Angelica Point of view
Maaga pa lang gumising na ako dahil ako ang toka sa pagluluto samantalang si Anna sa paglilinis alam ko at ramdam ko kahapon na may nangyari na hindi maganda kay Anna naniwala na lang kunno ako para hindi na masyadong humaba ang usapan namin mamaya ko na lang siguro siya kakauspin tungkol doon ang kailangan ko ngayon ay ang mag umpisa na pagluluto.
Habang nagluluto nagpatugtog na muna ako ugali ko kasi yung ganito kada magluluto ako eh habang naghanda ako ng sinangag na kanin nagsaing pala kami tapos hindi naman kami dito kumain nagprito na din ako ng itlog at hotdog tapos sinama ko na din ang corn beef dahil favorite namin pagkatapos ko ay nag timpla ako ng maiinom namin kape sa amin nila Lala at Jaja tapos gatas kay Anna dahil nasanay siya sa bahay nila.
Paakyat na dapat ako para gisingin sila ng makita ko na pababa na sila at halatang nakapaghilamos na sila.
"Naamoy ko na ang corn beef." Sabi ni Anna
"Mee too let's eat na mga te." Sabi ni Lala pagkatapos ay umupo na kaya naman sumunod na ako sa pag upo sa kanyia.
Habang kumakain kami ay nag uusap na muna kami na tungkol sa pagbili namin ng libro ni Anna.
"Kumusta pagbili ng libro, sayang nakatulog na kami e." Sabi ni Lala
"Natagalan lang kami e traffic kasi." Sagot ni Anna
"Ahh, pero maiba tayo may pumunta dito kagabi hinahanap ka Anna." Sabi ni Jaja bigla na lang napahinto si Anna at napatingin kay Jaja
"Sino daw?" Sabi ni Anna
"Hindi nagpakilala e tatawag na lang sa'yo." Sagot ni Jaja
"Hayaan niyo na lang siguro." Sabi niya tapos ay nagpatuloy na sa pagkain niya habang ako ay iniisip kung itatanong ko pa ba yung kahapon na pag iyak iba kasi talaga ang kutob ko e.
"Wala ka ba balak kumain." Bigla na lang sabi ni Anna kaya naman nagulat ako haist naguguluhan ako habang kumakain ako ay nagsalita ako about doon.
"Anna? Ano ba talaga ang dahilan ng pag iyak mo kahapon?" Biglang tanong ko
"Hmm,nasabi ko naman na di ba ano pa ba gusto mo malaman." Sabi niya pa habang kumakain pa rin.
"No, hindi ka nagsasabi ng totoo wag mo ako lokohin." Sabi ko
"Totoo naman sinasabi ko e, you know me." Sabi niya tapos humarap sa amin
"Mga linya mo na you know me, hindi ako papakabog aamin ka o hindi kita papansinin." Sabi ko
"Okay fine." Sabi niya yung dalawa nakatingin lang sa amin
"Anong mayroon hindi kami nakakarelate." Pagbibiro ni Lala
"Siya tanungin niyo gagawin pa akong tanga e." Sabi ko na naiirita pa sabay turo kay Anna na ngayon natahimik bigla na lang napatigil si Lala at Jaja
"Kalma lang Ange hayaan natin siya kung magsasabi o hindi baka hindi pa kasi ready hayaan na muna natin siya." Sabi ni Jaja
"Kaya nga hayaan na muna natin siya. Anna kapag handa ka na makipag usap at magsabi sa amin handa kami makinig sa'yo." Sabi ni Lala
Tumango na lang si Anna hindi ko siya masisi alam ko nasasaktan pa yan sa hiwalayan nila ng ex niya wala pa isang linggo ang nakalipas kaya hindi pa siya lubusan nakaka move on, nagalit ako kasi nag aalala ako para sa kaniya kaibigan niya ako kaya natural lang na masaktan ako para sa kaniya atsaka nag aalala ako sa nararamdaman niya mahirap talaga kapag hindi pala kuwento hindi mo alam ano mga nararamdaman niya juskoo help us po.
Si Jaja at Lala ang naka toka sa paghuhugas ng pinggan samantalang si Anna sa pag aayos at paglilinis natapos na yung gawain ni Anna kaya magkasama kami ngayon sa may sala habang nakaupo sa sofa siya nagbabasa samantalang ako nagfefacebook wala naman ka chat tanggap ko naman yun e mahirap talaga kapag hindi fame walang ka chat. Ilang minuto ay naisipan ko na lang na itigil ang ginagawa ko wala naman akong napapala tumayo na lang ako at naglakad papunta sa kuwarto ko.
Pagpasok ko sa loob nakita ko yung frame na may picture namin na dalawa ni Josh ex ko 5 months na ang nakalipas pero hanggang ngayon naalala ko pa din siya ewan ko ba naka move on naman na talaga ako sa kanya bigla ko na lang naalala yung kaganapan namin nung araw na maghiwalay tayo.
THROWBACK
Naglalakad ako papunta sa bahay nila Josh nagluto ako ng carbonara kasi favorite niya iyon at sakto rin na naghanda si mama dahil birthday ng kambal ko na kapatid. Habang naglalakad ako papunta sa kanila grabe yung kaba ko hindi ko alam ang dahilan kinausap ko sarili ko.
"Angelica excited ka lang kasi after 1month na hindi niyo pagkikita yan wala na ibang dahilan pa." Sabi ko sa sarili ko habang papunta sa kanila ay naging stay positive lang talaga ako kasi hindi ako negative na tao.
Makalipas ang ilang minuto dahil hindi naman ganoon kalayo ay nakarating na ako sa kanila nagdoorbell na muna ako at pagkabukas ay yung kapatid ni Josh na si Jackie ang nagbukas sa akin.
"Ate Ange wow! buti po bumisita kayo kumusta po." Sabi sa 'kin ni Jackie tapos ay nakipagbeso.
"Ayos naman be namiss ko kayo kumusta bakasyon?" Tanong ko nagbakasyon sila sa Davao for almost month para siguro sa charity atsaka dumalaw sa mga magulang ni tita mama nila.
"Ayos naman po, ate pasok ka na nakakahiya naman po nakatayo pa po kayo sa may labas." Sabi niya pa
"Ayos lang be."
Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay nila umupo na muna ako sa may sofa para makipag usap sandali kay Jackie.
"Kayo po wala kayong pinagbakasyunan?" Tanong niya
"Wala e sa bahay lang busy sa business wala ng time be." Sagot ko
"Ahh ganoon po ba." Sabi niya pa nasa ganoon kaming sitwasyon ng bigla na lang dumating si tita Janice mama nila
"Oh my! Angelica nandito ka magtatampo na talaga ako sa'yo." Sabi ni tita tapos ay niyakap ako ng mahigpit ilang sandali lang din ay bumitaw siya sa 'kin.
"Namiss ko boyfriend ko e atsaka syempre kayo rin po." Sabi ko
"Akala ko si Josh lang talaga e." Sabi ni tita
"Hindi naman po atsaka may carbonara po ako na dala para sa inyong lahat." Sabi ko tapos ay inaabot ang paper bag kinuha naman ni tita.
"Salamat iha kaya gusto talaga kita, nga pala nasa kuwarto si Josh puntahan mo na yun alam ko naman namiss niyo ang isa't isa e." Sabi ni tita
"Sige po baba na lang po kami para makakain ng carbonara." Sagot ko
"Sige po ate punta na po kami sa kusina." Sagot ko naman
"Sige po."
Pagkaalis ni Jackie at tita umakyat naman ako sa taas 1year na kami ni Josh kaya kabisado ko na bahay nila sa isang linggo mga limang beses akong tambay rito kausap sila tita minsan si tito kasi super close ko talaga sila lalo na si Jackie andami rin kasi namin hilig e lalo na yung kpop drama toon kami nagkakasundo ng sobra kapag kami ang nag uusap ganoon lang ang topic namin kaya ayoko makipaghiwalay kay Josh dahil mayroon akong boyfriend na super bait tapos pamilya niya na napakabait at kasundo ko talaga.
Pag akyat ko bigla na lang may tumutulak sa akin na wag tumuloy pero dahil wala naman ako pake ay tunuloy ako pagkabukas ko sa loob nagulat ako kasi nagkalat ang mga damit at nakakarinig ako ng ungol ng babae kaya naman napasigaw ako sa nakita ko.
"MGA HAYOP KAYO ANG BABOY NINYO." Sabi ko kaya naman napatayo si Josh na wala pa kahit anong saplot wala na akong pake.
"Babe let's me expalain." Sabi ni Josh
"Explain malinaw na sa akin lahat Josh hindi ako tanga para hindi ko malaman kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano kayo kababoy." Sigaw ko sabay hampas sa kaniya hindi pa ako nakuntento kasi lumapit pa ako sa babae na nasa may kama habang may kumot
"Ano masarap ba wala ka na mahanap na iba kaya boyfriend ko ang ginamit mo sa kama ang baboy mo." Sigaw ko
"Syempre masarap halatang fresh pa e, hindi ka raw kasi magaling sa kama atsaka pakipot ka." Sabi niya bigla na lang talaga tumayo ang balahibo ko sa galit kaya naman sinabunutan ko inawat na lang talaga ako ni Josh bumitaw ako sa kaniya.
"Wag mo ako hawakan nakakadiri ka hindi na kita kilala Josh ibang iba ka na umuwi ka lang sa Davao naging ganyan ka na maayos naman tayo e." Naiiyak na sabi ko nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Kailangan ko rin ng kaligayahan Ange hindi mo naiibigay sa akin." Sabi niya sinampal ko siya
"Kaligayahan hindi kaligayahan ang hanap mo libog at sarap tangina Josh hindi ka ba nahihiya sa pinagsasabi mo bata pa tayo 15 years old gusto mo agad ng sarap wow just wow! amazing talaga." Sabi ko naman sabay palakpak nagulat na lang ako kasi nandito si tita at Jackie
"Josh ano ba yan? Bakit hindi ka magbihis nakakadiri ka." Sabi ni Tita
"Bakit may babae rito na outsider." Pagtataray ni Jackie
"Excuse me hindi ako outsider kalandian ako ni Josh." Sabi nung babae na malandi
"Puwede na wag ka na magsalita Criza pinapagulo mo pa e." Sabi ni Josh
"Mag uusap tayo mamaya Josh,ayusin niyo mga sarili niyo." Sabi ni tita sabay labas sumunod naman sa kaniya si Jackie samantalang lalabas na din ako ng hawakan ni Josh ang braso ko.
"Puwede wag mo na ako hawakan sorry siguro hindi talaga ako para sa'yo hindi siguro ako worth it sa'yo pagmamahal lang kaya ko ibigay pero yung libog hindi sa tingin ko kailangan na natin maghiwalay I'm breaking up with you Josh." Sabi ko na hindi nakatingin sa kaniya kasi pakiramdam ko kapag tinitingnan ko siya mas nasasaktan lang talaga ako.
"Please wag naman ganito Ange mahal kita wag naman ganito bigyan mo naman ako ng second chance." Pagmamakaawa niya tapos niyakap ako ng patalikod kumawala ako sa kaniya at humarap umiiyak na siya ngayon alam ko nasasaktan siya pero mas nasasaktan ako kasi ako ang niloko kahit alam ko na talo ako sa laban at nasa huli talaga ang pagsisi isusugal ko na bahala na si Lord sa akin.
"Kakasabi mo lang hindi ko napupuna ang kaligayahan siguro panahon na para palayain kita sa taong mas alam ko na mabibigyan ka ng tunay na kasiyahan." Sabi ko tapos bitaw sa kaniya at sabay pag alis sa kuwarto niya naabutan ko si Tita at Jackie niyakap nila akong dalawa.
"Mauuna na muna ako tita siguro wag na muna tayo mag usap ngayon masyado na po kasi masakit e." Sabi ko
"Sorry Ange hindi ko alam kasi kakarating lang namin nung dumating ka rito." Sabi ni tita
"Wala po kayong kasalanan ako lang po ang dapat na sisihin sa relasyon namin hindi po siguro talaga worth it atsaka may pagkukulang rin po." Sabi ko
"No ate don't blame yourself kuya is the one who blame hindi kulang ate talagang hindi lang po nakuntento si kuya sa inyo." Sabi ni Jackie
"Okay na po, sige po mauuna na po ako sa inyo." Sabi ko
"Hatid ka na namin pauwi." Sabi ni tita
Ngumiti ako sa kanila ng pilit yung ngiti na nasasaktan na talaga.
"Kaya ko po salamat." Sabi ko tumayo na ako sa upuan at mag isa na lumabas sa bahay nila pagkalabas ko kasabay ang mga ulan na bumubuhos na akala mo sinasamahan ako sa pag iyak ko at sa masakit na nararamdaman ko.
END OF THROWBACK
Hanggang ngayon masakit pa rin talaga hindi ko alam na umiiyak na pala ako buwisit.
"Juskoo naman Ange hanggang ngayon umiiyak ka pa rin matagal na panahon na yun uso mag move on at kalimutan ang past."
Pinunasan ko ang mga luha na pumatak at inayos ang sarili dahil pagod na talaga ako ay humiga ako at onti onting pumikit para matulog.