Chereads / Online It Is / Chapter 70 - Chapter 35.0

Chapter 70 - Chapter 35.0

Chapter 35:

Abby's POV:

"You know Nich that I love you right? Hindi man kasing lalim ng pagmamahal mo sa akin, pero minahal kitang tunay at 'yon ang totoo."

"Babe--" I cut him off. 

"Ops Nich, what did I told you? Hayaan mo muna akong magsalita ngayon. Sasabihin ko sa'yo kapag tapos na ako, kaya relax ka lang okay?" Halatang labag sa loob niya ang sinabi ko, pero tumango na lang siya.

"Hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula Nich. Mukha lang akong fresh pero ang haggard ko talaga kapag tinanggal ko ang kolorete sa aking mukha." I awkwardly laughed.

"Pero kailangan ko ng sabihin sa'yo ngayon ang lahat. Kasi baka kapag pinatagal ko pa 'to ay baka marealize ko na huli na pala ang lahat." I bitterly smiled at him, pero nakatungo lang siya at nasa lamesa ang tingin.

Huminga ako ng malalim. "I'm breaking up with you Nich." 

Anim na salita lang ang binitawan ko, pero ang anim na salitang 'yon ay nagdulot ng parang may isang daang matatalim na kutsilyong sumaksak sa aking dibdib.

Agad napaangat ng tingin si Nich. Magkahalong gulat at sakit ang nakikita kong reaksyon mula sa kaniyang mukha.

"Babe, no. Nagjojoke ka lang 'diba?" With his trembling hands, he held mine. "Kasi babe, kung tungkol ito kay Anie ay pwede ko pa 'tong maayos. P-pwede pa naman nating ayusin 'to 'diba? Kaya kong hatiin ang oras ko para sa'yo at sa anak ko kay Anie." Ilang beses akong umiling sa kaniya habang pinipigilan ang mga luhang gustong-gusto ng kumawala sa aking mga mata. 

Hindi ako pwedeng umiyak. Kapag umiyak ako, mawawala ako sa focus. Makakalimutan ko ang sasabihin ko kay Nich, worst is, baka tuluyan ko ng hindi masabi.

Dahan-dahan kong inalis ang nanginginig niyang mga kamay mula sa aking kamay.

"How I wish Nich. How I wish na joke lang ang lahat ng 'to. Pero ito ang realidad Nich. I have to let you go even if it hurts."

"Nanggaling ka sa broken family Nich, alam mo kung gaano kasakit ang pakiramdam ng hindi man lang naranasan ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya. Gusto mo bang maranasan ng anak mo ang naranasan mong lungkot at hirap? You're now a dad Nich, at ang pagkakaroon ng anak ang isa sa mga pinakamagandang biyaya na matatanggap mo sa buong buhay mo, lalo na kung ang nagsilang nito ay ang babaeng pinakamamahal mo."

Nanlaki ang mga mata ni Nich dahil sa huling sinabi ko.

May kinuha akong isang litrato sa bag ko saka ito inilapag sa lamesa. Kupas na ang litrato, may kaunting sunog ito sa may bandang itaas na nagdulot upang hindi makilala ang hitsura ng babae na nasa litrato. Nakaturo sa camera ang babae pero ang lalaki naman ay nasa babae lang ang tingin habang nakangiti. Ngiting nangangahulugan ng lubos na pagmamahal sa isang tao.

Matagal na 'to sa akin, pero ngayon ko lang ulit naalala. Nahanap ko ito habang nagkakalkal ng mga gamit sa bahay kahapon.

"Oo Nich, alam ko. Alam kong hindi lang ako ang naguguluhan sa tinitibok ng puso ko. Ikaw rin Nich, at mas malala ang sa'yo. Alam naman nating parehas tayong broken nang magkakilala tayo, kaya ang isa't-isa ang naging sandalan natin. Parehas tayong gumaling mula sa sakit ng nakaraan, hanggang sa naging tayo."

"Ikaw na mismo ang nagsabi Nich, minahal mo ng lubos si Anie, pero sobra ka niyang nasaktan kaya ka naghanap ng bagong pupuna sa pagkukulang niya sa'yo. Minahal mo ako, at minahal rin kita. Tunay ang naging pagmamahalan natin, pero ang nakakalungkot ay ang katotohanang bunga ito ng tinatawag nating ego. Masyadong nasaktan ang ego natin dahil iniwanan tayo ng taong mahal natin. Kaya para hindi matapakan ang ego natin ay naghanap tayo ng kapalit para maging panakip sa sakit."

"Pero Nich, hindi gan'tong pagmamahalan ang gusto ko. Yung pinipilit mong gawin ang lahat para mahalin ang isang tao dahil ayaw mo ulit maiwanan. Mahal mo ako Nich dahil iyon ang sinasabi ng isip mo. Mahal mo ako dahil alam mong hindi kita kayang iwan. Alam mong mahirap sa'kin ang iwan ka dahil alam ko ang pakiramdam ng maiwanan."

"At gano'n rin ako sa'yo Nich, mahal kita dahil  mahal mo ako. Nakakaramdam ako ng guilt everytime pinaparamdam mo sa akin na mahal mo ako, at hindi ko man lang mapantayan ang pagmamahal na 'yon. Mahal kita dahil alam kong parehas tayong naiwanan at pakiramdam ko ay para tayo sa isa't-isa ng dahil do'n. Ginagawa ko ang lahat para mapantayan ang pagmamahal mo dahil natatakot akong maiwanan ulit."

"But I realized na hindi dapat gano'n ang pagmamahal. Ang pagmamahal ay kusang nararamdaman at kusang ipinaparamdam. Ang pagmamahal ay matapang, at 'yon ang gusto kong maranasan at maramdaman."

"Gusto kong magmahal ng walang dahilan. Ang gusto ko ay mahal ko ang isang tao dahil iyon ang nararamdaman ko, dahil 'yon ang gusto ng puso at isipan ko. Yun bang magmamahal ako nang walang ineexpect na kapalit. Masaktan man o maiwanan ng minamahal ay ayos lang dahil alam kong parte 'yon ng pagmamahal. Gusto kong maranasan yung sakit na dulot ng pagmamahal. Yung kapag nagmahal ka at nasaktan ka ay hindi ka matatakot magmahal ulit, handa kang masaktan ulit. Dahil ang tunay na pagmamahal ay nagpapalakas at nagbibigay saya sa kabila ng problema at sakit na ibinibigay sa'yo ng mundo."

"Hindi mo naman siguro itatago ng matagal ang litratong 'yan Nich kung hindi mo minahal ng totoo si Anie, at kung wala ka ng nararamdaman para sa kaniya. Hindi mo rin siguro alam na ang pangalan ni Anie ang binabanggit mo kapag nananaginip ka. Ilang beses pa lang tayong nagtabi matulog, pero pangalan niya ang binabanggit mo sa ilang beses na 'yon. Alam ko Nich, sa kabila ng pagmamahal mo sa akin ay may nakatago ditong what if  at sana. What if si Anie ang kasama mo sa mga oras na 'to? Kung naging matapang ka lang noon ay kayo pa rin sana ni Anie hanggang ngayon."

Kasi 'yon ang ang naiisip ko sa tuwing kaharap ko si Nich. What if hindi niya ako iniwan? Kung sana lang ay umamin ako sa kaniya ng maaga dati ay kami na siguro ngayon. What if siya ang kasama ko sa mga oras na 'to?

"Ito na siguro ang oras para maging totoo tayo sa mga sarili natin. Kasi the more na nagpapanggap tayo, the more nating niloloko ang mga sarili natin; the more na pinipilit natin, the more tayong nasasaktan."

"Sabi nga nila, sometimes, letting go is better than holding on. Walang taong magpapatuloy sa pag-iinvest sa isang kumpanya kung alam niyang malapit na itong mabankrupt."

Ilang segundong katahimikan ang namayani bago makapagsalita si Nich.

"H-How come? Bakit hindi mo sa akin sinabi dati? Bakit ngayon lang?" Naguguluhang tanong nito.

Ningitian ko siya. "Alam mo ba kung bakit? Kasi natatakot akong maiwanan dati. Natatakot akong maiwanan mo. Ako ang mahal mo sa kasalukuyan, pero si Anie talaga ang mahal mo mula noon magpahanggang sa hinaharap." 

Ako naman sa ngayon ang humawak ng kamay niya na nakapatong sa lamesa.

"Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Oo, masakit kasi pakakawalan na kita, pero sa kabila ng sakit ay masaya ako dahil ako naman ang bubuo ngayon sa taong bumuo sa'kin no'ng mga panahong wasak ang puso ko. Gusto kong maranasan mo ang totoong saya, yung walang halong takot at pamimilit. Gusto kong maranasan mo ang kumpletong pamilya, pero sa ngayon, sa bago mong pamilya."

"Siguro nga, marami na tayong nainvest para sa isa't-isa. Hindi man natin magkasamang mapapakinabangan ang ininvest natin, but it does help us to be a better version of ourselves for others. Sigurado akong magiging makulay at masaya ang inyong pamilya sa loob ng bago niyong bahay." Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya habang inilalagay doon ang isang duplicate key.

Ni hindi man lang nagawang gumalaw o tumingin sa akin ni Nich, pero nasa susi lang ang kaniyang tingin.

"Hindi man ako ang nasa tabi mo habang buhay, pero habang buhay naman akong mananatiling kaibigan mo. Ako 'to si Abby, one call away lang basta para kay Nich."

Dahan-dahan kong nilisan ang restaurant ng may sakit at sayang nakaukit sa aking puso.

Ngunit pagkaapak pa lang ng paa ko sa labas ng restaurant ay sinalubong ako ng mga katagang,

"Can we talk for a moment?"