Chereads / Online It Is / Chapter 71 - Chapter 35.5

Chapter 71 - Chapter 35.5

Chapter 35.5:

Abby's POV:

Nakailang lunok na ba ako ng laway simula ng makarating kami dito sa cafe?

Dang, ilang minuto na kaming nandito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung ano ang pakay niya.

Alas otso na ng gabi, and I should be at home right now kung hindi lang ako inaya ni Steph na mag-usap.

Yes, the one and only Stephanie Johnson. Hindi na ako magtatakang nandito siya sa Pinas dahil nandito si Rigel. Nasa'n kaya ang anak nila? Baka nasa pangagalaga ng maeksenang Rigel.

Anyways, the atmosphere is making me uncomfortable. Not because I am nervous, but Steph's presence is giving me chills to the bones. 

Ano kaya ang pag-uusapan namin? Is it about the Hawaii trip? May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan? As far as I know, naging casual lang ang pakikitungo ko kay Rigel. Well, wala naman akong balak na agawin sa kaniya si Rigel so she doesn't have to worry.

"How are you doing Miss Dizon?" Formal na tanong niya bago humigop ng inorder niyang mainit na kape. Kahit sobra akong naaakit sa amoy ng newly brewd na kape ng cafe ay Frappe lang ang inorder ko since maaga pa ang pasok ko bukas. Hindi magandang ideya kung lalaklak ako ng caffeine ngayon.

"I'm doing good. How about you Miss Johnson?" This is my first time talking to her, but I don't know why is she giving me this creep feeling inside me.

"Great." Ngunit kabaliktaran ng sinabi niya ang ekspresyon na ipinapakita ng kaniyang mukha. Ano'ng problema nito?

"So what is this that you want to talk about?" Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Broken ako ngayong araw kaya mas gusto ko na lang umuwi ng bahay at matulog. Ang galing naman kasi niyang tsumamba, bakit ngayon pa niya ako naisipang kausapin. 

Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero parang gano'n na nga. Charot!

Pinag-krus ni Steph ang kaniyang mga hita saka sumandal sa upuan. She's just wearing a simple flowy yellow dress na bumagay sa maputi niyang balat. Nakasuot din siya ng short bob wig as disguise which is very effective dahil wala pang nakakakilala sa kaniya hanggang ngayon. Tumingin-tingin ako sa paligid, baka may nakabuntot na paparazzi, baka bigla kaming dumugin dito kapag nalaman nilang may isang hollywood celebrity dito sa cafe.

Good thing ay mukhang safe naman ang cafe ngayon, wala akong nakikitang kahina-hinalang tao.

Naks, ang swerte naman ng anak nila ni Rigel. Pangmalakasan ang genes ng mga magulang niya. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Anyways, let's get back to the business.

"So how does it feel?" Makahulugang tanong niya. Ano daw?

"What do you mean?" Pinagkrus ko ang aking mga braso saka din sumandal sa upuan. May something sa tono niya niya na hindi ko gusto.

She smirked. "How does it feel being the center of the world of two guys? What's with you that makes them go crazy and choose you over me?"

Ano'ng pinagsasabi nito?

"Could you please get straight to the point?" 

"Oh, playing dumb are you?"

"I'm sorry, but if you don't have something important to say, I think it would be better if I go now." Kung inaya niya ako para lang makipaglaro ay pass muna ako, wala ako sa mood ngayon.

"Ako ang mas matagal na nakasama pero ikaw ang nagustuhan at minahal, ikaw na panandalian lang na nakasama." Madiin na sabi nito. Shoot, marunong palang mag-tagalog 'to eh. Kahit balukotot ang pagkakasabi niya ay okay na rin para sa isang gaya niya. Malamang ay tinuruan siya ni Rigel.

But she said what?

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako at may sinabi siyang lubos na nagpagulo ng utak ko.

"Ako ang unang naikama, pero ikaw ang mas minahal. Ako ang nabuntis, pero ikaw pa rin ang pinili. How lucky you are dear." Pagak itong tumawa.

Lintik, ano ba ang pinagsasabi nito?

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Pwede bang diretsuhin mo na ako?" Hindi ko na napigilan ang iritasyon sa aking boses. Mukha siyang mataray, pero mas mataray ako.

"Okay then. I'll be straight to the point." Dumiretso siya ng upo saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa and vice versa bago huminto ang paningin niya sa aking mata. 

"Mas matagal kong nakilala at nakasama si Nicholas, pero ikaw ang nagustuhan at minahal niya, ikaw na nakasama lang niya during the quarantine. Ako rin ang unang naikama at nabuntis ni Nicholai pero ikaw pa rin ang pinili niya, sa'yo pa rin niya gustong umuwi at the end of the day." She firmly said without breaking our eye contact.

Just what?

What does she mean?

Nicholas? Quarantine?

Nicholai? Nabuntis?

Don't tell me...

Oh god!

Oh my gosh!

Could it be...

Nicholas... Rigel Nicholas Petterson...

Nicholai... Nicholai Sarmiento... Nich Sarmiento

Steph...

Anie...

Short for Stephanie Johnson.

Ilang beses akong napakurap.

Nanlaki ang aking mata nang muli ko siyang pagmasdan. 

"Yes dear, this is not our first time to meet." She smiled devilishly.

Para niyang sinasabi sa akin na ang tanga ko dahil ngayon ko lang narealized ang lahat.

But there's another thing that bugs me.

"M-May anak kayo ni Nich, I mean Nicholai?" Fudge, parang lalabas na ata ang puso ko sa mga sandaling ito.

"Yes, Philip is our son." She then took another sip to her coffee.

Could it be...

Could it be...

Could it be...

"Si Rigel lang ang tumayong ama for some reason, but he's not the real father of my child. Ni minsan ay walang nangyari sa amin at imposibleng may mangyari because he's so head over heels to his so called online girlfriend until now."

So, walang anak si Steph at Rigel. 

Pero may anak si Steph at Nich.

T*ng*n@ wait lang.

Just what the hell?!

"You seemed surprise, I guess Nicholas didn't tell you yet. I thought he's going to tell you in Hawaii, but I guess I was wrong. Even if I want to tell you the whole truth, but it's not my story to tell. Rigel would be more suitable person to tell you all about it."

Napatungo lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang biglang nawala ang taray ko sa katawan. Parang ayaw bumukas ng mga labi ko para magsalita. 

Hindi na iritasyon ang nararamdaman ko dahil napalitan na ito ng awa ngayon. Awa sa aking sarili dahil sa mga nalaman.

Naaawa ako sa sarili ko dahil ilang taon akong naniwala sa mga bagay na walang katotohanan. Ilang tao akong naniwala sa kasinungalingan.

The revelation these past few this until now is just too much. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko ng wala sa oras dahil sa mga nalaman.

"But what I can't understand is Nicholai. Why is he so inlove with you? Just what the fuck is with you that Nicholas and Nicholai can't get over with? You're just a little girl who loves b*tching around boys so you could get them-- WHAT THE F*CK?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong buhusan siya ng inorder kong frappe. Nakarinig din ako ng pagsinghap mula sa ibang mga customer.

"Kung may b*tch man dito ay ikaw 'yon!" Dinuro ko siya. "Hindi nababase sa tagal ng pagsasama ang pagmamahal, kahit buong buhay niyo pa kayo magkasama kung hindi ikaw ang mahal niya, hindi mo siya mapipilit at hindi mo ako masisisi. At saka baka nakakalimutan mo, na kapag humarot ka at kinant*t ka, hindi ibig sabihin na pipiliin ka. Tandaan mo uso ngayon ang hit and run. Mag-isip ka muna bago bumukaka-- I mean, bago mo ibuka ang bibig mo nang hindi ka maperwisyo." Tumayo ako saka kinuha ang aking bag.

Napatingin ako sa mukha ni Steph, or should I say Anie. Poor frappe, hindi ko man lang nakalahati.

"Lastly, matuto lang magpahalaga habang nasa'yo pa. Para hindi ka magsisi kapag nasa iba na." Sabi ko bago siya iwang mag-isa sa table. 

I smirked. Pinagbubulungan na siya ng nga tao, at baka may makakilala na rin sa kaniya mamaya. That's what you get when you mess with me.

Kung kanina ay awa ang nararamdaman ko para sa sarili, ngayon naman ay proud na ako. Tutal b*tch na rin pala ang tingin niya sa akin, edi papakitaan ko na siya ng b*tch side ko.

Hindi tumingin sa likod kahit isang beses hanggang sa makalabas ako ng cafe. 

Pero bago pa ako makarating sa kinaroroonan ng sasakyan ko ay nakaramdam ako ng biglang pagkahilo.

Medyo kumirot ang tiyan ko.

Pero nang kapain ko ito ay iyon na lang ang gulat ko nang may pulang likidong tumutulo mula sa aking tiyan.

May nalalasahan din akong parang kalawang sa aking bibig.

Sandali akong napatitig sa aking mga kamay bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.