Chapter 46.0:
Abby's POV:
"Miss Abby may delivery po para sa'yo." Rinig kong sabi ni Miss Castro sa intercom.
Huh? Wala naman akong naaalalang may inorder akong anuman. Kanino naman kaya galing ang delivery na 'to?
"Okay, give me a second."
Hindi ko na inabalang isuot ang sandal ko at basta na lang nagtungo sa pintuan ng opisina ko nang nakayapak, or should I say naka stockings lang.
Kakatapos lang kasi naming kumain dahil lunch break ngayon kaya heto ako sitting pretty lang sa sofa habang nakataas ang dalawa kong mga paa sa center table.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang delivery boy na may dala-dalang uhh... boquet ng flower at isang Monster Blueberry Mcfloat.
Bigla atang nangati yung lalamunan ko nang makita ang Mcfloat. Eherm, eherm.
"Hello ma'am Dizon!" Nakangiting bati nito sa akin.
"Ahh hi! Para sa akin ba talaga 'tong mga 'to? At kanino galing?
"Yes ma'am para po sa inyo 'to galing kay Santan boy." Napamulagat ako sa sinabi niya, santan boy huh. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa term na 'yan. "Dito na lang po kayo pumirma ma'am."
"Ahh okay."
Nang matapos akong pumirma ay ibinigay na nito sa akin ang bulaklak at float.
"Thank you ma'am, have a nice day po!"
"Ahh wait po kuya!" Pagpigil ko kay kuyang delivery boy bago siya umalis.
Tinanong ako nito kung may kailangan ba ako, but I told him to wait for a minute.
Tumango ito habang nakangiti.
Sandali kong nilapag ang idineliver niya sa center table at nagtungo sa aking work table saka kumuha sa drawer ng isang card.
"Para saan po 'to ma'am?" Tanong nito nang maiabot ko sa kaniya ang card.
"That's a gift certificate, pwede mo siyang ipalit sa kahit saang physical store ng CosmiCandy, but I suggest na sa ground floor nitong building mo siya ireredeem para mas makamura ka."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko at tumingin sa hawak niyang rectangular card.
"Pasensya na po ma'am pero bawal po kaming tumanggap ng tip mula sa customers, at saka malaking halaga na po ito." Ibabalik na sana niya sa akin ang card pero agad kong inilagay sa aking likuran and dalawa kong kamay. Hindi naman kasi kalakihan ang amount ng gift certificate, worth 2,500 pesos lang ito.
"No, no. Ibinigay ko na 'yan sa'yo at hindi mo na pwedeng ibalik pa sa akin. And besides, isipin mo na lang na isa 'yang token of appreciation dahil natutuwa ako sa energy mo kahit tanghaling tapat at sobrang init sa labas."
"Pero ma'am..." Napakamot na ito sa kaniyang batok.
"Pero hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin 'diba? Kaya go lang po kuya, sigurado akong matutuwa ang kapatid mo kapag pinasalubungan mo siya ng masarap na pagkain." Pa'no ko alam na may kapatid siya? Well, feel ko lang.
Charot! May nakita kasi akong colorful loom bands na nakasuot sa kaliwang palapulsuhan niya, at hindi naman siya yung tipo na gumagawa ng bracelet out of loom bands. So I guess his sibling made it for him.
Bago pa siya makasagot ay agad ko ng tinawag si Miss Castro at sinabihang pakihatid si kuyang delivery boy papuntang elevator.
Pero bago siya pumasok sa elevator ay tumingin muna ito pabalik sa akin at mahinang iniusal ang salitang "Salamat." Na siyang sinagot ko ng dalawang thumbs up.
Nang makapasok na siya ng elevator ay agad kong tinungo ang bulaklak at Mcfloat na nasa center table. Inamoy ko ang santan kahit na alam kong wala itong-- huh?
Wow naman! May pa pabango at paglitters pang nalalaman ang bulaklak na 'to. Ang bongga ha.
"Nice." Naiusal ko sa sarili bago tusukin ng straw ang Mcfloat. Hmm, so refreshing!
Salamat kay Santan Boy na nagbigay nito.
Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagnamnam ng Mcfloat ay napansin ko ang isang maliit na papel na nakaipit sa bulaklak.
"A note?"
Inilapag ko muna sa lamesa ang Mcfloat bago buksan ang note.
"Hello sa aking future girlfriend! Alam kong busy ka ngayon kaya pinadalhan kita ng bulaklak at ng paborito mong Mcfloat para mafreshen up ka. Also, huwag mo na sanang planuhin ulit na itapon ang Santan dahil hindi biro ang mag-alaga nito. I have to take very good care of it it para maging maganda ito kapag ibinigay ko sa'yo because you are the reason kung bakit ako nag-aalaga ng Santan.
Take care and I love you aking future girlfriend~
- Santan boy / Your future boyfriend"
Hindi ko na napigilang humagalpak ng tawa pagkatapos mabasa ang note.
Langya! Parang tanga HAHAHAHAHAHAHAHA!
Pero teka, so confirmed nga na siya ang nagbigay nung unang Santan? At siya ang nag-alaga?
Wow naman, mabuti at nahaharap niya pang nag-alaga ng halaman kahit sobrang busy niya. Sabagay, hindi naman gano'n kahirap mag-alaga ng Santan kung tutuusin. As long as naaarawan at sapat ang idinidilig na tubig ay mabubuhay ito.
Pero itong ibinigay niyang Santan ay ang bongga. Madalas akong makakita ng bulaklak ng Santan na may apat na petals at madalang lamang ang may limang petals. Kung kaya'y namamangha talaga ako dito sa ibinigay niya dahil 1/3 ng mga bulaklak ay may limang petals at may mangilan-ngilan pang may anim na petals!
Amazing isn't it?
Matanong nga minsan kung saan niya nakuha itong uri ng Santan.
Habang sinisipat ko ang bulaklak ay bigla namang nag-ring ang phone ko na agad kong kinuha sa bulsa ng coat ko.
"Iyong Future boyfriend?" Pagbasa ko sa caller id na siyang nagpataas ng bongga sa kaliwa kong kilay.
At kailan niya pinalitan itong pangalan niya sa contacts ko?!
Naku! Eksena talaga 'tong lokong 'to.
At saka ano ba'ng kailangan nito?
"Oh?" Pagbungad ko sa kaniya. Ang rude ko ba? Well, I shouldn't let my guard down hindi porket binigyan niya ako ng magandang bulaklak at ng paborito kong McFloat ay lalambot na ako.
Hangga't hindi niya naaalala ang atraso niya sa akin ay hindi kami totally okay.
"Hi Miss Sungit!" Sagot naman nito. Wow, good mood ata ang maeksena.
"Sungit ka diyan, che!"
"Aww, ayaw mo ng Miss Sungit? Oh sige Misis Ko na lang." Then he chuckled.
"Tanghaling tapat Rigel, umeeksena ka nanaman!" Minasahe ko ang aking sentido. "Siya nga pala, bakit ka napatawag? Wala ka bang trabaho? Akala ko ba ay sobrang busy ka?" Kaya nga daw niya tinerminate ang contract dahil busy siya eh.
Note the sarcasm.
"Grabe ka naman, masama bang tawagan ka? Why so mean Abby?" Pakiramdam ko ay naka-pout siya habang sinasabi 'to. Naiisip ko pa lang ang mukha niya ay nangangasim na ang mukha ko.
"Oo masama, lalo na kung ikaw."
Syempre charot lang!
"So how's the flowers? Nagustuhan mo ba?"
"Well, appreciated ang effort mo. Kaya thank you Rigel~" I said sweetly and sincerely.
"That's good then. Hindi ko na tatanungin kung nagustuhan mo ang float dahil sigurado akong gusto mo talaga 'yan."
Napahagikgik ako sa sinabi niya.
"At dahil diyan, okay na tayo. You're forgiven sa pag-breach ng contract sa company."
"Ahh that's it!" Humagikgik ito. "As I have said, I'll be busy these coming weeks and months so I have to terminate it baka mag-cause pa ako ng problema kapag hindi ko nagampanan ng maayos ang trabaho ko sa kumpanya niyo. Bawas pogi points din 'yon kung sakali."
Sasagot na sana ako nang makarinig ako ng boses ng isang babae mula sa kabilang linya.
"Who's that baby Rigel?" Malambing na tanong nito.