"tanong ko at hinawakan ang noo.
"Oo,Arra okay na ako"
"Ehem" rinig kong singhal ni CRUSH at ni ZACKING PANGET na nakatingin pala sa amin.Kaya naman tinanggal ko kaagad ang kamay ko.
"Papasok na nga ako bukas eh!"
"Sure ka?Kaya mo na?"paninigurado ko
"Oo,sabi ni Doc pwede na akong madischarge mamaya."Masayang sabi nito.
"Mabuti naman kung ganon."
"Arra salamat ah pumunta ka pa dito."
"Wala yun.Diba friend tayo kaya natural lang na tulungan kita.Di ba?"
"Oo naman."
"Ano bestfriend?"sabay abot ng kamay
"Ahmmm Boyfriend na lang."
"What??"
"I mean friend na guy."
"Sige.Ano Boyfriend?"at nagshake hand kami.
Wala namang malisya don diba?
"Ate Arra ako din boyfriend."Sabi ni Calyx.
"Sira anong pinagsasabi mo diyan?"
"E narinig ko po kayo na Boyfriend at nagshake hand pa kaya sali ako."Sabi nito at nagpout pa.
"It means na friend na guy,"paliwanag ko kasi baka anong isipin eh.
"Edi ako din"
"Kami din"sabay sabi ng lahat.
"Okay fine!Boyfriends?!"sabay yakap sakin ni Calyx at gumaya din ang iba.
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan.
Makalipas ang ilang oras umuwi na kami pati si Clyde.At hinatid siya ng mga good dogs at ako naman ay si Crush.Ene be keneleg ako eh.
"Bye Arra.Kitakits bukas!"sabi nito.
"Bye din!"at kumaway pa ako at ganun din siya.
Pumasok na ako sa dorm at ginawa na ang night routine ko at natulog na.