Chereads / Online It Is / Chapter 93 - Chapter 46.5

Chapter 93 - Chapter 46.5

Chapter 46.5:

Abby's POV:

"Hey Abby, look at me. Bakit hindi ka nanaman namamansin? I thought we're already okay?" At saka ito humarang sa dinaraanan ko.

"We're okay." I said coldly.

Umagang-umaga, umeeksena nanaman ang loko na siyang mas ikinaiinit ng ulo ko. Puyat ako tapos umeepal pa siya.

Naku kaunti na lang talaga at malapit ng dumapo itong kamay ko sa ulo niya.

"Then why are you so irritable? Why are you so cold to me?" Medyo naiinis na rin na sabi niya.

Buong linggo na kasing malamig ang pakikitungo ko sa kaniya, at naiinis ako dahil ngayon niya lang napansin!

"Busy ako Rigel, I have to finish all of these so I can sleep at my office later. Can't you see my eyebags? Ang itim 'diba?" Itinuro ko pa ang eyebags ko na hindi ko na nalagyan ng concealer dahil sa sobrang pagmamadali kong umalis sa bahay kanina.

Nag-binge watch nanaman kasi ako kagabi ng Korean drama kaya heto ako ngayon, bangag to the highest level.

"Pero kahapon hindi ka naman puyat, but you also acted so coldly. What's your problem Abby?"

"Ikaw, ikaw ang problema ko Rigel. At kung hindi ka pa aalis sa harapan ko ay baka maibato ko sa'yo 'tong hawak kong mga papel."

Gigil niya sa ako.

Umusod naman siya patagilid pero nang malampasan ko siya ay agad nanaman itong bumuntot sa akin.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano'ng nagawa ko."

Edi bahala ka diyan!

Hinayaan ko na lang siyang sumunod sa akin, baka kasi kapag hinarap ko pa siya ay hindi na ako matapos sa ginagawa ko.

At ang loko, kinareer nga ang pagiging body guard ko buong araw! Talagang hindi niya ako tinigilan kahit hindi ko siya pinapansin.

Gaya na lang kaninang tanghali, kasama kong mag-lunch ang mga employee ng kumpanya sa cafeteria. Lumayo naman ito ng kaunti sa akin, pero nasa kabilang table lang ang pwesto niya!

Tinanong ko siya kung wala ba siyang trabaho ngayong araw at bakit pinag-aaksayahan niya pa ng oras ang pagpunta dito sa kumpanya, pero ang isinagot niya lamang ay "Ikaw ang trabaho ko ngayon, kaya sa'yo ako nagcoconcentrate." O 'diba ang galing niyang sumagot.

Nakakakilig.

Pero nakakainis rin at the same time.

Gano'n rin ba ang sinasabi niya doon sa tumawag sa kaniya ng "baby Rigel" last week habang magkausap kami sa phone?

Kung gano'n nga ay bakit hindi na lang siya doon mangulit?

"Where are you going? Are you hungry? What do you want to eat?" He asked as the elevator goes down.

Pupunta ulit ako ngayon sa isang resto malapit sa building ng  kumpanya para bumili ng makakain ko mamaya dahil napagdesisyunan kong mag-overtime mamayang gabi. Nakatulog kasi ako kanina pagkatapos ng lunch break kaya yung trabahong dapat sana ay natapos ko na, ayon, na-drawing.

Kaya heto ako, pagbabayaran ang aking kapabayaan.

"Diyan lang sa tabi-tabi, bibili ng dinner." Sagot ko pero hindi nakatingin sa kaniya.

"Dinner? Is it too early to buy dinner? It's only five in the afternoon, and besides, lalamig na 'yon kung mamaya mo pa kakainin."

"I'm going to do an all nighter." Tamad kong sagot 

"Akala ko ba ay ginawa mo na kaninang after lunch? I actually thought that you're going home now."

Hindi ko siya sinagot, bagkus at nagkibit balikat lang ako bago lumabas sa kakabukas lang na elevator.

Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng elevator ay muntik na akong matumba dahil sa pagkakabunggo sa taong papasok rin ng elevator.

"Aray! Hala sorry po-- Nich?" Nagulantang ako nang makita si Nich na nasa harapan ko. Pero hindi lang siya nag-iisa dahil nasa tabi niya si Steph na mukhang nasurpresa rin sa naging banggaan namin ni Nich.

"Hey Abby, hey Nich!" Medyo gulat pero masayang bati ni Nich.

Hinayaan muna nila kaming tuluyang makalabas ng elevator at saka kami pumwesto sa gilid.

"Hello sa inyo, what brings you here pala?" I smiled at them.

"Ah about that, ikaw talaga ang sadya namin ni Steph dito, papunta na kami sa office mo pero yun nga ay nakasalubong namin kayo." He said as he looked at me, then to Rigel.

Ako ang sadya nila? Bakit?

"Steph has something to tell you. Do you still remember what I told you at the hospital?"

"Ahh, I see." Napatingin ako kay Steph na nakangiting nakatingin sa akin. Ningitian ko rin siya bilang ganti.

"Aayain ka sana namin sa malapit na restaurant for dinner, kung ayos lang sa'yo? Pero kung busy ka ay ayos lang naman, pwede naman sigurong sa ibang araw na lang." Nag-aalangang sabi ni Nich.

Sandali akong napaisip.

Gusto ko mang sumama sa kanila ay marami pa akong kailangang gawin ngayon.

But the fact na sinadya pa talaga nila ako dito sa gan'tong oras dahil ang alam nila ay pauwi na ako...

"Yes."

"No."

Nagkatinginan kami ni Rigel dahil sa sabay naming sagot.

Mukhang naguluhan ang dalawa dahil sa isinagot namin.

Malamang ay naguguluhan si Rigel dahil umoo ako, eh kakasabi ko pa lang kani-kanina na mag-aall nighter ako.

"Yes sure! Sige wait lang ha, kukunin ko lang yung gamit ko sa taas."

"But--" May sasabihin pa sana si Rigel, pero pinandilatan ko siya ng mata kaya hindi na niya ito itinuloy.

Sumang-ayon naman si Steph at Nich, at sinabing hihintayin na lang nila ako sa baba.

Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa bag ko ay napatingin ako sa mga trabahong iiwanan ko ngayon.

"I'm so sorry mga friends at hindi ko nanaman kayo maaasikaso. But I promise, bukas ko na talaga kayo aasikasuhin." Parang tangang pagkausap ko sa mga papel na nasa working table ko.

I changed my outfit from office attire to semi-formal attire. Simpleng knee length plain sleeveless orange na dress lang siya na pinaresan ko ng  one-inch high white sandal.

Nang makababa ako nakita kong naghihintay sila sa lounge. Nilapitan ko sila at 'yon na lang ang gulat ko nang makitang nagpalit din pala ng outfit si Rigel.

Pero agad napataas ang kilay ko nang mapagtanto kung ano ang kulay ng suot niyang long sleeve polo.

"Wow! It seems like we're going on a double date. Aren't we?" Nich said habang sinisipat ang suot naming dalawa ni Rigel at ang suot nila ni Steph. Ngayon ko lang din napansin na naka-couple attire din pala silang dalawa ngayon. 

Agad akong napangiwi dahil sa sinabi ni Nich.

Hindi rin kami nagtagal sa lounge at dumiretso na sa restaurant na sinasabi ni Nich na pupuntahan namin.

Inalok nila kaming sumakay sa sasakyan nila para sa pagpunta, pero tumanggi kami ni Rigel dahil napagdesisyunan naming gamitin na lang ang sari-sarili naming sasakyan para pagkatapos naming kumain ay hindi na kami babalik sa kumpanya para kunin ang aming mga sasakyan. Kumbaga ay diretso uwi na agad mamaya.

Actually ay medyo malayo rin pala ang sinasabi nilang restaurant. Sinabi lang ni Nich na malapit dahil 20 minutes away lang ito kung gagamit ng sasakyan at walang traffic.

Bale ang pwesto namin ay nasa unahan ang sasakyan nila Nich at Steph as our guide, pumapangalawa ako, at panghuli naman si Nich.

Busy ako sa pagdadrive nang magring ang phone ko.

It's Rigel.

I put my bluetooth earpiece on then answered the call.

"Hey, did you change your footwear?" Bungad niya.

"Yes. Lagi akong may extrang footwear dito sa kotse para pang-drive, so don't worry."

"That's good then. Okay, drive safely." Hindi pa ako nakakasagot pero agad na niyang tinapos ng call.

Napataas ang kilay ko, pero agad din itong bumaba at nagkibit-balikat na lang ako.